Homepage/Waiting You To Love Me/
Kabanata 74
I did what she wanted, I hadn't arrived yet, so I immediately called mama to say that I agreed about the engagement, I just didn't think that she would suddenly announce it. Kinabukasan ay alam na ng lahat.
Tudo dikit na din si Annie. Gusto kong iparamdam na ayaw ko sa kanya at hindi ko gusto ang pag payag ko, pero hindi ko tinuloy. I know, alam ko na biktima din siya sa kagustuhan ng ama niya at lolo ko. Biktima din siya sa biglaang desisyon.
Nanghihina akong napaupo nang bigla akong suntukin ni Grayson. Kakapasok pa lang niya ay nakita ko na galit sa mukha niya. Nakita niya na din.
"Gago ka! I allowed you to like my sister! I helped you! This is what you will repay!? If you marry someone else. Sana pala ay hindi mo na lang siya ginulo ulit!"
Sunod na pumasok ay si Ashra na ngayon ay seryoso ding nakatingin sa akin.
"Grayson, tama na," Narinig ko ang pagtitimpi sa boses ni Ashra. Kilala ko siya, alam kong gusto nya na din akong suntukin. Ganyan siya bago siya lumuwas dito sa manila noon, mahilig makipag away lalo na pag alam niyang may mali ang ibang tao.
"Isang lapit mo pa sa kanya. Isang pagpapaiyak mo pa sa kanya, hindi lang yan ang makukuha mo." Huling sambit ni Grayson bago lumabas.
Nilagay ko ang dalawang kamay ko sa tuhod at yumuko. Napahagulgol ako at hinawakan ang labi ko kong saan niya ako sinuntok. Sana hindi lang 'yon ang binigay mo, Grayson. Mas maayos nga kong patayin mo na ako. Kasi kahit sinabi mo 'yon, alam ko sa sarili kong lalapit pa din ako sa kanya. Mapapaiyak ko pa din siya.
Sinubukan kong dumistansiya sa kanya, pero hindi pa umaabot ng isang araw ay nakikita ko nanaman ang sarili kong bumabyahe papunta sa kinaroroonan niya, sa Ilocos.
Napatakbo ako nang makita ko si Sunny na nahimatay, pero hinarangan ako ni Racey, seryoso din ang titig niya sa akin.
"Bro, hanggang nakakapagtimpi pa ako, dumistansiya ka muna," seryosong sambit niya.
Wala akong nagawa. Pinanood ko na lang ang pagbuhat ni Bright sa kanya. Naikuyom ko ang kamao ko, ako dapat 'yon. Sunny, anong bang ginawa kong mali, bakit ang sakit.
Hindi ako mapakali. Wala akong mapag tanungan. Wala akong mapagtanungan kong ayos lang siya. Kong pwede lang pasukin ko na siya sa kwarto niya, ginawa ko na, pero alam kong mas malaking problema 'yon.
Wala akong nagawa kundi tanawin na lang ang karagatan at magdasal na sana ayos lang siya.
Ilang oras ako doon, hanggang sa may taong tumabi sa akin. Tumingin ako at nag iwas din ng tingin.
"Ireready ko na ba ulit ang pisngi ko sa suntok mo?" sambit ko nang hindi tumitingin sa kanya. Narinig ko ang buntong hininga niya, na nasundan pa ng dalawang beses. Parang may gusto siyang sabihin, pero hindi niya masabi sabi.
"Sana hindi ka nagpadalos dalos. Paano na yan? Engage ka na kay Annie," malumanay na sabi niya habang nakatingin din sa harap namin, kong nasaan ang karagatan, hindi na tulad noong sinuntok niya ako kanina, malumanay na ang kilos niya.
"Hindi ako magpapakasal."
Nakita ko sa gilid ng mata ko ang pagbaling niya sa sinabi ko.
"I know, pero pinapaasa mo din siya. Tell Annie that you don't want it." Napabuntong hininga ako.
"Si Sunny? Kamusta siya? Bakit siya nahimatay? May sakit ba siya? Ayos na ba siya?" Napahawak ako sa batok ko nang batokan niya ako.
"Pwedeng isa isa lang?" Sabay irap niya sa akin. "She's okay, h'wag mo siyang alalahanin," sambit niya at nag iwas ng tingin.
Nakahinga ako ng maluwag nang marinig iyon. Kahit hindi ako nakuntento sa sagot niya, ayos na din, ang mahalaga ayos na siya.
***
"Magandang umaga sa lahat, gusto kong gamitin ang araw na ito para ipakilala ang anak ko na ngayon ay fiance na ng ating CEO." Tumayo si Mr. De Sialla at nakangiting sinabi iyon sa harap ng mga stockholders
"This is my daughter Annie," Proud na sambit ni Mr. De Sialla. Mabilis akong napainom at sinulyapan si Sunny, na ngayon ay nakatitig sa baso sa harao niya.
"Natupad na din ang nais ng namayapang lolo mo, Mr. Zus. That is the better choice, mas lalakas ang companya," sambit pa ng isa. Gusto ko silang patigilin na pag usapan iyon, ngunit gusto kong makita ang reaksyon niya, ang reaksyon ni Sunny.
Ginawa ko ang lahat para tignan ang mukha niya, nguniy nakaharang ang buhok niya! I want to see if you are jealous. I want to see if you are affected, Sunny. Show me your face.
Napabuntong hininga ako nang natapos ang usapan na hindi ko man lang nakita ng maayos ang mukha niya Pagod akong napasandal sa upuan ko. Limipat ang tingin sa akin ni Annie dahil doon.
"Ayos ka lang?" tanong niya. Tumango na lang ako at inabala ang sarili sa pagkikinig.
"Wait, What? Bakit hindi ko alam?" Mabilis na tanong niya nang sambitin ang pag punta niya sa main branch ng hotel sa Korea. Tumingin siya sa akin ng may pagtatanong. Lihim akong napalunok para tanggaling ang kaba. Damn! I can't believe this, titig pa lang niya kinakabahan na ako. Pinilit kong maging seryoso at nagsalita.
"Paano mo malalaman, Ms. Enriquez kong wala kang pake sa schedule mo? Hindi ka man lang lumapit sa akin para tignan o kunin ang schedule mo." Tinaas ko pa ang kilay ko.
Inis niya akong tinignan. Nagsisi ako sa sinabi ko, pero totoo naman 'yon. Tinanong niya sa akin minsan, pero alam kong hindi niya tinignan.
"But tomorrow? Aalis na ako bukas papuntang Korea? Pwede bang next week na, I have so--" Pinutol ko siya
"Tomorrow, Ms. Enriquez," seryosong sambit ko. Ang iba naman ay tahimik lang habang nakikinig sa usapan namin.
Nang matapos ay napatingin ang lahat ng tao sa loob ng opisinang 'yon nang biglang tumayo nang padabog si Sunny at lumabas. Pati ang pagsara ng pinto ay padabog.
"Ang bastos talaga," rinig kong sinabi ni Annie. Tumingin ako sa kanya at nagsalita.
"She is just being herself," I told her and got up to leave the office. Bago makalayo sa kanya ay narinig ko pa ang buntong hininga niya.
***
"Masakit likod mo?" tanong ni Annie nang makita ang paghawak ko sa balikat ko. Walang sabi sabing pumunta siya sa likod ko. Papatigilin ko na sana siya, pero isang marahang bukas ng pinto ang narinig namin.
"My schedule!" Inis na bulyaw niya sabay lahad ng kamay. Nakita ko ang pagsulyap niya sa kamay ni Annie sa balikat ko.
"Can't you see? We're busy! Hindi ka ba tinuruang kumatok--" Tinignan niya ng masama si Annie nang siya ang nagsalita.
"I'm also busy person. What do you want hintayin kayo matapos? Hindi naman ata kayo deserving sa paghihintay ko. Kukunin ko lang yung schedule ko. Ituloy mo lang yan," sambit niya sabay irap. Damn! Bakit mas lalo ko siyang minamahal. Hindi ko maiwasang tumitig sa kanya.
"My schedule!" Madiing sambit niya
"We still need to talk. May pag uusapan pa tayo tungkol sa pag punta mo doo--" Naputol ang sasabihin ko nang magsalita siya.
"I can handle myself. photoshoot lang naman ang gagawin doon. Ang schedule ko ang kailangan ko ngayon." She said with a serious tone. Bumuntong hininga ako at kinuha ang isang envelop sa drawer ko.
"Nandiyan na din yung ticket mo," malumanay kong sambit. Hindi na siya nagsalita at tumalikod na.
Nang makalabas siya ay napahawak ako sa buhok ko. Is this healthy? Imbes na kamuhian siya dahil sa ginawa niya, hindi ko magawa. She kissed other Guy, pero wala lang sa akin 'yon basta bumalik lang siya sa'kin.
"Lumabas ka muna," malumanay kong sambit.
"Why? I still want to be ---"
"I said lumabas ka muna!" Inis kong sambit. Tumango siya at lumabas na, ngunit bago tuluyang umalis ay sumulyap pa siya sa akin.
Tinignan ko sa gilid ko ang plain ticket. Sasama ako sa kanya. Wala akong trabaho doon, pero gusto kong sumama. Tungkol doon sana ang sasabihin ko, pero ayaw niya namang makinig.
"What are you doing here?" Nagtataka niyang tanong.
"Sasama ako sa Korea. Sabi ko kasi mag usap tayo tungkol sa pagpunta mo, pero ayaw mo kaya hindi ko na nasabing sasama ako."
Nakitaan ko ang inis sa mukha niya. Hindi ko maiwasang ngumiti dahil nakikita ko naman na gusto niya akong bulyawan ay hindi niya pa rin ginawa.
"Gutom ka? What do you want?" Imbes na sagutin niya ako ay bumaling siya sa flight attendant.
"Bread ang milk for me."
"Gatas na ba ang bago mong favorite?" Hindi ko maiwasang mag tanong. Inis niya akong tinignan nang magtanong ako.
"Mind your own food nga!" Sabay irap niya sa akin at inom ng kaunti sa gatas niya.
Sigurado ako, hindi niya Paborito ang gatas. Paanong iyon na lang ang palagi niyang iniinom. May sakit ba siya? Naalala ko bigla noong nahimatay siya sa Ilocos.
"Bakit ka ba kasi nahimatay? Pinapakaba mo naman ako." Hindi siya nagsalita kaya napabuntong hinga ako. Nawala lang sa isip ko ang tanong nang makita ko ang gatas sa labi niya. Fuck! I want to kiss her! I miss her lips!
Wala sa sarili kong pinunasan ang gilid ng labi niya. Inis siyang humarap sa akin at handa na sanang bulyawan ako, pero hindi niya na tuloy nang mabilis kong idampi ang labi ko sa kanya.
"Damn! Fuck!" Halos manlaki ang mata ko nang makita ko ang luha sa mga mata niya. Hindi ko alam ang gagawin ko. Gano'n na ba niya ako ka ayaw na handa na siyang umiyak ngayong isang dampi lang naman iyon ng halik. Eh, siya nga hinalikan niya si Bright!
"Nakakainis ka! Ayaw nga kitang kausapin! Hindi na nga kita pinapansin, ano ba! Nakakainis ka naman, eh! Gusto ko ng tahimik na biyahe! Tapos ngayon manghahalik ka!" Inis niyang bulyaw sa akin.
Dahil doon ay natahimik ako. Hindi ko na siya kinulit pa. Nang matapos siyang kumain ay pumikit na siya. Hindi ko alam, pero hindi pa nag iisang araw kami sa Korea ay madami na akong nahalata sa kanya, pero pinilit kong hindi isipin iyon.
"Malabo, Wesley. She's a model, she takes pills for sure. Stop hoping," sambit ko sa sarili ko. Inalis ko iyon sa isip ko.
Pagkatapos ng picturial niya sa sumunod na araw ay sinundan ko lang siya kong saan siya pumunta. Sa tingij ko ay plano niyang mag libot. I look like a stalker, but I don't care.... baka maligaw siya.
"Gabi na, uuwi na ba tayo?" malumanay kong tanong nang makalapit ako sa kanya. Napapikit siya para bang nahihirapan akong tignan.
"Bakit ka ganito? Just hate me, Wesley. Hate me!" sambit niya habang sinusuntok ang dibdib ko. Hinawakan ko iyon para matigil siya at matignan sa mata.
"How can I hate you if I am crazy madly in love with you? And why the hell you want me to hate you? I feel like, there is something, I don't know."
"Then don't love me. Stop loving me, Wesley. Para kamuhian mo ako, dapat huwag mo na akong mahalin. Wesley, pakiusap, h'wag mo na akong mahalin," sambit niya
"Ayoko. Ayokong kamuhian ka, Sunny. Gusto kitang mahalin, kaya huwag mo akong utusan na tigilan ko na ang mahalin ka," Tinuro ko ang dibdib ko. "Kasi kong kaya kong tigilan, sana noon pa,"
"You have fiance, Wesley!" Bulyaw ko sa kanya.
Hindi ko maiwasang matawa.
"I have fiance now kasi sinabi mo! Kasi inutos mo! I already have fiance kasi 'yon ang gusto mo!"
"Yun na nga eh! Sinunod mo yung sinabi ko at inutos ko sayo. Kaya, bakit hindi mo magawa yung sinasabi at inuutos ko ngayon! Nasimulan mo naman na, bakit hindi mo na lang ipagpatuloy! Marry her, Wesley. Marry your fiance and stop loving me!" kasabay ng sigaw niyang iyon ay ang tuloy tuloy at hindi matigil tigil na luha niya.
Bakit kailangan naming magkasakitan!
"Ayaw ko, pinagsisihan ko yung pagsunod sa gusto mong 'yon. Kahit ano na lang huwag yung sabihan mo akong tumigil na sa pagmamahal sayo at pakasalan ang ibang babae. Kahit ano na gagawin ko, Sunny, huwag lang yun."
"Sunny... Baby, huwag lang 'yon, pakiusap. Ayoko nang magsisi sa bandang huli," Hinawakan ko ang pisngi niya.
"T-hen leave, Wesley." Napapikit ako at tumingin sa paanan ko. "Leave at bumalik ka sa pilipinas, I know na wala kang importanteng gagawin dito. Iwan mo ko dito, kahit dito lang," sambit niya.
Nakikita ko nanaman ang sarili kong sumusunod sa kanya. Nasa airport na ako at hinihintay na lang ang flight ko. Napatingin ako sa binigay niya, ganito na ba niya ako kagustong umalis? Na siya na mismo ang bumili ng plain ticket?
Pero may pumipigil sa akin sa pagsakay. Nang tatayo na ako ay nanghina ang paa ko. Ayaw kong umalis. Ayoko siyang iwan. Parang pag iniwan ko na siya ngayon dito, hindi ko na siya makikita at tuluyan na siyang mawawala sa akin.
Sinunod ko ang sarili ko. I'm sorry, Sunny, kong hindi ko sinunod ang gusto mo. I want to be with you. Kahit dito na lang muna.
Hindi ako nga ako umalis at imbes na umuwi ay nagpalipas ako sa isang bar. May mga lumapit sa akin at nagpakilala, pero hindi ko pinansin. Kong sana ay isang Sunny ang lumapit, i-uuwi ko agad agad. Habang nandoon sa bar, napag isip isip ko na huwag na munang lumapit sa kanya. Makokontento na muna ako sa tingin.
Napatingin ako sa oras, Apat na oras na pala ako doon. Binayaran ko muna ang ininom ko at umalis na. Ngunit hindi ko inakala ang madadatnan ko.
Nakaupo sa sahig si Sunny, habang umiiyak.
"Sunny, I'm sorry. Sinubukan kong umalis, per--"
Nang makita ako ay mabilis siyang lumapit para yakapin ako.
"I love you. I love you. I love you." Damn! Kong panaginip 'to, gusto ko na dito manirahan.
"Baby, don't give me false hope," Halos magmakaawa na ako noong sabihin ko iyon.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (174)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
Such a nice story.. Well done author😍😍
15/05/2022
0How could someone be willing to wait in the name of love? This story reminds me that love is not about how long you are willing to sacrifice to someone you love. but to give all you have even there is no certainty. Good job author. 🤗🤗🤗
15/05/2022
0You did great, author! I love the plot of the story, unlike sa mga ibang story na common yung plot ng love story (hmm, hoping may part 2 or special chapter HAHAHA). Goodluck sa future works mo author. Congrats!
08/02/2022
5Tingnan Lahat