Hindi ko na nagawang kumain. Hindi nagtagal ay nakatulog na kasi agad ako. Wesley knocked earlier, but I ignored him and resumed sleeping. Naalimpungatan lang ako nang mga hating gabi nang makaramdam ako ng lamig. Nagiging maantukin na ako! Hindi naman ako ganito noon. Ngayon ay madalas na akong mapagod at antukin. Madali na din akong gutumin. Hindi kaya tumaba naman ako. Mabilis akong naupo nang maisip yun at hinawakan ang pisngi ko. "Tiyan ko lang naman siguro yung tataba," wala sa sarili kong sambit ko sa sarili ko. Itinaas ko ang damit ko at tinignan ang tiyan ko. Wala pa naman nagbabago doon. Tumayo ako at pinatay ang aircon, subrang lamig. Nagpalit na din ako ng mas makapal na damit. kumuha din ako ng medyas at sinuot ito. Habang nagpapalit ay nakita ko sa bag ko yung pabango ni Wesley. Kinuha ko iyon at inispray sa paligid, pati na din sa higaan ko. Nakakainis! Bakit kasi hindi nakakasawang amoyin ang pabango niya, pero hindi pa rin ako nakuntento nang maamoy na sa buong paligid ang pabango niya. Mabango na ito, pero iba pa rin pag sa kanya ko inaamoy. Naisipan kong lumabas nang makaramdam ako ng gutom. Pagkalabas ko ay halos maestatwa ako ng makitang sa sofa natutulog si Wesley. Oo at malaki ang sofa, pero ang tangkad niya at alam kong hindi siya komportable sa ganoong posisyon. Gusto ko siyang gisingin at tanungin kong bakit siya doon natutulog, pero pinigilan ko ang sarili ko. Eh ano namang pakealam ko! Edi matulog siya diyan! Nasa hotel niya kami, pwede naman siyang kumuha ng ibang kwarto, bakit dito siya natutulog. Naglakad ako papuntang kusina, pero dahil siguro sa yapak ko ay nagising siya, imbes na tignan ay tuloy tuloy na lang ako sa paglalakad. Naramdaman ko din naman na sumunod siya, pero gusto kong panindigang wala akong pakealam sa kanya. Gusto kong panindigan na huwag siyang kausapin. Kaya ko naman siguro. Bakit ba kasi siya nandito, hindi ba siya mamimiss ng fiance niya. Ghad, Sunny! Of course, he's the CEO, baka may ibang trabaho siya dito. "Kumatok ako kanina, pero tulog ka na ata. May pagkain diyan, pero hindi na mainit. Akin na at iinitin ko," lumapit siya sa akin at kukunin sana ang pagkaing nasa lamesa nang tinignan ko siya ng seryoso. "Matulog ka na lang, kaya kong asikasuhin ang sarili ko," sambit ko. Akala ko kaya ko siyang huwag kausapin. "I jus--" pinutol ko ang kong anong gusto niyang sabihin. "Saka... huwag ka nga dito matulog. Sigurado namang may tutulugan ka dito sa hotel niyo," sambit ko. I'm worried. You may suddenly lose consciousness, you haven't told me what happened, and the doctor said when you lost consciousness in Ilocos- " "Ayos lang ako. Ngayon alam mo ng ayos ako, umalis ka dito sa kwarto. Baka your fiancé will know you're here, I don't want a fight," sambit ko at imbes na ang pagkain ang kunin ay binuksan ko ang refrigerator, buti na lang at may fresh milk. Hindi na ako nag abalang magtanong kong bakit may mga gano'n na agad dito, siguradong hindi pa kami nakakarating dito ay naayos na ang mga kakailangan dito. Tinignan niya ang fresh milk na hawak hawak ko. Ramdan ko ang panonood niya sa galaw ko at hindi ko ipagkakailang naiilang ako. Para bang sa simpleng panonood niya lang sa mga galaw ko ay malalaman niya nang may itinatago ako sa kanya. Hindi ko maiwasang kabahan. Sinubukan kong alisin iyon sa isipan ko. Mas binilisan ko ang paglagay ng fresh milk sa baso ko. Gaya ng mabilis na galaw ko sa paglagay ng fresh milk, mabilis ko din itong ininom sa mismong harap niya. Maglalakad na sana ako papaalis nang bigla niyang hinila ang braso ko pabalik sa harapan niya. "Let's talk, Sunny," seryosong sambit niya. Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak pa rin sa wrist ko. Dahan dahan ko iyong tinanggal. "Tapos na tayong pag-usapan yung tayo, Wesley. Ano pa bang hindi malinaw sa'yo?" "Kong sayo tapos na, sa'kin hindi. Let's talk kong bakit biglang gano'n na lang bigla. Let's talk about why it suddenly happened like this. We talk about our future child that night. We were happy about it, as if it was a plan, and it could be done soon, but suddenly, it was like this? Oo at sinabi kong gagawin ko ang gusto mo nang sabihin mong magpakasal ako sa iba, na pakasalan ko si Annie, pero damn it! Ang hirap, ang hirap magpakasal lalo na kong hindi ikaw," narinig ko ang pagkabasag ng boses niya. Hindi ko nagawang magsalita. Nakatingin na ako ngayon sa kamay niyang unti unting hinawakan ang kamay ko. Wala kong nagawa kundi panooring hawakan niya ang kamay ko at inilagay sa labi upang halikan ang likod ng palad ko. Nalipat sa mata niya ang tingin ko. "Please, please tell me you're lying about what you want me to do. Hindi ko kaya. Subrang hirap ng gusto mong gawin ko. Ang hirap ng pinapagawa mo," Mabilis kong hinila ang kamay kong hawak niya. Nanginginig na ang mga kaya ko kaya ibinulsa ko iyon para maitago. "Kong tapos ka na sa sasabihin mo, paki lock na lang ang pinto pag lalabas ka na," sambit ko at mabilis na umalis sa harapan niya. Hindi ko na siya binigyan ng pagkakataong hawakan o kausapin ako. Pagpasok ko ay tumulo ang luha ko. Akala ba niya siya lang ang nahihirapan! Pag tinanggap ko siya at hinayaang maging kami ulit, anong mangyayare? May mawawala sa kanya, takot naman akong deretsuhing tanungin kong kaya ba niyang mawala sa kanya ang kompanya. Takot ako na baka ang isagot niya ay ayaw niyang mawala iyon sa kanya, kaya mas mabuti na 'to. Uunahan ko na ang desisyon niya. **** Parang walang nangyare noong gabing 'yun. Nakakangiti ulit siya sa harapan ko. Siya pa ang nagsalin ng fresh milk sa baso ko, na para bang alam na niya na iyon ang iinumin ko. Lalagyan sana niya ng bread ang pinggan ko nang inunahan ko siya, imbes na bread ay ang fried rice at bacon ang kinuha ko. Nagluto kasi siya at siguro ay para sa kanya ang fried rice, pero marami naman yun, hindi naman niya siguro mauubos. Muli ay naramdaman ko ang titig niya sa akin, pero ako ay nagsimula ng kumain, hinila niya ang upuan sa harapan ko at naupo doon. Ramdam ko pa rin ang titig niya, pero wala akong planong balingan siya. "1 clip for the advertise and pictorial lang ang gagawin mo, ngayon yung advertise at sa susunod na araw ang pictorial. Your last day here is you free time, you can go whenever you want," Bigla niyang sambit. Tumango lang ako. Gusto ko sanang sabihin na alam ko dahil nasa akin na ang schedule, pero hindi ko ginawa. "Ang sabi ni Ashra ay pupunta daw dito si Hally. Mamaya na ang flight niya, siguro ay gabi na o hapon siya makakarating," sambit niya. Narinig ko ang buntong hininga niya nang hindi ulit ako nagsalita. Natapos akong kumain at nagpapasalamat na nakaya kong huwag siyang kausapin. Bago bumaba para sa gagawin naming advertise ay nag take muna ako ng vitamins ko, hindi ako nakapag vitamins kagabi. Buti na lang at hindi gaanong matagal ang ginawa naming advertise, hindi ako makapaniwalang yun lang ang gagawin ko sa isang araw na yun. Isang oras lang ang ginugol namin doon at wala na akong gagawin pa. Dahil wala akong gagawin ay naisipan kong lumabas, may snow sa labas. Buti na lang at kumuha ako ng panlamig ko. Buti na lang at sinabi ni Ate Hally na snow season ngayon dito sa korea. February na kasi at ang ibig sabihin ay snow season na. Ngayon ay nakasuot ako ng double breasted trench coat. Balot na balot ako ngayon, may knitted cap din akong suot, ang buhok ko ay nakalugay lang. Ngayon hindi ko alam kong saan ako pupunta. Basta nakita ko na lang ang sarili kong naglalakad lakad. Habang naglalakad ay napabuntong hininga ako. Kahit hindi tumingin sa likod ko ay alam kong nakasunod nanaman siya. Pinagpatuloy ko na lang ang paglalakad na para bang wala siya sa likod ko, siguro kaunti lang ang layo niya. Walang gaanong tao kaya alam kong siya iyon. Amoy na amoy ko ang pabango niya, at ramdam ko na siya 'yon. Nakakaramdam ako ng kaba, hindi kaba na natatakot na baka may mangyareng masama sa akin, kundi kaba na alam kong dahil 'yon sa mahal ko ang taong nasa likod ko ngayon.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (174)
d******b@yahoo.com
Such a nice story.. Well done author😍😍
15/05/2022
0
Fhem De Castro
How could someone be willing to wait in the name of love? This story reminds me that love is not about how long you are willing to sacrifice to someone you love. but to give all you have even there is no certainty. Good job author. 🤗🤗🤗
15/05/2022
0
JazyChialy
You did great, author! I love the plot of the story, unlike sa mga ibang story na common yung plot ng love story (hmm, hoping may part 2 or special chapter HAHAHA). Goodluck sa future works mo author. Congrats!
Such a nice story.. Well done author😍😍
15/05/2022
0How could someone be willing to wait in the name of love? This story reminds me that love is not about how long you are willing to sacrifice to someone you love. but to give all you have even there is no certainty. Good job author. 🤗🤗🤗
15/05/2022
0You did great, author! I love the plot of the story, unlike sa mga ibang story na common yung plot ng love story (hmm, hoping may part 2 or special chapter HAHAHA). Goodluck sa future works mo author. Congrats!
08/02/2022
5Tingnan Lahat