Kabanata 45

Mabilis akong humarap at tinignan siya ng masama.
 
"What are you doing here?" Kahit kinakabahan ay nagawa ko pa rin na tanungin yun nang hindi nauutal.
Lumapit siya sa mga cubicle at kinatok isa isa, nang makasiguradong walang tao ay humarap siya sa akin.
 
"Anong ibig sabihin nang ginawa mo?" Mapanuyong tanong niya.
 
Tinalikuran ko siya at binuksan ang lipstick para lagyan ang labi ko, inabala ko na lang ang sarili ko at hindi siya pinansin. Iniiwasan kong tignan ang reflection niya sa salamin.
 
Halos mapamura ako nang maramdamam ko siya sa likod ko. Inilapit niya ang labi sa tenga ko at hinalikan iyon habang nakatitig sa reflection naming dalawa.
 
"Tell me, what's the meaning of that?" Bulong nito, kaya humarap ako sa kanya para itulak sana siya, pero  hindi ko nagawa dahil sa ginawa niya. Ang kamay na dapat ipantutulak ko ay mabilis niyang hinawakan at hinalikan.
 
"I was jealous awhile ago, but after what you done, parang hindi lang ako ang nagseselos." Tumitig siya sa mga mata ko. "Am I right, Baby?" Malambing niyang tanong at mabilis na humalik sa labi ko.
 
"H-hindi ko alam ang sinasabi mo." Utal na sambit ko. Ngumiti lang siya at muling dinampihan ng halik ang labi ko.
 
"Really, baby?" sambit niya at muli akong hinalikan.
 
Napapikit na ako at tinignan siya ng masama.
 
"Wesley! Timigil ka nga!" Ngunit parang wala siyang narinig dahil muli niya akong hinalikan ng mabilis.
 
"Make me stop, Sunny. You have a boyfriend? I don't care. Aagawin kita sa kanya." Sambit niya at pinulupot na ang kamay sa bewang ko. This time hindi na mabilis na halik ang ginawad niya.
 
Inanggulo niya ang ulo niya at hinalikan ako. Ang hirap niyang tanggihan! Ipinulupot ko rin ang kamay ko sa leeg niya. I kissed him back, pero tinigil din, kinagat ko ang labi niya at lumayo sa kanya. Narinig ko ang daing niya sa ginawa ko. Napa awang ang labi ko nang dumugo ang labi niya sa ginawa ko.
 
"How dare you." Mahinang sambit ko at iniwas ang tingin sa labi niya. Ang noo namin ay magkadikit at napansin ko ang pagkunot ng noo niya sa sinabi ko. "You're here kissing me while you have a fiance? Gusto mo ata akong gawing kabit, Wesley." Sarcastikong sambit ko.
 
Sa sinabi ko ay napalayo siya sa akin. Ano?Nagulat ka na alam ko? Tinanggal ko ang braso ko sa leeg niya at tinalikuran ulit siya. Pairap akong tumalikod sa kanya.
 
"Bumalik ka na, baka mag taka ang fiance mo at soon to be father in law mo." Madiing sambit ko at inayos ang lipstick sa labi. Napasulyap ako kay Wesley nang mapansin ang titig niya sa reflection ko sa salamin.
 
"What are you talking about? Fiance?" He asked. Umirap ako at binalik ang lipstick sa bag ko.
 
"Kong ayaw mong mauna, ako na lang." Maglalakad na sana ako papunta sa pinto nang bigla niya akong hinila pabalik.
 
"I'm asking you, Sunny. What are talking about?"
 
Inis ko siyang tinignan. "Ngayon Sunny na ulit tawag mo sa akin! Edi magsama kayo! Pagpakasal na rin kayo!" Asan na yong Miles? Nawala dahil na bisto ko siya?
 
"Baby, I don't have fiance. Yes, may late grandfather want me to marry Annie, but this is my life. And what the hell, Saka na ako magpapakasal kong bumalik ka na talaga sa akin." Lumikot ang mata ko sa sinabi niya. Naramdaman ko din ang pagkamula ng pisngi ko.
 
"A-ano ba! Babalik na ako." Kunwaring galit na ani ko at hinila ang kamay kong hawak niya. Mabilis akong naglakad pa alis doon. Kaya pala walang pumapasok kanina dahil naka lock ang pinto, may dalawang nasa labas na para bang naghihintay. Napalingon tuloy ako sa likod ko nang maisara iyon. Si Wesley! Haist, bahala siya sa buhay niya!
 
"Are you ok? Napatagal ka ata?" Tanong ni Bright nang makaupo na ako sa tabi niya.
 
"I'm fine, Bright" Tumango alang siya sa sinabi ko.
 
"Nakita mo ba si Wesley, Ms. Sunny?" Gusto ko siyang irapan nang tanungin niya ako.
 
"Hindi, Miss Annie. Saan ba siya pumunta?" Tanong ko
 
"Ikaw talagang bata ka, namimiss mo naman agad si Wesley." Sabay tawa ng ama niya.
 
Natigil lang nang bumalik si Wesley at naupo sa upuan niya.
 
"What happen to your lips, Wesley?" Halos mabulunan ako nang tanungin ni Annie yun kay Wesley.
 
"Nagpakagat ako." Sambit niya kaya lihim ko siyang tinignan ng masama.
 
"Pumayag ka na kasi sa unang kasunduan, Wesley. Gustong gusto ka talaga nitong si Annie." Sambit ni Mr. De Sialla
 
Napansin ko ang pagpula nang pisngi ni Annie. "Daddy" Mahinang sawak niya sa daddy niya.
 
"You know that I'm not into arrange married, Tito." Wesley said seriously while looking at Mr. De Sialla
 
"Why, Wesley? Hindi ka ba nagagandahan kay Annie?" Napasulyap ako kay Bright nang siya ang magtanong. Muli ding bumalik ang tingin ko kay Wesley at naghintay ng sagot.
 
Sige, sabihin mong nagagandahan ka sa kanya! Sige lang, Wesley!
 
"I like your question, Iho." Sambit ni Mr. De Sialla kay Bright at bumaling kay Wesley. "Tell me, Wesley, hindi ka nga ba nagagandahan kay Annie?" Tanong niya kay Wesley.
 
"Tito-" Tumigil siya sa sasabihin nang mapansin ang masamang tingin ko sa kanya. "Hmm, Annie is--" Mukhang nahihirapan na siyang sumagot dahil sa tingin ko sa kanya.
 
"Oo nga, SIR,  what do you think of Annie? Is she hot and pretty for you?" Tanong ko pa sa kanya at pinagdiinan ang Sir na tawag ko.
 
Napapikit siya na para bang subrang hirap ng sagot. Sumulyap siya sa akin at sumulyap kay Annie at Mr. De Sialla na naghihintay sa sagot niya.
 
Bumuntong hininga siya at sumagot.
 
"Of course, Tito. Annie is pretty for me," sambit niya at hindi na makatingin sa akin.
 
Napanguso na lang ako at napatitig sa kinakain ko. Hanggang matapos ay hindi na ako gaanong nagsalita.
 
"Thanks for your time, Ms. Enriquez. Send my regards to your Daddy, hindi ko talaga akalain na ikaw pala yung anak niyang babae." Ngumiti na lang ako at tinanggap ang kamay niya na nakalahad.
 
Natanong kasi kanina ni Mr. De Sialla kong relatives ko ang mga Enriquez, shempre omo-o ako at sinabi ko na kapatid ko si Kuya Gryason. Pumunta daw siya noon sa Debut ko, pero hindi na niya daw maalala ang itsura ko, saka hindi din naman daw siya nagtagal noon
 
Mabait naman si Mr. De Sialla, pero ibang usapan na ang anak nito na walang ginawa kundi magpacute kay Wesley. Hindi ko maiwasang makita ang sarili ko sa kanya, pero naiinis parin ako lalo na pag naalala ko ang nangyare sa office. Wala naman palang sila, pero kong pumasok at maupo sa office ni Wesley ay akala mo naman magpapakasal na!
 
"I enjoy this lunch, Mr. De Sialla," sambit ko
 
"You're too formal, just call me Tito." Nakangiting sambit niya.
 
Pagkatapos non ay nagpaalam na siya, may meeting pa daw siyang pupuntahan. Naiwan kaming apat na nakatayo sa labas ng pintuan sa may VIP room ng Restautant.
 
"Shall we, Miles?" Tumango ako kay Bright at naglakad na. Hindi ko na rin tinignan si Wesley sa likod ko.
 
****
 
Mabilis kong binato kay Wesley ang unan na nasa sofa nang makita kong pumasok siya. Nang masalo niya iyon ay kumuha ulit ako at ibinato sa kanya.
 
Maganda pala siya! Tapos ako sinabihan niya ng pangit! Hindi ko alam kong bakit subra yung inis ko! Hindi ko alam kong bakit ako nagkakaganito, siguro dahil natapakan niya ang pride ko kasi sinabihan niya akong pangit at payat, pero si Annie na yun, nagagandahan siya.
 
Ewan, hindi ko alam! Hindi ako sigurado sa mga kinikilos ko!
 
"Teka, Bakit--" Kakahatid lang sa akin ni Bright dito, may gagawin kaming commercial mamaya, bukas na daw ang photo shoot, mamaya ay para sa commercial, kasama ko doon si Wesley.
 
"Anong ginagawa mo dito!? Umalis ka," Sambit ko at kukunin sana ang heels ko para ibato sa kanya, pero nagulat ako nang nakalapit na siya ka agad.
 
"What happen again?" He asked.
 
"You call me pangit, then sa Annie na yun nagagandahan ka! Sino ka sa akala mo!" Naiinis na sambit ko.
 
"Miles, anong gusto mong sabihin ko? Na hindi ako nagagandahan? Ma ooffend ko siya and--"
 
"So ayos lang na ma-offend ako? You call me pangit and payat! Palibhasa fiance mo kaya--- Wesley!" bulyaw ko sa kanya nang bigla niya akong hinalikan. "Nakakarami ka na! You're not my boyfriend! Wag mo nga akong halikan!" Naiinis na sambit ko
 
"Then make me your boyfriend, Miles. Hindi ko nga fiance si Annie, and for a god sake, she's with her dad, alangan naman na ipahiya ko si Annie? You acting like this, eh ikaw nga ang may boyfriend sa ating dalawa," Tunog na nagtatampo ang boses niya nang sambitin 'yun.

Komento sa Aklat (174)

  • avatar
    d******b@yahoo.com

    Such a nice story.. Well done author😍😍

    15/05/2022

      0
  • avatar
    Fhem De Castro

    How could someone be willing to wait in the name of love? This story reminds me that love is not about how long you are willing to sacrifice to someone you love. but to give all you have even there is no certainty. Good job author. 🤗🤗🤗

    15/05/2022

      0
  • avatar
    JazyChialy

    You did great, author! I love the plot of the story, unlike sa mga ibang story na common yung plot ng love story (hmm, hoping may part 2 or special chapter HAHAHA). Goodluck sa future works mo author. Congrats!

    08/02/2022

      5
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata