Homepage/After the Storm/
Chapter 15
Bumalik muli ako sa Hospital para tingnan ang kalagayan nya.I know na palalabasin niya akong muli pero hindi niya iyon gagawin ngayon dahil kasama ko si Tita.I told her noong nakaraang araw sa cafe na sa ganitong oras sabay kaming pupunta kay Vernon,so that her son would remember everything about what she told him before.
"Good morning,anak.How was your day?"Tita smiled widely as she reach for his son's forehead at hinagkan iyon.
"I'm fine."he only answered.
Nilapag ko naman ang prutas na dala ko sa side table doon.I search for the place para hanapin siya.Himala,Bonica was not here.Alam niya ba na pupunta si Tita ngayong araw so that she use this time to be free?
Nahihimigan ko tuloy ang sinabi ni Tita.She's doing it for a job not because she care.If that was purposely true,then I'm hating her more.Caring for someone is not a job,after all.
Bumaling ako sa mag-ina.Tita was not there suddenly kaya nagtama agad ang mga mata namin.
"Si Tita?"I asked casually as if we talk like that the past few days.
Hindi siya sumagot.Yeah,okay lang.Assuming lang ako sa part na kakausapin niya ako dahil kami lang ang nandito sa loob.So bold of me to think that way.Sana ganun lang kadali maging makapal ang mukha eh,'no?
Tumango nalang ako sa sarili.Hindi nya inalis ang tingin saakin kaya bahagya akong nailang.
I played my fingers on my back.Ngayon na kami nalang ang narito at nasosolo ko siya,tsaka naman ako nailang at nawalan ng sasabihin.
Come on,Niña.Baka bumalik agad si Tita sayang yung oras na 'to.
Pero ano naman kase ang sasabihin ko?Hindi ko naman pwedeng ilabas agad ang topic na 'yon baka mamaya tumalsik nanaman ako sa cafe.I should know how to begin with introductory pero ngayon mukhang gusto ko ng mag-conclusion.
Am I really a businesswoman?Mas kabado pa ako rito kesa sa meeting with board members when I had lot of vacation nakaraang buwan lang.
"Ahmm--you want apple?"
Nice try,Niña.
"No."he coldly answer.
Woa.Sumagot?
Tumango ako. "Okay.Eh 'yung ibang prutas?Kahit ano diyan."
"I said no."
Oh,okay.Wag ng pilitin Niña baka mag-init nanaman ang ulo.
I scratched the back of my head.What to do now?Ayain ko siyang magbasa?Tanungin kung natatae or naiihi?
Wait..that's something I won't ask.
Nakagat ko ang labi ko at bumaling sa likuran para pumikit ng mariin.Shit,please don't make it hard for me to communicate with you Vernon!Kung noon sobrang dali lang saakin na iwas-iwasan ka but now,ang iwan ka dito hindi ko magawa.Kahit nga irapan ka dahil naiinis ako sayo.
"Bibili lang ng kape.."
Nilingon ko siya.Iniwas niya agad ang tingin saakin.
"..si mama."he added.
Tumango naman ako doon,nangingiti.
At least he answered that one formally.Tumango akong muli kahit hindi nya ako nakikita.
We spend that time just glancing at each other at paminsan-minsang nag-uusap.Kahit maikli lang iyon ayos lang,at least he's responding.
Bumalik si Tita at exactly 10am.Alam kong sinadya niyang umalis para magkaroon kami ng closure ni Vernon.Kaya noong nag-11 ay nagpaalam na ako na uuwi.Pen told me she'll visit him mamayang hapon dahil hindi siya nakabisita noong nakaraan.Hindi ko alam kung anong ginagawa niya or kung saan siya pumupunta.
Nalaman ko lang noong umuwi ako sa bahay.
"August na next week."she said while serving her adobo in the bowl.Nilapag niya iyon sa counter top pagkatapos.
"So?"I said.
Tiningnan niya ako.
"Nakalimutan,teh?It's your birthday,Niña.Masyado ka atang stress."
Natigil ako saglit sa pagsandok doon.I forgot about my birthday,oo nga pala August na next week.But,there's nothing special about that though.Maeexcite ako kung wala akong pinoproblema at iniisip.Sa panahon ngayon,sobrang dami.
"And?We already held a party in SorCi noong fiesta,I told you hindi na ako magpaparty sa birthday ko."I answered nang maalala ko iyong fiesta na iniwan ko dahil sa nalaman tungkol kay Vernon.
"Even so..kahit simpleng handaan nalang since I am here and Tita Tasia.You can invite Vernon,too--I mean,you can bring the party there."Bigla siyang natigilan at bumuka ang bibig tila may naisip na kung ano.
Kinumpas niya ang palad sa ere. "Tama!Party in the room!"
Napangiwi ako. "Huh?"
"Party inside his room!We can celebrate your birthday there,and I'm sure Tita will like the idea."
"And Vernon?"I asked bitterly.
"Oh,that..."
Nagpatuloy ako sa pagsubo ng pagkain.Alam ko namang hindi papayag 'yon.Kakasabi ko lang na hindi pa kami okay,and kahit may kaunting pag-uusap na kami kaninang umaga I can't call that as a closure,still.Hindi ko nga alam kung ginusto nya akong kausapin or napipilitan lang.
"You can do something about it,malayo pa naman.Malay mo next week,okay na kayo.Atleast the moment he smiles or talk to you casually,magagawa mo 'yon."
"It's not easy,Pen.Ayoko namang madaliing kunin ang tiwala niya.You know that it takes time to win trust,lalo na kung sa unang beses ay sinira mo iyon."
"You need to,Niña.Remember what the doctor says.He don't have much time left."
Napalunok ako doon.
Alam ko.Pero ayoko pa ring madaliin.Ramdam kong lumalaban si Vernon.He once fought for it since he was a kid,I know he will fight this time.Minsan nagkakamali ang doctor because hindi naman nila hawak ang buhay ng tao.Vernon will survive.
Hindi na ako sumagot pa doon.Penelope understand it at iniba nya agad ang usapan.Hindi na rin muna namin pinag-usapan ang tungkol sa plano niya sa birthday ko.
Kinabukasan,hindi ako umalis ng bahay.I would like to pero bigla namang bumuhos ang malakas na ulan pagkatapos kong magbihis.Nakakainis nga,halos ubusin ko ang perfume ko sa damit na 'yon hindi din naman pala maisusuot.
The rain didn't stop 'till the end of July kaya wala akong nagawa kung hindi ang manatili sa bahay.May sasakyan ako,but I couldn't stand the rain.Ayoko itong makita or madama man lang.
Kung pwede nga lang palagyan ko ng soundproof itong buong bahay ginawa ko na,wag ko lang marinig ang pagtulo n'on sa bubong.
"I see,sabi ko na hindi ka umalis."bungad ni Pen pagbukas niya ng pinto sa kwarto ko.
Nakatalukbong ako ng comforter sa bandang ulo ko habang niyayakap ang sarili gamit iyon.I look at her,tanging mukha ko lang ang nakalabas mula doon.Sa harap ko ay ang laptop habang nakabukas ang graph ng market stock ng DMC,katabi n'on ay ang mug ng kape.
Isinara niya ang pinto at deretsong sinalampak ang sarili sa kama.
"Why do you hate the rain,Niña?"she asked suddenly.
Hindi ko alam ang isasagot ko doon.
Why?
Anong nakakainis sa ulan?
To think that mostly kids love to play with it.Maghabulan.Magtampisaw.
Magpadulas.Magsisisigaw habang pinipilit saluhin ng dila ang bawat tulo n'on.
Why do I hate it?
Kahit sarili ko hindi ko maintindihan kung bakit naiinis ako doon.I don't think it is connected sa nangyare sa pamilya ko.Iyong bagyo na sumira ng pamumuhay at kumitil ng buhay ng ilang tao sa Sorsogon.
Ilang oras ko ring inisip iyon habang naroon pa si Pen sa kwarto ko.Wala na siyang ibang sinabi.Basta nagpaalam lang siya na lalabas na then,I am left alone na iyon pa rin ang iniisip.
I wanted to know the reason,too.Pero kahit ako hindi ko alam ang rason.
The next month ako nakapunta.I texted Tita about sa hindi ko pagpunta but in differ reason.Ayokong sabihin na dahil sa ulan.Who would believe on that? 'Dahil lang sa ulan hindi ka nakapunta eh may sasakyan ka naman?'Just like that.
"Iha,I'm worried."she said as she kissed my cheeks.
Ngumiti ako. "Sorry po.May inasikaso lang sa opisina."
"Go inside,iha."she smiled pero kita ko ang pamamaga ng mata niya.Halatang kaiiyak lang.
Ramdam ko rin ang bigat na dinadala niya.May nangyare ba?
"And oh,Bonica is inside.I'll be back by 10."then she walk going out by the hallway.
Nagkunot ako ng noo.Bonica?
She's back,huh?It's her job anyway.
Pumasok ako sa loob.Alam ko kung nasaan siya nakapwesto kaya hindi na ako nagsayang ng oras na bumaling pa doon.Deretso ang tingin ko kay Vernon.I smiled at him habang mahigpit ang hawak ko sa sling bag na nasa balikat.Pero napawi din agad ang ngiti ko.
He's getting thin,more and more.Medyo lumalalim na ang panga niya and his bone cheeks were visible.Payat na rin ang mga braso niya habang nababalot naman ng comforter ang parte ng bewang niya at mga binti.
Tumingin siya saakin.His face were pale.Nakasuot siya ng bonnet hanggang kalahati ng tenga.I heard wala na siyang buhok matapos siyang kalbuhin kahapon.Ngayon ko lang ito napansin.Mas nanghihina siya.Mas namumutla at tila hindi na kayang tumayo ng mag-isa.
I tried not to let out a single tears kahit na nahihirapan akong lapitan siya sa kalagayang nakikita ko ngayon.Is that why Tita look that way?
Noong nakaraan na pumunta ako,hindi siya ganito.Lumipas lang ang isang linggo na hindi ako nakabisita,ganito na ang madadatnan ko?Bakit parang ang bilis?
"H-Hi.."I greeted him with all smile.
Tinitigan niya lang ako.Bahagyang nanginginig ang mga labi niya tila gustong magsalita.
"Don't force him to talk,hindi na niya--"
"Get out,would you?"I cut her words.
Hindi ako tanga para hindi malaman iyon by just looking at him.Para bang sinasabi niya saakin na wala akong kaalam-alam kay Vernon because I'm not here with him all the time,which was not true.
Wala ako dahil itinago niya saakin!
"How dare--"
"Please!"I gritted my teeth as I sneered at her on my side.
Awang ang bibig niyang bumuntong hininga bago magmartsa palabas.Pagkarinig ko ng click mula sa pinto ay binalik ko ang tingin kay Vernon.Nakatitig pa rin siya saakin.
"Hey..don't stare at me like that."I said at lumapit pang lalo sakanya.
"H-Ha-Happy...birt-birth-day.."iyon ang sinagot niya saakin kahit hirap siyang ibuka ang mga labi.
Doon na ako napaluha.I don't make a sound,instead hinayaan ko lang ang luha ko na dumausdos sa pisngi ko.My heart was heavy.Pakiramdam ko mahihirapan akong huminga dahil pinipigilan ko ang pagsabog ng emosyon sa loob ko.
"Thank you..."I told him habang hinahawakan ko ang kamay nya.Ramdam ko ang paghigpit ng kaunti ng hawak nya doon.
Wala na siyang lakas para hawakan ako ng mahigpit.But it's okay.
"I..I w-want you t-to be...ha-ppy,Niña."
Tumango ako. "I am.I am happy,pero mas magiging masaya ako kung naroon ka sa mismong araw ng birthday ko.You...You can make it there,right?"
Hindi pa rin matigil ang agos ng mga luha ko.
Tinitigan niya lang ako with those eyes that I remember na mapupungay at tinitingnan ako na para bang ako lang ang kilala niyang babae sa mundo.He was my bestfriend,after all.And I am so bold na itanggi yon.
Dahan dahan ang pagpikit ng mata niya.When he did that,tumulo ang mga luha nya.
"H-Hey..don't do this to me,alam kong lumalaban ka.Gagaling ka pa!"
"Niña.."
He can't state any words without uttering but then,I feel so proud na kaya niyang banggitin ang pangalan ko without breaking it.Mas lalo lang akong nasasaktan dahil doon.
"Remember me.."
He's still breathing.Mama told me when she was in the same position with Vernon,na hanggang humihinga pa siya-she is fighting.She will fight and she will never cut that air for me.
I'm hoping the same way with him.
"..even if your mind chose not to."
Alam ko,na iniisip kong huli na para ibalik ko ang dati but then...my big hope was about him,to see him fighting.That's all I want,kahit hindi nya na ako mapatawad.
Kahit hindi na.Just let him live.
Tumango ako sakanya habang mariing pumipikit.Kahit hindi ko maintindihan kung ano ang pinupunto nya,I promise to remember him.I will.
"You'll continue breathing,right?"I asked him habang nanatili pa ring nakasara ang mga mata nya.
He's holding on my hand,never letting one finger to lift up its position.
"Vernon..."
Tumango siya.
I wish I could rely on that.Sana pwede kong iwan siya sa kwartong ito ng hindi naniniwala sakanya.I was so stubborn to believe him and left the room after he fall asleep.
"I'm going to have a party here,okay lang ba?"
When I asked him,he manage to answer without uttering.Nakikita ko ang paglaban na ginagawa nya.It was visible,so I believed him.Dahil iyon ang hindi ko nagawa noon,ang maniwala sakaniya.Ang makinig sa lahat ng sasabihin nya.
I wish I could bring it all back.Sana hinayaan ko siyang maging ganon saakin,sana sinabi kong ayos lang.Sana inalam ko ang rason behind that.We could have lot of memories back then,kung alam ko lang.
"Mahal kita,Niña.You will believe me...this time,right?"
Tumango ako.
"I'll be back.."
That time...is my another heartbreak.
That time...exactly after I click the door.Exactly as I stepped out of that...
Exactly at 12pm..Vernon died fighting against his Leukemia.
"I'll be waiting,Niña.."I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (26)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
I love the story but not the storm lol. very good novel and is highly recommended to read.🤍
23/04/2022
0sobrang ganda ..miss author update naman next chapter..nkakabitin basahin 🥰
24/07/2025
0good
09/09/2024
0Tingnan Lahat