Kabanata 79

"Baby, we are here."
Kinuskos ko ang mata ko nang gisingin ako ni Wesley. Nakatitig siya sa akin kaya nilibot ko ang tingin ko. Umawang ang labi ko nang makita ang pababang araw, hudyat na muli nang mag papaalam ang liwanag at papalitan ng kadilimang may kumikislap na liwanag na galing sa kalawakan. 
Dito lumaki si Wesley, dito lumaki ang taong mahal ko. Mabilis kong binuksan ang pinto ng kotse para makalabas. Nang makalabas ako ay siya ding paglabas ni Wesley. Binuksan niya ng pinto sa likod para kunin ang ilang gamit namin. Isang gabi at isang araw kami dito.
"I didn't know that this is a perfect place," Wala sa sariling sambit ko.
"Dito ako lumaki. Malapit din dito lumaki ang pinsan mo, kasama ni Ashra at ang papa niya," Napaangat ang tingin ko sa kanya.
"Alina?" tanong ko. Tumango siya at tinuro ang medyo malayong bahay na purong hallowblocks, walang pintura o kahit ano.
Tinanaw ko iyon. Doon nanirahan si Alina, malayo sa dapat buhay niya noon. Mali ako na nagalit sa kanya, na nagselos sa kanya noong mga panahong 'yon. Naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko kaya napaangat ang paningin ko sa kanya.
"Lets go?" Tumango ako at naglakad na. Nang makarating kami sa isang simpleng bahay na malapit sa kinaroroonan namin ay parehas kaming natigilan ni Wesley. Napahigpit ang hawak ko sa kamay ni Wesley nang makita ko ang taong nakatayo sa pintuan, para bang alam niyang pupunta kami ngayon doon at animo'y naghihintay sa pagdating namin ni Wesley.
Sumulyap ako kay Wesley na ngayon ay seryoso ang tingin sa ina na nakatayo sa mismong bahay nila. Nakita ko ang paghakbang ng paa ng mama niya kaya hindi ko maiwasang ihakbang patalikod ang paa ko. Takot ako na baka magalit siya kasi hindi ko sinunod ang gusto niya, takot ako kas siya ang ina ng taong mahal ko, ang magiging ama ng anak ko.
Napansin 'yon ng mama ni Wesley kaya umawang labi niya.
"Why are you here?" Seryosong tanong ni Wesley. Hindi pa siya nakakasagot nang lumabas ang isang lalakeng nakahubad pang taas. Napaawang ang labi ko nang makitang ang kapatid ni Wesley iyon. Ang puting damit ay nakasampay lang sa balikat niya.
"Bro! What sup!" Pinagaan ng kapatid ni Wesley ang sitwasyon at lumapit sa amin. Nagulat ako nang biglang magmura si Wesley at tinakpan ang mata ko.
"Hey!" bulyaw ko.
"Kuya! Mag damit ka nga!" Narinig ko ang inis sa boses ni Wesley.
"It's so hot inside! There's no aircon! It's your wealth but you didn't even install aircon in the house! Sunny, iwanan mo 'to, kuripot yan!" Pilit kong tinatanggal ang kamay ni Wesley sa mata ko. Nang lumuwag ang hawak niya ay sinimangutan ko siya.
Nakadamit na ngayon ang kapatid niya. Anong tingin niya sa akin bata? Tumira kaya ako sa US, nagsawa na ako sa ganyang tanawin, yung sayong tanawin na lang ata ang hindi nakakasawa.
"Ano ngang ginagawa niyo dito?" Tanong ulit ni Wesley sabay sulyap sa mama niyang nakatayo lang malapit sa pinto. Iniwas ko ang mata ko nang makita ko ang titig niya sa akin.
"Shempre bakasyon, bro!" lumapit ang kapatid niya kay Wesley at bumulong. Dahil malapit ako rinig ko ang binulong niya. "Forgive our Mom, Wesley. She missed you very much."
Hindi ko alam kong anong nangyare? Bakit kailangang patawarin niya ang mama niya? May ginawa ba ang mama niya. Lumayo ang kapatid niya at bumaling sa akin.
"I'm Elias, Wesley's brother. Nice to meet you." Sabay lahad ng kamay niya. Tatanggapin ko sana ang kamay niya nang hawakan ni Wesley ang mismong kamay ng kapatid.
"Nice to meet you, Bro." Ngumiwi ang kapatid nito.
"Tsk! Makikipagkamay lang! Hindi ko aagawin! Napakaseloso ng lalakeng 'to." Inis na sambit ng kapatid niya. "Tara sa loob, nagluto si mama ng paborito mo, sinigang na bangus." Sambit ng kapatid niya at nauna ng pumasok.
Hindi ko mapigilang tumingin kay Wesley. It's adobong manok right? Bakit sinigang? Hindi ko maiwasan na maalala yung niluto kong sinigang noon, imbes na maasim ay naging matamis, kasi imbes na asin ay asukal ang nilagay ko.
"It's reminding me when you cooked for me, that is why 'yon na ang paborito ko," hindi tumitinging sambit niya.
Nag-alangan pa akong pumasok, pero nang makita ko ang mama niya na sumenyas na pumasok na ay pumasok na din ako, kami ni Wesley.
Feel ko lahat ng galaw ko pinapanood ng mama niya. Pati sa pag upo ay parang gusto kong pigilan kahit ang pag hinga ko. Nang makaupo na kami ay walang isang nagsasalita. Napansin iyon ng Kuya ni Wesley kaya siya ulit ang nagsalita.
"Sunny? What's your favorite? Hindi alam ni mama kaya hindi niya alam kong anong lulutuin," sambit niya. Umawang ang labi ko sumulyap sa mama ni Wesley, nag iwas siya ng tingin.
"Miles? What do you want to eat?" tanong ni Wesley. Tumingin ako sa hapag at tatlong putahe ang nandoon, pinili ko ang sinigang. Halos panourin din ng mag-ina ang galaw ni Wesley nang tumayo si Wesley para lagyan ang bowl ko, binigyan niya din ako ng kanin.
"Wesley, ako na," Bulong ko at kukunin sana ang sandok sa kanya, pero hindi niya binigay. Aagawin ko na sana nang magsalita ang mama niya.
"I'm sorry," unti unti kong naibaba ang kamay ko. "I'm sorry sa ginagawa at nasabi ko," inangat ko ang paningin ko sa kanya, akala ko kay Wesley niya iyong kinakausap niya ngunit umawang ang labi ko nang sa akin siya nakatingin.
Natahimik din ang magkapatid. Tumayo ang mama ni Wesley at lumapit sa akin. 
"I'm sorry, takot lang ako na makita ulit si Wesley na nasasaktan dahil sa pagmamahal niya sayo. Takot ako kaya ko nasabi ang lahat ng masasakit na salita noon. Sinabi ko din na kailangan mo siyang iwan kasi kailangan niyang makasal kay Annie, I'm sorry nagsinungaling ako, alam kong nagawan na ni Wesley na ng paraan ang tungkol doon. Sa takot kong makitang masaktan ulit si Wesley nagawa ko yun, pero pagkakamali pala 'yun, dahil sa ginawa ko nasaktan nanaman siya. Akala ko kasi yun tamang gawin. I'm sorry."
 Nagulat ako ng dahan dahan niyang iniluluhod ang tuhod niya, mabilis akong lumapit para pigilan siya. Nangilid ang luha sa mga mata ko. Ngumiti ako sa kanya kahit na nangingilid na ang luha ko sa mga mata ko.
"You don't need to do that po. Ayos na sa akin na matanggap mo 'ko bilang girlfriend ni Wesley. Ayos na po sa akin 'yon."
Nakita ko ang pagtulo ng luha niya at mabilis na umiling. 
"Hindi mo naiintindihan, Sunny. Ako ang dahilan kong bakit nakita ni Annie ang letrato ninyo, ako ang dahilan kaya sinugod ka niya at muntikan ng mawala ang anak mo, ang anak niyo ng anak ko, ang magiging apo ko. Hindi ko.... hindi ko mapapatawad ang sarili ko kong may nangyareng masama sa inyo ng magiging apo ko," umawang ang labi ko nang marinig 'yon.
Alam niya na din pala ang tungkol sa pinagbubuntis ko. Of course, Sunny, may pakpak ang balita, madaming nakakitang dumaloy ang dugo sa binti mo.
"Ang mahalaga po, ayos na kami ni baby. Ayos na po ako, kaya you don't need to do this," sambit ko.
Lumapit siya sa akin at niyakap ako.
"I'm Sorry, Thank you."
I can't help but smile, everything is fine. I can't believe that everything will be okay. Wesley and I will be together. My grandfather makes me feel that he is my grandfather, he has also accepted Wesley for me. Wesley and I are going to have a baby. Wesley's mom accepted us.
I think wala na akong mahihiling maliban aa lumabas na healthy ang magiging anak namin ni Wesley.  
****
"Nandito ka lang pala, palagi mo na lang akong pinapakaba!" Napabaling ako sa likod ko. Nandoon si Wesley na nakaputing sando at jersey short, simple but make my heart beat fast. May hawak siyang isang baso ng gatas.
"Nagpapahangin lang," sambit ko. pagod siyang na upo sa mismong likod ko. Hinila niya ako sa bewang para mapalapit sa kanya. Dahan dahan kong sinandal ang sarili sa katawan niya habang pinagmamasdan ang dagat.
"Magpaalam ka naman, Sunny. You--" I stop him by saying a word.
"Stop your plan," sambit ko habang nakatitig pa rin sa payapang dagat. Dahil nakasandal ako sa kanya, ramdam na ramdam ko ang pag buntong hininga niya.
"Stop it, Wesley. Alam kong alam mo na lahat tayo may mali sa nangyare," sambit ko
"Muntik ng mawala ang anak natin, Sunny. Hindi ko pa nalalaman na mag kakaanak na ako tapos mawawala agad? Nababaliw ako pag iniisip 'yon. Oo nga at may mali tayo, pero kailangan bang saktan ka niya physically? Sunny, naman." 
Isiniksik niya ang ulo sa leeg ko at narahan iyong hinalikan.
"I want a peaceful life, Wesley. Hayaan mo na sila, hayaan mo na ang companya nila. Don't use your power," sambit ko
Muli kong narinig ang buntong hininga niya.
"How can I say no to the mother of my future child? How can I say no to my first baby." mahinang sambit niya.
"Let's say sorry to her and Mr. De Sialla. Pagbalik natin kausapin natin sila."
Naramdaman ko ang pagtango niya sa sinabi ko, hudyat na pumapayag siya. Ilang minutong walang nagsalita sa amin. Pareho naming tinatanaw ang dagat.
I can say that the incident makes ourselves strong and matured.
"Jace," tawag ko sa kanya.
"Hmm?"
"Ashra said that there's a mango tree here, bukas na lang tayo kumain non. Parang iba ang gusto kong kainin ngayon," sambit ko. Ramdam ko na may tumutusok sa likod ko.
Dahil sa sinabi ko ay napamura siya. Mukhang nakuha agad niya ang gusto kong sabihin.

Komento sa Aklat (174)

  • avatar
    d******b@yahoo.com

    Such a nice story.. Well done author😍😍

    15/05/2022

      0
  • avatar
    Fhem De Castro

    How could someone be willing to wait in the name of love? This story reminds me that love is not about how long you are willing to sacrifice to someone you love. but to give all you have even there is no certainty. Good job author. 🤗🤗🤗

    15/05/2022

      0
  • avatar
    JazyChialy

    You did great, author! I love the plot of the story, unlike sa mga ibang story na common yung plot ng love story (hmm, hoping may part 2 or special chapter HAHAHA). Goodluck sa future works mo author. Congrats!

    08/02/2022

      5
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata