Kabanata 77

Sunny's POV
Nagising ako dahil sa iyak ng sang bata sa kong saan. Inilibot ko ang tingin ko ngunit wala akong makita. Bumangon ako at doon ay mas klaro na ang iyak ng isang sanggol.
Saka ko lang mapansin ang isang wooden crib, doon ay may isang sanggol na umiiyak. Wala ako sa sariling lumapit. Nang hahawakan ko na ay bigla itong naglaho na parang bola. Naglaho din ang iyak na bumabalot sa silid.
Dahil sa pagkalaho ng batang 'yon ay naalala ko ang nangyare. Ang tingin ng mga tao. Ang pagsigaw sa akin ni Annie. Ang pagtulak sa akin ni Annie. Ang pagdaloy ng dugo sa mga binti ko. Ang dugo sa mga kamay ko. Lalong lalo na ang buhay na nasa tiyan ko. 
"Ang baby! Wesley! Ang baby natin! Wesley!" tuloy tuloy na sambit ko. Patuloy pa rin sa pagdaloy ang ang luha sa aking mata. 
"Sunny!!!" Isang pagyugyog ang nagpagising sa akin. Una kong nakita ay si Wesley na subra ang pag aalala habang tinitignan ako. "You, Okay? Ano masakit? Tell me, baby. Saan ang masakit?" Tuloy Tuloy na tanong nito. 
He touched my face to wipe away the continuous dripping tears, I held his hand because of that.
"Ang baby? Ang baby natin? Ayos lang siya diba?" Tanong ko habang humahagulgol. Sumeryoso ang expression niya, pero bigla din naibalik ang pag aalala.
"Please, Sunny. Mag relax ka muna, Please." sambit niya. Nakitaan ko din ang luha sa mga mata niya.
"Hindi ko kayang mag relax, sabihin mo muna na ayos lang ang anak ko. Ang anak natin." I said while staring at him.
Hinalikan niya ang noo ko. Napapikit ako sa ginawa niya. Please... please tell me that our baby is fine. Please, Wesley.
"She's fine. Our baby is fine, pero subrang hina ng kapit niya. Please, wag ka munang mag isip. Kailangan mong magpahinga at magpalakas. For our baby, Sunny," sambit niya.
Nakahinga ako ng malalim, ngunit napahagulgol pa rin. Tinignan ko siyang muli at hinawakan ang kamay.
"I'm sorry. Hindi ko man lang nasabi sayo. Hindi man lang ako nag isip." 
Hindi niya pinansin ang sinabi ko. Tumayo nang dumating ang doctor para tignan ako. Sunod na pumasok ay ang mga pinsan ko, kasama si Dino at Ashra.
"Sunny, wala na bang masakit sayo?" Tanong ni Hally nang makalapit. 
Sinuri ako ng doctor, nagtanong pa siya ng kong ano ano. Nang matapos akong suriin ay bumuntong hininga siya.
"Subrang hina ng kapit ng bata. Relax yourself. Tanggalin mo muna ang mga negative na nasa isip mo. Kailangan mong maging malakas for your baby. Kanino ko ibibigay 'to? Ito ang mga gamot at vitamins na kailangang mainom ni Ms. Enriquez."
Kukunin sana ni Wesley iyon, pero unahan siya ni Kuya Grayson. Nakaramdam ako ng tensyon, ganoon din ata ang naramdaman ng doctor kaya bumuntong hininga at nagpaalam na.
"Tawagan niyo ako kong may mararamdamang sakit si Ms. Enriquez," yun lang ang huli nitong sinabi bago lumabas.
Sunod ma araw ay ang pagdating ng mga magulang ko, kasama sila tito, tita at si Lolo. Gulat sila shempre. Subrang gulat sila nang malamang magkaka anak na ako. Na buntis na ako. Sinermunan nila ako, pero wala na silang magagawa.
Si lolo ay tahimik lang. Subrang tahimik niya na kahit kailan ay hindi sumagi sa isip ko na dadating ang panahon na magiging tahimik siya, kahit may nangyareng ganito. Dapat ngayon ay pinapagalitan na niya ako dahil sa malaking iskandalo na 'yon. Nakatitig lang siya at parang nag-iisip.
Ilang araw akong namalagi sa hospital, pero sa ilang araw na 'yon ay ilang beses ko lang nakita si Wesley. Hindi ko maiwasang mag isip. Galit ba siya sa akin? Galit ba siya kasi hindi ko sinabi? Galit ba siya kasi muntik nang mawala ang anak namin nang hindi man lang niya nalalaman.
"Where's Wesley?" Tanong ko kay Kuya Grayson na prenteng nakaupo sa sofa habang nagbabasa ng diyaryo. Si Ashra naman ay natigilan sa pagbabalat ng frutas. Napasulyap siya kay Kuya Grayson na ngayon ay ibinaba na ang diyaryo.
"Huwag mo siyang isipin. Ang isipin mo kong paano babalik ang lakas mo. Isipin mo ang anak mo." Nakita ko ang irita at galit sa mukha niya.
"Kuya, wala namang kasalanan si Wesley sa nangyare. Magkagalit ba kayo? Nag away kayo? Ashra, anong nangyare?" Sunod sunod na tanong ko, pero hindi nagsalita si Ashra.
"I said mind yourself, your baby, Sunny!" Medyo malakas ang pagkakasabi niya, kaya nagsalita na si Ashra.
"Grayson!" Saway ni Ashra. Napabuntong hininga si Kuya Grayson, hinawakan niya ang sintido at tumayo, lumapit siya sa akin at naupo sa tabi ko.
"Malilimitahan ang pagpunta niya dito, hanggat hindi niya naayos ang gulong ginawa niya. Kaya ngayon dapat magpalakas ka muna. Namumutla ka pa, Sunny. I tolerate you for loving him even though you are already hurting so much, but it's a different matter now. Be matured, Sunny. There is already a child in your womb that you need to think more about."
Tama siya. Hindi na lang tanging pagmamahal ang namamagitan sa akin, sa amin. Hindi na tulad noon na kahit masaktan ako ay okay lang, ngayon ay kailangan ko ng isipin ang iba, ang bata sa sinapupunan ko. May kaunting umbok na iyon, kong tititigan, pero pag nakadamit at sulyap lang, hindi mapapansing may laman na 'yon.
Wala akong magawa kundi bumuntong hininga. Pag tulog ako, saka lang dumadalaw si Wesley. Sabi ko kila Ate Hally o kong sino man ang kasama ko pag tulog ako na gisingin ako pag nandiyan na siya, hindi nila ginagawa. Pag nagigising ako ay nakaalis na siya o hindi kaya ay kakaalis lang.
Nang pwede na akong lumabas, umaasa ako na dadating siya para ihatid ako, pero hindi siya dumating. Ang mga pinsan ko lang ang kasama ko pabalik sa bahay.
Nag-iwas ako ng tingin nang makita ko ang titig ni Kuya Grayson, pinapanood ako habang tumitingin tingin sa mga kotse, umaasa na sana isa siya sa nakasakay doon.
"Out of country siya," sambit ni Kuya Grayson na nag pabalik ng tingin ko. Sinubukan kong itago na nalungkot ako. Sinubukan kong ipakitang ayos lang.
Subra ang pag-aalaga sa akin ng mga pinsan ko. Para akong babasaging gamit, pero hindi yun ang pag aalagang nais ko. Iba ang hinahanap kong pag aalaga.
"Baby, miss ko na ang daddy mo. Hindi ko pa siya nakikita. Mag iisang linggo ko na siyang hindi nakikita. Ang unfair ng daddy mo, hindi man lang sinabi sa atin na aalis muna siya," sabi ko habang hinahaplos ang tiyan ko. Hindi ko maiwasang maluha. " Ang unfair niya! Nakikita niya tayo, tapos siya hindi natin nakikita." 
Pinunasan ko ang luha sa pisngi ko at tinignan ang reflection ko sa salamin.
"Tulungan mong magpalakas si Mommy, Baby. Magpalakas tayong dalawa. Kapit lang, baby. Wag kang bibitaw. Kailangan nating lumaban." Napatigil ang pagkausap ko sa sarili ko nang biglang may kumatok.
"Sino yan?" tanong ko.
"Apo, ako 'to. Pwede ba kitang makausap?" Napaayos ako ng upo.
Tama ba yung narinig ko? Tinawag niya akong Apo? Si lolo ba talaga 'yon? Mabilis akong tumayo at lumapit sa pinto, para pagbuksan si Lolo. Pinunasan ko muna ang luha sa pisngi ko bago binuksan ang pinto.
"Lolo, ano yun?" tanong ko.
Ewan ko, pero dahil sa nangyare.... nawala bigla ang galit ko kay Lolo. Napag isip isip ko na ang mahalaga ay ayos na kami ni Wesley. Kailangan ko ng makalimutan ang nangyare noon.
"Pwedeng pumasok?" Malumanay ang pagkakasabi niya. Wala sa sarili akong tumango.
Nang makapasok siya ay nilibot niya ang tingin sa buong paligid. Nakitaan ko ng ngiti ang labi niya nang makita niya ang picture ko noong bata ako.
Hindi ako nagsalita, pinanood ko lang pagtingin tingin niya sa mga larawan.
"I'm sorry. Sorry kong hindi ako naging mabuting lolo sa'yo. Iniisip ko lang ang kapakanan niyo, lalo na pag wala na ako dito sa mundo. Ginawa ko iyon noon kay Wesley dahil nga mahirap siya, hindi ko iyon ipagkakaila."
Humarap siya sa akin.
"Hindi ko din ipagkakaila na gusto ko na siyang maging manugang ngayon kasi may pera siya. Kasi alam kong magiging mabuti na ang buhay mo sa kanya, pero ngayong muntikan ng may nangyare sayo, ilang usapan na 'yon. Wala akong pake kong mayaman siya o siya ang pinakamayaman sa mundo. Ibang usapan ang mapahamak ka dahil sa yaman niya,"
Nangilid ang luha ko. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Ito yun. Ito yung hinahanap hanap ko noong bata ako. Ang iparamdamm niyang apo niya ako. Hindi ako makapaniwala na sa tagal na ninais kong maramdaman iyon ay ngayon pa, ngayon pa na nawalan na ako ng pag asa.
"Sana huwag kang magalit. Lalo na ngayong sasabihin kong ako ang nag utos na huwag gaanong bumisita si Wesley sayo. Apo, intindihin mo ang desisyon ko noong mga panahong 'yon. Kailangan ko munang makasigurado na wala ng mananakit sayo, lalo na ang magiging anak mo."
Hindi ako makapagsalita. Walang lumalabas aa bibig ko. Kahit letra ay hindi ko masambit. Akala ko si Kuya Grayson ang may utos non, hindi ko alam na si Lolo pala.
Lumapit siya at niyakap ako. Hindi ako makagalaw. Humingi ulit siya ng pasensiya bago tumalikod, pero bago pa siya maka alis ay nagsalita na ako.
"Lolo," sa wakas ay nasambit ko habang lumuluha. Himarap siyang muli. "I forgive you for what you do, but please...... Hayaan mo na kami ni Wesley."
Umiling siya ngumiti.
"Do whatever you want. Do whatever make you happy," sambit niya bago lumabas.
Napahagulgol ako sa saya. Mas masaya pala pag tanggap na niya. Mas masaya pag wala ng hinanakit.

Komento sa Aklat (174)

  • avatar
    d******b@yahoo.com

    Such a nice story.. Well done author😍😍

    15/05/2022

      0
  • avatar
    Fhem De Castro

    How could someone be willing to wait in the name of love? This story reminds me that love is not about how long you are willing to sacrifice to someone you love. but to give all you have even there is no certainty. Good job author. 🤗🤗🤗

    15/05/2022

      0
  • avatar
    JazyChialy

    You did great, author! I love the plot of the story, unlike sa mga ibang story na common yung plot ng love story (hmm, hoping may part 2 or special chapter HAHAHA). Goodluck sa future works mo author. Congrats!

    08/02/2022

      5
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata