Kabanata 72

Wesley's POV (2 years ago)
"Hindi ka nakatiis? Pumunta ka talaga," sambit ng kapatid ko pagkasagot ko ng tawag niya. Napabuntong hininga ako.
"I just want to see her, Kuya," sagot ko. Nauuna si Grayson sa aking maglakad. Papalabas na kami sa airport at naghihintay na ang sasakyan namin papunta sa condo ni Sunny. 
Nang makarating ay hindi ko maiwasang ilibot ang tingin. Pagkapasok ko pa lang ay naamoy ko ang amoy niya. Ghad! I miss her! I miss how she rolled her eyes. I miss how her face turned red when I'm with her. I miss her smell, her smile, everything about her.
"She is still working, maya maya dadating na yun. Jan ka muna," sambit ni Grayson. Hindi na niya hinintay ang sasabihin ko, pumasok na siya sa isang pinto, I think it's a comfort room.
Di nga nagtagal ay biglang bumukas ang pinto, tatayo na sana ako nang makita ko si Sunny na binuksan ang pinto galing sa labas. Tatayo sama ako para salubungin si Sunny, pero hindi natuloy.
 Pagkabukas ni Sunny ng pinto ay tumalikod agad siya sa kinaroroonan ko at may kinausap. Dahil kitang kita ang pinto sa kinaroroonan ko, kitang kita ko din siya habang nakangiti sa isang lalake. Pinanood ko lang siya na kinuha ang paper bag na inabot ng isang lalake.
Napakuyom na lang ako nang makita ko ang paghalik ng lalake sa kanya. Akala ko itutulok niya ang lalake, pero nagkamali ako. Hinayaan niyang halikan siya ng lalakeng iyon. Gusto kong manuntok sa panahong iyon. Huli na ba ako? Yun ang unang tanong na naisip ko.
"What are you doing here?" Mabilis na tanong niya nang makita ako. Kitang kita ko mula sa kinauupuan ko ang gulat sa mga mata niya.
"You're here," Hindi pa ako nakakasagot nang lumabas si Grayson. "Hindi kami magtatagal." Sambit ulit ni Grayson at linagpasan kaming dalawa para pumunta sa kusina.
Ngayon ay naiwan kaming dalawa ni Sunny sa Sala. Nakatitig parin ako sa kanya, kaya kitang kita ko ang pag irap niya. Walang sabi sabi na tumalikod siya at pumunta sa kwarto niya, pero magsalita ako.
"Sino yun? Boyfriend mo?" seryosong tanong ko. Narinig ko ang tawa niya humarao sa akin.
Tamad siyang tumingin sa akin, bago sumagot. "Hindi," tipid na sagot niya.
Tinignan ko siya ng masama. Nakataas lang ang kilay niya at nakipagtitigan. Wala siyang pake kong tignan ko siya ng masama. Ibang iba sa dating Sunny na kilala ko. Ibang iba na ang titig niya. Hindi na yun titig ng Sunny na kilala ko simula noong 16 years old siya, simula noong pumasok ako sa bahay niya. Nagbago na.
"Hindi mo boyfriend pero hinahayaan mong halikan ka?" Umigting ang panga ko at nakatitig pa rin sa kanya. Masama pa rin ang titig ko, nais kong iparating na pagkakamali ang ginawa niya. Hindi niya boyfriend, pero nakikipaghalikan? Ganito na ba siya ngayon!
"Hindi mo din ako girlfriend non, pero hinayaan mo akong halikan ka. Anong pinagkaiba non?" Napaayos ako ng upo at nag-iwas ng tingin. Hindi ko magawang ibuka ang bibig ko. Fuck! I know that she's right.
"Ano? Wala kang masabi? Kasi tama ako! Wag kang makialam kong magpahalik ako, labi ko 'to." sabay irap niya at tinalikuran sa akin. Napabuntong hininga na lang ako.
Akala ko pag nakita ko siya, gagaan yung loob ko, pero ngayon..... subrang bigat. Ang laki ng pinagbago niya. Kasalanan mo rin naman 'yun Wesley! Pinagtabuyan mo siya! 
Hinayaan ko muli siya, pero pinangako ko sa sarili ko na pag bumalik siya sa pilipinas, kong talagang hindi na niya ako mahal, papaibigin ko ulit siya. If she doesn't love me anymore, then I will make her fall inlove with me again. 
****
Halos magdiwang ako nang mapag alaman kong uuwi na siya. Napilit din siya ng Kuya Grayson at Ate Hally niya. 
"Ano? Ambassadress? Ambassador? Gusto mo siyang maging ambassadress ng company at hotels niyo? Sa tingin mo papayag yon? Nagpapatawa ka ata, Wesley." Natatawang sambit ni Ashra.
"Nakausap ko na si Grayson tungkol diyan. Hindi niya sasabihin na ako ang boss, pero nasa contract naman 'yung pangalan ko," sambit ko.
"At ano 'tong mga nakalagay dito? Hindi mabebreak ang contrata? Pag buntis at magpapakasal lang mawawalan ng bisa ang contract? Nababaliw ka na ba? Hindi ito kontrata ng mga professional! Ghad! Be professional, Wesley. I can't believe you," sambit ni Ashra.
"I just want to try kong kakagatin niya. Pumayag naman ni Grayson kasi makikita naman ni Sunny yung contract," sambit ko.
Alam kong malabo, pero laking gulat ko nang pinermahan niya nga ito. Hindi sumagi sa isip kong pepermahan niyo iyon, unless hindi niya binasa. 
"You're here, Miss Enriquez. Sit down." Sinubukan kong huwag ipakita ang kaba ko. Hindi ko talaga inaasahang pepermahan niya.
"What's this?" Kalmado niyang tanong.
"Ah, hindi mo alam? Ako ang may-ari sa companyang 'to. Hindi sinabi ni Grayson?" Tanong ko. Fuck! Hindi nga niya binasa!
"Aalis na ako." Seryoso niyang sambit at mabilis na tumalikod. Mabilis akong tumayo para pigilan siya. Dahan dahan kong umulupot ang braso ko sa bewang niya. Nagdiwang ako nang maramdaman ko ang mabilis na pintig ng puso niya 
"Not so fast, Miles." Malambing kong bulong.
"Bitaw!" sambit niya. Bitaw? hinding hindi ko yun gagawin, Sunny. I already gave you time.
"Ayaw ko, baka makawala ka nanaman." Napapaos kong sambit at mas hinigpitan ang pagyakap ko sa kanya mula sa likod.
"Ano bang akala mo? Na may nararamdaman pa ako sayo? Wake up! Hindi na ako yung tinuturing mong bata na kaunting bola mo lang kakaripas na papalapit sayo. Hindi na ako magpapakatanga sayo, tapos na akong magpakatanga. Hindi kita muling papayagan na pumasok sa buhay ko." Malakas na bulyaw niya
"I love you," sambit ko, ngunit isang sampal ang binigay niya sa akin.
Nakaramdam ako ng hapdi nang masugatan ako sa suot nitong singsing.
"Hindi na ako magtatrabaho dito. Babayaran ko na lang ang tungkol sa kontrata."
"Do you have a boyfriend?" 
"Bakit ko naman yan sasagutin?" Napahakhak pa siya at itinaas ang kilay habang sinasambit niya iyon.
"Tell me that you don't love me anymore." Sambit ko habang nakatitig sa mata niya. 
"Hindi na kita mahal, Wesley." Seryosong sambit niya. Mapait akong ngumiti. Damn! Ang sakit!
Wala sa sarili ko siyang hinila papalapit sa akin. Inilagay ko ang kamay ko sa bewang niya. Subrang lapit na namin, kaunting kilos na lang ay mahahalikan ko na siya.
"What the hell are you doing?" Naramdaman at kita ko sa mukha niya ang takot na mailapat ang labi niya sa labi ko. Dahil sa pagpipigil na bulyawan ako ay naging malambing ang tono ng tanong niya. Fuck!
"You don't love me anymore?" Tanong ko sa kanya. Dahil sa pagsasalita ko ay tumatama na ang labi ko sa labi niya. Lihim akong napangiti nang mapansin ko ang pag bilis ng paghinga niya.
"The I will make you fall inlove with me again," sambit ko at hinalikan siya.
Hinawakan niya ang dibdib ko para sana itulak, kaya lang, nang kagatin at ipasok ko na ang dila ko sa bibig niya ay naging haplos iyon. Kong ayaw mo, itulak mo ko, Sunny! But hell!
Nang maramdaman ko ang pag balik niya sa halik ko ay inilayo ko na ang ulo at labi ko sa kanya. Napasunod pa ang ulo niya nang bigla kong inilayo iyon. namumungay na ang mata niya habang nakatingin sa akin.
I know it! Alam ko, may epekto pa rin ako sa kanya! May pag asa pa ako! Hindi pa ako tuluyang nawawala sa buhay mo.
"Itulak mo ako kong ayaw mo sa mangyayare at sa gagawin ko. Damn it! I'm just fucking miss you!" Sambit ko at hindi na nag isip pa. Muli ko siyang hinalikan. Ngayon ay naglakbay na ang kamay ko sa katawan niya.
Hindi ako makapaniwalang hinayaan niya akong angkinin siya. Subrang saya ko nang ako ang naging una niya. Hindi niya iyon ibinigay sa iba habang wala ako sa tabi niya. Ang lungkot at sakit na nararamdamam ko simula noong umalis siya ay napawi, sa isang beses na pagsasalong iyon.
Akala ko paggising ko, madadtnan ko siyang katabi ko at nakayakap sa akin, ngunit mali ako. Sinadya ko pa ngang punitin ang panty niya para hindi siya umalis habang tulog ako.
Paggising ko ay wala siya, ang punit na panty lang ang iniwan niya. Hindi ko alam kong matatawa ako o maiinis ako. Nangibabaw ang inis ko dahil paano kong sa paglalakad niya ay humangin at masilipan siya. Napapikit ako at kinuha ang phone sa gilid ko. Kinuha ko kay Ashra ang number niya sa akin kaya matetext o matatawagan ko siya.
'Where are you? Lumabas ka ng walang panty?' Pagkasend ko ay napatayo na ako para magbihis, nakalimutan ko.... may meeting pa pala ako, fuck!!!
Dahil sa nangyare ay hindi ko maiwasang mapangiti buong meeting ko kasama ang mga importanteng bisita at mga investors.

Komento sa Aklat (174)

  • avatar
    d******b@yahoo.com

    Such a nice story.. Well done author😍😍

    15/05/2022

      0
  • avatar
    Fhem De Castro

    How could someone be willing to wait in the name of love? This story reminds me that love is not about how long you are willing to sacrifice to someone you love. but to give all you have even there is no certainty. Good job author. 🤗🤗🤗

    15/05/2022

      0
  • avatar
    JazyChialy

    You did great, author! I love the plot of the story, unlike sa mga ibang story na common yung plot ng love story (hmm, hoping may part 2 or special chapter HAHAHA). Goodluck sa future works mo author. Congrats!

    08/02/2022

      5
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata