Chapter 13

I parked Vera on the hospital's basement.Bago ako lumisan ay pinatunog ko iyon,then I headed to his room.Isang linggo rin akong hindi nagpakita sakaniya.I wonder if he will treat me right this time?
Matapos ang pag bisita ko sa pamilya ko ay bumalik ako sa trabaho.Pinilit kong wag mag-isip ng kung ano dahil ayokong maapektuhan ang kung ano man ang ginagawa ko.Sa isang linggong iyon wala akong balita kay Vernon.Wala naman akong matanungan dahil hindi naman nagpupunta si Tita Tasia doon because of the heavy heart she had for her son's condition.She's trying to console herself for her to live normal despite of everything.
Si Penelope naroon pa rin sa Sorsogon.I leave her there para siya ang mag-asikaso ng naiwan kong responsibilidad doon.I feel bad for her dahil sa tuwing may pinoproblema ako siya ang sumasalo sa mga gawain ko.
I told her if ever she finished it,sumunod na siya dito sa Manila.Baka sakaling kausapin siya ni Vernon,at least may tiwala ako sakanya than that filth.
Pagpasok ko palang ay una nang bumaling saakin si Bonica.She raised her eyeballs on me but this time, bago pa nya magawa iyon ay umiwas na ako ng tingin.I heard her scoffed because she didn't expect me to turn my gaze rapidly para wag ko lang makita iyon.May kaunti akong pagdabog na narinig.
Whoa..teka lang ah!Anong karapatan niyang dabugan ang presensya ko?
I locked my gaze on him.Nakatalikod siya saakin at bahagyang nakababa ang kumot.I breathe deeply bago magmartsa palapit sakanya.
"Anong ginagawa mo?"she asked as if I'm going to do harm.
Hindi ko iyon pinansin.Wag siyang feeling.Though Vernon trust her and let her be here,hindi ibig sabihin non na may karapatan na siyang diktahan ang mga taong papasok sa kwarto na to.Now that I see her true colors,I didn't find elegance and moral from her.Masyado siyang overvalued sa sarili nya.
Hinawakan ko ang dulo ng comforter mula sa likod niya.Napansin kong namamayat na siya and as I look at it sa malapitan,kitang kita ko ang hirap at mabibigat nyang hininga.
I cleared my throat.
No,no Niña.This is not the time to wail.
Kung titingnan he still looked masculine.He still have this so-called physique of man,though vigor is clear to be absent.Unti-unti kong iniangat iyon pero hirap akong gawin dahil nakadagan ang braso nya sa ibang parte ng comforter.I needed to pull it up para mailagay sakanya ng maayos ang kumot pero natatakot ako na baka magising siya bigla.
The atmosphere of his room was silent.Tanging malamig na hangin na lumalabas mula sa aircon at ang sunod-sunod na pagbuga ni Bonica ang maririnig.
This woman really got a big problem with my presence.Dahil ba gusto nyang masolo si Vernon?Ah,because she digest everything about what Vernon told her?
Too bad.She's going to poop it out once I get back what I really owned.
"Do you really think he will trust you again because you're trying to fix your broken relationship with him?"
Natigil ako sa pag-angat ng mahina sa comforter.Bahagya pang gumalaw ang mga kilay ko bago ibalik ang atensyon sa ginagawa kanina.Inangat kong muli iyon then I faced her nonchalantly.Nakataas ang mga kilay nya saakin habang naka-cross ang mga braso sa dibdib.
Hindi ako sumagot.Tinitigan ko lang siya habang sinusubukan niyang pantayan ang kalmado kong titig sakanya.Supposed that I badly want to cut her tongue and pierce her bitchy eyes with the first metal I saw here,ayaw ko pa ring magkaroon pa lalo ng rason si Vernon na magalit saakin.I want to get back his trust,yes,but I do want more for him to recover.
And to help him,hindi ako gagawa ng magpapalala sa sitwasyon nya ngayon.This was my first move.Ang wag gatungan ang kaartehan ng isang 'to.
She smiled in sarcasm. "Hindi ka makasagot?Why is that..ah,you just want his attention para ano?Para pagkatiwalaan at muli siyang magmakaawa sayo upang makuha ang karapatang dapat matagal mo ng binigay?"
Nagulat ako doon.How did she know that?Sinabi iyon ni Vernon sakaniya?
She smirked seeing me in shock.
I blinked twice bago lumipat sa kung saang direksyon ang mga mata ko.
No.
Hindi ugali ni Vernon na sabihin sa iba ang mga ganoong sitwasyon.He can't even tell us how he feel and he needed more time just to overcome those who's stopping him inside!
Paanong alam ni Bonica ang tungkol doon?Does he trust this woman so much?Bigla akong nakaramdam ng inis dahil doon.
"Paano mo nalaman ang bagay na iyon?Kung sasabihin mong kinuwento niya sayo,I won't believe you!" I  gritted my teeth as I stared back at her.
Tumango siya in a way that disturbed my head more.Inalis nya ang braso sa dibdib nya then walk back to her sit kanina kung saan ko siya inabutan noong pumasok ako.She smirked more after that.
She's so calm in a way that I couldn't stop myself from being irritated.Gusto ko siyang saktan pero mas magmumukha lang akong talunan kung gagawin iyon.
I won't punish her differently,but I promise to hurt her feelings more than she do.
Biglang gumalaw si Vernon kaya naman hindi na ako nagsayang pa ng oras para manatili doon.Sa ganitong emosyon ko ayokong makita nya ako.He is not fine,I see that.Pero mas mabuting wag na akong magpakita muna since I find it hard to interact with what I just heard.Baka kung ano lang ang masabi ko but I am not cogent to believe that filth.
Mabilis kong nilisan ang kwarto niya and run to the basement.
Putangina!
I liked her before,so much that I give her my bright smile and warm welcoming!Anong nangyare?Why does she became like that as if I treated her so bad!Eh wala nga akong ibang pinakita kung hindi ang pagkagusto ko sa ugaling meron siya.She's stressing me.
Buntong hininga ako noong deretso akong pumasok ng opisina.Mabilis kong tinungo ang mesa ko at bagsak balikat na naupo sa swivel chair.
"Stressed?"
Kamuntik pa akong maout-balance sa pag-upo dahil sa narinig na nagsalita.Tiningnan ko agad iyon after I get back on my posture then,I figure out that it was Pen.
She's sitting on the sofa comfortably while her right leg is on the top of her left leg.She's wearing a highwaist jeans and a mustard colour-croptop while holding a magazine on her right hand habang ang isang siko sa kabilang kamay ay nakapatong sa taas ng backrest ng sofa.
This bitch!
"Yah!You almost killed me!"I hissed.
"Hmm..Ilang kape naiinom mo kada araw doon sa cafe?Tita Tasia mentioned it to me.."she answered as she closed the magazine at tiningnan ako.
I raised my brows in confusion.
"Kelan ka pa dito?"I asked her back.
"Kahapon?Bitch,I texted you!"
I blinked. Eh?
Gosh,Did I stick on 'just working'?
"Ah,yeah?Okay,anyway nandito ka na man.But,you meet Tita Tasia na pala?"
"Kanina lang naman!And she told me she haven't seen you for a while.Lagi daw kayo doon sa cafe pero isang linggo kang di nagpakita!"kunot na kunot na ang noo nya.
Napaawang ang bibig ko.I scratched the back of my head.Why did I forgot about that thing?
"Ah,I was busy--"
"Hindi ka nagpupunta ng Hospital?"
Tiningnan ko siya,I shake my head.
"You know Tita Tasia rely on your info diba?Sayo siya nakikibalita kay Vernon!"
Ah,I see.Tita Tasia gave her full info.
I feel like an outcast.Ako lang yung kaunti ang alam sa lahat ng bagay.
Pero teka nga!Ano nanaman ang pinuputok ng bunganga ng isang to?Kararating lang nya ah.
"Hoy,wag mo akong sigawan.For your other information,it's hard going there just to see him.Pero pumupunta pa rin ako doon just for Tita,it's just that...Death Anniversary ng pamilya ko.Have you forgotten?"
Bumuka ang bibig nya pero agad ding  isinara iyon.Umirap ako.
"I was busy--"she tried to explain but I cut her off.I know,wala namang issue saakin iyon.
"Ah,yeah?"I twisted my lips."At isa pa,that Bonica really is annoying.I can't talk to Vernon because of her."
Okay,nagsusumbong na ako.To be honest,Penelope is more frankly towards people.Madaldal siya and if she find one thing that annoys her or didn't go as for her to like,she burst out.She's no sarcastic yet sa lakas ng boses niya at panlalaki ng mata niya,definitely that one she was annoyed to will likely to surrender.
Hindi nga lang ako.I'm more sarcastic kaya siya rin itong sumusuko.It's just that,hindi mainitin ang ulo ko gaya nya.I know how to control my feelings and understand the situation,not until I get tired and lose my patience.
"So,that Bonica is with him all the time and siya itong nagagalit kapag nandoon ka?Whoa,baka girlfriend?"she said after I told her about it.
Nagtaas ako ng kilay sakanya.Ngumisi naman siya saakin.
"Who would act like that if she's not in the right position?"I said.
"What if she really is?Hindi lang natin alam because ayaw sabihin ni Vernon?"
"Kahit sayo?!"I hissed.
Humalakhak siya.She tapped the table consecutively bago ibalik ang tingin saakin.My expression became more unable to read.Kung ano ba talaga ang nararamdaman ko towards the unsaid relationship,or kung meron ba talaga o wala.
"Sandali nga!Bakit ka sumisigaw 'e nag-uusap lang naman tayo!"she laughed even more.
Isa pa ito eh!Stress na nga ako doon sa babaeng yun tatawanan niya pa ako.I just couldn't believe it,pati kay Pen he won't tell such thing?Eh pano pala kung totoong girlfriend nya si Bonica,how would I interact with such bitch?
"I'm going back to the office,bahala ka dyan."I excused myself calmly habang tumatayo mula sa upuan.
We came to the cafe but we haven't seen Tita Tasia.Maybe she chose not to come since she doesn't know if I was here or not.Hindi ko naman sinasadyang hindi pumunta sa hospital at dito,maiintindihan din nya siguro because it's my family's Death Anniv.
"Hoy,bakit may pa-walkout?"
Hindi pa rin siya tumitigil sa pagtawa.Imbes na kausapin ako ng matino tatawanan lang pala ako.
Hindi na ako sumagot.Deretso lang ang lakad ko para lapitan si Vera.Still,I can't get over about what Bonica said kanina.About how I refuse to give Vernon the right to demand me about anything.Hindi ko alam kung paano nya iyon nalaman and as what I say,I'm not cogent to believe that.
Vernon is such a private person.If you won't asked,he won't tell.Kung hindi mo sisimulan ang usapang iyon hindi niya ikukwento.In that case,kung naitanong nga iyon ni Bonica,then she is aware of it.Alam nya ang bagay na iyon before she could ask it.Pero hindi ako naniniwalang magkukwento si Vernon tungkol doon.It is too personal!
Hindi ko maiwasang isipin iyon hanggang sa loob ng office.Hindi din ako makafocus sa ginagawa ko at kahit pinipilit kong magtrabaho I always ended up staring blankly ahead.I just couldn't get it.
"Ms.Del Mundo?"
Napabalik ako sa wisyo ng may marinig na boses sa harap ko.Awang ang bibig ko habang inaayos ang sarili,nasa harap ay ang sekretarya ko.
"Yeah?"I asked not showing my mood kanina.
Tinitigan niya ako saglit bago ilapag ang isang folder mula sa kabilang braso nya.Sinundan ko iyon ng tingin.
"Wala Miss.Nagulat lang ako na narito kayo sa ganitong oras."sagot nya,halata ang pagtataka sa akin.
Tiningnan ko ang watch sa wrist ko.Kahit ako nagulat din.Ito yung oras na umaalis ako para pumuntang muli ng hospital!
"Anong oras ako bumalik dito kanina?"I looked at her.
"10 am po.Mag-stay kayo rito ng dalawang oras o mahigit then aalis po ulit kayo ng mga 3pm or 4pm.After that,you'll come back here by 6pm para magtrabahong muli or para kunin ang gamit nyo para umuwi."
Napaawang ang bibig ko.Sa huli ay tumango nalang ako sakaniya pagkatapos n'on ay nauna akong lumabas.
I forgot about that.Sa dami ng iniisip ko pati natural na ginagawa ko nagiging komplikado.Now that I think about him,hindi ko alam kung paano ibabalik ang tiwala niya.I feel sorry towards him for being like this,that time na inamin niya saakin ang tungkol doon.
Should I stick to that,then?Yung sinabi niya na gusto nyang magkaroon ng karapatan saakin.
Buntong hininga ako.I was about to get out of the car pagka-park ko non sa basement ng hospital when I saw a BMW on the entrance na tumatakbo ng mabilis papunta sa kabilang parte.Sinundan ko iyon ng tingin at bahagyang naningkit ang mata when I remember the same car I know.
Nang makita ko ang bumaba na may-ari doon ko narealize na tama ang hinala ko.It was Tita Tasia,rushing towards the doorway papasok ng hospital.Nanatili ako sa loob ng sasakyan while I stare at her for a minute bago ko makita ang namumula at maga niyang mga mata.Nawala siya sa paningin ko nang makapasok na siya sa loob.
Kinabahan akong bigla.
The way she rushed as if something happens made me worried.I stared at that part where she goes.
Hindi kaya...

Komento sa Aklat (26)

  • avatar
    Zion Seannafair

    I love the story but not the storm lol. very good novel and is highly recommended to read.🤍

    23/04/2022

      0
  • avatar
    Jessica Abad Fernandez

    sobrang ganda ..miss author update naman next chapter..nkakabitin basahin 🥰

    24/07/2025

      0
  • avatar
    Fael Bautista

    good

    09/09/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata