Kabanata 49

"Ma, please sa labas muna tayo." Sinubukan ni Wesley na palabasin ang ina, ngunit mas lalo itong nagalit. Nagulat ako nang mabilis itong lumapit sa akin at tinuro turo.
"Ikaw! Ang lakas ng loob mong matulog dito! Malandi! Yo--"
"MA!" Nagulat ang mama niya, pati na rin kami ni Annie nang biglamg sumigaw si Wesley. Dahil sa pagsigaw ay binalingan siya ng ina.
"Sinisigawan mo na ako because of this girl!? Nakatadhana na ikasal kayo ni Annie, Wesley!" Sigaw ng kanyang ina.
"How many times do I have to say na hindi ako magpapakasal kay Annie? Nilinaw ko na yun simula pa noong una." Hinawakan ni Wesley ang kanyang sintido at lumingon sa akin. Lumapit siya at hinalikan ang noo ko, hindi niya alintana ang dalawang taong nanonood sa mga galaw niya.
"Lumabas ka muna, go back to your room. Aayosin ko lang 'to." Bulong niya kaya dahan dahan akong tumango. Kinuha ko ang sandals ko na nasa gilid at binitbit ito. Nakayuko akong tinungo ang pintuan, kong nasaan si Annie. Hindi ko siya tinignan at tuloy tuloy lang sa paglabas. Pagkalabas sa kwarto ni Wesley ay mabilis kong sinuit ang sandals ko.
Mabilis ang lakad ko papa-alis sa opisina ni Wesley. Mabigat ang loob ko kasi nadatnan kami ng mama niyang ganon. Noong una ay pinagkamalan niya akong inaakit ang anak niya, ngayon naman ay nakahiga na sa mismong kama ng anak niya. Hindi ko malalaman kong anong nasa isip niya, pero sa pagiging conservative nito gaya ng sabi ni Ashra, kaya alam kong sirang sira na ako.
Nang mai swipe ang card ko sa VVIP room at mabuksan ang pinto ay nagulat ako ng may tumulak sa akin papasok.
Bubulyawan ko sana ang taong gumawa non nang biglang sampal ang bumungad sa akin. Gulat akong napahawak sa pisngi ko.
Isinara ni Annie ang pinto at tinignan ako ng masama.
"Did you just slap me?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
"Yes, gusto mo ulitin ko?" Sarcastic niyang sabi. Inayos niya ang buhok niya at muling bumaling sa akin. "How dare you! Sino ka sa akala mo para matulog sa kama ni Wesley! Flirt! Slut! W--" Isang sampal din ang iginawad ko sa kanya.
"Don't call me those names! You fucking don't know me! Don't acting like you are already Wesley's fiance! Dahil mas maliwanag pa sa araw na hindi! Wag kang mangarap!" Hindi ko napaghandaan ang sunod niyang ginawa. Hinila niya ang buhok at sinabunutan.
I can't believe this! I fucking can't believe this. Tulak tulak niya ako habang sinasabunutan ang buhok. Naramdamam ko ang sakit sa likod ko nang tumama ako sa matigas na bagay. Dahil sa ginawa niya ay mas lalo kong hinila ang buhok niya.
"Bakit hindi ka umu--- What the hell!" Narinig ko ang pagbukas ng pinto. Narinig ko rin ang boses ni Ashra at yapak nito na papalapit sa amin. Hinila nito si Annie papalayo sa akin. "Ano bang ginagawa niyo!" Bulyaw ni Ashra.
Hindi ko alam kong paano na ilayo ni Ashra si Annie, at wala na din akong pakealam doon. Gulo gulo ang buhok ni Annie at ang make up ay medyo na nasira na.
Hinahabol ko ang hininga ko at napahawak sa likod na tumama kanina sa kong saan.
"You fucking flirt! Kilala ko si Wesley! Hindi siya basta basta nagpapahiga sa kama niya! You seduce him!" Sigaw pa niya.
"Annie! Ano ba!? Umayos nga kayo! Paano kong di ako dumating?" Sigaw din Ashra
"What, Ashra? You know that I'm the soon to be fiance of Wesley!" Bumaling si Annie kay Ashra.
"I know that, Annie! Pero kailangan bang umabot sa ganito? Ano? Gusto niyo magpatayan? Sige, pagbibigyan ko kayo!" Nagulat ako nang maglabas siya ng dalawang baril sa bag niya
"What the hell, Ashra!" Halos mapatayo ako habang nakatingin doon.
"Omyghad!" Hindi makapaniwalang sambit ni Annie. Halos tignan ko nang masama si Ashra nang bigla siyang mag peace sign at ngumiti.
"Charrot lang, laruan 'to. Naipasok ko lang sa bag ko kanina. Si Ashton kasi." Napa irap ako at tumayo, sa pagtayo ko ay kumirot ang likod ko. Naging seryoso ang boses ni Ashra nang makitang napahawak ako sa likod ko. "Annie, lumabas ka muna. This is too much!" Ma-authoridad na sambit ni Ashra.
Narinig ko ang padabog ni paglabas ni Annie, ngunit nagsalita pa ito.
"Deserve niya yan, malandi kasi!" Gusto ko sanang hilahin ulit ang buhok niya nang pigilan ako ni Ashra.
"Ano ba! Dehado ka na nga! Patingin ng likod mo," sambit niya. Umiling ako at sinubukan ulit na tumayo at pumunta sa kwarto.
"Ayos lang ako," sambit ko. Hindi siya nakinig. Hinila niya ako at hinawakan ang likuran ko. "Ouch! Ano ba wag mong hawakan!" bulyaw ko sa kanya.
"Yan ba ang ayos? Kong makikipag away ka, dapat  siya yung mapupuruhan, hindi ikaw," sambit niya.
Tumayo siya at pumunta sa kusina, pagbalik niya ay may hawak na itong ice pack. Lumapit siya sa bag na nabitawan niya siguro kanina at may kunuha.
"Suotin mo muna 'to." Iniabot niya ang isang over size t-shirt and black maong shorts. Hindi na ako nagsalita at kinuha na yon. Hawak hawak ko pa ang likod ko papasok sa kwarto.
Sino siya para saktan ako physically? Wala siyang karapatan! Hindi ko maiwasang mainis sa sarili ko! Tama si Ashra, dapat hindi ako ang napuruhan! Dapat mas hinila ko pa ang buhok niya hanggang sa mawalan na siya ng buhok!
Yun ang first time na nakipag sabunutan ako, at hindi ko inakalang darating ang oras na makikipag sabunutan ako!
Ano ba kasing klaseng kasunduan ang nangyare? Na kahit humindi na si Wesley ay tuloy pa rin sila sa pag push ng kasunduan na yun! Malinaw naman na hinindian ni Wesley yun. Yun din ang sabi ni Mr. De Sialla.
Pagkalabas ko sa kwarto ko ay may nakahain ng pagkain sa sala. Akala ko si Ashra ang dadatnan ko, pero hindi.
"Let's eat first, sinabi ni Ashra sa akin ang nangyare. Pupunta tayong hospital para matignan ang likod mo." Lumapit sa akin si Wesley at hinalikan ang noo ko.
"Ayos lang ako, kunting cold compress lang 'to." Ngumiti ako sa kanya. "How about your mom? Anong pinag-usapan niyo?" Tanong ko at dumeretso sa sofa. Hindi naman na gaanong masakit ang likod ko, mas masakit kanina.
"Umuwi na siya kasama si Annie. Sorry sa sinabi ni mama, hindi niya sinasadya." Umupo din siya sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko. Pinilit kong ngumiti kahit na naririnig ko pa rin ang boses ng mama niya sa utak ko.
"Ayaw niya sa akin." Hindi ko maiwasang sambitin iyon na para bang subrang disappoint ako sa sarili ko.
"Don't say that. She likes you," Pampalubag loob niyang sambit.
Kahit na hindi ako sang-ayon sa  sinabi niya ay ngumiti ako at tumango. Ramdam ko, Wesley. Alam ko ang feeling ng hindi gusto, ilang beses ko na iyon naramdaman, simula pa kay lolo.
"Let's eat, pupunta ka pa sa Cebu diba? Anong oras punta mo?" tanong ko at kumuha na ng sandwich doon.
"Mamaya pa... Ipacheck up muna na'tin yang nasa likod mo." Kinuha niya sa gilid ang ice pack. "Talikod," Hindi ako nagsalita at tumalikod na lamang.
Hawak hawak ko pa rin ang sandwich habang kumakagat kagat ng kaunti. Itinaas ni Wesley ang t-shirt na suot ko at magaang idinampi dampi ang  cold compress.
"Kakausapin ko si Annie tungkol dito. Hindi tama ang ginawa niya," sambit niya.
"Hindi mo tatanungin kong sino ang na una?" Nakakunot kong tanong at sinubukang humarap sa kanya, pero hindi niya ako binigyan ng pagkakataon.
"Kilala ko ang isang Sunny Miles Enriquez. Masungit ka pero hindi ka nananakit."

Komento sa Aklat (174)

  • avatar
    d******b@yahoo.com

    Such a nice story.. Well done author😍😍

    15/05/2022

      0
  • avatar
    Fhem De Castro

    How could someone be willing to wait in the name of love? This story reminds me that love is not about how long you are willing to sacrifice to someone you love. but to give all you have even there is no certainty. Good job author. 🤗🤗🤗

    15/05/2022

      0
  • avatar
    JazyChialy

    You did great, author! I love the plot of the story, unlike sa mga ibang story na common yung plot ng love story (hmm, hoping may part 2 or special chapter HAHAHA). Goodluck sa future works mo author. Congrats!

    08/02/2022

      5
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata