It was as if I had lost my sanity when I heard that. My mind and heart could not accept what Ate Hally said. How? Why? There were so many questions in my mind, but my mind couldn't think straight. Dalawa lang ang naging hiling ko. Una ay sana nananagilip lang ako. Sana isa lang 'tong bangungot at magigising din ako. Ang pangalawa ay kong hindi man ito panaginip, sana hindi niya ako sinunod. Kong kanina ay pinagdidiinan ko sa kanyang sundin niya ang utos ko, ngayon ay sana.... sana hindi niya iyon sinunod. Sana hindi siya umalis gaya ng utos ko sa kanya. Hindi ko alam kong anong gagawin ko pag nandoon siya at sinunod ang sinabi ko. Hindi ko alam kong ano pang gagawin ko pag nalaman kong kasama siya doon sa eroplanong 'yon. Hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Buong buhay kong kakamuhian ang sarili ko. Mabilis akong bumaba sa kama habang lumuluha. "Hindi, No, Wesley," Mahinang sambit ko. Nataranta si Ate Hally nang makita akong nagkamadali. "Sunny, where are you going?" tanong niya, pero hindi ko siya pinansin. Paglabas ko ay hinanap ko siya sa sala, sa kusina sa buong sulok ng VIP hotel room na kasalukuyan naming tinutuyan, pero wala siya. "Sunny, ano ba!" hinawakan niya ang kamay ko, pero tinanggal ko iyon at tumingin sa kanya. Dahil sa luha ay hindi na malinaw ang paningin ko. Umiling at napahagulgol ako. "Hindi, Ate. Hindi niya sinunod ang sinabi ko. Alam ko. H-Hindi pwede," sambit ko habang umiiling. Tumalikod ako at mabilis na lumabas. Umaasa pa rin ako na sana sinaway niya ako. Mabilis kong hinanap ang manager ng hotel, buti at nahanap ko siya agad. He's a half pilipino, kaya ayos lang na magtagalog ako. "Nasaan si Wesley?" Mabilis kong tanong. Nakita ko ang gulat sa mga mata niya nang makita akong umiiyak. Wala na akong pakealam. "Ma'am, may hawak siya kaninang bag at ang sabi niya ay papunta siya sa airport. Binilin pa po niya na asikasuhin ko kayo---" Hindi na pumapasok sa isip ko ang mga sinasabi niya. "No! Hindi siya pumunta sa airport!" Mahinang bulyaw ko. "Office, tama. Saan ang office niya?" Halos hawakan ko na siya sa balikat para makakuha ng sagot sa mga tanong ko. Nang masabi niya ay mabilis ang kilos kong umakyat sa floor na 'yon. Naiinis pa ako nang makitang matagal pa bago ang sunod na elevator, kaya tinungo ko na ang hagdan. Mabilis akong umakyat, hindi alintana ang lamig. Iisa lang ang nasa isip ko, ang pumunta sa office at makita siya doon. Nanlumo ako nang makita kong madilim ang loob. Walang bakas niya. Ang natitira lang ay ang pabango niya. Lumapit ako sa lamesa niya at hindi na binuksan ang ilaw. Napaupo ako at walang magawa kundi umiyak. Tinakip ko ang kamay ko sa mukha ko, kasabay ng pagtakip ko ay ang pagbukas ng ilaw ng kong sino. Mabilis akong lumingon at napatitig sa taong iyon. May hawak siyang bag, yung bag pack na gamit gamit niya noong papunta kami dito. Nagulat siya nang makita ako doon, kitang kita iyon sa mukha niya. "Sunny, I'm sorry. Sinubukan kong umalis, per--" Mabilis akong lumapit at walang sabi sabing yumakap sa kanya. Humagulgol ako. Rinig na rinig ko ang hagulgol ko. "I love you. I love you. I love you," tuloy tuloy kong sambit habang humahagulgol sa balikat niya. Mas lalong humigpit ang yakap ko sa kanya nang maramdaman ko ang kamay niya sa likod ko, sinasagot ang mga yakap ko. "Su--" "I love you," ulit ko sa sinabi ko. Ayoko na. Hindi ko na siya bibitawan. Lalaban na ako. Hindi ko kayang mawala siya. Hindi ko kakayanin. Suko na ako sa pagtaboy sa kanya. Parang nagising ako sa kahibangang pinag gagagawa ko. Ipaglalaban ko na siya. Hindi na ako susuko. Bumukas ang pinto at doon ay nakita ko si Ate Hally. Bumuntong hininga siya nang makita kami, kaya imbes na magpatuloy sa pagpasok ay ngumiti na lamang siya sa akin at unti-unting sinarado ulit ang pinto. Nawalan na ako ng pag-asa kanina nang sabihin ng manager na pumunta na siya sa airport, mas lalong nawalan ako ng pag asa nang makitang nakapatay ang ilaw niya, at nang makitang wala siya dito sa opisina niya Kakalasin sana niya ang pagkakayakap namin nang mas lalo ko siyang yakapin, sinabayan ko pa ng pag-iling. Natatakot ako. Natatakot ako na baka pag binitawan ko siya ay baka magising ako, baka bigla siyang maglaho. "Baby, don't give me false hope," mahinang sambit niya. Hinawakan niya ang balikat ko at dahan dahan niya akong nilayo sa kanya, tinignan ang mga mata "Don't give me false hope, hindi ako tumuloy sa pagsakay, kahit nandoon na ako, pero sinabi ko sa sarili ko na hindi na muna ako lalapit sayo," ani niya habang nakatingin sa mga mata ko. Binitawan niya ang balikat ko at linagpasan ako. Sumunod ang tingin ko sa kanya. Ibinaba niya ang bag pack niya sa sofa at dumeretso siya sa office chair niya. Wala ako sa sariling sumunod sa kanya at naupo sa kandungan niya. Patagilid akong na upo at muli siyang niyakap. "Where's your slippers? Malamig dito, Sunny," Malumanay niyang sambit. Saka ko lang namalayan na naka medyas lang pala ako. Hindi ko na nagawang suotin ang tsinelas ko dahil sa pagmamadali. Mas lalo kong siniksik ang sarili ko sa kanya. "Saan ka galing?" hindi na kagaya kanina, medyo na wala na ang bigat sa dibdib ko, pero ang luha ko ay lumuluha pa rin. Kinabahab ako. Subrang kaba ang naramdaman ko kanina. "Airport, pero hindi ako sumakay. Ayaw kitang iwan dito, kaya imbes na umuwi agad dito ay pumunta ako sa bar. Uminom ako ng kaunti," malumanay niyang sambit. Naramdaman kong nasa likod ko na ang kamay niya, hinahaplos ang likod ko. Saka ko lang naamoy ang alak na humalo na sa pabango at natural nitong amoy. "Ngayon, ako naman ang magtatanong. Anong ibig sabihin nito? Akala ko ba gusto mo akong umalis," siniksik ko ang ulo ko sa leeg niya. Wala ng luha ngayon ang mga mata ko. Hindi ko na din maimulat ang mata ko. Inaantok na ako. Hindi ko na din maintindihan yung tanong niya. Ang nasa isip ko ngayon ay matulog na. Nagising ako dahil sa paghawak sa buhok ko. Hinahaplos ito ng taong nasa tabi ko. Nakahiga na din ako sa malambot na kama. Wala pa akong planong magmulat ng mata at bumangon, pero naramdaman ko nanaman ang palagi kong nararamdaman tuwing umaga. Parang bumabaliktad ang sikmura ko. Napabangon ako at napatakip sa labi. Sa pag bangon ko nang mabilis ay napabalingkwas din si Wesley, na ngayon ay nag-aalalang nakatingin sa akin. "Hey-" sinubukan kong pigilan at umaktong naiihi. Tumayo ako at tinuro ang isang pinto, na alam kong Comfort room. Pagkasarado ko ay tumakbo agad ako papunta sa toilet bowl. Suka ako ng suka, pero wala akong maisuka. Palagi na lang ganito, pagkatapos nito ay nakakaramdam ako ng panghihina. Mabilis ang paghinga ko nang isarado ko iyon at iflash. Naupo din ako para magpahinga, na animo'y tumakbo dahil sa panghihina. "Hey, are you ok? Nagsusuka ka? What happen?" Kasabay ng sunod sunod na tanong ni Wesley ay sinabyan niua ito ng mga katok. What do you expect, Sunny? Shempre narinig niya. Napabuntong hininga ako. Oo at sinabi kong hindi ko na siya ipagtutulakan, pero hindi ko alam kong paano sasabihin ang tungkol sa magiging anak namin. Hindi ko alam kong paano o saan? Hindi ko alam kong anong eksaktong mga salita ang pwede kong sabihin sa kanya. Kinakabahan ako sa magiging reaksyon niya, na pagkatapos ko siyang ipagtulakan papunta sa ibang babae, na magpakasal sa ibang babae ay malalaman niyang buntis ako at magiging ama na siya.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (174)
d******b@yahoo.com
Such a nice story.. Well done author😍😍
15/05/2022
0
Fhem De Castro
How could someone be willing to wait in the name of love? This story reminds me that love is not about how long you are willing to sacrifice to someone you love. but to give all you have even there is no certainty. Good job author. 🤗🤗🤗
15/05/2022
0
JazyChialy
You did great, author! I love the plot of the story, unlike sa mga ibang story na common yung plot ng love story (hmm, hoping may part 2 or special chapter HAHAHA). Goodluck sa future works mo author. Congrats!
Such a nice story.. Well done author😍😍
15/05/2022
0How could someone be willing to wait in the name of love? This story reminds me that love is not about how long you are willing to sacrifice to someone you love. but to give all you have even there is no certainty. Good job author. 🤗🤗🤗
15/05/2022
0You did great, author! I love the plot of the story, unlike sa mga ibang story na common yung plot ng love story (hmm, hoping may part 2 or special chapter HAHAHA). Goodluck sa future works mo author. Congrats!
08/02/2022
5Tingnan Lahat