Kabanata 55

“Wait? Don't you have a job?” Ate Hally asked when she saw the bag I was holding. I smiled and removed the hat I was wearing. I also wearing sunglasses, pero hindi ko magawang tanggalin 'yon, dahil na din sa mugto ang aking mga mata.
 
Napatayo pa siya galing sa pagkaka upo nang makita akong ayos na ayos at may hawak na travelling bag.
 
"Nag email ako sa head ng team na kailangang kong mag leave," sambit ko. Kumunot ang noo niya.
 
 
"Pwede ba yun? Alam ni Wesley? Saan ka ba pupunta?" Sunod sunod na tanong niya.
 
 
"Hindi ko alam, bahala na. Malalaman din naman ni Wesley once na mabasa ng head ang email ko. Gusto ko lang mag libot sa kong saan, simula noong dumating ako hindi man lang ako nakapag pasyal," sambit ko.
 
 
Muli sana siyang magsasalita, pero hindi natuloy dahil tumunog ang phone ko. Nakita kong tumatawag si Wesley, kaya mabilis ko yung pinatay. Napasulyap din si Ate Hally sa phone ko at alam kong nakita niya ang pangalan ni Wesley doon.
 
 
"Sinong kasama mo?" Tanong niya at bumalik sa pagkaka upo.
 
 
"Si Bright, gusto din naman niyang maglibot. Matagal na 'tong plano, pero ngayon lang matutuloy. I'm going naghihintay na sa akin si Bright sa labas," sambit ko at tinalikuran na siya. Narinig ko pa ang buntong hininga niya.
 
 
Pasimple kong hinulog ang phone ko sa lamesa, wala akong planong kunin yun.
 
***
 
“What happened? When you called me last night, I knew you had a problem.” He asked as we both sat in the car. Pagkarating namin ay may sumundo agad sa amin na Van sa mismong bayan ng Santiago dito sa Ilocos sur. 
 
 
"Ayaw ko munang pag pag-usapan, Bright." Malumanay na sambit ko habang nakatingin sa labas. Narinig ko ang buntong hininga niya at nagpapasalamat ako dahil hindi na siya nagsalita pa.
 
Alam ko naman na ramdam niya 'yun. Biglaan ang pagsabi ko sa kanya na pupunta na kami sa Ilocos.
 
Linibang ko na lang ang sarili ko sa pagtingin sa labas, ibang iba talaga ang probinsiya kaysa sa mismong City ng bansa, iilan ang mga tao, gano'n din ng mga sasakyan. Nang may makita akong Hotel ay akala ko iyon na ang tutuluyan namin, pero nagkamali ako. Napa-ikot ang ulo sa hotel na nilagpasan namin. Santiago Cove, yun ang nakalagay sa labas.
 
 
Malaki naman yung hotel na yun, pero mas malaki ang hotel nila Wesley. Napahawak ako sa sintido ko nang ma-isip nanaman siya. Ilang oras na simula noong maka alis kami sa manila at alam kong nasabi na ng head ng team na nag leave ako.
 
 
Hindi nagtagal ay pumasok ang van na kasalukuyang namin sinasakyan, sa isang color blue na gate. Sa gilid nito ay puno ng puti, ngunit may Blue ulit, kong saan nakalagay ang pangalan ng hotel, Villas Vitalis. Oo at madami na akong hotel na napuntahan, ngunit pagpasok pa lang sa hotel na 'to ay ang lakas na ng dating. Tulad ng nasa labas, karaniwang kulay ng paligid ay blue at white.
 
 
“How can you find this hotel,” I asked Bright at humarap sa kanya.
 
 
"Nanggaling din daw si Dino dito, hindi mo alam?" Tanong niya. Sasagot sana ako nang tumigil ang kotse, bumukas ang pinto, binuksan 'to ng tao galing sa labas. Naglahad ng isang kamay ang nagbukas. Kaya imbes na sagutin ang tanong ni Bright at ipinatong ko ang kamay sa empleyado para makalabas.
 
 
Pagkalabas namin ay lumayo ang ang empleyadong iyon at pumunta sa nakahilerang empleyado, lahat sila ay nakangiti.
 
 
"Naimbag nga aldaw yo, ma'am, sir." Hindi ko naintindihan ang sinabi nila, pero sa tingin ko ay binabati nila kami. May pumunta sa likod para kunin ang ilang bagahe namin. "Enjoy your stay here," sabay sabay na sambit nila.
 
 
***
 
I can't believe what I see. This hotel beach is so Beautiful. The air is fresh, ang sarap langhapin. I love how clean the place. Nasa pinakamataas kaming palapag at kitang kita ko ang pool at ang kulay asul na dagat. Nakikita ko din ang isang hotel at restaurant sa hindi kalayuan. Tinanggal ko ang kanina ko pang suot na sunglasses. 
 
 
Nagulat ako nang hawakan ni Bright ang buhok kong hinahangin at nilagay sa gilid ng tenga ko. Gulat akong napatingin sa kanya na nasa gilid ko.
 
 
"You're so beautiful."
 
 
Mabilis akong nag-iwas ng tingin. Pinagmasdan ko ulit ang dagat at mga ibong lumilipad ng payapa bago nagsalita.
 
 
 
“Please, I prefer not to hurt you. Find someone. Find someone, namamahalin ka. You deserve someone who can love you back,” Mahinang sambit ko ngunit alam kong narinig niya.
 
 
 
"“Let me love you, Miles. Even though I know you can't love me back, it's okay. I just want to love you. Gusto ko lang na mahalin kita, hindi ako maghahangad na pwedeng maging tayo at ang mahalin mo ako. I want to enjoy loving you." Hinarap ko na ang buong katawan ko sa kanya dahil sa sinabi niya.
 
 
"Pero masasaktan lang ki--" Nilagay niya ang isang daliri sa labi ko para patahimikin.
 
 
"I don't care. I don't care, Miles. Ang gusto ko lang ay payagan mo akong mahalin ka kahit may mahal kang iba." 
 
 
Ilang minuto namayani ang katahimikan, wala akong makapang salita para sabihin sa kanya. Hindi ko maiwasang isipin, sana siya na lang. Sana siya na lang, pero hindi, eh. Kahit gusto ng utak ko na naisin ang ibang lalake, iba ang gusto ng puso ko. Ngayong iniisip ko kong sana si Bright na lang ay sadyang hindi matanggap ng puso ko... kasi alam kong simula noong naging okay kami, hinding hindi ko na pagsisisihan na siya ang minahal ko.
 
 
"Papakawalan ko na siya."
 
 
Nag iwas muli ako ng tingin at binalik ang tingin sa tinitignan ko kanina. Nakaharap pa rin siya sa akin at kahit hindi ko siya sulyapan ay alam kong nagtataka siya sa sinabi ko.
 
 
Pinaglapat ko ang labi ko tumingin sa taas dahil sa nagbabadyang luha 
 
 
"Papakawalan ko siya. Mahal ko siya, pero kailangan kong lumayo... dumistansiya sa kanya. He needs to marry Annie. Kailangan niyang makasal sa iba. Subrang-" Tumulo na ang luha ko kaya nilagay ko ang dalawang palad sa mukha ko para takpan iyon. 
 
 
"Subrang sakit pa lang pakawalan yung taong mahal mo. Akala ko subra na yung naramdaman ko noon noong pinagtabuyan niya ako, pero.... mas masakit palang mag let go. Subrang hirap niyang bitawan, pero kailangan kong gawin." Narinig ko ang pagkabasag ng boses ko. Napahagulgol na rin ako at napaupo dahil nanghihina na ang mga binti ko.
 
 
"Sana.... sana hindi ko na lang nalaman na mahal niya ako, para mas madali ang bitawan siya." Mabilis kong pinupunasan ang mga luha ko, ngunit patuloy pa rin ito sa pag tulo na para bang hindi na uubos.
 
 
Nag squat siya sa gilid ko at hinawakan ang balikat ko para mapalapit sa kanya. Niyakap niya ako at bumulong.
 
 
“Shhh. I hate seeing you crying, but just cry. Take the pain out by crying. I'm just here,” he whispered, which made me cry even more.
 
 
Ayokong makita niya akong ganito dahil alam kong masasaktan ko siya, sinasabi ko kung gaano ko kamahal ang ibang tao sa harap niya, kahit na alam kong may pagtingin siya sa akin.
 
 
Pero subrang sakit na at hindi ko na mapigilan ang paglabas ng sakit na nararamdam ko.
 
 
Nawalan ako ng lakas dahil doon, imbes na mamasyal ay sinabihan ako ni Bright na magpahinga, may tatlong araw naman kami doon, kaya may oras pa para mamasyal.
 
 
Ngunit imbes na magpahinga ay tuloy tuloy pa rin ako sa pag iisip ng mga bagay bagay, lalo na ang tungkol sa magiging kasal ni Wesley at Annie kong sakali. Sumisikip ang dibdib ko, nahihirapan akong huminga pag iniisip ko yun. 
 
 
Hindi ko namalayan na natulogan ko na pala ang pag iyak. Napakapa ako sa gilid ng mata ko nang maramdaman na parang may natuyong luha doon. Napabuntong hininga na lang ako. 
 
 
Imbes na bumalik sa pagkakahiga ay tumayo ako para mag ayos. Napatingin ako sa labas, malapit na pa lang gumabi, pumapasok na din sa kwarto ang kulay kahel na dulot ng sunset. Hinarang ko ang kamay ko sa mata ko nang biglang mas lumiwanag ang kulay kahel. 
 
 
Hindi nagtagal ay kumatok na si Bright para bumaba para kumain. Nagpa-ayos siya sa tabing dagat, tamang tama at hindi pa nawawala ang sunset.
 
 
"Ayos na ba ang pakiramdam mo?" Tanong niya nang magsimula kaming kumain. Tumango ako.
 
 
"Medyo okay na. Pasensiya na pala at hindi natuloy ang lakad natin," sambit ko sabay inom ng red wine. Umiling siya at ngumiti sa akin.
 
 
"Wag kang magsorry. You need rest kahit hindi mo sabihin." Tipid akong ngumiti sa kanya.
 
 
Habang kumakain ay nagulat ako nang makarinig ng tunog na parang kinuhanan ng picture. Mabilis kong hinarang ang kamay ko nang makitang nakaharap sa akin ang camera ni Bright.
 
 
"Hey, ang pangit ko! Namumugto ang mata ko." Sambit ko ngunit patuloy lang siya sa pagkuha ng letrato.
 
 
"Ang ganda mo kaya," sambit niya kaya napa-iling na lang ako.
 
 
Nang makuntento ata siya sa pagkuha ng letrato sa'kin ay nilapag na niya ang camera niya. 
 
"Gumagaling ka na sa pagsasalita ng tagalog," sambit ko. Kanina ko pa yun napapansin.
 
Nagkibit balikat siya. "Magaling ang tutor ko"
 
"Fast learner ka lang talaga." 
 
"There's a party near here. Nakita mo yung nadaanan na'tin? There's a night party. Sa gilid ng dagat gaganapin. Punta tayo?" Tanong niya. Tapos na siyang kumain at ako ay patapos na din.
 
 
"Hindi ko alam kong saan eksakto ang sinasabi mo, pero sige ba. Punta tayo. Gusto kong makalimot ngayon." 
 
 
Rodrigos, yan ang nakalagay sa gilid ng pinapasukan namin. It's a simple restaurant, pero maganda. Pagkapasok namin ay lumiko kami para pumunta sa baba, kong nasaan ang mga nagsasayawan at may malakas na tugtog.
 
 
May dumaan na waiter, kaya kumuha ako ng isang basong... hmm margarita, mabilis ko iyong linagok, napangiwi pa ako nang malasahan ang pait. Napansin iyon ni Bright kaya binulungan ako.
 
 
"Don't drink to much," tumango na lang ako, pero plano kong mag lasing ngayon.
 
 
Nang nakatalikod si Bright ay muli akong kumuha ng isang basong margarita sa dumaan na waiter.
 
 
Dalawa pa lang ay medyo hindi na ayos ang paningin ko. Nakakainis! Gusto ko pang uminom, pero hindi ko magawa dahil alam kong mabilis akong matamaan.
 
 
Napasulyap ako sa gitna kong nasaan ang mga nagsasayawan, pagkatapos ay sa paligid naman ang tinignan ko. It's a very nice place. Para akong nasa disco dahil sa mga ilaw at tugtog. Hinagilap ko si Bright at hinila papunta sa gitna.
 
 
Pagkarating sa gitna ay gumiling na agad ako sa harap niya, natawa siya sa ginawa ko. Umiling siya at tumungin sa mata ko.
 
 
"Bakit feeling ko lasing ka na," bulong nito.
 
 
Hinawakan niya ang bewang ko at sumabay din sa tugtog at sa sayaw ko. Tumalikod ako sa kanya habang sunasayaw, ngunit para akong binuhusan ng malamig na tubig nang masulyapan ko sa malayo ang nag-aalab na mga mata ng taong nais kong pakawalan.
 
 
Huminga ako ng malalim, pero imbis na tuluyang tumigil ay humarap ako kay Bright at nilagay ang dalawang braso sa leeg nito at hinila. Naramdaman ko ang pagkatigil ni Bright sa ginawa ko. Hinalikan ko si Bright kahit alam kong nanonood sa malayo ang taong mahal ko. Baliw na ako.

Komento sa Aklat (174)

  • avatar
    d******b@yahoo.com

    Such a nice story.. Well done author😍😍

    15/05/2022

      0
  • avatar
    Fhem De Castro

    How could someone be willing to wait in the name of love? This story reminds me that love is not about how long you are willing to sacrifice to someone you love. but to give all you have even there is no certainty. Good job author. 🤗🤗🤗

    15/05/2022

      0
  • avatar
    JazyChialy

    You did great, author! I love the plot of the story, unlike sa mga ibang story na common yung plot ng love story (hmm, hoping may part 2 or special chapter HAHAHA). Goodluck sa future works mo author. Congrats!

    08/02/2022

      5
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata