Ate Hally and Ashra respect my decision, but even so, I know they don't agree with what I want to do. "Sunny, gusto ko lang sabihin na kailangan mo pa rin sabihin kay Wesley. Wag kang tumulad sa akin na ilang taon bago malaman ng kuya mo ang tungkol kay Ashton na pinagsisihan ko. Wesley is my bestfriend, masakit din sa akin ang maglihim sa kanya, pero rerespetuhin ko ang desisyon mo," seryosong sambit niya bago lumabas sa kwarto. Si Ate Hally na lang ang natira. Hinawakan niya ang kamay ko at ngumiti sa akin.
"I also don't like what you want, but I can't do anything if that's what you want and decide. Sunny, I won't deny, I'm afraid of moms and daddy's reaction when they find out, especially grandpa. What will you do when they asked who is the father?"
"Sasabihin ko kay mommy and daddy, but about lolo? I don't care. Wala akong pake sa reaction niya," Tinitigan ako ni Ate Hally.
Sa totoo lang, hindi ko alam kong paano ko sasabihin kala mommy na buntis ako, lalo na at hindi na kami ni Wesley. Alam ko din na malaking eskandalo ito, lalo na at wala akong masabing ama pag nagtanong nila, pero kong hindi nila matatanggap ang pinagbubuntis ko, I don't care.
"You also know about it? About what he did?" Napasulyap ako kay Ate Hally. Hindi ako makapaniwalang alam niya din. Napakagat ako sa labi ko at nagsalita.
"Ate, bakit ganon si lolo? Lahat na lang. Mula kay daddy, Kuya Grayson, Kuya Kenzo, Racey at hanggang sa akin, baka nga ikaw na yung sunod, eh. Oo at lolo natin siya, but about this.... bakit hindi na lang niya tayo hayaan sa desisyon natin."
"Hey! Relax, don't stress yourself. Doctor said na dapat wag kang mag isip ng kong ano-ano. Don't mind what I said," Saka niya ako niyakap. Napanguso ako at tinignan siya.
"Bakit feeling ko.... binibaby mo ako?" Napairap siya kaya hindi ko maiwasang matawa.
*** There is a buffet at the hotel today and this is also our last night here. Here in the pool the buffet will be held and from here you can see the sea, the air is also fresh.
We sat in a long table, shempre subrang dami namin, hindi kami kakasiya sa round table. Si Bright ang katabi ko at sa kabila naman ay si Claire. Pansin ko ang paglayo niya kay Racey at alam ko kong bakit.
"Can we join you, guys?" Lumapit si Nicole habang hila hila si Annie, nakasunod naman si Wesley na matamang nakatitig sa akin. Natahimik ang iba, kaya nagsalita agad si Ate Hally.
"Sure, Nicole. Tamang-tama at may extrang space pa," Lumapad ang ngiti ni Nicole at naupo agad. Nakita ko ang nag aalangang pag upo ni Annie, pero nang makitang umupo si Wesley na upo na din ito.
Dahil walang nakaupo sa harap ko ay doon na upo si Wesley. Medyo malayo ang kinaroroonan si Annie kaya tudo tingin siya kay Wesley, I can't help, but roll my eyes because of that.
Hindi ko mapigilang mapatalon nang bulongan ako ni Bright sa tabi ko.
“There's a party again in Santiago cove, do you want to go there, after this?” I caught a glimpse of Bright, and my eyes almost widened when I saw that his face was so close. Muli akong napaharap sa harap ko na pinagsisihan ko.
Kitang kita ko ang pag igting ng panga ni Wesley habang pinapanood ang galaw ko. Wala pa ring pagkain sa harap niya at wala ata siyang balak kumuha ng pagkain, mukhang napansin din iyon ni Annie kaya lumipat ang tingin ko sa kanya nang tumayo siya at lumapit kay Wesley.
Pinanood ko ang galaw niya nang makalapit kay Wesley. Hinawakan niya ito sa balikat at bumulong sa gilid niya. Wesley glared at Annie and nodded. Again, I can't help myself rolling my eyes.
"Hindi ko alam kong makakapunta ako. I still need rest," sambit ko kay Bright nang tuluyan nang tumayo si Wesley at sumunod kay Annie.
"Okay, you really need rest," yun lang ang sinabi ni Bright, kaya ngumiti na lang ako sa kanya.
Kasabay ng pagbalik ni Wesley at Annie ay binuksan na ni Racey ang wine, pina-ulan pa niya ito kaya hindi naiwasang mabasa kami ng kaunti. Isa isang nilagyan pa ni Racey ang mga baso naming lahat, pero nang lalagyan na ang basong nakahanda sa akin ay nagsalita si Ashra.
"Sunny needs water for her health, that's what the doctor said," sambit niya kaya hindi ko maiwasang Mapasimangot, nakangiti pa nga akong nakatingin kay Racey habang papalapit sa akin. Nakalimutan kong buntis pala ako.
Imbes na wine ay isang baso ng gatas ang nilagay ng kong sino sa wine glass ko. Napasimangot akong sinulyapan ang taong yun, doon ay nakita ko si Ate Hally. Lumapit siya sa akin at bumulong, at alam kong kaming dalawa lang ang nakarinig dahil sa hina nito.
"The Baby needs a milk," she whispered. I could do nothing but hold the wine glass filled with milk and drink from it. Napabuntong hininga ako at pumikit nang parang babaliktad ang sikmura ko. Lumunok ako para pigilan ang ano mang gustong lumabas, pero napapikit ako nang makaramdam nanaman ng hilo. Morning sickness lang dapat 'to diba? Bakit may nararamdaman akong ganito ngayong gabi? Haisst.
Tumayo ako at sinabi kong mag c-cr lang ako. Napakagat ako sa labi ko habang naglalakad papunta sa cr dito sa may bahagi ng pool.
Pero nagulat ako ng may humila sa akin papunta sa medyo madilim na parte. Bubulyawan ko na sana kong sino yan nang yakapin niya ako mula sa likod.
"Are you okay? What happen? Bakit ka daw nahimatay?" Sunod sunod na tanong ng taong nasa likod ko. Hindi ko alam pero biglang nawala ang hilo na nararamdaman ko kanina.
Nakakainis! Sinaktan ko na siya, bakit nag-aalala pa rin siya!
"I'm fine, bitawan mo ko. Baka makita tayo ng fiance mo," mahina kong sambit at sinubukang tanggalin ang kamay niyang nakayakap sa akin, pero natigilan ako nang halikan niya ang leeg ko.
"I don't care. Manood siya kong gusto niya. I miss you, Miles. I fucking miss you, Baby," Nangilid ang luha ko at pwersahan kong tinanggal ang braso niya at tinulak siya, pero imbes na harapin siya ay mabilis akong tumalikod dahil sa luhang unti unti nang dumadaloy sa pisngi ko galing sa mga mata ko.
"You know what? I don't miss you, so please stay away from me. Be a good fiance to your soon to be wife," sambit ko at tinalikuran siya. Sinong niloloko ko? I don't miss him? Really, Sunny? Napangiti ako ng mapait na kahit iniwan ko siya doon ay umaasa akong susundan niya pa rin ako at pipigilang talikuran siya, pero hindi siya sumunod.
Nababaliw ka na, Sunny. Nababaliw ka na. *** "Sana po ay nagustuhan ninyo ang pag stay dito sa Vitalis. Sana ay maisipan niyong bumalik ulit dito." Nakangiting sambit ng supervisor ng Vitalis. "Subrang nag enjoy kami sa vacation namin dito. I recommend this to all my friend," Nakangiting sambit ni Ate Hally.
May mga empleyadong nakatayo lang sa gilid, pinagmamasdan ang pagsakay namin sa van ni Kuya Grayson. Nag van sila papunta dito, hindi gaya namin ni Bright na nag eroplano. Mas ok na yun. Bago kasi kami pumunta dito sa Vitalis ay galing pa kami sa Laoag, nag rent kami ng sasakyan papunta dito sa San Esteban, Ilocos Sur.
Ako ang unang pumasok dahil medyo nanghihina ako, bago ako lumabas kanina ay nag sususuka pa ako. Naninibago din ako sa sarili ko kasi kong dati dati ay isang bread lang ang kinakain ko tapos coffee, kanina ay nag rice ako.
Kagaya din kagabi binigyan ulit ako ni Ate Hally ng gatas. Sana lang ay wala munang makahalata, hindi pa ako handang sabihin. Hindi ko naman ikinahihiyang buntis ako, ayaw ko lang munang ipaalam.
"Ayos ka lang po ba? namumutla ka po," Hindi ko namalayang nakatingin pala sa akin si Claire nang papasok na siya sa van. Nagpatuloy si Claire na pumunta sa upuan sa likod ko, sumunod si Racey na sumulyap din sa akin. Ngumiti ako at tumango. "Ayos lang ako," Lumingon ako para sumagot. Nang makapasok na ang lahat ay pinaandar na ni Kuya Grayson ang sasakyan. Pinikit ko naman ang mata ko at sinubukang matulog.
Hindi ko alam kong uuwi na din ba sila Wesley, hindi namin sila nakita kanina. Bumuntong hininga ako nang maisip ko ulit siya. Pagbalik na pagbalik namin ay ang phone ko agad ang hinanap ko. Ang sabi ni Ate Hally ay nilagay niya yun sa kwarto ko. Chinarge ko pa iyon bago buksan. Walang reply galing sa email, ngunit madaming message na pumasok galing sa iisang tao.
Wesley: Where are you? Wesley: Damn it! Sunny, don't make me nervous! Nag-aalala na ako.
Wesley: You're with him? Really, Sunny?
Ilan lang iyon sa message niya. Madami din siyang missed call. Akala ko may na delay lang na message nang biglang tumunog ulit ang phone, pero nagulat ako nang may bagong message si Wesley.
Wesley: We have a meeting tomorrow, 9 a.m with other stockholders. We also discuss about how you going to promote to your social media the hotels.
Napabuntong hininga ako. Ang lamig ng message niya. Anong ine-expect mo, Sunny? *** Hindi ako makapagsalita nang tumawag si Bright kagabihan. Ang sabi niya ay kailangan niyang umuwi sa US. Na hospital daw ang mama niya. "I don't know what to say, but I know that Tita will be ok." Yun na lang ang sinabi ko.
"Gusto ko pang manatili dito, but I need to go home," sambit niya. Nasa airport na din siya at hinihintay na lang ang flight niya. Hindi na daw niya agad nasabi sa'kin sa pagmamadali.
Napabuntong hininga ako nang sabihin niyang kailangan niya ng ibaba. Sana lang ay maging ok si Tita.
Bumaba ako nang makaramdam ng gutom. Tuloy tuloy sana akong pumunta sa kusina nang makita ko kong sino ang nasa sala.
"What are you doing here?" Inis kong tanong kay Wesley na nakaupo habang buhat buhat at kinakausap niya si Ashton. Kanina ay gusto sanang umuwi muna ni Kuya Grayson sa bahay nila, pero pinigilan siya ni Ashra. Sabi niya kay Kuya na doon muna sila. Si Ate Hally naman ay nasa kwarto niya at nagpapahinga.
"Why? Bawal na ba ako pumunta dito? I miss Ashton," sambit niyo.
Akala ko ba galit si Kuya Grayson sa kanya, bakit nandito siya! Bubulyawan ko na sana siya ulit para umalis na nang bigla niyang nginitian si Ashton.
Natigilan ako habang pinagmamasdan siyang pinapatawa si Ashton. Napakagat ako sa labi ko. Masisiyahan ba siya pag nalaman niyang magkakaanak na kami? Ganyan din ba siya pag lumabas na ang magiging anak namin? Napahawak ako sa tiyan. Hindi siya magiging ganyan. Pag lumabas na ang anak namin, siguradong kasal na sila.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (174)
d******b@yahoo.com
Such a nice story.. Well done author😍😍
15/05/2022
0
Fhem De Castro
How could someone be willing to wait in the name of love? This story reminds me that love is not about how long you are willing to sacrifice to someone you love. but to give all you have even there is no certainty. Good job author. 🤗🤗🤗
15/05/2022
0
JazyChialy
You did great, author! I love the plot of the story, unlike sa mga ibang story na common yung plot ng love story (hmm, hoping may part 2 or special chapter HAHAHA). Goodluck sa future works mo author. Congrats!
Such a nice story.. Well done author😍😍
15/05/2022
0How could someone be willing to wait in the name of love? This story reminds me that love is not about how long you are willing to sacrifice to someone you love. but to give all you have even there is no certainty. Good job author. 🤗🤗🤗
15/05/2022
0You did great, author! I love the plot of the story, unlike sa mga ibang story na common yung plot ng love story (hmm, hoping may part 2 or special chapter HAHAHA). Goodluck sa future works mo author. Congrats!
08/02/2022
5Tingnan Lahat