Kabanata 70

Halos maibuga ni Ashra ang iniinom nang sabihin ni Ate Hally ang muntikan ng nangyare sa Korea. Nasa pool kami ngayon. Kaming tatlo lang, kaya ayos lang kong pag usapan namin ang tungkol doon. Kasama pala niya si Ashton, nasa taas natutulog. Nasa trabaho si Kuya Grayson, lumaki na nga ng subra ang agency ni Kuya Grayson, kahit nga ang naglalakihang agency ay kay Kuya Grayson na kumukuha ng mga armas.
Sandaling walang nagsalita sa amin nang lumapit ang anak ng mayordoma namin, para maglagay ng pagkain sa lamesa. Nang makalayo at maka alis ay mabilis na lumapit si Ashra at tinanong ang kakasabi lang ni Ate Hally kanina.
"Gagi! Anong sabi mo? Anong plinano ni Wesley?" mabilis na sabi ni Ashra.
"Muntik na silang nagpakasal doon, buti na lang at napigilan ko. Kakaayos lang nila tas magpapakasal na? Ayos lang naman kasi magkakaanak na sila.... pero ayaw ko namang walang alam si Kuya Grayson," sabi ni Ate Hally.
Kong tutuosin, dapat ang reaksyon ng mga magulang at ni lolo ang iniisip namin, sa mga desisiyon at mga nangyayareng ganon, pero wala.... mas iniisip pa namin ang reaksyon ni Kuya Grayson.
Paano namin iisipin ang reaksyon ng mga palaging wala? They always out of the country. Palaging ang mga business nalang nila ang iniisip. Yes, umuuwi sila, pero hindi man lang umaabot sa isang buwan. Mas madalas sila sa ibang bansa, pag umuuwi naman sila, ang asikasuhin pa rin nila ay ang kompanya dito sa pilipinas, madalang silang makita dito sa bahay.
Hindi ko nga alam kong may pake sila ngayong buntis ako. Well, kay lolo meron siyang pake.... alam ko.... this is a big scandalous, lalo na at alam ng buong bansa na ang fiance ni Wesley ay isang artista.
But I don't care. I don't care what grandpa says or thinks. I am no longer the young Sunny who was always thirsty for her grandfather’s love. Not only that, but I am no longer Sunny, who will do anything to get her grandfather’s attention. Furthermore, I'm tired of doing everything. He only cares about Alina, that's clear.
Kami? Kaming mga apo niya, asset niya lang para sa company. Kami lang ang gagamitin niya para mapalago pa lalo ang company niya, pero pasensiya siya.... Nahanap namin ang salitang pagmamahal sa isang tao, hindi gaya niya na nahanap ata niya ang salitang pagmamahal sa pera at kompanya niya.
"Aba! Eh, masusuntok ko din siya pag natuloy iyon! Wala siyang planong i-invite ako? Ako na bestfriend niya? Malilintikan sa akin ang lalakeng iyon!" sunod na sunod na sambit ni Ashra. Muli siyang kumuha ng maiinom at nilagok.
"Kong natuloy ang kasal kami sa Korea ni Sunny, magpapakasal pa rin naman kami dito," Nalipat ang tingin ko sa papalapit na si Wesley, pero lumagpas ang tingin ko sa likod niya. Namilog ang labi ko nang nakita ko si Dino. Nakangiti siyang kumayaw habang naglalakad.
Mabilis akong tumayo at lumapit para salubungin si Dino. Akala ata ni Wesley siya ang sasalubungin ko... dahil nakahanda na ang kamay nito para yakapin ako. Sinulyapan ko lang si Wesley bago siya lagpasan. 
Mabilis kong niyakap si Dino nang makalapit ako. Mula sa pwesto nila Ashra at Ate Hally ay narinig ko ang malakas nilang tawa, pero hindi ko iyon pinansin.
"You're here! Bakit di ka nagsasabi!" bulyaw ko agad kay Dino.
"Sunny, ang sama ng tingin ng isa diyan. Kong nakakamatay ang tingin... nakahandusay na ako," sambit niya habang tinatanggal ang pagkakayakap ko sa kanya, kaya napasulyap ako sa likod ko.
Umiigting ang panga ni Wesley habang nakatingin sa amin. Nagkibit balikat ako at bumaling ulit kay Dino. Hinila ko siya para lumapit kila Ate Hally. 
"Kuya Wesley," sabay kaway ni Dino, napakamot na lang siya nang hindi man lang siya batiin ni Wesley. Masama lang ang titig nito sa amin, lalo na sa kamay kong nakahawak sa braso ni Dino habang hinihila siya.
Linagpasan ko ulit si Wesley at nasulyapan ko ang pagsimangot nito bago sumunod.
"Ashra, this is Dino, Dino this is Ashra," Pakilala ko kay Ate Ashra. I can't remember kasi kong nagkita na sila o magkakilala na.
"We already know each other," sambit ni Ashra kaya nagkibit balikat na lang ako.
"Mag-isa ka? Bakit biglaan?" tanong ko nang maka upo kaming dalawa.
"Kasal ni Shena, hindi sinabi ni tita sayo? Next month ang kasal niya. Pinauwi ako ni Tita and yes mag isa ako," sambit niya.
Napasinghot ako nang maamoy ko ang amoy niya.
"Bakit ang bango mo?" pagkasambit ko non ay bigla kong narinig ang pagdabog ni Wesley sa likod ko. Napasulyap kaming lahat sa kanya.
"Hoy? Problema mo?" takang tanong ni Ashra.
"Kasi mabango si Dino, siya hindi," napahalakhak si Ate Hally nang sambitin niya iyon. Hindi nagsalita si Wesley, tumayo lang ito at tunalikod.
"Saan ka pupunta?" tanong ko
"Diyan lang," narinig ko sa boses niya ang pagtatampo. Hindi ko siya pinigilan, pinanood ko lang ang pag alis niya. Malakas na buntong hininga ang pinakawalan ni Dino.
"Akala ko mamamatay na ako sa titig niya. Ano bang problema mo? Ayos na ulit kayo? Bakit kasi sa akin ka unang lumapit," inis na bulyaw niya sa akin.
"Eh, kasi...." Napakagat ako sa labi ko bago ipinagpatuloy ang sasabihin. "Ayaw kong lumapit sa kanya! Ang baho niya!" Nakasimangot kong sambit. 
"Wait! What?" hindi makapaniwalang tanong ni Dino sa akin habang nakakunot ang noo niya "Basta ayoko sa amoy niya," napatampal si Dino sa noo niya.
Narinig ko ulit ang halakhal ni Ate Hally, kaya inirapan ko siya.
"Ibang klase ka maglihi," huli na nang mapansin ni Ashra ang sinabi niyam. Saka lang niya napansin nang kurutin siya ni Ate Hally. Pabalik balik ang tingin ni Dino sa aming tatlo, napaiwas ako ng tingin, ganon din ang dalawa.
Napasandal si Dino at napatingin sa kawalan.
"I'm here to surprise you, pero ako yung na surprise. I can't believe this. You are pregnant? Totoo?" Binalik niya ang tingin sa akin.
Unti-unti akong tumango. 
"I d-don't know what to say," sambit niya. Kitang kita pa rin ang gulat sa mga mata niya, pero nakita ko din sa kanya na masaya siya para sa akin.
Lalo nang sabihin niyang gawin ko siyang ninong, of course, kahit hindi niya sabihin. I'll make him a ninong of my child. He is the first person that I want to be my baby's godfather.
Nasabi ko pa na hindi alam ni Wesley na buntis ako. Nangasim ang mukha niya nang sabihin ko iyon. Feeling daw niya kukulo ang dugo ni Wesley sa kanya dahil siya ang mas naunang nakaalam.
"Pano ba yan? Nandito din ako para imbitahin kayo sa party sa bar na pag mamay ari ni Ravin. Naala mo pa siya? Na meet na kayo many times noon, but it's ok if you can't come? You're pregnant, I'll understand," ani ni Dino.
"Kong kasama ako, hindi ako makakapunta," Tipid na sambit ni Ate Hally, sabay subo ng chips.
"Pwede naman siguro, pero hindi ako iinom. Sama kayo Ate? Ashra?" Baling ko sa kanila.
"Mamayang gabi? I have something to do nga," sambit ulit ni Ate Hally.
"Oh, how about you, Ashra?" tanong ni Dino kay Ashra.
"May usapan kami ni Grayson," maikling sambit niya.
"Ikaw na muna bahala kay buntis," bilin ni Ate Hally.
Our conversation continued, until Dino said he needed to go home. I also stood up because I noticed Wesley never came back. I looked for him all over the house, but I could not find him.
"Umuwi na siya?" tanong ko sa sarili ko. Napabuntong hininga ako nang mapagtantong wala siya doon. Siguro tatawagan ko na lang.
Ngunit nang makarating sa kwarto ko ay narinig ko ang lagaslas ng tubig sa shower room. Napanguso ako. Naliligo siya? Hindi na ako nagsalita pa o kumatok, mabilis ko iyong binuksan. 
Napaawang ang labi ko nang makita ko ang hubad niyang likod habang naglalakbay pababa ang tubig na galing sa shower. Nakahawak siya sa buhok niya bago ako binalingan, narinig siguro niya ang pag bukas ko ng pinto.
Nang makita ako ay kumuha siya agad ng tuwalya, hindi na siya nagpunas ng katawan, itinakip na lang niya iyon basta basta sa ibabang bahagi ng katawan niya.
"I'm sorry, hindi ako nag paalam," malamig niyang sambit.
Naglakad siya papalapit sa pinto kong nasaan ako. Tumigil siya at hinintay ang pag alis ko sa bukana ng pinto, pero hindi ko ginawa. Hinintay ko ang amoy na ayaw ko sa kanya, pero hindi dumating.
"Buti naman," mahinang sabi ko. Kumunot ang noo niya. 
Ngumiti ako at inilagay ang dalawang kamay sa dibdib niya, tumingkayad ako ng kaunti at pinatakan siya ng isang mabilis na halik. 
"Wag ka ng magtampo," malambing kong sambit, sinabayan ko pa ng pagkurap kurap ng mga mata ko. Napahawak siya sa buhok niya at mahinang mura niya, akala ko bibigay na siya, pero tinanggal niya ang kamay ko sa dibdib niya at linagpasan ako.

Komento sa Aklat (174)

  • avatar
    d******b@yahoo.com

    Such a nice story.. Well done author😍😍

    15/05/2022

      0
  • avatar
    Fhem De Castro

    How could someone be willing to wait in the name of love? This story reminds me that love is not about how long you are willing to sacrifice to someone you love. but to give all you have even there is no certainty. Good job author. 🤗🤗🤗

    15/05/2022

      0
  • avatar
    JazyChialy

    You did great, author! I love the plot of the story, unlike sa mga ibang story na common yung plot ng love story (hmm, hoping may part 2 or special chapter HAHAHA). Goodluck sa future works mo author. Congrats!

    08/02/2022

      5
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata