Kabanata 63

I let him follow me, that's okay as long as he doesn't come and talk to me. Mas naging komportable din ako na lumibot, kanina ay gusto ko lang mag libot malapit sa hotel, baka kasi maligaw ako.
Ngayon ay gusto ko nang lumibot pa ng mas malayo, total ay nandiyan naman siya. Hindi ko alam kong saan ako tutungo, hinayaan ko ang paa kong tangayin sa kong saan.
I saw many beautiful sights as I walked. I even ate their food, but I made sure it was healthy. Some food that I ate are those foods that I can see in dramas.
One of my hobby is watching kdramas, hindi ko maiwasang alalahanin noon, I even make Kuya Grayson watch those cheesy love story. It's nice to go back to those memories.
I also took countless pictures because I was alone,, so I did my effort to get my picture.
Sinubukin ko din ang ang tinatawag nilang samyang ramen. I'm not into spicy, pero ngayon ay natatanam akong kumain ng maanghang. Kumain ako sa hindi sikat na kainan, hindi ko maiwasang ilibot ang paningin ko. I feel like I'm in a kdrama.
Buti na lang at kahit hindi gaanong kilala ang kinainan ko ay tumatanggap sila ng card.
Pagkalapag palang sa harap ko ng pagkaing iyon ay napalunok na ako. Nakakataman yung kulay niya. Hindi ko din alam kong nakasunod pa rin si Wesley, ayaw kong ilibot ang paningin ko para hanapin siya. Magtatanong tanong na lang ako paano papunta sa hotel o mag seseach sa GPS, bahala na.
Kinuha ko ang chopstick, walang pagdadalawang isip akong sumubo na pinagsisihan ko. Napanganga ako at mangiyak iyak na pinaypayan ang sarili ko. Alam kong ma anghang 'to gaya ng sabi ng iba, pero hindi ako makapaniwalang ganito ito ka anghang.
Mas lalo akong naiyak nang mapagtantong wala pang tubig na nasa lamesa ko. Hindi ko alam kong tatayo o magtatawag ako para sa tubig. Napapikit ako at handa na sanang tumayo nang may naglapag ng isang baso ng tubig sa harap ko. Wala ako sa sariling kinuha iyon agad at ininom.
"Ang anghang! Ayoko na!" sambit ko pagkainom ko ng tubig. "Salamat... Thank you," sambit ko sa taong nagbigay sa akin ng tubig nang hindi tinitignan kong sino. Hindi nagsalita ang taong iyon kaya sinulyapan ko, napapikit ako nang makita kong sino ang taong nasa harap ko.
Akala ko talaga ay wala na siya. Sunod ay bigla na lang siyang tumalikod na para bang wala siyang ginawa. Pinanood ko lang ang likod niyang habang naglalakad papunta sa labas. Napabuntong hininga ako. Ang hirap naman ng ganito!
Sa tagal kong naglibot medyo dumidilim na din pala. Nabayaran ko na ang kinain ko kaya tumayo na ako naglakad na din papunta sa labas. Ngayon hindi ko na alam kong paano pabalik. Napanguso ako at nilibot ang tingin para hanapin siya, pero wala siya.
"Nasaan na 'yun?" Pinagpatuloy ko na lang ang paglalakad. Inilabas ko ang phone ko at tinignan ang GPS, pero nanlumo ako nang makitang low battery na.
Sinubukan kong lumapit at magtanong sa iba kong paano ang papunta sa Hotel.
"Hello, Can I ask? How can I go to Zus Hotel," tanong ko, pero tinitigan lang niya ako, saka ko naalala na kailangan kong magsalita ng wika nila, but hell hindi ko alam! Oo at nanonood ako ng kdrama, pero wala sa oras ko ang aralin ang lenggwahe nila.
Pumikit ako, at huminga ng malalim. Inisip ko yung mga ilang alam ko.
"Annyeong... Hmmm," hindi ko na alam ang sunod kong sasabihin.
Wala akong nagawa kundi maglakad nanaman. Tumatanggap ba sila ng ATM dito pag magbabayad ng taxi? haist! Mas subra na din ang lamig, kumpara kanina. Kanina ay tumigil ang pag snow, ngayon ay nagpatuloy nanaman.
Sa paglalakad ko ay nagulat ako kong saan ako dinala ng paa ko. Isang dagat ng rosas. White roses. Napatigil ako at tinanaw iyon. Subrang ganda. Iilan lang ang tao at binasa ko ang nakasulat sa may gilid.
"LED Rose Garden: For Lots Of Light. Ang ganda dito," Mahinang sambit ko at lumapit ako doon.
Lumagpas ang paningin ko papunta sa taong nasa medyo malayo sa akin. Ang seryoso nitong mata ay nakatutok lang sa akin na para bang ako lang ang tao doon, na para bang ako lang ang napakagandang tanawin na pwede niyang titigan.
Napansin ko ang unti unti niyang paglapit, hindi ko alam pero hindi ko maigalaw ang mga paa ko habang nakatingin sa kanya na ngayon ay papalapit sa akin. Subrang namimiss ko na siya. Kong kanina ay miss na miss ko siya, ngayon ay hindi ko na ma explain kong gaano ko siya namimiss.
Nang makalapit siya sa akin ay ngumiti siya.
"Gabi na, uuwi na ba tayo?" Tanong nito. Ang sarap sanang dinggin ang salitang 'Uwi na tayo' kong ayos kaming dalawa.
Napapikit ako lalo na ng naisip na hindi nga siya umalis. Hindi siya nagsawang sundan ako kahit na hindi ko siya pinapansin. Napakagat ako sa labi ko at mahinang sinuntok ang dibdib niya.
"Bakit ka ganito? Just hate me, Wesley. Hate me!" hinawakan niya ang ginamit kong panuntok sa kanya. Pinanood ko kong paano niya nilagay ang mga daliri ko sa pagitan ng mga daliri niya.
"How can I hate you if I am crazy madly in love with you? And why the hell you want me to hate you? I feel like, there is something, I don't know."
Nangungusap ang kanyang mga mata habang nakatitig sa mismong mata ko, na para bang hinahanap sa mga mata ko ang sagot sa mga tanong niya. Nag iwas ako ng tingin. Pinigilan ko ang sarili kong mahulog ulit sa mga titig niya.
"Then don't love me. Stop loving me, Wesley. Para kamuhian mo ako, dapat huwag mo na akong mahalin. Wesley, pakiusap, h'wag mo na akong mahalin," sambit ko
Sinubukang hilahin ang kamay ko, pero hinila niya ulit iyon at mas hinawakan ng mabuti, para bang alam niya na pagbinitawan niya ang kamay ko ay wala na talagang pag-asa ang saming dalawa.
"Ayoko. Ayokong kamuhian ka, Sunny. Gusto kitang mahalin, kaya huwag mo akong utusan na tigilan ko na ang mahalin ka," Tinuro niya dibdib niya. "Kasi kong kaya kong tigilan, sana noon pa,"
"You have fiance, Wesley!" Bulyaw ko sa kanya.
Natawa siya na para bang may nakakatawa akong sinabi.
"I have fiance now kasi sinabi mo! Kasi inutos mo! I already have fiance kasi 'yon ang gusto mo!" Napapikit siya nang tumaas na din ang boses niya.
"Yun na nga eh! Sinunod mo yung sinabi ko at inutos ko sayo. Kaya, bakit hindi mo magawa yung sinasabi at inuutos ko ngayon! Nasimulan mo naman na, bakit hindi mo na lang ipagpatuloy! Marry her, Wesley. Marry your fiance and stop loving me!" kasabay ng sigaw kong iyon ay ang tuloy tuloy at hindi matigil tigil na luha ko.
Nakakainis! Bakit ayaw makisama ng luha ko!
"Ayaw ko, pinagsisihan ko yung pagsunod sa gusto mong 'yon. Kahit ano na lang huwag yung sabihan mo akong tumigil na sa pagmamahal sayo at pakasalan ang ibang babae. Kahit ano na gagawin ko, Sunny, huwag lang yun,"
Mas lalo akong naiyak nang makita ko ang sakit sa mata niya. Nanikip ang dibdib ko nang makita kong nasasaktan ko siya. Hindi ko na alam kong ano ang dapat na desisyon ko. Kong tama ang desisyon kong lumayo sa kanya para sa kompanya, bakit ganito na lang kami masaktan. Hindi ko na alam!
"Sunny... Baby, huwag lang 'yon, pakiusap. Ayoko nang magsisi sa bandang huli," hinawakan niya ang dalawang pisngi ko at tinigan ang mga mata ko. Parehong lumuluha ang mga mata namin.
Huminga ako at sinubukang huwag mabasag at mautal sa sasabihin ko.
"T-hen leave, Wesley." Napapikit ulit ako. "Leave at bumalik ka sa pilipinas, I know na wala kang importanteng gagawin dito. Iwan mo ko dito, kahit dito lang," sambit ko.
***
Napabuntong hininga ako nang matapos ang usapan namin ni Ate Hally. Nagpapabook ako ng ticket pa uwi, tinanong niyo kong bakit, sinabi ko ang totoo. Ibibigay ko iyon kay Wesley, para umuwi na.
Alam kong kaya naman niya bumili non, pero gusto kong ako magbigay sa kanya non para alam kong aalis talaga siya.
Nakarating na si Ate Hally at iyon agad ang sinabi ko sa kanya. Nagulat din siya dahil kasama ko pala si Wesley dito.
Mabilis na nakabook si Ate Hally at makukuha niya rin iyon agad at ang flight ngayon ang sinabi kong kunin niya, buti at may natitira pa. Buti din at may kakilala si Ate Hally kaya mas napadali ang pagkuha ng plain ticket.
"2 hours from now ang flight nito," inabot niya sa akin ang hawak niyang plain ticket. "Sunny, naawa na ako kay Wesley. Sabihin mo na lang kasi na buntis ka para matapos na!" Umiling ako at mabilis na tinalikuran siya.
Bago lumabas sa kwarto ay narinig ko ang buntong hininga niya. Nakita ko din naman agad si Wesley sa sala, mabilis na lumipat ang tingin niya sa akin.
"Su-" naputol ang sasabihin niya nang iabot ko sa kanya ang hawak ko. Natigilan siya at hindi nakapagsalita.
"Ayaw na kitang makita bukas dito. Kahit itong mga hiling araw lang na 'to, Wesley. Ayaw kitang makita kahit ilang araw lang," Dahan dahan niyang kinuha ang plain ticket at tumango. Tinalikuran ko siya at bumalik sa kwarto.
Mag she-share kami ng kwarto ni Ate Hally, ayaw niyang mag book ng isang room, ayos din naman sa akin iyon.
Hindi ako makatulog noong gabing iyon, ngunit pinilit ko, iniisip ko ang magiging anak ko. Maselan ang pagbubuntis ko at iyon ang pinaka paalala ng doctor, bawal ako mag puyat.
Habang natutulog ay naalimpungatan ako sa tunog ng phone ni Ate Hally. yinugyog ko si Ate Hally para magising. Nang magising ay inabot niya ang phone sa gilid at na upo. Matutulog na sana ulit ako nang marinig ko ang nababahalang boses ni Ate Hally.
"No, you're joking," Napatingin siya sa akin at biglang napapikit. Naupo din ako at tinignan siya ng may pagtatanong.
"I'm sorry. I'm sorry, kasalanan ko. Sana hindi ko na lang binigay." Hindi siya makatingin sa akin, kaya nakaramdam ako ng kaba, kabang hindi ko pa naramdaman kahit kailan.
"Ate, bakit? Anong nangyare?" tanong ko. Bumaling na siya sa kin at kita ko sa mata niya ang pag aalala.
"Naibigay mo diba? Yung plain ticket?" tumango lang ako. Napakagat siya sa labi niya bago nagsalita. "Yung kaibigan ko ang tumawag sa akin, yung kaibigan kong nagbigay ng plain ticket. Sunny, bumagsak ang eroplano, ngayon ngayon lang."

Komento sa Aklat (174)

  • avatar
    d******b@yahoo.com

    Such a nice story.. Well done author😍😍

    15/05/2022

      0
  • avatar
    Fhem De Castro

    How could someone be willing to wait in the name of love? This story reminds me that love is not about how long you are willing to sacrifice to someone you love. but to give all you have even there is no certainty. Good job author. 🤗🤗🤗

    15/05/2022

      0
  • avatar
    JazyChialy

    You did great, author! I love the plot of the story, unlike sa mga ibang story na common yung plot ng love story (hmm, hoping may part 2 or special chapter HAHAHA). Goodluck sa future works mo author. Congrats!

    08/02/2022

      5
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata