Chapter 22

Inabot niya saakin ang susi ng sasakyan sa pamamagitan ng pagbato n'on.Agad ko naman itong sinalo.
"You should consider keeping it than selling it,Niña.After all,you used it for years now."
Balak kong ibenta si Boni matapos nang mga nalaman ko.Kahit ito ang unang sasakyan ko ayoko pa ring isipin na mahalaga iyon saakin.Unang beses na naaksidente ako sa unang sasakyan ko pa.And it's not just a tragedy na pwede kong kalimutan.Maraming binago ang pangyayareng iyon kaya wala akong balak na magkibit-balikat lang.
Umiling ako kay Pen.
"It's not sentimental,so why would I?I have Vera now.If you want pwedeng sayo nalang."sagot ko.
Humilig siya sa bandang pinto ng driver seat and crossed her arms around her chest.
Matapos lang ang ilang buwan bumalik na kami ng Manila para sa trabaho.Iniwan ko ang foundation kay Tita Zyra tutal naghahanap siya ng gagawin.Okay lang naman raw sakanya kaya hindi ko na rin prinoproblema.I even told her about Vince na pinag-aaral ko kapalit ng serbisyo nya sa foundation.
Nagsiuwi na rin ang ilang Tita ko.Ang naiwan lang sa mansyon si Tita Emera at Tita Ashley.
Tita Emera told me na gusto nyang manatili doon hanggang sa Birthday ni Seven.
"H-huh?Pero.."
Pinandilatan niya si Seven nang magsimula itong magreklamo.Nagtago ito sa likod ni Tita Ashley bago magsimulang tumakbo paakyat ng kwarto.
Ilang taon nalang magtatapos na rin si Vince.Tuwang tuwa siya kapag kinakamusta ko siya.Lagi nya kaseng sinasabi na icheer ko raw siya.
"Icheer mo'ko."
"Go Vince!Ganyan?"I heard him sighed sa kabilang linya.
Natatawa lang ako.Ano ba kase 'yon?
Then,whenever I texted him or call him about his studies natutuwa siya.Iyon raw ang cheer na tinutukoy nya.Was that necessary?
Nagtetext lang kaming dalawa any days tapos nakikibalita lang ako sa mga ginagawa nya.
Magkasama kami ni Pen na bumalik dito sa DMC.Nagpaalam lang siyang liliban sa sunod na linggo.Birthday kase ng lolo nya.Habang ako uubusin ko ang oras ko dito para sa kumpanya.
"You told me about that Bonica Cortez,the Engineer.I saw her,kasama ni Verion."
Nag-angat agad ang kilay ko sa narinig.So,she finally found him.I don't really know what's up with that Eng.Cortez pero hindi ko na talaga gusto ang pagkatao niya.
Balak ko sanang puntahan si Verion pero dahil sa narinig ko nagbago ang isip ko.Nawalan ako ng lakad ngayong araw.Siguro sa opisina nalang ako o kaya sa bahay.
After what he did,hindi na ako nagsampa pa ng kaso.Natatakot akong baka walang alam si Tita Tasia sa bagay na iyon.She's now okay at ayoko ng dagdagan pa ang bigat sa dibdib nya kung sakaling malaman nyang makukulong ang isa nyang anak.
Nawala na si Vernon sakanya.Ayokong dagdagan pa ang pangungulila nya at ilayo si Verion sa tabi nya.Sa mga oras na ito,she needed her son to be by at her side.At ayokong ipagkait iyon.Still,hindi magbabago ang katotohanang si Verion ang nakabangga saakin.
Rason kung bakit gusto kong ibenta ang Cayman,because memories from it are tragic.Ayoko ng balikan pa.
Nasa opisina ako ng pumasok ang secretary ko.May hawak siyang tablet sa kabilang braso habang sinusuportahan iyon ng isang kamay nya.
"Good afternoon,Ms.Del Mundo."she greeted me in wide smile.
Binaling ko ang atensyon sakanya habang may pinipirmahan akong papel.Ngumiti ako pabalik.
"Good afternoon."bati ko pabalik.
"May gusto pong kumausap sainyo sa foyer."
"Who could it be?"I asked.
"Verius Ion Requejo 'raw po."
Napakunot agad ang noo ko. Anong kailangan niya? I thought he's with the Engineer.
Tumango lang ako pero hindi ako umalis ng upuan.
"Ms,papasukin ko po ba?" she asked again.
Nanatili ang tingin ko sa papel tila hindi ko alam kung papapasukin ko ba o ako nalang ang pupunta doon.
In the end, ako nalang ang bumaba. Wearing a black-robe dress and a gold belt hugging my small waist, naglakad ako palapit sa naka-dark polo na lalake doon sa may upuan.
Malayo pa lang alam kong siya iyon. He even caught my employees attention at ilan sakanila ay kunware pang lalabas o papasok doon sa glass double doors para lang makita siya ng masinsinan.
He's wearing a dark polo that are crumpled 'till his elbow habang nakapatong ang mga siko sa hita, may hawak na phone at doon lang nakatuon ang atensyon.
In his bulky appearance, mid-white skin complexion and perfect jaw lines nagmumukha siyang may lahi at bagong dating lang galing ibang bansa.
Naalala ko si Vernon. Hindi man ganito ang paraan ang pagdamit nya, he's still the most handsome man I know and will never leave that spot.
Pinasadahan ko ng tingin ang mga employees ko para bigyan sila ng warning. Agad naman silang nagsibalik sa loob and the foyer became silent and empty.
"What do you need?"I asked immediately pagtigil ko palang sa tapat nya.
Nag-angat siya ng tingin saakin.His dark yellowish eyes met mine.Tumayo siya pagkatapos ay binulsa ang phone nya.
"Can't I come here to see you?"sagot nya.Pakiramdam ko pabalang iyon.
I raised my eyebrows. "Bakit ka naman pupunta para makita ako?"
"I just want to."
Kumunot lalo ang noo ko.If it's friendly gestures then I'm telling him,hindi kami magkaibigan.We will never,not this time na may nagawa siyang mali saakin.
"Umuwi ka na.Marami pa akong trabaho sa taas."
"Can you spare a time for me?"he asked in a playful tone.
Naningkit naman ang mga mata ko.Kung hindi ko lang siya kilala I would think he's some kind of bad guy na malakas ang trip.He would rather play with woman than have some serious life.
"Pwede ba-"
"Hey,Verion!"someone's familiar voice covered the whole foyer kaya naputol ang sasabihin ko.
Tiningnan ko iyon habang hindi inalis ni Verion ang tingin saakin.
Nag-init agad ang dugo ko sa babaeng naglalakad palapit.Anong karapatan niyang tumapak sa pag-aari ko?
Mabilis na pumulupot ang kamay ni Bonica sa braso ni Verion nang marating nya ang kinaroroonan nito.Bumaba doon ang tingin ko before I look at her with disgust in my face.
Napatingin rin siya saakin.She looked at me head to toe,at pinagtaasan pa ako ng kilay nang lumapat na ang tingin nya sa mukha ko.
"Look who's here.."maarte nyang sabi.
She fake a smile. "Hi,Niña."
Hindi ako sumagot. Nag-iba agad ang timpla ng hapon ko.
Nakita ko namang lumipat ang tingin ni Verion sa kamay ni Bonica at agad na hinawi iyon.Bahagya syang natigilan pero muling sinubukang ibalik iyon.Hinawi ni Verion ang bumabagsak na buhok nya sa noo kaya walang nagawa si Bonica kung hindi ay ibaba ang kamay nya.
Ipirmi mo 'yan!Wag kang linta,nakakairita!
"You had an appointment,I guess."
I told him.
"Appointment?" bulalas ni Bonica.
She laughed a little bago ngumiti saakin.
"..It's so special to be called ' appointment, Ms. Del Mundo."
Umangat ang dalawa kong kilay.
Ms. Del Mundo,huh?
"Oh, right. Enjoy your date, then." I gave them my most fascinating smile at tinalikuran na sila pareho.
Hindi na ako nagpaalam na aalis.Tutal hindi ko naman siguro kailangang gawin iyon dahil mayroon silang 'espesyal' na gagawin.Kung ano man iyon sana hindi kasing-special ng iniisip ko.
At ano naman ang pakealam ko sa espesyal na bagay na 'yon?
Bumalik ako ng opisina.While browsing the last papers on my desk,tumunog ang phone ko sa tabi ng kape.Sinulyapan ko lang iyon bago muling ibalik ang tingin sa papers.
Ilang segundo lang ang lumipas tumunog ulit iyon.At tumunog ulit nang hindi ko pa man nahahawakan.
Kinuha ko iyon at tiningnan ang message.
Verion:
Mansion. 5pm,sharp.
Binalewala ko iyon.
I sipped on my coffee bago basahin ang huling sentence doon sa papel.Pagkatapos ay pinirmahan ko ang nasa taas ng pangalan ko.I sipped again on my coffee bago mapatingin sa muling pagtunog ng phone ko.
Ano bang kelangan ng isang 'to?
Verion:
Bagal.
Demanding din pala 'to sa oras.Pero mamaya pa ako uuwi.Hindi ba may espesyal na lakad sila nung Bonica?
Hindi natuloy?
O hindi naman talaga special iyon.
Verion:
Would you drunk that straight?
Huh?
Me:
Wrong sent ka.
I hold the mug's handle at sumandal sa swivel chair ko.Bahagya ko iyong inikot habang hawak ko ang phone sa kabilang kamay at nakapatong ang braso sa mesa.
Verion:
Apart from being sexy,what do you do for a living?
Naibuga ko ng bahagya ang kape sa biglaang pagkatawa sa nabasa.
Ang corny ng banatan!
Lumang luma,copy paste pa.
Hinintay kong magtext muli siya dahil alam kong may kasunod pa iyon.Kung siya ang manliligaw ko, basted na'to.
May itsura sana,ang pangit naman bumanat.Hindi man lang ako kinabahan!
Another text is seen on my screen.
Binuksan ko iyon.
Verion:
Knock.Knock.
Me:
Wo's der?
Hindi ko alam kung bakit ko nireply pero wala namang mawawala.
Verion:
Baby yoda.
Me:
Who?
Verion:
Baby yoda one for me~
You're my ecstasy.
Ano kayang nakain neto ng maiwasan ko?
Hindi nalang ako sumagot.Baka mamaya mag-collapse lang ako.Hindi pa ako kumakain dahil lunch iyon.Maybe later bago ako umuwi.
Hindi na rin nasundan pa ang text nya saakin pagkatapos n'on.Past 7pm na noong pababa ako ng basement.Hinanap ko agad ang key sa bag ko at pinatunog si Vera.When I'm about to go inside,may nagsalita sa kabilang parte sa bandang pinto ng frontseat.
Nagulat ako pero agad ding nagkunot noo ng makita kung sino iyon.
"Anong ginagawa mo diyan?"I asked.
"Don't ask the obvious."sagot nya.
He was wearing a black polo na naka-tuck sa itim niyang jeans.Nagpalit siya ng damit mula sa suot nya na nakita ko kanina.Because his body is massive and bulky,halos pumutok ang manggas ng itaas nya ng bahagya ang braso para ipatong ang kamay nya sa roof ng sasakyan ko.
His broad back were visible kahit pa nakaharap siya saakin.
Ngumisi siya. "Was that necessary?"
"What?"
"Ang titigan ang katawan ko?Gusto mo maghubad ako nang makita mo ng maayos?" he put his big hands on his polo's button tila sinisimulang alisin iyon.
I glared at him.He smirked more.
"Tigilan mo."I warned him.
"Nahiya ka?May ipapaalala lang ako sayo.Ako ang first kiss mo."
Tanginang--He is really Verius Ion Requejo!
Mabilis akong pumasok ng sasakyan habang mariin kong kagat ang ibabang labi.Umuusok na rin ang ilong ko sa sobrang inis sakaniya.Lalo pa nang marinig ko ang halakhak niya na lumagom sa buong basement.
Hindi tamang nakakasalamuha ko ang kambal niya.He's bad and getting worse than before!
Nakarating kaming pareho ng mansyon,sa bahay nila.Hindi ko rin alam kung bakit dito ang punta ko pero tama na rin siguro para makamusta ko si Tita.
Nakasunod ang sasakyan ni Verion saakin.Pagbaba ko ganun na rin ang ginawa niya.Hinayaan ko siyang maunang maglakad papasok.
Ito palang ang pangalawang beses na nagpunta ako sa bahay nila.I was 15 that time nang pumunta ako dahil lang hindi nagpakita sa bahay si Vernon.Wala akong alam sa nangyayare sakanya,lalo pa ang tungkol sa sakit nya.Kaya pala hindi pumapayag si mama na isama siya sa Circus kapag pumupunta kami.
Nilingon niya ako matapos niyang buksan ang gate.They don't have security?
"Nervous,huh?"nangingiti siya doon.
Nervous?
Isang masamang tingin nalang ang binigay ko sakanya before my eyes continue wandering around.
They have garden,too.Hindi tulad saamin na nasa magkabilang parte ng midway papasok,nasa isang side lang iyon.Just like the color of the front gate,ganoon rin ang kulay ng bahay.
A mixture of brown and red covered the whole.Pagpasok namin sa loob,white with a bit bluish red colour ang tumambad saakin.
The curtains are in maroon and white and the grand staircase are in gold.Mataas ang roof na pakiramdam ko nasa isang museum ako or grand hall na nakakalula kapag tumingin ka sa taas.Hindi ko alam kung bakit ganito nalang ako mamangha samantalang may mas maganda at mas malaking lugar na akong napuntahan dati.
And why do I feel like hindi ito yung mansion nila na pinuntahan ko dati?
Maybe because they changed it.Sabagay,ganoon rin naman ang ginawa ko sa mansion sa Sorci.
"Yeah,she's here."
Napatingin ako sakanya na naroon sa tabi ng intercom malapit sa hagdan.Bumaling siya saakin tsaka sumenyas na sumunod ako.
Dinala niya ako sa kitchen.
Isang mahabang mesa na nababalutan ng puting mantel while the set up for dining is ready.May candles and wines na nakalagay pa sa bucket na puno ng yelo.
Anong meron?
Inabutan nya ako ng tubig.Walang alinlangan ko namang inubos iyon.
I heard him chuckles kaya binalingan ko siya.
"Sorry,I didn't mention.Birthday ni Dad."he said.
Napaawang ang bibig ko.
The one he texted me?Iyong 5pm sharp?Bumagsak ang tingin ko sa wrist ko.But it's already 8pm!
"Bakit hindi mo sinabi ang rason?Edi sana nauna pa ako rito!"sabi ko.
"That's why I didn't tell you yet."
"Ano?" I don't even have a gift!Sana nagawan ko ng paraan kung nalaman ko ng maaga.Maybe a letter or non-luxurious thing na pwede kong maibigay!
"Ayokong mauna ka nang hindi ako kasama."
"Would you stop that kakornihan?Namomroblema ako!"I was irritated.
Pero tinawanan lang niya.Nang mapansin ko ang suot nya mas lalo akong namroblema.I didn't even wear something nice!
Eto kasi!
"Akyat ka sa taas.Mom's waiting,left corridor second door."sabi nya bago ako talikuran.
Nilapag nya ang baso sa counter bago umikot para pumasok sa loob.Kinuha nya ulit ang baso para dalhin sa sink.
Then again,he let me wander bago sabihing hinihintay ako ng Mom nya sa taas!
Iniwan ko agad siya doon at mabilis na pumanhik sa taas.

Komento sa Aklat (26)

  • avatar
    Zion Seannafair

    I love the story but not the storm lol. very good novel and is highly recommended to read.🤍

    23/04/2022

      0
  • avatar
    Jessica Abad Fernandez

    sobrang ganda ..miss author update naman next chapter..nkakabitin basahin 🥰

    24/07/2025

      0
  • avatar
    Fael Bautista

    good

    09/09/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata