Chapter 16

"Sunod ako."
Umiling agad siya saakin.I know dahil iniisip nanaman niyang tatakas ako.
"Halika na!Alam ko na yang mga palusot mo,bilis!"she grabbed my wrist at hinila ako palabas.
It's the Foundation's Anniversary.Wala akong balak na gumawa ng kahit ano para i-celebrate iyon but Pen really is a partyholic.
Siya ang nag-asikaso ng lahat.Noong tinawagan niya ako when I was in Manila,I told her I don't like the idea.
Unang una dahil kamamatay lang ni Vernon last year.As for me,hindi ko magawang maging masaya sa mga oras na 'to.Hindi ko nga magawang kumain.
The thing is,those words lingered on me for months.He said he'll be waiting.It feels nostalgic and pakiramdam ko may unang beses na sinabi nya iyon saakin.
Since that year,hindi ako kumakain sa tamang oras.I'll have my breakfast and dinner but I always skipped that lunch.
Lunch time.Added to my hated list,huh?
Nakakainis na sa oras na iyon umulan pa.I can hear the sound of trees,the dripping of water to the ground that made my heart break more.Pati panahon nananadya.
Siniko nya ng mahina ang braso ko while I am spacing out.
"Kumain ka.."she hand me the paper plate.Kinuha ko iyon pero nilapag ko lang sa tapat ko.
I heard her groaned.Inabot nyang muli ang paper plate at nilagyan ng kung ano-anong pagkain na nasa harap ng mesa.
She put it back in my front when she's finished.
"Niña.."
"Pen,just please don't force me..Sumama na nga ako diba?"I said.
"Pero hindi ka naman nag-eenjoy!"
I bit my lower lip.
"..dinala kita rito kase anniv. ng foundation mo!You should be happy that you already helped people for years and soon to decades..Come on,Niña stop being blue."
I scoffed."Napakadali lang sabihin yan.You never know how it hurts,huh?Palibhasa wala ka sa mga oras na iyon at ni minsan hindi ka nagpakita sakanya.."
Kita ko ang gulat sa mga mata niya when I said that.Kita ko rin ang pagkunot ng noo nya at ang paggalaw ng mga labi nya.
Umalis ako sa venue.Despite of the people around greeting me with all respect and adoration,wala akong pinansin isa sakanila.
Hindi ko magawang maintindihan kung bakit ganon na lang kadali sakanila ang magsaya pagkatapos ng nangyare.What?Did Vernon never treated her as friend?I can still remember their laugh and giggles noong mga oras na nag-iba ang pakikitungo nya saakin.
Wala lang iyon?
Naiinis ako.Para kaseng ang dali lang sakanila na kalimutan.For God sake,ilang buwan pa lang ang lumipas!Kahit isang buwan doon hindi siya pumunta ng libing or even visit Vernon's grave!
I got the box of cigarette in my bag.Humugot ako ng isa doon at sinigaan.Pag-usok noon ay sinubo ko na iyon sa labi ko.
Pinatong ko ang parehong braso sa steelbars habang tinatanaw ko ang papadilim na paligid.I sipped on the cigarette and let the smoke dance in the air.Inipit ko iyon sa pagitan ng daliri pagkatapos.
"Nagyoyosi ka pala?"someone asked behind me.
Binalingan ko agad iyon.Ngumiti siya saakin at tumayo malapit sa tabi ko.He comfortably lean his back on the railings habang nakatingin saakin.
Inalok ko sakanya ang pack.Umiling siya at lumipat sa kabilang gilid ko.Without my notice,nakuha na niya ang yosi ko at bago ko pa man siya mapigilan ay naisubo nya na iyon.
Natulala ako.
"Masarap 'to ah.."he smirked at inalok muli saakin.Umirap ako bago muling ibalik ang atensyon sa labas.
I hate sharing it.
Hindi ko na iyon kinuha sakanya.Mukhang wala naman siyang balak na itigil ang pag-smoke doon kaya hindi na rin ako umangal.
"Tagal mong bumalik dito.Narinig ko nawalan ka ng kaibigan." I looked at him sideways. "..Condolence pala."
Inalok nya ang palad nya saakin.Bumaba ang titig ko doon bago iyon tapikin.Humalakhak siya.
"Oy,masama yan!"he chuckled.
"Just don't put up that topic.Ayokong pag-usapan."sabi ko sakanya.
"Halata nga..pero hindi ka dapat ganyan.You must enjoy!"
Nilingon ko siyang muli.
He smiled more. "Narinig ko lang doon sa loob 'yang ingles.Madali lang pala 'yon!"
Then he practiced saying it again. "You must enjoy...the show,the party..let's eat and be..full?"
Nilalapat nya pa sa ere ang palad nya at ngumunguso habang nagsasalita.Wala akong ibang ginawa kung hindi ang magkunot noo sakanya.
Paulit-ulit nya lang sinasambit iyon.Nagkakamali siya kaya tinatama ko.Minsan tumatawa siya tapos mamaya magseseryoso nanaman sa pagsasalita ng english.Hinayaan ko lang siya.
He became my friend dahil 'yung tricycle nya ang lagi kong nasasakyan.Dahil palagi namang sakanya ako sumasakay,I got his number.Whenever I needed a ride papunta ng city,I just need to text him.Hindi ko lang alam kung sa mga oras na iyon ay may pasahero siya.
The important thing for me is,I have someone here that I can trust when it comes to driving me back and forth.
He told me that he once tried to study in SSC as an Electrical Engineering pero dahil sa kakapusan hindi nya na itinuloy.Hindi nya na rin naisipan pang mag-aral muli dahil malayo na ang edad nya.I wanted to tell him na pwede pa naman iyon.
Studies never shut the door for those who want to.Age doesn't matter as long as you desired to finish it.You'll never know the future but your plans and your ways do them,just like those sketches.
I always compare sketch to life.I wanted to be an architect before,pero dahil sa kagustuhan ni Papa na maging akin ang DMC I decided to turn my back on that profession,completely.
I do arts.And my rooms mostly filled with arts.But that was before thou,noong gusto ko pang ipagpatuloy iyon.
Sketch are your plans.Colors are your way.If you put those color within the sketch,you'll see how it stands out.You will see the beauty of the art you've made.
But then my sketch stays the same.Hanggang ngayon isa pa rin itong guhit na walang kulay.Pero hindi ko pinagsisihan na hindi ko natupad iyon.Masaya naman ako sa ganito,and what should I do was to be proud of what I become.
"Alam mo wala naman sa ibang tao ang daan para magpatuloy ka.If you mean it,then do it.There's no stopping you when you pursue it."
"Tutulungan mo ako?"tanong niya as we end up talking about it again.
Nagtaas ako ng kilay sakaniya. "Did I said that?"
Tumawa siya. "Hindi.Pero sa tingin ko iyon ang gagawin mo,Niña."
This guy..
Kung financial wala akong problema.If he wanted me to then I would love to.I can take him to work at my foundation habang nag-aaral siya.In that,matutulungan namin ang isa't isa.
Pumayag siya doon.
That ended my day.Bumalik ako ng Manila after checking up the Foundation at bisitahin sila Tita Zyra at Seven.I didn't saw Pen afterwards kahit noong papaalis na ako.Maybe she think I'm mad at her.
Mas okay na siguro na isipin niyang gan'on.But really,I am not.Gusto ko lang siyang maintindihan pero habang pinipilit ko siyang intindihin,mas nagugulo lang ang utak ko.
She always tell me na kausapin si Vernon.Ibalik ang pagkakaibigan naming dalawa,such that.Pero noong ginagawa ko na iyon I feel like she's creating spaces.Parang may ayaw siyang makita.If that's the reason napapaisip tuloy ako.
Gusto nya ba si Vernon?
I skipped that part of thinking.That can't be.Isang tao lang ang alam kong may gusto kay Vernon.
That wench.I have never seen her since that day.I wonder kung nasaan na siya ngayon?Well,as if I care about it anyway.
Nilaan ko nalang lahat ng oras ko sa kumpanya.Until I forgot about everything not entirely but at least...I started to be happy.I encourage myself to socialize,take invites,have party and most especially be myself again.
Hindi ko nga lang maalis sa sarili ko ang manigarilyo.Nasanay na ako na kapag mag-isa ako una kong hahanapin ang pack sa purse ko at maghihintay hanggang maubos ko iyon.I can finish one pack half a day,that's 2 pack a day.Minsan tatlo pa nga.
"Hello,Vince.."I answered habang papasakay na ako kay Vera na nakapark sa gilid ng mall.
Namili lang ako ng kung ano-ano dahil wala rin naman akong magawa after office hours.Galing na din ako ng bookstore,namili ng Art materials tsaka pocketbooks.For past time lang,boring minsan 'e.
"Nakuha ko na result ng exam.."he said.
"And?"
"Pasado!Grabe akalain mo,graduate na ako!Gan'on lang pala kadali 'yon.Mag-eexam ka lang graduate na!"
"Hoy..Saka ka magsaya kapag totoong graduate ka.That was just an Entrance exam,sampalin kita!"
Narinig ko agad ang tawa nya.Tuluyan na akong sumakay kay Vera at minaobra iyon paalis.
Siraulo din ang isang 'yon.Entrance Exam may graduation?
"Loko lang 'e!"then he laughed again.
This guy..ihuhulog ko sya sa Pier once I go back.
"Kelan ka pala babalik dito?"tanong nya.
"Bakit?Miss mo'ko?"
Niliko ko ang sasakyan sa kabilang kalsada.Pagdating ko ng intersection,tumigil ako dahil red light.
"Pag sinabi kong Oo,uuwi ka?"
"Depends."maikling sagot ko.
"Ano?"
"Depends on my schedule."
I heard him groaned. "Pag kausap mo ako wag kang mag-Ingles!"
I giggled. "Ilan score mo sa English?"
"3." I laughed loudly.
"Tingnan mo 'to."he said in a frustrated tone.
I stopped laughing. "Good job,Vince."
"Insulto 'yan?"tanong nya.
I giggled. "No.I said good job!"
"Hays,I do nut understand!"
I laughed again.Napatingin ako sa front at nahinto ang paggalaw ng tingin sa isang babae.Naningkit ang mga mata ko.
"Pen?" Was that Pen?
"Nakauwi kana?"
"I'll call you later,Vince."then I hanged up.
Binalik ko ang tingin doon sa kaninang babae.Malas lang dahil hindi ko na muling nakita pa.
I blinked repeatedly.I'm sure it's Penelope.What is she doing here in Quezon?I texted her once na doon na muna sya sa Foundation para sabihan si Vince ng gagawin.And who's that guy she was with?
Parang familiar...Feels like I saw before.
I tilted my head.Kumunot ang mga noo ko bago simulang muli ang pagmamaneho.I'll ask her about it.
Me:
Call me,asap.
Ilang minuto lang ay nagring ang phone ko.Kinuha ko agad iyon sa gilid ng mesa ko.
"Hello,Niña?"siya ang unang nagsalita.
"Ah,may itatanong lang ako."Ayaw ko ng magpaligoy-ligoy pa.
If that's true na siya nga iyong nakita ko kanina,bakit hindi niya man lang ipaalam saakin.Kung totoo ngang siya iyon dapat sinabi nya man lang na uuwi sya.Even if it is a date or something!
"Why?Anong problema?"she asked.
"I think...I saw you in the intersection and you're with this guy.Am I right?"
"Me?"
"Yes.I don't want to conclude anything so I'm asking you."sabi ko. "Ikaw 'yon?"
"How can I be sure about that?"
Kumunot ang mga noo ko. "How?"
"I mean..nasa Sorci ako so,how can I say that it was me?Come on,Niña.Are you thinking something?"
Sumandal ako sa railings at inabot ang pack ng yosi.
"Nah.Just asking."
"Okay,then.May sasabihin ka pa?Kung wala you can hang it up.."
Hindi na ako sumagot.I hanged it up immediately at nagsindi ng isa.I sip into it and flew the smoke.Napabuga ako ng hangin bago muling itapat sa labi ko iyon.
She's not that woman I saw.Okay.
I'll believe her this time.
Next day,I was a bit busy.Hindi ako makalabas ng opisina ko just like the old days.I needed to finish everything bago ako magbar or magpunta ng cafe.If not,I ended up at home doing something like sketching lalo na kapag maulan sa labas.
Really,up until now hindi ko pa rin alam ang sagot.I wanted to know the reason behind hating the rain.I badly want to.
"Today is your first day?"I asked him two weeks after he called because of his entrance.
"Oo,awkward nga."
"Woah,awkward?Because you're too old for College?"
"Oy,sabi mo age doesn't matter!Ngayon sinasampal mo saken na matanda na ako para mag-aral?"
I chuckled. "Hindi sa gan'on!I'm just asking how it feels to be in awkward situation in that age!"
"Parang gan'on na rin!"
"Hey,hey."I let out smoke from my mouth at tinanaw ang labas ng terrace. "..can't you be confident?"
"Confident ako ano!Ikaw lang 'tong nagpaparamdam saken ng ganito.Kung ano yung sabihin mo ang lakas ng impact saakin!"
"What do you want me to do,then?"I asked.
"I-cheer mo ako."
I narrowed my eyes.I sipped again and flew the smoke to the air.
"Okay.Kumusta pala yung work mo sa Foundation?Sinasabihan ka ba ni Pen ng gagawin mo?"I changed the topic.
Naubos ko na ang isang yosi kaya inabot kong muli ang pack at kumuha ng isa.I light it up and put it in my lips.
"Penelope?Siya yung maikli ang buhok,diba?"
Tumango ako sa sarili. "Yup."
"Ahh,wala siya dito."
"Huh?"
"Noong isang linggo pa."
Napaayos ako ng tayo bago talikuran ang magandang tanawin mula sa mga building.I walked towards the table para kunin ang isa kong phone.I dialed the number of my other employee in the Foundation while still on call with Vince.
"Hindi mo siya nakikita diyan,even for once?"I asked again.
"Wala.Yung isang staff lang dito ang nag-aassist saakin.Tinanong ko siya kung nasaan si Pen,sabi nya nasa opisina lang.Pero sa tuwing nagpupunta ako doon wala namang tao.Akala ko salisi lang,pero ganon pa rin ang ayos ng gamit kapag bumabalik ako sa linggong 'yon.Iniisip kong baka nasa city o Barangay Hall,kaya nagpapasada ako at wala siya doon kapag tinatanong ko sa opisyal.."
I licked my lips in confusion.Paanong wala siya doon?She told me that day na nasa Sorci siya and she didn't leave.Is she doing something I don't know?
"Bakit,Niña?Anong problema?"
I felt shiver on my back.Kinakabahan ako sa di ko malamang dahilan.
"Nothing.Tawagan nalang kita."
Did she lied to me,again?

Komento sa Aklat (26)

  • avatar
    Zion Seannafair

    I love the story but not the storm lol. very good novel and is highly recommended to read.🤍

    23/04/2022

      0
  • avatar
    Jessica Abad Fernandez

    sobrang ganda ..miss author update naman next chapter..nkakabitin basahin 🥰

    24/07/2025

      0
  • avatar
    Fael Bautista

    good

    09/09/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata