"Babalik lang ako sa room," sambit ko kay Bright. Tumango siya at tinapik ang balikat ko.
Ngunit nang tumalikod ako sa kanya ay saka naman ang pakakita ko sa mga taong mahalaga sa akin.
Hindi ako makapaniwalang nakatingin sa kanila, kitang kita iyon sa mukha ko. Hindi ko nagawang makapagsalita o mag react man lang kong bakit nandito sila.
Pinanood ko lang ang pagtakbo ni Ate Hally sa akin. Nang makalapit ay dali dali niya akong niyakap.
"Ate Hally, bakit nandito kayo?" tanong ko at bumaling sa likod niya kong nasaan ang ibang kasama niya.
Si Kuya Grayson na buhat buhat si Ashton, habang ang kamay niya ay hawak ang kamay ni Ashra. Sa likod niya ay si Racey na may katabing isang babae at si Kuya Kenzo kasama ang taong hindi ko inaasahang kasama niya. He's with Saji! What the hell! Anong ginagawa nila dito.
Kumalas si Ate Hally sa pagkakayakap niya sa akin at tinignan niya ako ng may pag-aalala. Hinawakan niya ang mata ko, kong saan alam kong may ebidensiyang umiyak ako.
Hindi siya nagsalita, ngunit si kuya Grayson ang nagsalita nang makalapit siya. Mukhang narinig niya ang tanong ko kay ate Hally. Seryoso ang mukha niya habang nakatingin sa akin at ang boses niya ay ganon din.
"Sinuntok ko si Wesley." Nanlalaki ang mga mata kong nakatingin sa kanya.
"Kuya naman--" Pinutol niya ang kong anong nais kong sabihin. "And I don't regret that. Kailan lang nang sinabi niyang kayo na, tapos paggising ko kaninang madaling araw malaman kong may fiance na siya at hindi ikaw? Deserve niya ang suntok ko." Seryosong sambit ni Kuya Grayson
Napapikit ako. Hindi din nakaligtas sa pandinig ko ang sanabi ni Kuya Grayson na sinabi ni Wesley na kami na. Hindi ko nga nagawang sabihin sakanila 'yun dahil hindi ko alam kong paano sasabihin, pero nagawa niya pala. Deserve ang suntok? Hindi ba sinabi ni Wesley ako ang nagtulak sa kanyang gawin 'yon?
"Kuya, please wag na kayong makialam! At.... mag sorry ka kay Wesley. Hindi niya deserve yun!" Mahinang bulyaw ko.
"Grayson, mamaya na yan. Nakatingin si Ashton," Napakagat ako sa labi ko at sinulyapan si Ashton na inosenteng nakatingin sa papa niya, sunod ay sa akin.
Kahit may gusto pang sabihin si Kuya Grayson ay hindi na siya nagsalita. Bumuntong hininga na lang siya.
"Mamaya niyo na pag usapan yan. We are here to have fun. Kuya Grayson, Sunny." Nakangiti ng sambit ni Ate Hally.
Walang nagawa si Kuya Grayson kong hindi tignan na lang ako.
"Ang bilis niyong nakarating," nagsalita si Bright sa likod ko. It's already 10 am in the morning. Sumulyap ako sa kanya.
"Alam mo?" Nakakunot noo kong tanong.
"Tinanong nila sa akin, alangan namang hindi ko sabihin?" Naramdaman kong gumaan na ang paligid, hindi tulad kanina.
Napa irap na lang ako. Ano pa nga ba? Pero sa totoo lang, masaya ako. Masaya ako kasi nandito sila. At least mas magkakaroon ako ng time na makasama sila kaysa maging mag isa sa gilid gilid at iniisip ang gustong gusto ko munang kalimutan.
Ang sabi ni Ate Hally ay dederetso sana sila sa mga rooms nila, maliban kay Racey na nais munang maglibot, but nakita daw niya ako, kaya sinabihan sila ni Racey na dumeretso na muna dito.
Sasamahan ko sila Ate Hally sa mga kwarto nila. Iilan lang ang gamit nila kaya nag boluntaryo na ang mga girls na sila na ang aakyat para ilagay sa kwarto.
"Nice to see you again, spoild brat," sambit ni Saji nang malipat ang tingin ko sa kanya. Dahan dahan akong lumapit at niyakap siya. Kaunting panahon lang kaming naging close, pero para sa akin ay matagal 'yon.
Isa din siya sa taong nakasaksi kong gaano ako nadurog nang ipagtabuyan ako ni Wesley noon.
"Ghad, please tell me na kayo na ulit," sambit ko na ikinatawa niya.
"Of course, not! We're just hmm... friend," Napalayo ako sa kanya at tinignan siya ng masama.
"Wag ka ng magpakipot. Anong friend? tsk!"
Imiiling lang siyang nakangiti sa akin. Ang paningin ko ay lumipat sa babaeng nasa gilid. Siya kanina ang katabi ni Racey. Tinignan ko siya, pero bigla siyang yumuko. Para siyang nahihiya... hmmm talagang nahihiya nga ata talaga siya. Sino siya? Obviously, She's not Racey's fiance! Ang isang ito ay maamo ang mukha.
"Who are you?" Tanong ko sa kanya. Nakita ko na namutla siya. Napanguso ako, nakakatakot ba ako? I just want to ask who is she.
"She's my girlfriend, Sunny. Claire, this is Sunny, just like Ate Hally She is also my cousin." Halos mamilog ang labi ko nang magsalita si Racey.
Girlfriend? What the hell. Mabilis akong lumapit kay Racey. Nakita ko ang gulat sa mata niya nang makitang masama ang tingin ko sa kanya.
"What? Why are you looking at me? He--" Mabilis kong hinila ang buhok niya. Buti na lang talaga at matangkad ako! Narinig ko din ang singhab na nanggagaling sa likod ko.
"O-Ouch! What the! Sunny! Let go! It's fucking hurt!" Pilit niyang tinatanggal ang pagkakahawak ko sa buhok niya pero hindi niya nagawa.
"Ikaw! May fiance ka!" bulyaw ko sa kanya.
"Su--" Muli ko siyang pinutol. "Ginagawa mo siyang kabit!" Bulyaw ko sa kanya at inis na binitawan ang kamay niya. "Tsk, I don't love Nicole. Si lolo lang naman ang may gusto non," sambit niya.
Sumulyap ako sa tinatawag niyang Claire. Well, she's pretty and hot. Imirap na lang at muli sanang bubulyawan Racey nang magsalita si Ashra.
"Gagi, mamaya na yan! Akyat muna tayo sa room!" wala akong nagawa nang hilahin ni Ashra ang braso ko. Sumunod si Ate Hally, Claire at Saji. Ang mga lalake kasama si Ashton ay nag paiwan na.
***
Hindi ko maiwasang tumingin kay Claire. Habang inaayos ang gamit nila. Magkaiba ang room niya at room ni Racey. Conservative?
Nagpaiwan muna sila Ate Hally sa kanya kanya nilang kwarto para ayusin ang kanilang gamit. Sabi niya ay si Claire muna ang samahan ko. Umayaw si Claire, pero wala siyang nagawa nang sabihin kong tara na.
"You know, right? That he have a fiance," tanong ko sa kanya. Sumuyap siya sa akin at tumango. "Opo," mahinang sambit niya. "Bakit hinahayaan mong maging kabit ka? Hindi porket pinsan ko si Racey ay kukunsintihin ko na ang gusto niyang mangyare. This is wrong, ginagawa ka niyang tanga," sambit ko.
Napakunot ang noo ko nang makita ko siyang ngumiti. Anong nakakatawa sa sinabi ko? Mukha ba akong nag jojoke? Hell! Seryoso ako sa sinabi ko. Kahit saang tignan ay alam kong mali si Racey.
Sabihin man niyang hindi niya mahal si Nicole, dapat gumawa na lang siya ng paraan, o kaya ay sabihin na niya kay lolo na ayaw na siya. Ang babaeng nasa tabi ko ang pinaka kawawa.
"Hahayaan kong maging kabit ako, kasi mahal ko siya. Salamat po sa concern, pero wala akong pake kong gawin niya akong pangalawa lang sa buhay niya. Ayos na yun sa akin. Basta wala siyang nararamdaman sa fiance niya, ayos lang sa akin." Napa-awang ang labi ko nang marinig ang sinabi niya.
"What if--" Tumigil ako, nagdadalawang isip kong sasabihin. Huminga ako ng malalim bago magpatuloy. "What if malaman ni lolo? Anong gagawin mo kong tatanggalan si Racey sa karapatan sa kompanya dahil nalaman ni lolo na nagtataksil si Racey sa fiance niya?"
"Hanggang alam kong ako ang mahal ni Racey, hindi ko po siya bibitiwan. Hindi ko naman pipigilan si Racey pag gusto na niyang humiwalay, lalo na pag may banta na ang pagiging CEO niya sa companya niyo. Pero sa ngayon, kakapit ako. Kakapit ako kasi hindi pa siya bumibitaw."
Wala akong masabi. Hindi ko ipag kakaila na napakamature niyang mag-isip. Hindi ako makapaniwalang ganitong klase ang nagustuhan ni Racey. Subrang layo ng ugali niya sa ugali ng babaeng 'to.
Hindi ko din maiwasang humanga. Sana ganon din ako katapang para ipaglaban si Wesley. Takot ako sa mga mamumuong konsensiya sa akin, pag ang pinaghirapan ni Wesley ay mawala ng parang bula dahil sa akin.
Sinusubukan ko naman siyang alisin sa isip ko, pero patuloy pa rin siya sa pagpasok sa isip ko.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (174)
d******b@yahoo.com
Such a nice story.. Well done author😍😍
15/05/2022
0
Fhem De Castro
How could someone be willing to wait in the name of love? This story reminds me that love is not about how long you are willing to sacrifice to someone you love. but to give all you have even there is no certainty. Good job author. 🤗🤗🤗
15/05/2022
0
JazyChialy
You did great, author! I love the plot of the story, unlike sa mga ibang story na common yung plot ng love story (hmm, hoping may part 2 or special chapter HAHAHA). Goodluck sa future works mo author. Congrats!
Such a nice story.. Well done author😍😍
15/05/2022
0How could someone be willing to wait in the name of love? This story reminds me that love is not about how long you are willing to sacrifice to someone you love. but to give all you have even there is no certainty. Good job author. 🤗🤗🤗
15/05/2022
0You did great, author! I love the plot of the story, unlike sa mga ibang story na common yung plot ng love story (hmm, hoping may part 2 or special chapter HAHAHA). Goodluck sa future works mo author. Congrats!
08/02/2022
5Tingnan Lahat