Kabanata 67

Nang makilala ko siya madaming nagbago, lalo na sa buhay at pagkatao ko. Sa unang paglandas nang tingin ko sa kanya ay nahulog na ako. Unang kita ko sa kanya, sinabi ko agad sa sarili ko na gusto ko siyang maging boyfriend. Nairita pa nga ako nang sabihin ni Kuya na kailangan kong tawagin si Wesley ng kuya, kasi alam ko sa sarili ko na ayaw at hindi ko nanaiisin na tawagin ko siyang Kuya.
Dahil sa kanya, yung batang ako ay nakaranas agad ng pagmamahal. Naniwala pa nga ako na puppy love lang ang nararamdaman ko, pero napatunayan kong tunay iyon at hindi isa lamang puppy love dahil ang nararamdaman ko ay umabot ng isang linggo, isang buwan at umabot ng ilang taon. 
Mas lalo kong napatunayan na ang maramdaman ko ay hindi simpleng batang pag ibig lang dahil nakaramdam ako ng saya, sakit at higit sa lahat lumuha ako. At alam kong ang puppy love ay hindi ganoon.
Hindi ko ipagkakailang gusto ko na siyang pakasalan. Hindi ko ipagkakailang subrang saya ko pag sinasabi niyang gusto na niya akong pakasalan. 
"Marry me, Baby. I said I wouldn't force you, but fuck! I fucking want to put my surname in yours, "he said while still staring at my face.
Nakita ko ang pagpapanic niya nang dahan dahan kong tinanggal ang mga kamay ko na kaninay hawak niya. Nakita ko ang takot sa mga mata niya, nakita ko ulit yung sakit at takot na nakita ko noong hiniwalayan ko siya sa Ilocos.
Hindi siya makapagsalita habang nilalayo ko ang kamay ko sa kanya. Ngumiti ako sa kanya at dahan dahang tinanggal ang gloves na suot ko.
Tumingin siya doon at hindi nakapagsalita. Tumingin siya sa akin at muling ibinalik ang tingin sa kamay ko. Hindi siya makaninwalang tumingin sa mga daliri ko.
"Oh... Just....Heck... Fuck!!! Damn it! Bakit ang hilig mong magpakaba," sambit niya sabay yakap sa akin.
Kanina bago ako lumabas sa kwarto, walang pagdadalawang isip kong sinuot iyon. Wala pa akong planong ipakitang suot ko iyon, ngunit nag aya na siya. Gusto ko na din ipaalam na gusto ko din siya pakasalan. 
"I will marry you, Wesley Jace. Please, make me your wife." lumuluha kong sambit.
Kong kanina ay lumuluha ako dahil sa mga naaalala ko, ngayon ay lumuluha ako dahil sa saya. 
"Don't need to say please, I fucking marry you. I will make you my wife, no matter what," sambit niya na nagpahagulgol sa akin.
Iniharap niya ako sa kanya at muling tinignan ang mata ko, nakangiti siya habang minamasdan ako. Ngumiti ako sa kanya. Pinunasan niya ang luha sa mga mata ko.
Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko. Kulang ang salitang 'saya' para ipaalam ang totoong nararamdaman ko.
"Let's go. Magpakasal na tayo," nagulat ako sa sinabi niya.
"Now? Ngayon na?" kumurap kurap ako. Kumunit ang noo niya.
"Yes? You change your mind?" 
Mabilis akong umiling. of course, not! Bakit naman magbabago ang isip ko.
"Of course, not! Kong ngayon na, pano yung gown? No way! It's my wedding, hindi mo ako pagsusuotin ng gown? N--" Hindi siya nagsalita at kinuha ang phone. 
Hinawakan niya ang kamay ko at nagsimula na sa paglalakad. 
"Hello, Judge," sambit niya kaya mas lalo kong binilisan ang paglakad para masabayan siya, kahit hawak naman niya kamay ko.
"Hey! Wesley! Wala akong gown! I'm Sunny Enriquez, you know!" tuloy tuloy na sambit ko ngunit hindi niya ako pinansin.
Tutok ang atensyon niya sa phone niya. Napakagat na lang ako sa labi ko at napailing.
"Pasalamat ka mahal kita," bulong ko at sabay irap. Napahinto ako nang tumigil siya. Nakahawak pa rin ang isang kamay niya sa phone at nakalagay sa tenga niya.
Inilapit niya ang ulo niya kaya napa atras yung ulo ko. Nakangiti niya akong tinitignan habang nasa tenga pa rin ang phone. Tinagilid niya ang ulo at hinalikan ako nang mabilis. 
"I love you too," sambit niya at tumalikod ulit. Parang walang nangyare, naglakad ulit siya habang hawak hawak ang kamay ko. Kinausap niya ulit ang kinakausap niya kanina sa phone. 
Wesley!! Hindi ko maiwasang mamula dahil sa ginawa niya, lalo na nang mapansin kong nakatingin ang ilan sa amin. Nakangiti ang iba sa amin para bang kinikilig sa nasaksihan. 
Feeling nila nasa kdrama kami? Bakit sila nanonood! Kong pwede lang sanang tusukin ang mga mata nila para huwag tumingin sa amin. 
****
"Anong sabi niyo!?" Pasigaw na tanong ni Ate Hally sa amin. Mabilis niyang tinanggal ang apron niya, nadatnan namin siyang gumagawa ng sandwich.
"We need a witness, we're getting married now. The judge is waiting," pati ako ay nagulat sa sinabi niya. Kanina pa siya abala sa phone niya at hindi ako makapaniwalang ready na ang judge.
"Married? Witness? What? Nagpapatawa ba kayo? Sunny? What the heck is this? Dito sa Korea?" Nabalik balik ang lakad ni Ate Hally. Napanguso ako.
Pwede ba yun? We are both foreigner. Well, he's lolo is a half korean, but is it ok to marry here? 
Ang sabi ni Wesley, gagawan niya daw ng paraan, pero hindi pumayag si Ate Hally. Gusto ni Ate Hally na sa pilipinas. 
"I'm okay about your relationship, but this? No! I will do everything to stop you two to do this! Gusto niyo magpakasal? Sa pilipinas kayo! Pag nagpakasal kayo dito ng ako lang ang nakakaalam, you think matutuwa si Kuya Grayson? Baka itakwil pa kayong dalawa! Baka nga isama pa niya ako dahil pinayagan ko kayo sa biglaang desisyon niyo!" sermon niya sa amin. 
Napansin ko ang pagbuntong hininga ni Wesley. I think nakuha niya yung point ni Ate Hally. Ate Hally is right, kahit saan tignan.
Napahawak ako sa tiyan ko. Baby, si Daddy hindi makapaghintay pakasalan si Mommy. I can't help but smile.
About Kuya Grayson, baka nga itakwil pa kami non. Mas okay nga kong alam nila, kahit ang pinsan na lang namin. Saka na ang mga magulang namin.
"I'm sorry, nagpadalus dalus ako kanina." Galing sa likod ay niyakap niya ako. Hindi ko alam pero nang maamoy ko yung amoy niya ay napalayo ako. What happen? Bakit ayaw ko na sa amoy niya.
Napansin niya ang paglayo kaya nagtataka siyang tumingin sa akin.
"Ang baho mo," Nakasimangot kong sambit. Napanganga siya sa sinabi ko. Lumayo pa ako sa kanya. Nasa kwarto niya ako ngayon, hinayaan na namin si Ate Hally sa kwarto sa VIP room.
"What? Kakaligo ko lang," sambit niya at inamoy amoy ang sarili. Lumapit siya sa akin. "Hindi naman ah--" Napatigil siya nang takpan ko ang ilong ko nang lumapit siya.
"Ang baho mo kaya!" Napahawak siya sa noo niya.
"Fine, maliligo ulit ako. Hindi ko alam kong gusto mo ngayon ng gatas, pero nagpakuha na ako, baka mamaya kakatok na yon. Maliligo lang ako," Nakasimangot niyang sambit at tumalikod. Sumulyap pa siya sa akin bago buksan ang pintuan sa banyo.
Nang makapasok na siya sa banyo ay tinanggal ko na ang kamay ko sa ilong ko. What was that? Bakit nababahoan ako sa kanya, eh, gustong gutso ko nga ng amoy niya!
Lumabas muna ako sa kwarto at nanatili sa office niya. Tama nga siya dahil ilang sandali lang ay kumatok na ang isang empleyado. Hinayaan ko siyang pumasok at nilagay ang ilang pagkain, kasama ang gatas sa lamesa sa may sofa. 
Tinignan ko isa isa yun. Napatakip ulit ako sa ilong ko nang maamoy ko ang kimchi.
"Ang baho," naiiyak kong sambit. Napatingin sa akin yung empleyado. Alanganin akong ngumiti. Hindi niya naintindihan yung sinabi ko, buti naman. "This kimchi, I don't want this. Take this with you," sambit ko. Nahihiya siyang ngumiti.
"No, english. Korean only," she said that make ma roll my eyes. Ghad, ang hirap naman ng ganito. Kinuha ko ang kimchi kahit alam kong maaamoy ko iyon. Kaya para hindi maamoy 'yon, pinigilan ko kuma ang huminga.
Isinenyas ko ang kamay ko at tinuro ang kimchi.
"This?" sambit ko sabay kaway ng kamay, para isenyas na ayaw ko noon. Napabuntong hininga ako nang tumango siya. Nang maayos ay nagpaalam na siya. Napayuko pa ako nang yumuko siya para magpaalam.
Di nagtagal ay lumabas na si Wesley galing sa kwarto. Pinupunasan niya ang basa niyang buhok habang hinahanap ako ng mga mata niya. Nang makita ako ay ngumiti siya at lumapit, pero gaya kanina ay ang baho pa rin niya. Hindi ko iyon pinahalata at naupo na lang.
"Let's eat," sambit ko. Pinagpasalamat ko ang pag upo niya sa harap ko at hindi sa tabi ko. Ano bang nangyayare sa akin? Para namang nandidiri ako!
Pero bakit ganon? Yes, ayaw ko ng amoy niya, pero bakit ang gwapo niya? Oo alam ko gwapo siya, pero mas lalo itong gumagwapo sa paningin ko.

Komento sa Aklat (174)

  • avatar
    d******b@yahoo.com

    Such a nice story.. Well done author😍😍

    15/05/2022

      0
  • avatar
    Fhem De Castro

    How could someone be willing to wait in the name of love? This story reminds me that love is not about how long you are willing to sacrifice to someone you love. but to give all you have even there is no certainty. Good job author. 🤗🤗🤗

    15/05/2022

      0
  • avatar
    JazyChialy

    You did great, author! I love the plot of the story, unlike sa mga ibang story na common yung plot ng love story (hmm, hoping may part 2 or special chapter HAHAHA). Goodluck sa future works mo author. Congrats!

    08/02/2022

      5
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata