Chapter 10

"Funny that I can fight for other's right,but can't fight my right for you."
Buong gabi kong iniyakan iyon.Hindi ko alam kung bakit at kung alin ang dahilan ko.But because of that talk,hindi ko na alam kung ano ba talaga ang nararamdaman ko.
His words.Those hit me.Para bang sinasaksak niya saakin bawat salita na dapat hindi ko naman nararamdaman ngayon because I hate him.Siya itong unang nag-iba at bigla nalang nang-iwan.
I hated him for everything.
We had a lot of memories that won't fade.Kahit na ilang buwan lang iyon,nakilala ko siya sa maikling araw na iyon I know we gave each other something to hold on.He gave me hope.He lift me up.Doon palang na lagi ko siyang kasama ay sapat na saakin.
Lagi siyang nakasunod saakin saan man ako ng sulok ng mansyon mapadpad.Kahit hindi niya itanong kay Manang or kay Pen kung nasaan ako,he was there.He can locate where am I.Kapag kakain ako sumasabay siya kahit kumain na siya kasama si Pen.Kapag lalabas ako ganon din siya.Nauupo ako sa isang bench doon para panuorin ang agos ng tubig sa mala-kristal na kulay nito sa fountain.And then he would sit beside me.
Hihinga ng malalim,titingnan kung saan man nakatutok ang mga mata ko,tsaka lalapat ang mga tingin saakin.Then,we will talk.
Right there,I began to love that part of our mansion.Doon madalas magkausap kami hanggang sa dumilim.
Even the sky turned gray with a mixture of dark orange,making the scenery aesthetic,hindi kami umaalis doon hanggang hindi kami natatapos mag-usap.Aalis lang kapag umulan or if we're bitten by mosquitoes.
Madalas,kahit hindi pwedeng lagi ko siyang kasama I was always in his room.Trying not to have gap on times na hindi ko gustong palipasin ng wala siya.I was happy.
Very,very happy na kahit sa isang iglap nag iba ang pakikitungo nya saakin I still hope that he would come out of his room at kakausapin nya ako tulad ng dati.
Pero hindi.Mali ako ng inisip.Masyado ba akong nagrely sakanya?Na ultimo kasiyahan ko inaasa ko sakanya?Tapos ano?
After those happy times we had,bigla nalang siyang iiwas saakin at padabog akong pagsasarhan ng pinto.
Hindi ko alam kung anong meron noon at kung may nagawa ba ako para maging masama ang mga tingin nya na dati ay hindi naman ganon.Hindi niya ako kinakausap o hinahanap man lang.
"Ver--"
"Pen,sa kwarto lang ako."he said at patuloy lang na nilagpasan ako.
I was on the staircase waiting for him to come down dahil akala ko nasa taas siya.Noong nakita kong galing siya sa labas,I tried to approach him.Guess what?
Para lang akong hangin sakanya.Si Pen lang ang kinakausap niya.When Penelope neared me,sobrang bigat na ng dibdib ko na para bang may kung anong bara sa lalamunan ko na dahilan para humikbi ako doon.
"Pagpasensyahan mo na yon."
I leered at her bago ako tumakbo paakyat ng kwarto ko.
That was the first time na nagalit ako kay Pen.Pagpasensyahan?
Okay silang dalawa tapos kapag ako na ang nakikita niya para bang wala kaming pinagsamahan?Kung magtawanan sila sa sala na lagom hanggang sa kwarto ko para bang sila iyong laging magkasama!
Kahit na ang totoo halos hindi na nga namin mapansin si Pen dahil lagi kami doon sa may fountain!
Inis na inis ako.Nagagalit ako sakanilang dalawa.Ilang ballpen na ang nabali ko sa tuwing humahagikhik silang pareho na para bang nang-iinis!
Para bang nananadya!
Pero kahit ganon,hindi ko pa rin magawang tuluyang magalit sakanila.Ilang linggo ko ring sinubukang makipag-ayos sakaniya dahil akala ko galit siya saakin.That's what I thought,hanggang sa napagod na rin akong manuyo.Binabaling ko nalang sa ibang gawain ang atensyon ko.Hindi ko nalang pinilit na pansinin niya pa ako pero gabi-gabi akong umiiyak dahil sa kaniya.
Kahit na nasa iisang bahay lang naman kami nakatira kasama si Pen,and there's always a time na magkikita kaming dalawa.I didn't intend to talk to him,nor to glance at him whenever he's around.
My mood changes again.And then I realized,nang dahil sakaniya nakalimutan kong nagluluksa ako.That I had the most painful nightmare and dark future ahead of time.Hindi ko naisip na nawalan ako ng buong pamilya because he put me in happiness,and was temporary.
Dahil matapos din ang lahat,siya rin ang naunang nagbago.Siya ang naunang umiwas.Binalik niya ako sa dating lungkot na sana ay wala nalang saakin kung nanatili siya sa tabi ko.
"..Manahimik ka pwede ba?Wag mo akong sundan at wag mo na rin akong kakausapin!"
My small voice lingered on the room sa kabila ng malakas na tunog ng ulan mula sa labas.Kasunod non ay ang tunog ng mga yapak ko habang mabilis kong inaakyat ang kwarto.
When I decided to live my life with so much pain and hatred without his help,saka naman siya bumalik sa pakikitungo saakin.
When I treated him cold,he acted warmly.Smiles a lot and joke around whenever he sees me.Madalas bumabanat pa siya ng kung ano-ano pero tulad ng ginawa niya saakin,I treated him invisible.
Hindi ko siya nakikita.
Hindi ko siya kilala.
Wala kaming pinagsamahan.
Now he want to have the rights for me.Iyong tulad ba ng dati?Iyong dahilan kung bakit nakalimutan ko lahat?And then,magbabago rin pala siya bigla.Tapos mang-iiwan siya pagkatapos.
Ngayon babalik siya?
Para ano? To claim that rights na una palang hindi niya karapatang makuha!
Ayokong paapekto sa kahit ano.I want to make him feel bad and drown from his own emotions.But I just realized everything.Gusto kong magalit lalo sakanya pero hindi ko magawa dahil sa mga nakita ko.Hindi ako tanga para hindi malaman iyon!
It was ghastly.And it was breaking me.
"Bakit maga yang mga mata mo?Hey,you cried?Anong nangyare?"
Penelope's worried face is seen in the large screen of my laptop.Hindi ko iyon magawang itanggi dahil magdamag talaga akong umiyak at wala pa akong tulog.
Galing sa pagtitig sa kawalan ay binaling ko ang atensyon ko sakanya.I was sitting in front of the table,with my arms crossing over my chest.Nakatulala kanina sa makulimlim na panahon sa labas dito sa terrace.
"Hey,what is it?"she asked worriedly.
Sa mahinang boses nyang iyon para akong tinatanong ng isang anghel.I felt something lumping in my throat,the reason para maramdaman ko ang paghapdi ng mga mata ko.
Iniwas ko ang tingin ko sakanya.I tried removing that lump by clearing my throat pero imbes na gumaan ang pakiramdam ko ay lalo lang akong naluha.
"What is it,Niña.."she asked again.
"I--I have seen it.."I cleared my throat again.Trying not to broke my voice while talking. "..I have seen it,Pen."
"What are you saying?"
My sobs we're like hiccups.Hindi ko mapigil ang sarili ko.Alam kong alam iyon ni Pen.And I won't like the idea na magsisinungaling nanaman siya saakin.
"You will tell me the truth,diba?This time Penelope,please..be true to me for the sake of him."
Kahit sa screen ko lang siya kaharap,ramdam ko ang pagbigat ng paligid naming dalawa.Para bang nawala lahat ng bagay na nakikita ko at tanging paghikbi ko lang ang naririnig ng lahat.
I don't want to confirm it.Ang mga hinala ko tungkol doon but I don't want to hear lies again.Not this time because it's serious.Too serious that I could get another heart break na ayoko ng maranasan pang muli.
"Kelan pa?Why you didn't tell me,huh?Sinasadya nyo ba akong saktan dalawa?"I can't calm now.
Medyo tumataas na ang boses ko dahil sa alam kong hindi nya na iyon maitatanggi pa.
"He told me not to tell you.Gustung gusto kong sabihin sayo pero paulit-ulit nya akong pinipigilan.Niña,that time that he was locked up on the mansion..."
Kabado agad ako ngayon na harapan ko mismong naririnig ang detalye non.
"..totoo iyon.He didn't have much time left.Pitong taon na mula ngayon.Every seconds that are wasted,his breathing goes slower and slower."
"So what are you telling me now,huh?Na iiwan niya ako ng tuluyan?Na pagkatapos ng buong pamilya ko siya naman ang mang-iiwan saakin at hindi na babalik habang buhay?"
Nanginginig ako.Sa loob ng ilang taon,bakit nila itinago saakin?
"I'm sorry.Alam kong magiging--"
"Sobrang sakit,Pen!"I shouted at her with so much force inside my throat.
Halos magsilabasan na ang ugat ng leeg ko sa sobrang gigil kong isigaw sakanya na nasasaktan ako.Na gusto kong ibalik ang oras,na sana hindi ko nalang pinairal ang pride ko kahit pa naging ganoon siya saakin.Sana alam ko!Sana meron pa kaming oras!
"Putangina,masakit!" Humagulgol na ako sa mga oras na iyon.
Pen just shifted his eyes to the side habang humihikbi din pero pinipilit nyang wag ipakita iyon saakin.
"..Pen,buhay niya ang itinago nyo saakin!Kahit ganito ako sakaniya I have the right to know!Pen,tangina importante saakin yung tao eh!Importante si Vernon saakin!Alam mo yan eh!Kahit naging ganon ang pakikitungo ko sakanya,kahit galit ako!Fuck!"
"You have the right,Niña.More than you know.."
That was the last time I contacted her.Pero hindi ako galit sakanya.
I just want this time to think and to feel better on my own.Sa ganitong sitwasyon baka matanggap kong nangyayare nanaman ito saakin.
Nanaman.
Isang beses na nawalan ako,pakiramdam ko buong mundo ko ang kinuha niya.Si mama,si papa and my siblings.Hindi lang sila basta mundo ko,they are my life.At mula nang kinuha niya sila saakin parang napatid lahat ng ugat ko na nagdudugtong para mabuhay ako.I almost drowned.
The whole month,I never contacted any one of them.Mas pinili kong umalis nalang muna ng Maynila at bumalik ng Sorsogon.Kahit mahirap na naroon ako,it feels like I'm more comfortable seeing our past memories than being in the present where I know everything.Mas nasasaktan lang ako.
My eyes never been out of fluid.Lagi akong umiiyak habang naroon ako sa mansyon.Kinakatok lang ako ni Tita Zyra kapag kakain or kapag gusto nya akong kausapin.Though,she didn't know about what I'm going through.Ayokong sabihin sakanya or kay Tita Ashley na naroon ngayon sa Maynila para pamahalaan pansamantala ang DMC.
They didn't left the mansion.Si Tita Zyra with his husband and son stays in the mansion mula ng umuwi ako ng Maynila.Sila ang tumao sa malungkot na mansyon kasama si Tita Ashley and Tito Zoren so that Seven won't get sad.Angel would definitely be friend with her cousin.
Noong umuwi ako dito,gulat ang mukha nila but at the same time they are happy.Hindi ko lang pinahalata ang nakadagang bigat sa dibdib ko so that they won't know the real reason.After that,I asked Tita Ashley to take over the DMC for awhile dahil gusto kong magbakasyon.She has a company in Davao kaya alam kong nasa tamang kamay ang DMC.
"It feels great being the company owner,huh?Pwede kang magbakasyon at mag-appoint ng tao anumang oras mo gusto."Tita Zyra exclaimed while stirring her coffee on the counter-top.
Seven and Angel is with Tito David  outside the city.Gusto kaseng gumala nung mga bata kaya pinagbigyan na ni Tito David.Aalis din naman kase si Angel bukas at susunduin ni Tito Zoren para umuwi ng Davao dahil sa company nila.That's why Seven asked to bond with her for the last time.
Balak sanang sumama ni Tita at inaya ako pero noong tumanggi ako hindi na rin siya sumama.
"Why did you come here?Malungkot ka ba doon?Nag-away kayo ni Pen?"she's worried.
Naupo siya sa kaharap na kulay gintong silya sa mahabang mesa na kinauupuan ko.Nilapag niya ang kape sa harap niya at muling hinalo iyon.
"Sobrang haba na noong nakaraang bakasyon mo.Do you have any problems?Uh---lovelife?"
Her glassy almond shaped eyes winked as if she wanted to know about something.I chuckled.
"Wala,Tita."
"Wala kang jowa?"she looked surprised and disappointed at the same time.
Umiling ako. "Wala,Tita."
"Manliligaw,meron?"she raised her brows.Tumigil pa siya sa paghalo ng kape niya marinig lang ang sagot ko.
I have a lot.Pero lahat sila duwag.Dinadaan sa email at mga sulat kasama ang flowers pero hindi naman saakin nagpapakita.May ilan na nasa opisina ko lang pala pero painosente.Sayang lang,I liked the hard expression on their faces na bigla nalang lalambot kapag nakikita ako.But they never talk to me.
Ewan ko.Nakakaintriga.Hindi naman ako istrikta sa mga empleyado ko pero bakit parang takot sila?
"They never courted me in person,so I guess wala ring kwenta ang mga lalakeng yon."
"I think so.."
Tita pointed me then nod bago ibaba ang palad para muling haluin ang kape nya.
"..but you're already 23.Mag-24 kana this August,wala ka bang balak mag-asawa?Pen told me about your mom's bestfriend.May anak iyong lalake,hindi ba?You are friend with him,right?"
My mouth left hanging.So anong pinupunto nya ngayon?
May kung anong gumalaw sa tiyan ko dahilan para tumaas ang balahibo ko sa leeg.I tried to smile,trying to console myself from hearing about him again.
Sa huli ngumiti nalang ako.
It was a very sad nights and gloomy morning ahead of the months.Ganoon lagi ang pakiramdam ko kada araw na lumilipas.And everytime I recall those words I had with Pen,nadudurog ako.

Komento sa Aklat (26)

  • avatar
    Zion Seannafair

    I love the story but not the storm lol. very good novel and is highly recommended to read.🤍

    23/04/2022

      0
  • avatar
    Jessica Abad Fernandez

    sobrang ganda ..miss author update naman next chapter..nkakabitin basahin 🥰

    24/07/2025

      0
  • avatar
    Fael Bautista

    good

    09/09/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata