Chapter 18

"Niña?Gosh,ano bang iniisip mo?You spaced out everytime na kinakausap kita."
I breath deeply bago hawakan ang mga mata ko.
"Wala,Tita.I'm okay."
"You sure?Nag-aalala na ako."
"Ayos lang po ako."pagkukumbinsi ko.
Tumango naman siya at bumalik na ng kusina.Pumanhik naman ako sa kwarto at padarag na nahiga sa kama.
Pumikit ako saglit.
How many times did I spaced out this day?At nakita pa ako ni Tita.
Napabuntong hininga ako.
Matapos ang araw na iyon nagpunta ako sa sunod na lugar.Ito ang huling lugar na dapat kong makita.It has something to do with these questions in my head.
The pier.
Napahawak ako sa sling bag na nakasabit sa balikat ko.I looked over the place,kahit na wala na doon ang Circus marami pa ring tao.They are heading to the Rompeolas,couples mostly go there.Hapon pa lang naroon na sila naghihintay na dumilim at pailawan ang mga street lights at ang iba ibang ilaw na nagrereflect sa tubig sa ilalim ng mga letra.
Napalunok ako ng isang beses bago maglakad.Nagulantang lang ako noong may humawak sa balikat ko dahilan para halos tumaob ang lamang loob ko.
"Niña!Nauwi ka na!"
I hold my temple for a while bago sapukin ang braso nya.
"Tangina,Vince."I hissed.
"Pasensya,natuwa lang ako na makita ka!"he even giggled after.Inambahan ko siya ng panibagong sapak na iniwasan nya pero hindi ko tinuloy.
Naglakad nalang ako ng tuluyan at hinayaan siyang sumunod sa likuran ko.Maya-maya sumabay na siya sa lakad ko.
He looked at me. "Oy,Sorry na."
Nilingon ko siya. "Wala kang klase?Don't tell me you ditch class because of me?"
"Lakas!Hindi ah!"tanggi nya na bahagyang may pang-iinis.
Umirap ako.I can't concentrate because he's here.
"Hindi nga,lumiban lang ako noong nakaraan."
"Okay."
Lumiko ako sa kabilang side dahil sa tubig.Kinakabahan ako.Hindi ko alam kung bakit,pero kabadong kabado na ako.
"Ayos ka lang?Namumutla ka."he tried to reach my forehead pero tinapik ko agad iyon.
Bahagya siyang nagulat sa ginawa ko at natigilan.Deretso pa rin ako ng lakad.I can't stop walking because I felt dizzy.
Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ako kadesperada na mapuntahan ang lugar na 'yon.
"Saglit lang,Niña!"
Tumigil ako.Ramdam ko ang pagtakbo nya palapit saakin.When he reach to close our distance hinarap ko siya.
May pag-aalala sa mga mata nya.Nakasuot siya ng uniporme while holding the cord of his bag.
"Okay lang ako.Just leave me alone,Vince.I needed this time to be with myself."sabi ko.
"Ayaw mo ng kasama?"he asked,still clear in his stare that he was worried.
Tumango ako. "Go.Leave."
He chuckled a little. "Kayong mga mayayaman laging may ganyang oras 'e.Gusto nyong mapag-isa dahil nasasaktan o kaya naman may problema sa pera.."
"Vince.."
"Wala namang problema saakin na makinig.Pwede mong sabihin saakin kung ano man yan.Hindi naman ako masamang tao at kilala mo na ako mula pa noong unang punta mo rito."
Napapikit ako. "Vince,please.."
"Pwede mo akong pagkatiwalaan,okay?"
"You can trust me,okay?"
"Pero...hindi ako--ahh!Ano b--"
Napadilat ako sa sobrang takot.
What was that?Ano iyong naalala ko?
Sobrang lamig ng buong katawan ko.Pakiramdam ko naroon ako sa mismong pangyayareng iyon.The water is hugging my body and I couldn't feel my feet.
Naramdaman ko nalang ang sarili ko na nahuhulog sa lupa.Sa oras na iyon alam kong nawalan ako ng malay.Hindi ako makagalaw,nor barely breath.That moment,things were back.
•
•
"Sama ka?"he asked me.
Natuwa naman ako dahil sa pag-aya niya saakin sa kabila ng tampuhan nilang magkapatid.
Vernon became my friend because of his brother.Mas madalas ko siyang kasama sa mga lakad kasama ang pamilya.Sa totoo lang,mas gusto kong kasama si Verion.Siya ang unang nakilala ko and when Vernon came,I thought he was Verion.
"Baka magalit si Verion."sagot ko.
"Tss,hindi yan.He's also going with us.Actually,nauna na siya doon kasama si Pen."
Kahit na natutuwa ako na inaya nya ako,ayoko pa ring magkaroon nanaman ng lamat ang relasyon nila bilang kambal.
So I had to text him if it is okay.Sabi naman nya ayos lang kaya sumama na ako.
"A-Ayoko..Verion,dito nalang ako."
He chuckled. "Tubig lang 'yan."
Tinapik ko ang kamay nyang nakahawak sa pulso ko.I glare at him.
"Ayoko nga!Hindi ako marunong lumangoy.."sabi ko.
Pero pilit pa rin niya akong hinila palapit doon sa malalim na parte ng dagat.Nakakatakot iyon kaya nagpupumiglas na ako.Hindi naman niya ako hinayaang makawala.
He put his arms around me at binuhat ako in a bridal way habang nilalakad nya ang tubig.Nang makita kong umaabot na iyon sa dibdib nya ay napahigpit na ang hawak ko sa batok nya.
"Verion!Ayoko sabi!Ibalik mo ako doon!"sigaw ko.
I heard Vernon's laugh as well as Pen from the further part kaya kahit sakaniya ay natakot din ako.Bad idea na sumama ako sakanila.Sabi ko na at paglalaruan nanaman nila ako!
"Verion,alalayan mo!"si Pen.
"Isusumbong ko kayo kay Tito!"
"Wala dito si Dad,kaya kay Mom ka nalang magsumbong!"he laughed.
Kung kay Tita pagtatawanan niya rin ako!She supported this two kahit na kalokohan pa iyon!
"Verion please!Ayoko nga!"
Parang gusto kong maiyak sa trip nya.
"Tuturuan kitang lumangoy so just hold a little on my neck,you're choking me.."
Pag ako nainis,sasakalin ko talaga siya!Pero takot akong ihulog nya ako bigla eh malalim nga iyon!
I keep on moving my feet para lang makumbinsi siyang ibalik ako sa pangpang.Hindi ko rin magawang silipin ang tubig kaya nakasiksik lang ang ulo ko sa parteng leeg nya.
Hinanap nya ang mata ko.When he found mine,he assuredly gave a smile.
"You can trust me,okay?"his eyes told me it's fine pero hindi talaga ako sigurado doon.
"Pero...hindi ako--ahh!Ano b--"
Mabilis akong pumailalim sa tubig.Kahit anong gawin kong paggalaw ng kamay at paa ko ay hindi ko magawang makaangat.Tinatangay ang katawan ko kaya mas lalo akong natakot.
Hindi na ako makahagilap ng hangin mula sa baga ko kaya naisip ko agad ang kamatayan ko.
Bago pa man ako pumikit ay may isang braso na ang humila saakin.Paulit-ulit akong umubo ng tubig and I felt my nose were burning because of some water I inhaled.
"Papatayin mo ba si Niña?!I told you alalayan mo!"
"Bal,what the hell?Sabi mo tuturuan mo lang lumangoy!"
"That's the first thing they told us to do when we're doing our training."sagot nya sakanila.
"Siraulo ka!"sigaw ko.Mula sa pagkakaupo ay tumayo ako para batukan siya.
Imbes na magsorry ay tumawa lang siya at nakipaghabulan pa saakin.
"Papatayin kitang bwiset ka!"
Matapos ang mga araw na iyon,madalas nang magalit si Verion sa kambal nya.Vernon chose to go with me always.Wala naman akong ibang magawa kung hindi ang pumagitna lagi sakanilang dalawa sa tuwing nagsasagutan sila.
Kinakailangan ko pang maging messenger para lang pagkasunduin ang dalawa.
"Ano ba kayo?Hindi nyo ba pwedeng alisin ang tampuhan nyo sa isa't isa?Nakakapagod na oh!Buti sana kung binabayaran nyo ako bilang tagahatid ng mensahe,hindi naman ah!Kaya wala kayong karapatan na mag-away lagi!Napapagod din ako!"pinagsisigawan ko sila doon habang nakaupo sila sa magkaibang bench.
Magkalapit lang naman iyon pero hindi talaga sila papayag na magtabi.
Ilang buntong hininga na ang ginawa ko pero masamang tinginan lang ang ginagawa nila sa isa't isa.
Bumilog ako ng isang notebook at pareho silang pinukpok sa ulo.
Dumaing agad si Vernon habang gulat namang napatayo si Verion para daluhan ang kambal.
Nagulat ako doon and at the same time napangiti din.
"Oh!Palo lang pala sa ulo ang magpapabati sa inyo 'e!"I exclaimed.
Binalingan ako ni Verion.In his broad stance,his looks were intimidating lalo pa nang tingnan nya ako ng masama.
"Why did you do that?"he asked calmly.
"U-Uh,para magkabati kayo!"sigaw ko.
"That's bullshit,Niña!"his eyes were brooding.Naestatwa ako sa gulat na makita ang sobrang galit sakanya.
"B-bakit..."I couldn't finish my words because he's clenching his jaw na alam kong nagpapakita ng galit nya.
"Don't yell at her,Bal."
Naiiyak ako sa mga oras na iyon.At the same time,hindi ko maintindihan kung bakit galit siya sa ginawa ko.Minsan ko na ring sinaktan si Vernon physically and he acted differently kaya nagulat talaga ako ngayon.
Mula noon hindi niya na ako pinapansin.Kahit na anong sorry ko,kahit na anong pakikipag-usap ko he will always sneered at me or walk away as if I am not there.
Napunta lahat ng atensyon ko sakanya.Gustung gusto kong humingi ng pasensya para maging okay na kami but he always chose to leave than to listen to me.
Pinahiya niya pa ako sa classroom nila noong pumunta ako.His classmates thought I was confessing pero ang totoo umaasa akong papansinin niya na ako.May dala akong cookies,I baked those just to show him I am sincere pero imbes na kunin ay tinapik niya iyon.
Tumilapon iyon sa likuran ko na ikinagulat ko pa.Tanging masamang tingin lang ang binigay nya saakin bago ako iwan doon sa labas ng room nila.
I can't go to school because of my training.Kaya wala akong maisip na paraan noon but to go there.Pero iyon lang pala ang mapapala ko.
Umiyak ako pauwi.Pagdating ko ng bahay tumakbo agad ako paakyat ng kwarto.Nagkulong ako doon at lumabas lang kinabukasan.
"You okay?"Vernon asked me.
Ngumiwi ako bago yumuko.Pinaglaruan ko ang mga daliri ko between my thighs and breath deeply.
"Don't worry,kakausapin ka rin no'n."
Someone scoffed behind our back.Nang tingnan namin iyon,it was Verion staring at the fountain bago ilipat saakin.
"Don't give her false hope,Bal."he said before he looked sideways as if he rolled his eyes on me.Naglakad siya paalis pagkatapos noon.
Naiiyak nanaman ako pero pinigil ko dahil kaharap ko ang kambal nya.Ano ba kaseng problema niya?Maiintindihan ko naman kung sasabihin niya saakin eh!Kung ayaw niyang sinasaktan ko ang kambal niya then I won't.Mahirap bang sabihin saakin iyon?
Hindi ko na siya ginulo pa.Naiintindihan ko kung ayaw niya na akong pansinin.Pero sana intindihin niya din ako.
Maluwag kong kinuha ang bulaklak na inabot ng isang estudyante doon nang pumunta ako sa SSC para sana makita si Verion.Some busy students had to stop walking para lang tingnan kami.Sumisilay agad ang ngiti sakanila dahil kay Leo.
I know that this Leo from same course with Verion had a long crush on me and seeing him confess make it a trend.
Napahawak ito sa sariling batok.Halatang kinakabahan at nahihiya.
"Niña,uh,Happy Valen-"
Napatili agad ako ng bigla nalang bumagsak si Leo at tumilapon sa damuhan.Ganon rin ang naging reaksyon ng mga estudyante sa paligid.I was so shocked habang tinatakpan ko ang bibig ko at nilipat ang tingin sa gumawa n'on.
Nanlalaki lalo ang mata ko.
"Verion.."
"Are you that desperate,huh?Accepting those flowers as if it was worth it?"he said that to me while his stare was intense and full of disgust.
Nasaktan ako sa sinabi nyang iyon.Desperate?Tinanggap ko lang ang bulaklak desperada na agad ako sa paningin nya?
Bakit?Anong pakealam nya doon?
If it isn't worth it,ano naman sakanya?!
"I can't believe you're doing this to me.Ano bang pakealam mo?"I asked him matapos ko siyang hilahin palabas ng campus.
Tinapik nya ang kamay ko na nakahawak sa braso nya.
"I can't believe you're too dumb in such obvious thing.Next time,act as if you're considerate and don't be a fucking fool." His irritated glare squelched my words from coming.
Nanahimik lang ako until he began to march back to the campus.Dali-daling dumausdos ang luha ko pababa sa pisngi.Hinawi ko naman agad iyon at napiling umuwi nalang ng bahay kesa bumalik doon.
Hindi ko rin naman alam ang sasabihin ko para lang humingi ng pasensya kay Leo sa ginawa ni Verion sakaniya.
Dinudurog nya ako sa mga salita nya.Para bang hindi nya ako kilala kung kausapin nya ako ng ganon.
Wala na ba talagang puwang ang paghingi ko ng tawad sakanya?
Kaya nya ako binabawian ngayon,ganon ba?
Umiyak lang ako sa kwarto ko.Hindi na rin ako bumaba para sumabay sakanilang kumain.Hindi ako magpapakita sakaniya tutal bukas aalis ako para pumunta ng Manila.I'm going to deal with an investor as part of my training.Hindi ko na kelangang umiyak dahil lang sakanya.

Komento sa Aklat (26)

  • avatar
    Zion Seannafair

    I love the story but not the storm lol. very good novel and is highly recommended to read.🤍

    23/04/2022

      0
  • avatar
    Jessica Abad Fernandez

    sobrang ganda ..miss author update naman next chapter..nkakabitin basahin 🥰

    24/07/2025

      0
  • avatar
    Fael Bautista

    good

    09/09/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata