"What's wrong with you? Kakatapos ko lang maligo... pangalawang paligo ko na nga 'to. tapos sasabihin mong mabaho ako? Fuck! And god sake, we are not in the philippines. Ang lamig dito." Welsey said. Gaya kanina ay inamoy amoy niya ang sarili para maamoy kong talaga bang mabaho siya. "You're mabaho naman kasi talaga!" bulyaw ko sabay tumayo at bumaba ako galing sa kama. Matutulog na sana kami, pero hindi ko na talaga mapigilan. I don't like the smell of him! Lalo na dahil bigla niya akong niyakap galing sa likuran ko. "I'm not. I'm not mabaho nga," nakasimangot niya habang nakatingin sa akin. ginaya niya na din yung magkakasabi ko kanina at ramdam ko na din na naiinis siya. His jaw tightened as he looked at me. "You are! I don't want to sleep here. Doon na ako kay Ate Hally. I really hate your smell!" bulyaw ko at hindi na nagpapigil. Dumeretso ako sa pintuan. "What? Hell!" rinig kong sabi niya bago ako makalabas. Hindi ko naman na sana gustong ipahalata na nababahoan ako sa kanya, pero hindi ko na talaga mapigilan. Para ngang maduduwal ako pag naaboy ko yung amoy niya. Makakalabas na sana ako sa office niya, pero bigla din siyang lumbas galing sa kwarto. Nakasimangot siyang lumabas, ngayon ay hawak na ang tsinelas ko. Napatingin ako sa paa ko at nakitang naka medyas lang pala ako. "I-suot mo 'to," Nakasimangot niyang sambit. Napakagat ako sa labi ko. Pagkasuot ko ng tsinelas ay tinalikuran na niya ako at pumasok na muli sa kwarto. ***** Halos hindi na makahinga sa kakatawa si Ate Hally habang sinasabi ko ang dahilan kong bakit matutulog ako ngayon dito. Tinanong niya kasi ako bakit nandito ako, eh, sinabi ko kanina na hindi ako matutulog ngayon doon.... dahil nga matutulog ako sa kwarto ni Wesley. Ayos lang naman kay Ate Hally na matulog ako sa kwarto ni Wesley. Shempre buntis na ako, ano pa bang mawawala? Mas nauna pa ngang nagkaroon ng laman ang tiyan ko kaysa payagan niya akong matulog sa kwarto ni Wesley. "Oh my ghad! Gusto kong makita yung itsura niya noong sinabi mong mabaho siya. Ngayong iniimagine ko para na akong mamatay sa tawa," sabi niya sabay tawa ulit. "Ayaw ko ngang sabihin na mabaho siya, pero hindi ko na mapigilan. Nagsisi din ako kasi nakaka offend yung sinabi ko," sabi ko habang niyayakap ang puting unan. Pununasan niya ang gilid ng mata niya. Naluluha na din siya habang tumatawa. "Sabihin mo ulit iyon dali, pero dapat nandoon ako para makita ko yung reaksyon niya," sabi niya sabay tawa ulit. Inis ko tinignan. Wala ata siyang pakealam sa huling sinabi ko. "Ate naman! I'm not saying this because I want you to laugh at him!" Bulyaw ko. Tumigil siya at nginiwian ako. "You're so KJ! Pinagtatanggol mo naman agad. Nakakatawa naman kasi. And of course you're a pregnant, natural lang na nababahuan ka sa isang bagay, hindi ko lang inexpect na kay Wesley ka mababahuan," humiga na lang ako dahil sinabayan nanaman niya ito ng tawa. Tumingin ako sa kisame, bago ulit magsalita. "But, Ate Hally, bakit ganon? I don't like the smell of him, but why is he handsome in my eyes? I don't know why because he's so handsome naman talaga, but he's more handsome now, ang sarap niyang titigan. Panira kasi kasi 'tong pang amoy ko," nakasimangot kong sambit. Hinintay ko ang kong anong sasabihin niya, pero wala akong narinig. Binalingan ko siya at nakataas lang ang kilay niya sa akin. Sunod ay umirap siya. "Matulog ka na nga, buntis. Hahanap na lang ako ng kausap sa social media. Yung single at ready to mingle." sabi niya sabay kuha ng phone niya, tumalikod siya sa akin at humiga sa pwesto niya. Ako naman ang napabangon at tumingin sa kanya. "Ate Hally, I have a question," sinulyapan niya ako, kaya pinagpatuloy ko ang sasabihin at itatanong ko. "Wala ka pang nagiging boyfriend? Hindi ka na nagpapakilala sa akin.... I mean sa amin kahit isa man lang. I am curious if you had a boyfriend, that we don't know." Napatigil siya sa tanong ko. Narinig ko din ang buntong hininga niya. Naramdaman kong ayaw niyang pag usapan iyon dahil mabigat ang ginawa niyang buntong hininga. "It's ok, kong ayaw mong sabihin," mahina kong sambit dahil sa pag aakalang hindi niya sasagutin ang tanong ko, pero I didn't expect what she said next. "I had 1," seryoso ang pagkakasabi niya at hindi man lang tumingin sa akin. "I had 1, but where not in the same page, even in the same book. I need to stop, we need to stop. We just met, but we are not meant to be." Pagkasabi ni Ate Hally ang mga katagang sinambit niya ay inabot na niya ang ilaw sa gilid niya para patayin. Nakatitig lang ako sa kanya at hindi makapagsalita. All this time I thought she didn't have a boyfriend. She there for me. And the way she said those words, It felt…. she felt something in pain for her love. I can’t believe she just kept it to herself. Palagi siyang nasa tabi ko pag hindi ko na kaya. I was a child when I fall in love. I was a child when I felt the pain, and she is always there to comfort me. Not only that, but I felt like, I am a useless sister. Not only that, but I didn't even know or asked if she is okay. Matagal bago ako mapatulog sa gabing iyon. I stared her while she is sleeping. Palagi niyang pinapakita ang side niya, na kong saan ay isa siyang mabuting kapatid, masayahing kapatid, but her other side, kong nasaan ang side na nasasaktan siya ay kailanman ay hindi niya pinakita. Nagising ako dahil sa isang amoy. Hindi ko pa minumulat ang mata ko, pero napatakip na ako sa ilong ko. Nakasimangot akong nagmulat. Naitulak ko si Wesley dahil naka upo siya sa gilid ko. Naupo ako at lumayo sa kanya. Wala na din pala si Ate Hally. Mukhang bumangon na. "Lumayo ka! Ang baho mo!" sambit ko. Nanghihina siyang humiga at tumitig sa kisame. "Baby, magdamag na ata ako sa shower para maligo," sambit niya. Hindi ko pinansin ang sinabi niya dahil bumabaliktad nanaman ang tiyan ko. Napahawak ako sa bibig ko. Pinigilan ko muna at hinila si Wesley. Nagtataka siyang nagpahila sa akin. Halos itulak ko siya papalabas sa kwarto. "Hey! W----" hindi niya naituloy ang sasabihin. Well, hindi ko siya binigyan nang pagkakataon para magsalita. Nagmamadali na ako. Mabilis at malakas ang pagkakasara ko sa pinto. Ni lock ko din iyon para hindi siya makapasok. Dali dali akong pumasok sa comfort room para sumuka. Nang maisuka ko na ay pagod akong na upo. Again. "Hanggang kailan ba 'to?" nanghihinang sambit ko. Umiikot din ang paningin ko kaya dali dali akong lumapit sa bath waste para maghilamos. Nang medyo nawala na ang pagkahilo ko ay huminga ako ng malalim. Nanghihina akong lumabas. Lagi na lang, tuwing umaga na lang ganito. Noong bata ako akala ko madali lang magbuntis, ngayon.... ang hirap pala. Nang mabuti buti na talaga ang pakiramdam ko ay lumabas na ako sa kwarto. Pagkalabas ko ay nakita ko ang mga maleta namin na nakahanda. "Uuwi na tayo?" Tanong ko, pero tumango lang si Wesley na naka upo sa sofa. "Let's eat, para hindi tayo malate sa flight. Ang tagal magising ni Sleeping beauty," biro ni ate Hally. Hindi ko maiwasang maalal yung kagabi. She is smiling again. Kaunti lang ang kinain ko, baka kasi magsuka ako sa eroplano. Hindi nagsasalita si Wesley kaya sinulyapan ko. Mukhang napansin din iyon ni Ate Hally kaya napanguso siya at parang anytime ay tatawa na. Naalala niya siguro yung sinabi ko kagabi na sinabihan kong mabaho si Wesley. "Wesley, You want this?" sabay turo ko sa bacon na medyo malayo sa kanya. Napanguso ako nang umiling lang siya at hindi man lang ako tinignan. Hanggang matapos kaming kumain, hanggang sa nag aayos na kami, hanggang sa makarating kami sa airport, hindi siya nagsasalita. Hindi din siya lumalapit sa akin. "Wesley, where are you going? Tabi kayo ni Sunny," sambit ni Ate Hally nang maupo si Wesley sa upuan ni Ate Hally. Kakaayos lang namin yung gamit namin at doon dumeretso si Wesley. "Magtabi na lang kayo ni Sunny," sambit niya at tumingin na sa bintana. Nagkibit balikat si Ate Hally at naupo na sa tabi ko. "Nagtatampo," sambit ni Ate Hally. "Kasalanan ko ba na ayaw ko sa amoy niya," nakasimangot kong bulong.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (174)
d******b@yahoo.com
Such a nice story.. Well done author😍😍
15/05/2022
0
Fhem De Castro
How could someone be willing to wait in the name of love? This story reminds me that love is not about how long you are willing to sacrifice to someone you love. but to give all you have even there is no certainty. Good job author. 🤗🤗🤗
15/05/2022
0
JazyChialy
You did great, author! I love the plot of the story, unlike sa mga ibang story na common yung plot ng love story (hmm, hoping may part 2 or special chapter HAHAHA). Goodluck sa future works mo author. Congrats!
Such a nice story.. Well done author😍😍
15/05/2022
0How could someone be willing to wait in the name of love? This story reminds me that love is not about how long you are willing to sacrifice to someone you love. but to give all you have even there is no certainty. Good job author. 🤗🤗🤗
15/05/2022
0You did great, author! I love the plot of the story, unlike sa mga ibang story na common yung plot ng love story (hmm, hoping may part 2 or special chapter HAHAHA). Goodluck sa future works mo author. Congrats!
08/02/2022
5Tingnan Lahat