Homepage/Waiting You To Love Me/
Kabanata 76
Halos itapon na ni Mama ang isang envelop sa dibdib ko. Kitang kita ko ang galit sa kanya.
"What is this, Wesley!? Nakakahiya kay Mr. De Sialla! Lalo na kay Annie! Hindi ka na tulad noon, you already have fiance! Hindi kita pinalaking ganyan! Hindi kita pinalaking dumadala dalawa ng babae!" Nakikitaan ko ng galit at panghihinayang sa mukha ni Mama. Hinawakan ni Kuya si Mama para pakalmahin.
She said, she want to have a dinner with me and Kuya, pero pagpasok na pag pasok ko ay ang nagpupuyos na galit na ang nadatnan ko. Kinuha ko ang Envelop na itinapon niya sa akin at tinignan ang laman.
Napakunot ang noo ko. This is me and Sunny. We are both busy here while writing on the padlock we brought.
"Pinasundan mo ako, Ma?" Hindi ko maitago ang pagkagulat nang itanong ko iyon.
"Dahil wala akong tiwala sa babaeng 'yun! Ilang beses ka ba magpapakatanga sa babaeng 'yon! Wesley, gumising ka! Hindi ka nababagay sa kanya. Yung babae namang 'yon, sinabihan ko na't lahat na iwan ka at pabayaang ikasal ka kay Annie, nakikisawsaw pa din!"
"Ma!" Mahinang bulyaw ni Kuya.
Hindi ko maiwasang tumitig kay Mama. Hindi ako mapaniwala. Hindi ko inakalang pinasundan niya ako, at mas lalong hindi ko inakala ang huli niyang sinabi.
Hindi ko na kailangang itanong, malinaw niyang sinabi.
"Ma, sa kanilang lahat ikaw ang nakakita kong paano ako nawala sa sarili ko dahil wala siya sa tabi ko." Natatawa akong tumingin sa taas, para pigilan ang nagbabadyang luha. Inilagay ko ang isang kamay sa buhok ko. Inis ko iyong ginulo.
"Of all people, Mama. Bakit ikaw pa ang nagsabi sa kanya 'yun? Ma, mawala na sa'kin lahat huwag lang siya. 'Yang pesteng companya na yan, alam mong ayaw ko diyan! Alam mong wala akong pakealam diyan. Oo, naging importante na sa akin ang kompanyang 'yon, pero hindi kasing importante ng taong..... ng taong inutusan mong iwan ako."
Napatigil siya at napatitig sa akin.
"Bullshit, Ma! Halos mabaliw ulit ako!" sigaw ko. Napatalon siya sa gulat
"Wesley! Your word!" Seryoso nang sambit ni Kuya.
"Gusto.... gusto lang naman kitang protektahan, ayaw ko sa kanya kasi masasaktan ka ulit," malumanay na ang pagkakasambit niya at sinubukan akong hawakan, pero lumayo ako.
Simula pagkabata ay naging masunurin ako sa kanya. Ginawa ko lahat para mapasaya siya, lalo na noong pinalayas siya ni lolo. I love my mother, but this?
"Protektahan? I feel more secure every time she's with me, Mama! Because of what you did, she almost disappeared again! She almost left me again! I'm the one who always hurts, not her." I shouted again.
"Pero nasaktan ka dahil sa lolo niya! Sinaktan mo siya kasi kailangan..... dahil sa sinabi ng lolo niya! Every time I see that girl, ang lolo niya ang naiisip ko! Kong paano niya sinabing wala kang maipagmamalake!"
Naupo ako sa sofa at tinakpan ang mukha. Hindi ko maiwasang matawa ng mapait. "Ano nang pinagkaiba mo ngayon, mama? Katulad ka na niya. Is this also about the money? The company? Natatakot ka na matanggalan ulit ng karapata---" mabilis na dumapo ang kamay niya sa pisngi ko.
"Yan na ba ang tingin mo sa akin? Dahil sa ginawa ko, iisipin mo nang mukhang pera ako?" Halos mabasag ang boses niya nang sambitin niya ang mga salitang iyon.
Imbes na magsalita pa ay tumayo ako para tumalikod.
"Where are you going?" mabilis niyang tanong. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa paglakad.
Hindi talaga ako mapaniwala, si mama pala ang nagsabi. Kaya pala napapayag niya si Sunny, kasi mismong ina ko na pala ang kumausap. Papasok na sana ako ng kotse nang makarinig ako ng mabilis na yapak. Lumingon ako at nakita ko si kuya.
"Sa bar ni Ravin, pumunta ka. Merong kopya si Annie ng mga letrato niyo ni Sunny. Nandoon si Sunny ngayon diba? Papunta na si Annie doon, baka mag away sila." Hindi na ako nag paalam. Mabilis akong umikot at sumakay sa driver seat.
Pero kahit gaano ang pagmamadali ko ay wala pa rin akong nagawa dahil sa traffic. Halos masira na ang busina ng kotse ko sa kakapindot. Hindi ko pa rin nakakalimutan ang ginawang pananakit noon ni Annie kay Sunny. Sinabihan ko na siya noon, pero ibang usapan na ngayon.
Patuloy pa rin ako sa pagbusina. Buti na lang at hindi nagtagal ay medyo lumuwag na, pero dahil madami pa rin, mabagal pa rin ang usad. Kinuha ko ang phone ko at sinubukang tawagan si Dino, napamura ako nang hindi niya sinasagot. Sunod ay sinubukan kong tawagan sj Ravin, pero cannot be reach. Padabog kong itinabi ang phone ko.
Nang makarating ay nakita ko kaagad si Ravin na may kausap sa phone. Nagawa pa niyang kumaway nang makita ako.
"Br--" pinutol ko ang sasabihin niya.
"Si Sunny?" Mabilis kong tanong. Ngumiti siya at mapanuyong tumingin.
"Oh, sa tingin ko mali ak--" Tinignan ko siya ng masama at muling nagsalita.
"I said, Where is Sunny!" Napakurap kurap siya bago tinuro ang loob.
"Samahan na kita," sambit din naman niya agad kaya hinayaan ko siyang mauna.
Nang nakapasok ay walang anumang tugtog, di tulad ng palaging nangyayare dito. Tahimik ang mga tao ay sa tingin ko ay may pinagkakaguluhan.
"Anong nangyare?" tanong ni Dino na ngayon ay nasa tabi ko. Umigting ang panga ko.
"Ako dapat ang nagtatanong niyan, anong nangyare? Where's Sunny?" Sunod sunod kong tanong.
Hindi na niya kailangang sagutin ang tanong ko nang marinig ang sinabi nang waiter na kakadaan lang, galing siya sa pinagkakaguluhan ng mga tao.
"Grabe, malaking iskandalo 'to. Isang international at isang sikat na actress sa bansa."
Mabilis ang lakad ko patungo doon, nang marinig ko ang pagbagsak ng katawan sa kong saan. Napasigaw ang mga tao. Halos manlamig ako nang makita ko sa sahig si Sunny na nanghihina.
"No! Ang baby ko," rinig kong maghinang bulyaw niya. Nakatitig ito sa kamay niya na puno ng dugo. Napahagulgol siya habang nakatingin doon.
"Fuck! Sunny!" Mabilis akong lumapit at sumigaw. Madaming naglalaro sa isip ko. Lalong dumami iyon dahil sa dugong dumadaloy sa kanya at ang sinabi niya.
"B-Baby ko, Wes, ang b-baby," hirap na sambit niya bago mawalan ng malay. Hindi ko alam ang gagawin ko, pero ang gusto ko lang sa ngayon ay mailagay siya sa hospital. Baby? Sunny, please hold on. At kong tama ang nas isip ko, sana walang nangyareng masama.
"Tumawag kayo ng ambulansiya!" sigaw ko. Inulit ko pa iyon ng inulit.
"Anak nang! Sunny!" Rinig kong sambit ni Dino sa likuran ko. Sunod na narinig ko ay ang pagtawag ni Dino sa ng ambulansiya. Dahil may malapit na hospital dito ay mabilis kong binuhat si Sunny.
Pagkalabas ko ay siya ding pagdating ng ambulansiya, mabilis na pinahiga si Sunny at ipinasok sa loob.
Nanginginig ako, hindi matanggap ng sistema ko ang nalaman. Sa ganitong paraan ko pa nalaman. Hindi ako makapaniwalang tama ang iniisip ko. Pilit kong inaalis sa isip ko, ngunit tama pala ako. Sunny, bakit? Bakit hindi mo sinabi?
Sasakay na sana ako sa ambulansiya nang biglang may humawak sa kamay ko. Inis kong tinignan kong sino 'yon. Nanginginig din si Annie habang hinahawakan ang braso ko.
"W-What happen? Bakit ganon? Bakit may dugo?" tuloy tuloy na tanong niya. Mabilis kong hinigit ang kamay kong hawak niya.
"Manalangin kang walang masamang nangyare, Annie. Kong may masamang nangyare 'wag mo nang ipapakita ang pagmumuka mo! Hindi ko alam kong anong gagawin ko sayo," Nakita ko ang gulat at takot sa mukha niya.
Mabilis akong sumakay sa ambulansiya at hinawakan ang kamay ni Sunny. Wala siyang malay. Halos manghina ako nang mahawakan ko ang dugo sa mga kamay niya.
"Sunod ako!" Rinig kong sabi ni Dino, pero hindi ko siya pinansin. Nakahawak lang ako sa kamay ni Sunny at taimtim na nananalangin. Please, please.
Lumapit ang isang paramedics para tignan si Sunny.
"Kamusta siya?" tanong ko.
"Mahina ang kapit ng bata, Sir." Tumingin siya sa kinaroroonan ng driver at sinabing pakibilisan.
Nang makarating ay dali dali nilang tinignan si Sunny, hanggang sa pinasok na nila ito sa Emergency Room. Tuloy tuloy lang ako sa pagpasok nang pigilan ako ng isang nurse. Wala akong nagawa kundi mag hintay sa labas.
Pabalik balik ang ang paglakad ķo. Hindi ako mapakali. Hindi nagtagal ay dumating si Ravin at Dino. Nanghihina akong napaupo.
"Pasensiya na, hindi ko siya nabantayan." Dino said and sat beside me. "Hindi ko sila nabantayan ng magiging anak niyo." Napatingin ako kay Dino sa sinabi niya.
"Pasensiya din, Bro," tinapik ni Ravin ang likuran ko. Hindi ko iyon pinansin at nanghihinang tumitig kay Dino.
"Alam mo? Sinabi niya sayo, sa akin hindi? Ano bang.... Ano bang iniisip ng bestfriend mo, Dino!" Napabuntong hininga siya
"Relax, bro," sambit ni Ravin nang sumigaw na ako. Hindi ko matanggap na nasabi niya sa iba, sa akin.... sa akin hindi.
"Where's Sunny!" Napasulyap kami kay Hally na kumakaripas ng takbo papalapit sa amin. Ang mukha niya ay nakikitaan ng labis na pag-aalala. Wala akong mukhang maiharap sa kanila. Ako ang dahilan kong bakit ganon, dapat tinapos ko muna ang tungkol sa engagement namin ni Annie.
Sunod sa kanya ay ang mga pinsan niya kasama si Ashra. Tumayo ako at lalapitan sana si Grayson nang isang suntok ang ibinigay niya.
Mabilis na dumalo si Dino, Ravin at ang dalawang pinsan niya na si Kenzo at Racey.
"Itago mo yang babaeng 'yon. Wag na wag mong ipapakita sa akin 'yon! Pag may nangyareng masama sa kapatid ko, kakalimutan kong kaibigan kita."
"Ano ba! Hindi ito ang oras para mag away! Kuya!" Bulyaw ni Hally at pumagitna.
"Huwag mo akong turuan, Hally. Papatayin ko ang lalakeng 'to at ang babaeng 'yon kong kinakailangan. Hindi ko din makakalimutan ang ginawa niyong paglilihim tungkol sa pinagbubuntis ni Sunny! Hinayaan niyo pang pumunta siya sa bar, alam niyo naman pala na buntis siya!" Ibang tao ang nasa harap namin ngayon.
"I dare you to do that." lahat sila napatingin sa akin. Hindi ko maitago ang pagpatak ng luha ko. "I dare you to do what you said. Patayin mo ako, patayin mo ako pag may nangyare sa kanila ng mag-ina ko, hindi ko din naman mapapatawad ang sarili ko." nanghihinang sambit ko.
Hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Kahit saan tignan. Kahit malayo ang tanaw mo, kitang kita na may malaki akong kasalanan. Dapat inayos ko muna ang tungkol sa kasunduan. Dapat tinapos ko muna. Dapat hindi ko pinaasa si Annie.
Natahimik ang lahat saka lang may nagsalita nang may lumabas na isang doktor. Mabilis akong dumalo.
"Doc, kamusta? Ayos na ba siya? Ayos na ba sila ng anak ko?" Fuck! Ang sarap sanang banggitin ang salitang anak ko, pero bakit sa ganitong sitwasyon pa!
Tinitigan niya kami isa isa doon, pagkatapos ay bumuntong hininga. Tinanggal niya ang surgical mask na suot niya.
"Doc! I'm asking! Kamusta sila!" Halos sigawan ko na ang doctor, kaya hinawakan ng kong sino ang balikat ko.
"Wesley, relax!" Boses iyon ni Ashra.
"Doc? Ayos lang naman ang kapatid ko diba?" sunod na tanong ni Hally na nasa likuran ko.
Muli siyang bumuntong hininga bago magsalita.
"Binalaan ko na kayo noong pumunta kayo dito para magpacheck up. Maselan ang pagbubuntis ng kapatid mo, alam mo 'yon." Nakatingin ito kay Hally. Binalik niya ang tingin sa akin bago ulit magsalita.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (174)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
Such a nice story.. Well done author😍😍
15/05/2022
0How could someone be willing to wait in the name of love? This story reminds me that love is not about how long you are willing to sacrifice to someone you love. but to give all you have even there is no certainty. Good job author. 🤗🤗🤗
15/05/2022
0You did great, author! I love the plot of the story, unlike sa mga ibang story na common yung plot ng love story (hmm, hoping may part 2 or special chapter HAHAHA). Goodluck sa future works mo author. Congrats!
08/02/2022
5Tingnan Lahat