Kabanata 69

Talagaang hindi niya ako pinapansin. Lingon ako ng lingon sa kanya. Halos mabali na ang leeg ko. Ilang beses na nga din akong sinaway ni Ate Hally. Hindi lang naman kasi iyon yung dahilan kong bakit ko siya nililingon. Hindi lang dahil sa hindi niya ako pinapansin! Isa pang dahilan at nagpapakulo talaga ng dugo ko.
Paanong hindi ko siya lilingunin kong may katabi itong kulang na lang ay isandal ang ulo sa balikat ni Wesley. Nakapikit lang si Wesley habang ang babaeng katabi nito ay tinititigan siya at inilalapit ang sarili.
Ghad! Nakakainis! Hindi ba niya napapansin o nararamdaman man lang na may nakatitig sa kanya? Inis kong inayos ang pagkakaupo ko.
"Ate! Makipagpalit ka na! Tignan mo, oh! Yung babaeng katabi niya," nakasimangot kong sambit. Inirapan niya lang ako.
"Para kang bata, eh ano naman kong may katabi siya? Gwapo ang fiance mo, kaya tititigan talaga yan," sabi niya at pumikit.
Muli ko silang sinulyapan. Namula ako sa inis dahil biglang inilabas nong babae ang phone niya. Inilapit nito ang sarili kay Wesley at kumuha ng letrato. Hindi ko na napigilan ang sarili ko, tumayo na at ako lumapit.
"Saan ka pupunta?" takang tanong ni Ate Hally nang tumayo ako. Naramdaman ko ang pag sunod ng tingin niya sa akin.
"Pwede kang makulang sa ginawa mo. Taking picture with someone without consent?" sambit ko agad agad pagkalapit ko. Halos mahulog niya din ang phone niya nang bilga akong sumulpot at marinig ang sinabi ko. Nakita ko ang gulat at pagkapahiya sa mukha niya.
Nagulat ka? Nagulat ka kasi may nakakita sayo? Wala ba siyang hiya? Porket nakapikit na ay pwede nang kumuha ng letrato? 
Napamulat na din si Wesley. Napaayos siya ng upo at nagtatakang tumingin sa akin, sunod ay sa tinitignan ko. Wag mo akong matignan tignan ng ganyan!
"Hey! Sunny!" rinig kong tawag ni Ate Hally. Hindi ko siya pinansin at seryoso lang akong nakatingin sa babae. Napansin ko na din na may ilang nakatingin na sa amin. Yung iba ay walang pakealam, yung iba ay tulog.
"What's going on?" Wesley asked. I looked at him angrily and looked back at the woman next to him.
"Ayan, gising na. Tutal gising naman na siya, tanungin mo na siya. Baka gusto niya din naman," inirapan ko silang pareho. Padabog akong bumalik at naupo sa pwesto ko kanina.
Nakasimangot kong tinanaw ang mga ulap. Kumukulo ang dugo ko sa kanila. Lalo na kay Wesley! Nakakainis siya.
Naramdaman ko ang pagtayo ni Ate Hally, sunod ay ang pag upo ng kong sino sa tabi ko. Kahit hindi ko tignan ay alam ko kong sino. Anong ginagawa mo ngayon dito? Hindi ka mamamansin mansin tapos ganyan!
"Bumalik ka don," inunahan ko na siya. Narinig ko ang buntong hininga niya.
"What happen? I was sleeping. I don't know what's happening," malambing nitong sambit.
Sleeping? Kanina pa ako hindi mapakali dahil hindi mo ako pinapansin... tapos sleeping? Aba nang iinis pa ata! Kanina pa ako lingon ng lingon sa kanya na halos mabali na ang ulo ko! Nakakainis na siya! 
"Sabi ko bumalik ka don," Inis ko siyang binalingan. I smell again his scent, but I do my best to ignore it.
"Baby, hindi ako nakatulog kagabi, halos umagahin na ako sa Shower room para maligo, pabalik balik ako doon. I'm not mahabo, just like what you said. Gusto kong magtampo kasi parang ayaw mo lang akong kasama, pero, baby, bakit ako itong nandito at sinusuyo ka?" frustrate niyang sambit.
"Doon ka nga!" inis akong bumaling sa kanya.
"Tapos ngayon, pinapaalis ma nanaman ako. Ano bang nangyayare sa'yo?" hindi ko siya pinansin kaya bumuntong hininga siya. Naramdaman ko na lang ang pag tayo niya. Lalo akong nainis, talaga namang babalik pa siya sa tabi ng babaeng 'yon!
Nang maupo si Ate Hally sa tabi ko ay bigla niya akong kinurot ng mahina sa braso.
"Pakipot? Akala ko ba gusto mo siyang katabi? Sabi mo pa nga kanina na makipagpalit ako, tapos ngayong nandito papaalisin mo," mahinang sermon niya sa akin. Nakasimangot akong humarap sa kanya.
"Eh, kasi...." tumigil ako saglit, nagdadalawang isip ako kong sasabihin ko ang dahilan. Bumuntong hininga ako bago ulit magsalita. "Ang baho pa rin niya. Hindi ko matagalan yung amoy niya."
Buti na lang at mabilis na natakpan ni ate Hally ang labi, kong hindi niya natakpan ang sariling labi ay magmumukha na siyang baliw na tumatawa. Dahil sa pagpipigil ay mangiyak iyak na siya.
"I can't believe you, Sunny, but damn it's really fucking funny! mahina niyang bulyaw.
Palihim kong sinulyapan ang pwesto ni Wesley, pero nagtaka ako dahil isang matandang lalake na ang katabi nito at hindi na iyong babae.
"Asan yung babae?" takang tanong ko bigla kay Ate Hally. Hindi na siya gaanong tumatawa, tapos na ata siyang pagtawanan ang sitwasyon ko.
"Pinalipat ni Wesley. Kahit hindi niya itanong sayo, he knows that you are jealous," sambit niya.
"Buti naman at alam niya," sabay irap ko sa kawalan.
"What happen a while ago? Bakit bigla ka na lang lumapit doon? Hindi ko nakita kasi wala naman doon kanina ang atensyon ko." 
"Kumukuha siya ng letrato kasama si Wealey at habang tulog si Wesley. Sino siya sa akala niya?" Rinig sa boses ko ang pagkairita. 
"Oh, hindi ba that's illegal?" Tanong ni Ate Hally.
I also don't know, I just said that a while ago because I was annoyed. But the truth is, I don't know if it's illegal, but she needs to get permission first before a taking a picture! It's a rude gesture!
Dalawang oras na lang at makakarating na kami sa pilipinas. Back to Philippines again. Habang iniisip ang pilipinas, I don't know, pero nakakaramdam ako ng kaba. Kaba na kahit kailan ay hindi ko pa naramdam. Hindi ko maipaliwanag. Pinikit ko na lang ang mga mata ko, sinubukang tanggalin ang ilang mga iniisip.
Dahil sa pag iisip ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Nagising lang ako dahil nag announce na ang Captain, tungkol sa pag landing.
Nang tuluyang makapaglanding at pwede nang lumabas ay nakaramdam nanaman ako ng hilo, napansin ni Ate Hally 'yon kaya inalalayan niya ako. 
“Are you okay?” She asked and stared at me with a worried face. 
"Yes. Ayos lang ako. Medyo nahilo lang," nakangiti kong sambit. Lumapit si Wesley para kunin ang ilang gamit namin. Gaya kanina ay hindi nanaman siya nagsasalita, hinayaan ko na din muna. Hindi niya din ako tinignan. 
I will talk to him, pero huwag muna ngayon. Nakakaramdam ako ng panghihina, I want to rest agad agad. Nanghihina talaga ako. 
Nauna siyang lumabas sunod ay ako at si Ate Hally. Hindi ako binitawan ni Ate Hally hanggang sa makababa sa eroplano. Tinitignan pa rin niya ako ng may pag aalala, hindi ata siya naniniwala sa sinabi ko. 
"I'm ok, Ate. I think... I just need rest," bulong ko kay Ate Hally. Umiling siya at sinimangotan ako.
"I don't think so, namumutla ka," sambit niya.
Napabuntong hininga na lang ako. Kong namumutla nga ako ay sana hindi mapansin ni Wesley. Ayokong mag aalala din siya. I'm really okay... I think this is what the doctor said.... na ang pagbubutis ko ay maselan. But kaya ko pa naman ang sarili ko, rest lang talaga muna ang kailangan ko.
Nauuna siya sa amin kaya ginamit ko ang pagkakataong 'yon para kunin ang lipstick sa hand bag ko. Mabilisan kong inapply iyon sa labi ko. Tinanong ko pa kay Ate Hally kong ayos lang ba yung lipstick ko. 
"Yan, hindi ka na mukhang may sakit," sambit niya.
Pagkalabas pa lang ay agaw pansin na ang taong naghihintay kay Wesley. She is wearing a wrap dress. Sa likod nito ay tatlo o apat na mga reporters at handang handa ang kanilang mga camera na para bang may inaabangang kagimbal gimbal. Are they expecting that Wesley will run and hug Annie? No way! Mangarap kayo. Sa akin siya nag propose
She's the fiance. Mas madaming may alam na siya ang fiance. I can't help but hold the ring that he gave me. Ito ang panghahawakan ko. Bumagal ang lakad ni Wesley. Humarap siya sa akin, sa amin ni Ate Hally.
"I'm sorry, I don't know that she will --" ngumiti at umiling.
"Sumabay ka na muna sa kanya. Madaming reporters," smabit ko at kinuha ang maleta ko na hawak niya. Magpro-protesta sana siya, pero hindi natuloy.
"My son in law!" boses iyon ni Mr. De Sialla galing sa kinaroroonan ni Annie.
"Let's go, Ate," sambit ko at nag iba na ng daan.
Pagbibigyan kita, Annie, pero ngayon lang 'to. Hahayaan mo na kitang kasama siya, pero ngayon lang 'to. Tapos na kitang hayaan na makasama siya.

Komento sa Aklat (174)

  • avatar
    d******b@yahoo.com

    Such a nice story.. Well done author😍😍

    15/05/2022

      0
  • avatar
    Fhem De Castro

    How could someone be willing to wait in the name of love? This story reminds me that love is not about how long you are willing to sacrifice to someone you love. but to give all you have even there is no certainty. Good job author. 🤗🤗🤗

    15/05/2022

      0
  • avatar
    JazyChialy

    You did great, author! I love the plot of the story, unlike sa mga ibang story na common yung plot ng love story (hmm, hoping may part 2 or special chapter HAHAHA). Goodluck sa future works mo author. Congrats!

    08/02/2022

      5
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata