Chapter 20

"You told me nasa Manila siya.Did he flew away to Canada just because he got the news?"
Napahawak siya sa sentido nya.
"I don't know,'kay?"she answered bago naupo sa bench dito sa Luneta.
Galing kami kanina sa Diamond Hotel kung saan nag-stay si Verion for almost a month kung saan siya binibisita ni Pen.Tinawagan pa siya ni Pen noong nakaraang araw pero pagpunta namin doon nagcheck out na raw.
Kanina lang nagtext siya kay Pen and told her he was in Canada kahapon pa.Hiningi ko na ang number nya baka sakaling makausap ko.I texted him but he didn't reply.
Hanggang ngayon ba galit pa rin siya saakin dahil sa ginawa ko?
"I'll just wander around the city.Ihahatid na kita sa Station."sabi nya bago tumayo mula sa bench at sinabit ang kamay sa braso ko.
"Hmm."Tumango ako.
Kailangan kong bumalik ng Sorci because I badly want to know the truth.Pakiramdam ko kase nasa pamilya ko lang ang may gawa n'on.Hindi ko siguro kakayanin kapag nalaman ko kung isa nga sa pamilya ko.
It's hard to live without memories but it's harder to live knowing that one of Del Mundo secretly hates me.
Alam kong wala akong naging kasalanan sa mga taong nakakasalamuha ko.And if I have,bakit hindi nya sabihin?Marunong naman akong umintindi lalo na kung alam kong mali ko nga.
"Nahanap ko na si Manong guard,Niña."Pen called to report to me after a month na bumalik ako ng Manila para magtrabaho.
Napatayo ako mula sa swivel chair at agad na lumabas ng office.Deretso akong bumaba ng building at pinuntahan si Vera sa basement.
Pinaharurot ko agad iyon sa mainit na kalsada sa tanghaling iyon.Nakarating ako ng Sorci alas nuebe na ng gabi.Doon kami sa foundation nagkita ni Pen.Naroon sa loob si Manong at si Vince.
"Kuya.."I called Manong.
Matanda na siya.Nakasuot siya ng itim na cap sa ibabaw ng namumuti nyang buhok at gray na tshirt.Kulubot na ang mga balat nya at wala na ring ngipin.
Tiningnan niya ako.
"Ma'am Niña?"tanong nya tila kinikilala ako.
Nasa gilid ko si Vince habang nakapamulsa doon sa suot nyang uniform.He's still studying,2nd semester na sa kolehiyo.
"Niña na lang po."sabi ko at naupo sa silyang hinila ni Vince para saakin.
"Pasensya ka na Niña,naduwag ako."iyon agad ang tugon niya tila alam niya kung ano ang pakay ko.
Sinulyapan ko si Pen.She was attentive to Kuya bago bumaling din saakin.Tumango siya.
"Umaasa ho ako ngayon na hindi nyo na tatakbuhan ang mga tanong ko."
"Iha.."malalim ang buntong hininga nya.Halatang kabado siya pero nakikita ko ang kagustuhan nyang ipaalam saakin iyon.
"Noong binuksan ko ang gate,alam kong sakaniya sasakyan iyon.Kaya madalas hindi ko na tinitingnan kung sino ang nagmamaneho.Sinabi ko sakaniya na lumiko siya sa kabilang pathway dahil may fountain sa gitna,hindi makakadaan ang sasakyan niya.Pero mukhang hindi nya ata ako narinig."
Nanatili ang mga tenga ko sakaniya.Kahit kabado ako,gusto ko pa ring malaman ang totoo.I've been living in lies and I don't want to live that way again.Still,I don't want to conclude anything.
I have my porsche Cayman pero nabili ko iyon noong debut ko,yun ang alam ko when I had no memories.
Pero nang naalala ko na lahat,nalaman kong hindi noong debut ko iyon nabili.
"..dere-deretso siya sa gitna.Hindi naman siya lasing,dahil kung lasing siya hindi deretso ang maneho nya.Pwede niyang maibangga iyon sa gate o doon sa unang dulo ng garden."
Kasama ko si Verion nang bumili ako ng sasakyan.And there we both met Bonica Cortez,the saleswoman who made me buy that car.Habang tinitingnan ko ang loob ng cayman nag-uusap silang dalawa.Namumula si Bonica habang pokerface lang si Verion sakaniya.
I even saw her na nilabas ang phone nya at inabot iyon kay Verion.Tiningnan lang iyon ni Verion bago tumalikod sakanya.Iyon siguro ang rason kung bakit nakilala ko siya pero si Vernon na ang pinupuntahan niya,because she thinks it was Verion.
"Nang tumilapon ka sa semento matagal bago siya lumabas ng sasakyan.Gulat na gulat siya pero ilang segundo pa bago ka nya lapitan.Dahil sa lakas ng ulan kumalat ang dugo sa buong sahig at dumaloy iyon doon sa garden.Tiningnan niya pa ako na tila ba tinatakot nya akong wag magsalita.Kaya noong mga oras na iyon ay napagdesisyunan kong umalis na sa trabaho para umuwi sa probinsya."
I lend my car to someone.Habang inaalala ko kung sino ang pinagpahiraman ko noon ay hindi ko mapigilang masaktan.Umiiyak ako habang pinagpapatuloy ni Kuya ang kwento nya.
Vince tapped my back nang magsimula akong humikbi.Lumipat naman agad ng pwesto si Pen sa tabi ko para damayan ako at yakapin habang nakaharap pa rin ako kay Kuya na nakaupo sa silya.
"Naduwag ako,Niña.Pero hindi ibig sabihin na hindi ko ginustong sabihin ang totoo.May nakapagsabi na nawalan ka ng alaala at wala sa pamilya mo ang nagdesisyong magkaso pa sakaniya dahil mas inaalala nila ang kondisyon mo.Iyon na rin ang naging rason ko para manahimik nalang at mamuhay pero hindi ko maamin na naging masaya ako.Paulit-ulit kong naaalala ang nangyare sayo at sa bawat araw na iyon,hinahabol ako ng konsensya ko."
Naluluhang kinuha ni Kuya ang kamay ko.Humihikbi siya and every time he state those words nababasag ang boses nya.Ramdam ko ang konsensya sakanya at ang paggaan ng loob nya,ngayon na nasabi nya na ang totoo.
"Mahal na mahal ka niya,sinabi nya saakin iyon.Sinabi nya saakin na kapag bumalik na ang alaala mo,wag akong magdadalawang isip na magsabi saiyo ng totoo.Hindi ka nya gustong saktan.Hindi ka gustong saktan ni Verion,iha."
I remember it now.Ito ang kulang na gusto kong maalala sa Pier.Kaya ako nandoon,kaya ako nawalan ng malay because of that memory.
"Anong ginagawa natin dito?Hindi natin kasama si Vernon?"Tanong ko sakanya habang nakatayo ako sa gilid ng railings at siya ang nakahilig doon.
Noong isang araw bago ako pumunta ng Manila ng tuluyan nya na akong pinansin.Hindi ako humingi ng sorry sakanya,hindi ko na sana balak pang pansinin siya kase iyon rin naman ang ginagawa nya.Pero nang makita nya kaming nagtatawanan ni Vernon sa sala pumagitna siya saaming dalawa.
"Uy!Papansin 'e!"bulalas ko bago umirap sakanya.
Tiningnan nya ako.Para akong hinuhugot ng mga tingin nya kaya umiwas ako.
"Papansin?Nakiupo lang."sagot nya.
"Meron namang sofa sa kabila namin bakit hindi ka doon!"
"I want here.Nandito si Bal."
Kahit magkamukhang magkamukha sila alam ko kung sino si Vernon.
Mapungay ang mga mata nya habang si Verion intimidating na parang laging galit o kaya may kaaway.Pareho sila ng ilong at mga labi.Pero mas gamit sa pagngiti si Vernon kaya mas attractive iyon habang yung labi nya depende sa mood nya lang kung ngingiti ng kaunti but he never laugh.
Mas nadedepina ko kay Verion ang pagiging ruthless habang si Vernon he's playful and feel good.
"May gusto lang akong itanong sayo."he said seriously.
"Magtatanong lang dito pa?Bakit ano ba yan?"sabi ko.
"Gusto ka ni Bal,diba?"
Natigilan ako.Nanatili lang ang titig nya saakin habang hawak ang susi ng Cayman ko.Pinapaikot nya iyon sa daliri nya kanina pero natigil noong tinanong nya na iyon saakin.
"A-anong.."
"Hindi mo kelangang magsinungaling saakin.I know,and I feel it."
"Hindi ko alam ang sinasabi mo,Verion.Wala naman siyang sinasabi 'e."sagot ko.
"And you want me to believe that?"sarkastiko iyon.
Kunot noo agad ako.Ano nanaman ba 'to?I'm serious na hindi nga nagsabi si Vernon tungkol sa pagkagustong sinasabi nya.
"And you want me to pretend na umamin nga siya?"I chuckled. "Yan ba ang tanong mo saakin kaya dinala mo pa ako rito?"
"No.I want to warn you."
Nag-angat ang isa kong kilay. "Saan?Verion ano ba talagang problema mo?Umamin ka nga saakin!May galit ka pa ba dahil sa ginawa ko noong Highschool?"
"Hindi."
"Eh ano?!"
"I like you."he said that straight to my face ng wala man lang alinlangan.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil doon.Gusto nya ako?
Agad?Bigla-bigla?
"A-ano bang pakulo yan?"natatawang tanong ko sakanya.
He raised his brows before he scoffed.
Hindi siya nagsalita habang sinusundan nya ng tingin ang mga babaeng nakasuot ng maikli sa harap nya.
Binatukan ko siya.Nanatili ang ulo nya matapos kong gawin iyon at bumaling saakin sa ganoong posisyon.
"Gusto mo ako sa lagay na 'yan!"sigaw ko.Umayos naman agad siya ng tayo at tuluyan ng humarap saakin.
"You won't believe me so.."
"Wow!Ganyan ka ba maglaro ng babae?Kapag sinabi mong gusto mo pero hindi naniwala sayo ibabaling mo sa ibang babae ganon?Tapos magcoconfess ka naman sa iba and then--"
Nabigla ako ng hinawakan nya ang likod ng ulo ko para dalhin ang labi ko sa labi nya.He kissed me for almost a minute bago ko mapagtanto ang ginawa nya.
"What the--"
"Really,I like you.Maniwala ka nalang and I promise you I won't look at those filthy women again.Sabihin mo lang na gusto mo rin ako."
Teka-ano?
Hindi ako makapagsalita.Parang may kung anong gumalaw sa tiyan ko at pakiramdam ko nag-iinit ang buong katawan ko ngayon.He kissed me!
Matapos ko siyang batukan he called those women filthy?Ibang klase rin!
Kaya ang hirap maniwala sakanya.
"Hiramin ko 'tong sasakyan mo.Aalis ka naman to Manila,diba?"sabi nya habang pauwi kami.
"Bahala ka."sagot ko.
Binalingan nya ako.He didn't say a word pero nangingisi siya saakin.Kung banatin ko kaya yang bunganga nya,ngayon pa naisipang ngumiti!
Pumasok agad ako ng gate at hindi pinansin ang pagbati ni Kuya saakin.
"Bago ang sasakyan nyo Sir!"iyon ang narinig ko mula kay Kuya guard bago ako tuluyang makapasok ng mansyon.
Kinabukasan,isang araw bago ang alis ko.Sinamahan ako ni Vernon na pumunta kay mama sa hospital.Hindi ko nakita ang sasakyan ko sa garahe mula pa kaninang hapon kaya nagpasama nalang ako gamit ang BMW ni Vernon ngayong gabi bago ako dumeretso ng Manila.
He kept on singing habang nangingiti.Sumusulyap siya saakin tapos kakantahin nya ang parts noon sa harap ko.
"It's so cold without your touch,
I've been dreaming way too much.
Can we just turn this into reality,
'cause I've been thinking 'bout you lately..."
Nakatingin lang ako sa kalsada pero naiilang na ako sa ginagawa nyang pagtitig saakin habang kinakantahan ako.Nakatigil kami dahil sa traffic ng tricycle sa unahan kaya wala rin akong mapagbalingan ng atensyon.
"..maybe you could save me from this crazy world we live in,
And I know we could happen
Cause you know that I've been feeling you~
Storms they will come but I know that the sun will shine again,
He's my friend and he says that we belong together~"
Hindi ko na napigilang tingnan siya sa tabi ko.Napangisi agad siya ng ginawa ko iyon.Napangiti din tuloy ako.
"And I'll sing this song to break the ice,
Just a smile from you would suffice,
It's not me being nice but it's real tonight.."
Natawa ako ng bahagya. "Baka gusto mo nang magmaneho,clear na ang kalsada."
"Sorry,okay."nakangiti siya.
Matapos ang pagbisita ko sa hospital nagdesisyon na kaming umuwi.Nagpunta pa kami ng Pier bago tuluyang umuwi.At tulad ng sinabi saakin ni Verion,his twin brother did really have feelings for me.
Hindi ko rin pwedeng itanggi ang nararamdaman ko.Kaya sa kabila ng confession ni Verion saakin,kay Vernon ako naniwala.Sa araw ding iyon,we became in a relationship.
Hinatid nya ako sa bahay dahil tinawagan siya ng mom nya kaya kailangan nyang umalis muli.
"Aalis na ako bukas."sabi ko bago bumaba ng sasakyan.
Tumango siya. "I'll be waiting,Niña."
Saka naman ako nakaramdam ng sakit ng likod ko mula sa pagkakadulas ko noong isang araw pagpasok ko.Sinundan ko pa ng tingin ang pag-alis ng sasakyan bago ako pumasok ng tuluyan.
Napahawak ako sa likod ko habang pumapasok ng gate.Binati ako ni Manong bago ako dumeretso ng fountain.
Just a little minute of staying there,nasilaw ako sa ilaw mula sa papasok na sasakyan.At sa isang iglap,naramdam ko nalang ang sarili kong binabalot ng lamig mula sa hangin at malakas na ulan.
Bumagsak ako.Wala akong naramdamang kahit ano but a sound of 'thug'.Matapos iyon,nagising nalang ako sa kwarto ko.
Nakatitig lang ako sa kawalan habang iniisip ang mga pangyayare sa loob ng mga taong iyon.Ang mga taòng wala akong maalala na kahit ano.
Sobrang dami ng nangyare na hindi ko inakalang sa isang aksidente makakalimutan ko lahat.And turns out for me to hate the rain,the wind and time.
Hindi ko alam kung paano ako magsisimulang muli knowing that I know everything.Parang gusto ko nalang kalimutang muli ang lahat.Mas gusto kong bumalik na lang sa walang alaala sa nakaraan kesa ganito.Ang bigat bigat ng loob ko.
Para bang walang katapusan ang pahirap saakin.Para bang hindi ako tatantanan ng hirap hanggang hindi ako sumusuko.
Ang hirap.Ang sakit isipin ng lahat.
Even so,I wanted to be free.Gusto kong mabuhay ng payapa sa kabila ng nangyare.Though I know now that I lost the one I love,mas gusto kong mabuhay para sakanila.I want to live with those memories kahit pa sobrang sakit non.
"Huwag ka na munang mag-isip diyan,Niña.Have some sleep,you'll be fine soon."she said habang naglalakad palapit sa terrace ng kwarto.
Bumaba ang tingin nya sa yosing hawak ko.Nakaipit lang iyon sa daliri ko pero hindi ko magawang sigaan kahit gusto kong magbisyo ngayon.
"Yan lang ang bago sayo.."she said.
Tiningnan ko siya.
"Seeing you changing from who you are before made me think kung tama bang naalala mo ang lahat?But always ended up tama ngang naalala mo for you to compare your habits."she smiled.
"I don't think so."sagot ko.
"Tss.I guess.."nagkibit balikat siya.
"..it's really hard for you,I know.Knowing that you lose him nang hindi mo man lang naaalala kung ano kayong dalawa sa isa't isa."
Napaiwas ako ng tingin sakanya sa sandaling namuo ang mga luha ko.
Nang tuluyang bumagsak ang luha ko ay tumawa ako ng bahagya sa kabila ng sakit na nararamdaman.
"Nasasaktan ako,Pen."
"Alam ko."she answered at niyakap ako mula sa gilid.Isinandal nya ang ulo nya sa balikat ko.
"Sobra.."dagdag ko.
Tumango sya. "I know.."
Ps.
The song that Vernon sang was 'We could happen'.I forgot kung sino ang kumanta but you can search it on fb.
Thankyou.
We're down to 10 last chapters.
I hope you were satisfied with the flow of the story.Pasensya na rin sa mga grammar,I'm still learning.
Btw,if you have something to say or opinions about the story you can use the hashtag so that I can read it. #Afterthestorm.
Thank you,Lemonades!
See y'ah on the next series.It might confusing that I change the title of the next series, I'll explain it sa mismong 'author's note' ng Sorsogon Series 2.Mwaps!

Komento sa Aklat (26)

  • avatar
    Zion Seannafair

    I love the story but not the storm lol. very good novel and is highly recommended to read.🤍

    23/04/2022

      0
  • avatar
    Jessica Abad Fernandez

    sobrang ganda ..miss author update naman next chapter..nkakabitin basahin 🥰

    24/07/2025

      0
  • avatar
    Fael Bautista

    good

    09/09/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata