"You, okay? Tahimik ka?" Mabilis kong pinasigla ang mukha ko nang magsalita si Ate Hally. Gusto ko nang umuwi, pero hindi ako makalapit kila Ate Hally para magpaalam dahil kasama nila si lolo. Galit ako, galit na galit ako sa ginawa ni Lolo. Paano niya nagawang manghimasok! Wala siya sa lugar! Oo at lolo ko siya, pero subra na ang ginawa niyang pagkausap kay Wesley para layuan ako. Bakit siya ganon! Lahat na lang kami, pinapakealaman niya! Hindi ko na kailangang tanungin ang mga dahilan noon, ang malamang ginawa yun ni lolo ay naging malinaw na sa akin ang lahat. Hindi naging sila Wesley at Ashra, sinabi lang nila yun para lumayo ako. Halo halo na ang nararamdaman ko. Galit, dahil kay lolo. Sakit, dahil sa nalaman kong kailangan kong pakawalan si Wesley. At paghihinayang, dahil kong talagang mahal ako noon ni Wesley, bakit hindi niya sinabi at hindi niya ako pinaglaban? Bakit hinayaan niyang pumasok si Lolo? Ganon ba sa tingin niya kababaw ng pagmamahal ko, para sundin si lolo? Hindi ba niya naisip na kaya kong suwayin si lolo, para sa kanya. Sinaktan niya pa rin ako, hindi siya nagtiwala sa pagmamahal ko. Tapos ngayong okay na, kami na, kailangan na ako naman ang bumitaw? Nakakatanga! Parang pinagpipili ako. Pumasok sa isip ko ang usapan namin kanina sa phone. Hindi iyon nakatulong para mag desisyon na h'wag siyang pakawalan. Bakit tinanong ko pa kong importante sa kanya ang hotel, sana hindi ko na lang tinanong. Ngayong alam ko ang sagot do'n, wala akong magagawa kundi pakawalan siya. "Ate Hally, uuwi na ako. Pagod ako, paki sabi kila Kuya Grayson." Mahinang sambit ko. Tinitigan niya muna ako bago tumango. Buti na lang at kinuha ko ang kotse ko at hindi nakisabay kila ate Hally, kanina. Gusto kong makalanghab ng sariwang hangin. Gusto kong mapag-isa. Hindi ko alam kong saan ako pupunta. Kanina pa ako nag dadrive. Malayo na din ang narating ko dahil sa pag dadrive, mukhang nakalabas na nga ako sa manila, hindi ko alam kong saan ako tutungo. Ngunit nang makakita ng lugar malapit sa dagat, tinigil ko ang kotse. Tinanggal ko ang Seatbelt ko at handa na sanang bumaba nang tumunog ang phone ko sa kabilang upuan. Nagdadalawang isip ako kong kukunin at babasahin ang mensahe, dahil pangalan agad ni Wesley ang rumihistro doon. Pumikit ako kinuha ko para buksan, pero pinagsisihan ko na binasa ko ang mensaheng iyon. Nag-uunahang pumatak ang mga luha sa mga mata ko. Sumisikip ang dibdib ko, parang may bumabasa sa dibdib ko. Wesley: Tawagan mo ako pag naka-uwi ka na. I love you. Iidlip lang muna ako, pero ilalagay ko ang phone ko sa tabi ko para hindi ko makaligtaan ang tawag mo. Again, don't forget that I love you. Okay na, eh. Masaya na kami. Wala na akong pakealam sa rason niya noon, pero bakit kailangan kong malaman ang tungkol doon. Bakit ang hirap niyang bitiwan. Mabilis kong kinuha sa ligod ang binili kong alak kanina. Lumabas ako at mabilis na naglakad sa buhanginan, nahirapan ako kaya tinanggal ko ang heels na suot ko. Wala na akong pake kong may makakita sa akin, tutal iilan lang naman ang nakakakilala sa akin dahil sa klase ng trabaho ko. Mabilis na naglakbay ang tingin ko sa mapayapang dagat. Nag rereflect sa tubig ang napagandang buwan. Hindi ko mapigilang sumigaw dahil sa sakit na nararamdaman ko. Tuloy tuloy pa rin ang pagtulo ng luha ko. Muli akong sumigaw, mas malakas kaysa sa una. Pagkatapos kong sumigaw ay napaupo na ako at napahagulgol. "B-Bakit ba palagi na lang ako yung nasasaktan? Bakit ako na lang ang palaging dehado." Bulong ko sa sarili ko. Mabilis kong binuksan ang alak na hawak ko at agad na linagok ito. Sa gabing yun, wala akong ginawa kundi umiyak ng umiyak. Nag pakalasing ako. Sa huling pagkakataon, pinagbigyan ko ang sarili kong kausapin siya. "Naka-uwi ka na?" Umiikot na ang paningin ko dahil na ubos ko na ang isang bote ng alak. Hindi pa rin pala talaga ako sanay uminom. Madali pa rin akong malasing. "Hmm, oo." Sinabayan ko pa ng tango. Binalingan ko ang paanan ko at nagsulat sa tabi nito. Sinulat ko ang pangalan ng taong mahal ko na kailangan kong pakawalan. "Nakainom ka? Bakit ganyan ang boses mo?" Narinig ko ang pag iiba niya ng posisyon. Nakakainis! Nakakainis kasi kahit wals siya dito, parang nakikita ko ang itsura niyang nakakunot ang noo at matamang nakatitig sa akin.
Muling nangilid ang luha sa mga mata ko. Lumunok ako at bumuntong hininga para hindi niya marinig na naiiyak ako. "Kaunti lang, Kailan ka uuwi?" Pinilit kong ayusin ang boses ko, mabuti na lang at nakakaya ko naman. "Not sure, Kailangan pa ng mga authoridad na mag imbestiga." Muli akong tumango. "Jace," tawag ko sa kanya. "Hmm?" "Jace, I love you. M-Mahal na mahal kita." Hindi ko napigilan ang boses kong mabasag nang sambitin ko yun. "I love you too, Miles." Pero hindi na tayo pwede. Pag hindi kita pinakawalan, may mawawala sa'yo. Pag nawala yun sayo dahil sa akin, mapupuno ako ng konsesya sa loob loob ko. Kailangan kitang pakawalan kahit ayaw ko. Mahal na mahal kita, pero hindi na pwede. "Hmm." Yun lang ang naisambit ko. Wala na akong ibang masabi. Ayoko na din magsalita at baka kong ano pa ang lumabas sa bibig ko. "Miles, inaantok ka na? You can sleep." Mabilis akong umiling kahit na hindi niya nakikita. Pinangako ko sa sarili ko na huli na ang tawag na 'to. Ayokong matapos agad. Gusto kong sulitin. "Let's talk pa." Mahinang sambit ko at alam kong narinig niya. Narinig ko din ang mahinang tawa niya sa kabilang linya. "You miss me?" sambit ko. "Bakit? Ako ba hindi mo miss?" Mabilis na sambit ko. "Oh, hell, Sunny. I fucking miss you. Hindi mo lang alam kong anong ginagawa ko dito pag namimiss kita." Hindi ko alam kong bakit, pero namula ang pisngi ko sa sinabi niya. Iba ang iniisip ko. Nakakainis! "A-Ano bang ginagawa mo?" Utal kong tanong. "You really want to know?" Mapanuyong tanong niya. Hindi ako nagsalita kaya muli siyang nagsalita. "If I miss you, I will get your pictures on magazines and go to bathroom an---" "Ayoko na pala! Haist!" Mabilis na sambit ko. Narinig ko ang tawa niya sa kabila kaya nangiti ako napait, lalo na pag naaalala kong huli na 'to. "Ghad! Gusto na kitang makita." Nahihirapang sambit niya. "Jace, ilang anak ang gusto mo?" Narinig ko ang mura niya sa kabilang linya. "Don't ask me those kind of question, Baby." "Bakit? Ayaw mong magka anak?" Kumunot ang noo ko. "Apat. I want 2 boys and 2 girls. Dapat yung panganay yung mga lalake para ipagtanggol nila ang mga little Sunny at para may magbantay sa kanila. Ang sakit kaya ng ulo pag may dalawang little Sunny." Seryoso nitong sambit. Muling tumulo ang luha ko kaya tumingin ako sa mga bituwin. Ang sakit lang kasi sa iba niya tutuparin ang mga iyon. "What if, may apat kang anak, pero hindi sa akin?" Hindi ko alam kong pumasok sa isip ko kong bakit ko iyon tinanong. "Let's Video call," "H-Huh?" Gulat kong tanong. Mabilis kong pinunasan ang luha sa pisngi ko. Hindi pwede ang Video call! Ang sabi ko sa kanya ay naka uwi na ako. "Huh? Really? Let's talk, I want to see you. What the hell are you talking about!" Madiing sambit niya. "Ano ba, what if lang yun." Kinagat ko ang labi ko. "I don't like your what if, Sunny." Napanguso na lang ako. Tinignan ko ang relo sa kamay ko. Malapit nang mag ala una. Siguro naka uwi na ngayon sila Ate Hally. "Inaantok na ako, Ibababa ko na," Malumanay kong sambit. Narinig ko ang buntong hininga niya. "Ok, late na din pala. Good night, I love you." Tumayo ako at hindi na nagsalita. Pinatay ko na lang agad iyon at pagewang gewang ng kaunti papunta sa sasakyan. Iyon na ang huli. Papakawalan na kita, Wesley. Sana, sana tama ang desisyon ko.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (174)
d******b@yahoo.com
Such a nice story.. Well done author😍😍
15/05/2022
0
Fhem De Castro
How could someone be willing to wait in the name of love? This story reminds me that love is not about how long you are willing to sacrifice to someone you love. but to give all you have even there is no certainty. Good job author. 🤗🤗🤗
15/05/2022
0
JazyChialy
You did great, author! I love the plot of the story, unlike sa mga ibang story na common yung plot ng love story (hmm, hoping may part 2 or special chapter HAHAHA). Goodluck sa future works mo author. Congrats!
Such a nice story.. Well done author😍😍
15/05/2022
0How could someone be willing to wait in the name of love? This story reminds me that love is not about how long you are willing to sacrifice to someone you love. but to give all you have even there is no certainty. Good job author. 🤗🤗🤗
15/05/2022
0You did great, author! I love the plot of the story, unlike sa mga ibang story na common yung plot ng love story (hmm, hoping may part 2 or special chapter HAHAHA). Goodluck sa future works mo author. Congrats!
08/02/2022
5Tingnan Lahat