Kabanata 51

Kompleto kaming mag pipinsan. Kasama din ni Kuya Grayson si Ashra na ngayon ay nasa tabi niya. Wala ni isa sa amin ang nagsasalita, mga kobyertos lang ang naririnig sa paligid. Pare-pareho kaming nakikiramdam. Kanina ko pa sinusulyapan si Ashra na hindj magalaw galaw ang pagkain dahil siguro sa titig ni lolo.
"Si Racey na lang ba talaga ang susunod sa mga sasabihin ko?" Napaayos ako sa upo nang mag salita si Lolo.
"Lahat ng gusto kong pakasalan niyo ay hindi niyo sinunod at ano 'to? Are you here to insult me?" Tumingin si Lolo kay Ashra. "Why are you here? Hindi kita inimbita dito."
"Obviously, She's my Fiance, lolo, that's why she's here." Sarcastikong sambit ni Kuya Grayson. Nakita ko ang paghawak ni Ashra sa kamay ni Grayson sa lamesa, para siguro pigilan siya.
"Sigurado ka ba na anak mo ang batang iyon, Grayson? Nakalimutan mo na atang niloko na tayo niyan! Manloloko yan, Grayso--"
Binitawan ni Kuya Grayson ang hawak na utensils na nag bigay ng malakas na tunog. Nakitaan ko ng galit ang mukha ni Kuya Grayson, kahit ako ay hindi magugustuhan ang sinabi ni lolo. Napabaling ang tingin naming lahat kay Ashra nang maunahan niya si Kuya Grayson sa pagsasalita.
"Ayos lang kong ako ang pagdudahan niyo, pero ang anak ko, ibang usapan na ata yun." Seryosong sambit ni Ashra.
"Wag na wag mong pagdududahan si Ashton, kong ayaw mong magpakalolo, lumayo ka nalang. Hindi ka din naman niya kailangan. Hindi niya kailangan ang makasariling Lolo." Seryosong sambit ni Kuya Grayson kay Lolo.
"Wala ka pa rin respeto! I'm your grandfather!" Bulyaw ni Lolo.
"Kong gusto mong marespeto, respetohin mo ang  ang desisyon namin at respetohin mo ang anak ko." Tumayo si Grayson at tinignan si Ashra. "Let's go," sambit niya at sinenyasan kami na mauuna na sila. Tumango lang ako at ngumiti. Nginitian ko rin si Ashra, nakikita ko ang sarili ko sa kanya dahil sa pang iinsulto ni lolo, lalo na pag naalala ko kong gaano din ako insultuhin ng mama ni Wesley.
Pagkaalis nila Kuya ay namayani ulit ang katahimikan. Si Ate Hally ay deretso lang ang tingin sa pagkain, ganon din si Kuya Kenzo at si Racey.
"Sinong susunod? Ikaw, Kenzo? Nababalitaan ko pa rin ang pagsunod sunod mo sa babaeng yun! Ilang ulit ko bang sasabihin sa'yo na makipag girlfriend ka sa makakatulong sa kompanya." Seryosong sambit ni lolo. Hindi nagsalita si Kenzo, tuloy lang siya sa pagkain na para bang walang narinig.
Pumasok si Saji sa isip ko, hindi ko pa siya nakikita simula noong dumating ako. Siya kaya ang tinutukoy ni Lolo?
Halos mapaayos ako ng upo nang balingan ako ni lolo.
"Kamusta si Wesley?" Napapikit pikit ako.
"Po?" Naguguluhan kong tanong.
 
Anong ibig niyang sabihin sa kamusta na si Wesley?
"Balita ko nag tatrabaho ka daw sa kanya? Ayos lang ba kayong dalawa? Sabihin mo kakausapin ko siya tungkol sa nalaman kong kasunduan ng lolo niya at ni Mr. De Sialla." Alam kong kitang kita na sa mukha ko ang pagtataka sa sinabi niya. "Where is he now?" Tanong niya. Yun lang ang kaya kong sagutin kaya sinagot ko.
"Nasa Cebu po," sambit ko.
"Tell him na pagka uwi niya ay kakausapin ko siya." Kahit nagtataka ay tumango na lang ako. Pinapanood naman ni Ate Hally ang bawak galaw ko na para bang may gustong sabihin, pero hindi masabi sabi.
Pagkatapos non ay si Racey at Lolo na lang ang nag usap. Dahil si Racey ang nagpapatakbo ngayon sa companya, siya ang madalas niyang kausapin. Balita ko ay may girlfriend daw si Racey at balita ko rin ay si Lolo ay may gusto non. Naawa ako kay Racey, dahil ayaw ni Kuya Grayson at Kuya Kenzo sa companya, sa kanya napunta ang lahat ang responsibilidad.
Habang nag-uusap sila ay nalaman kong kapatid pala ni Annie ang girlfriend ni Racey.
"Magpabango ka kay Mr. De Sialla, Racey. Yayain mo si Nicole at mag out of town kayo." Nakakasakal, kahit hindi ako ang sinasabihan ni lolo kong anong gagawin, ramdam ko na nakakasakal yun.
"May aayusin pa po ako sa Cebu---" Pinutol siya ni Lolo.
"Gawin mo ang sinasabi ko." Pinanood ko kung paano bumuntong hininga si Racey.
"Opo, lolo."
Hindi nagagawa ni Racey ang gusto niyang gawin, walang lakas ng loob si Racey para suwayin si lolo. Lagi na lang niyang sinusunod ang lahat ng gustohin ni lolo. Gusto ko siyang pagsabihan, pero matanda naman na siya, siguro matututo rin siyang humindi kay Lolo pag ayaw na niya talaga.
***
"Miles" Malambing na sambit ni Wesley sa kabilang linya.
"Hmm?" Nakahiga ako sa kama habang naka loud speaker ang phone ko.
"Tahimik ka, you okay?" Tanong niyo.
"Ang weird ni lolo kanina," sambit ko habang nakatingin sa kisame.
"Why? Nagkita kayo" Tanong niya at narinig ko ang pag iiba niya ng pwesto.
"Hindi naman kayo close, diba? Ang weird lang kasi, tinanong niya kong kamusta ka na, kong okay ba tayo? At sabihin ko daw sayo na mag-uusap kayo tungkol sa nalaman niyang kasunduan ng lolo mo at ni Mr De Sialla. Is that about you and Annie? Naguguluhan ako," sambit ko.
Narinig ko ang buntong hininga niya sa kabilang linya. "Wag mong alalahanin yun, hindi yun big deal." Tumango na lang ako kahit hindi niya nakikita.
"Tapos ka na sa work mo?" Kinuha ko ang phone ko at tinanggal ang loudspeaker nilagay ko iyon sa tenga ko at kumuha ng unan para yakapin.
"Almost done." He said.
"Gabi na! Palagi ka bang ganyan! Paano na lang kong may asawa ka na, mawawalan ka ng time?" Bulyaw ko sa kanya. Narinig ko ang mahinang tawa niya kaya napasimangot ako.
"Bakit? Handa ka na bang maging asawa ko? Kasi kong oo, sasanayin ko na ang sarili kong maagang umuwi, para makita kita at mayakap ng mahigpit na mahigpit." Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang ngiti. "Pero mukhang malabo pa," Napapikit pikit ako sa sinabi niya. Naupo ako at hinawakan ang phone.
"Bakit naman!" Bulyaw ko. 
"Bakit naman?" Inulit niya ang tanong ko. "Really, Sunny Miles Enriquez? Tinatanong mo sa akin yan? Baka nakakalimutan mong ginagawa mo akong kabit, you have a boyfriend." Muli, narinig ko ang hinanakit sa kanyang boses.
Saka ko lang naalala na hindi ko pa pala nasasabi na wala naman kaming relasyon ni Bright.
"Nalungkot ako bigla." Kinagat ko muli ang labi ko para pigilan ang ngiti. Muli kong narinig ang paggalaw niya sa kabilang linya.
"Why? Ako dapat yung malungk--" Pinutol ko ang sasabihin niya.
"Akala ko kasi boyfriend na kita." Mahinang sambit ko.
"W-What? Oh, fuck! Ulitin mo nga yung sinabi mo. Namali ata ako ng dinig." Napairap ako sa sinabi niya.
"Hindi ko boyfriend si Bright at akala ko boyfriend na kita, pero ako lang ata yung nakakaalam." Ilang minuto siyang hindi nagsalita kaya tinignan ko yung screen ng phone ko kung nasa linya pa ba siya. Nangunot ang noo ko nang makitang nasa linya pa rin siya, pero hindi siya nagsasalita.
"Hey!" Kinakabahang sambit ko, Ayaw ba niya? Hindi ba niya nagustuhan ang sinabi ko?
"Baby, naman. Bakit mo ko pinapahirapan ng ganito?" Narinig ko sa boses niya na parang frustrate na frustrate na siya.
"Huh?" Naguguluhan kong tankng.
"Bakit ngayon mo lang naisipang sabihin yan, I fucking want to hug you right now! I fucking want to kiss you right now and say how much I love you. Paano ko gagawin yun kong nasa Cebu ako? Binabaliw mo ako. Do something, Baby."
Napangiti ako at parang gusto kong magtatalon. Gustong gusto ko rin siyang yakapin at halikan ngayon, pero hindi pwede kasi wala siya dito.
"I love you, Jace. Uwi ka na, miss na miss na kita." Para akong Highschool student sa lagay ko. Wala pa siyang 24 hours doon, pero pinapauwi ko na.
Wala pa siyang 24 hours doon, pero miss na miss ko na siya! Naiinis ako sa sarili ko dahil ang bilis bilis ko siyang mamiss, pero kahit na ganon, nangingibabaw pa rin ang saya na nararamdaman ko.
 
"Hay! Pwede na ako mamatay." Halos murahin ko na siya dahil sa sinabi niya.
"Wesley!!" Galit na bulyaw ko. Narinig ko nanaman ang tawa niya sa kabila.
"Kidding, hindi pa pwede, hindi pa kita napapakasalan. Wala pa akong Jr." Napa-irap ako sa sinabi niya. Damn you, Wesley! "I love you, I fucking love you, Sunny Miles. Hinding hindi na kita hahayaang makawala."
Ako din, Wesley. Hinding hindi na din kita hahayaang mawala sa akin.

Komento sa Aklat (174)

  • avatar
    d******b@yahoo.com

    Such a nice story.. Well done author😍😍

    15/05/2022

      0
  • avatar
    Fhem De Castro

    How could someone be willing to wait in the name of love? This story reminds me that love is not about how long you are willing to sacrifice to someone you love. but to give all you have even there is no certainty. Good job author. 🤗🤗🤗

    15/05/2022

      0
  • avatar
    JazyChialy

    You did great, author! I love the plot of the story, unlike sa mga ibang story na common yung plot ng love story (hmm, hoping may part 2 or special chapter HAHAHA). Goodluck sa future works mo author. Congrats!

    08/02/2022

      5
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata