"Be my manager." Nakita ko ang gulat sa mga mata ni Bright nang sabihin ko yun. We're eating breakfast kaya ginamit ko na iyon na pagkakataon para sabihin yun. "I really want you to be my manager, be my manager. That's my way to say sorry about sa hindi natin pagtuloy sa Ilocos."
"Of course, Miles. Even if we don't go anywhere as long as I'm with you, it's ok for me to be your manager, pagbuwbuwtihin ko pow." Natawa ako nang magsalita siya ng tagalog. Hindi siya marunong magsalita at nakakaintindi lang ng tagalog pero noong nagsalita siya, ang cute ng boses niya.
"I have a photoshoot today, hindi natuloy kahapon" Sambit ko at sumimsim sa coffee na nasa tabi ko.
"What time? I still need to go on my room and have a shower." Nasa baba kasi kami sa may restaurant na kasama pa rin ng hotel.
"Take your time, Bright." Tumango lang siya nag patuloy na sa pagkain.
As usual coffee and sandwich lang ang binili ko habang si Bright ay with rice. Ibang klase talaga ang katawan niya, every morning siya kumakain ng rice, but he still manage the good body he have. He's also a model, pero hindi na siya gaanong active sa mga ganon.
Habang naglalakad paakyat kasama si Bright ay may narinig akong nagsalita sa likod at maamoy ang familliar na amoy. Hindi ko maiwasang lumingon at halos mahilo ako sa ginawa kong pag irap.
Ramdam ko ang titig sa akin ni Wesley habang nasa tabi niya yung nagpakilalang fiance niya. Nagsasalita yung fiance niya habang ang mata niya ay nasa akin, inirapan ko tuloy siya. Anong titig yan, Wesley!
Pag pasok namin ni Bright sa elevator ay pumasok din silang dalawa. Napataas ang kilay nong babaeng nagpakilalang fiance niya, aba shempre hindi nagpatalo ang beauty ko! Tinaasan ko din ng kilay.
I'm thankful talaga na ipinanganak ako na Enriquez. I have powerful awra na talaga namang makikita mo sa lahat ng membro ng pamilya namin. Mas matangkad ako sa kanya kaya wag niya akong tarayan!
Tinalikuran niya ako at humarap na sa pinto ng elevator na pasara na, katabi niya si Wesley sa harapan habang nasa likuran kami ni Bright. Ngunit habang naka talikot siya sa akin at nakaharap siya sa pinto ay nakita ko ang nakataas paring kilay niya sa reflection niya sa pinto ng elevator. Hindi ko maiwasang matawa.
"Ayosin mo yang kilay mo, hindi na nga pantay... tinataas mo pa." Hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Nakita ko ang inis na tingin niya sa akin.
"Do you know how to respect?" Humarap na siya sa akin. "I'm older than you! How dare you to talk to me like that!" Hindi ko maiwasang matawa.
"I know how to respect, pero tama ka... you're older than me. Manang wag mong itaas ang kilay mo, ang pangit mo kasi tignan." Natatawa kong sambit. Narinig ko naman ang pigil na tawa ni Bright sa sinabi ko. Buti na lang at nakakaintindi siya ng tagalog kahit hindi siya gaanong marunong magsalita, atleast hindi siya na a-out of place.
"How dare you!" Bulyaw siya sa akin pero inirapan ko lang siya "Wesley, you tolerate this kind of an attitude of your employee?" Hindi makapaniwala siyang tumingin kay Wesley.
Bumuntong hininga si Wesley at parang gusto ko siyang saktan nang hinawakan niya ang ito sa pulso.
"Relax, Annie. Let's just go." Kasabay nang sambit niya ay bumukas ang pinto nang elevator. Bumaba sila sa pangalawang pinakamataas na palapag dito sa hotel.
Nangangalaita kong binitawan ang bag ko sa sofa at umupo! Parang mas kinampihan pa niya yun! Dapat ako yung hinila niya! Sabi niya mahal niya ako tapos ganon!
Dumeretso na si Bright sa room niya habang ako ay tuloy tuloy lang sa paglakad, hindi ko na rin siya pinansin nang magpaalam siyang papasok na. Iritang irita ako! Ang lambing pa ng pagkakasabi niya!
"May pa... Relax, Annie. Let's just go ka pang nalalaman! I hate you Wesley!" Nakakainis! Balik nanaman ako sa pakikipag usap sa sarili ko!
Napatayo ako nang may kumatok. Umaasa akong si Wesley yun pero na bigo ako dahil yung isa sa staff yung kumatok.
"Ma'am, mapo postpone po muna ang photoshoot mo ngayon kasi ang isa sa investor ay nais kayong kasama sa lunch mamaya with his Daughter and Sir Wesley po." Kumunot ang noo ko.
"Where's Wesley? Bakit hindi siya ang mismong magsabi sa akin niyan?" Inis kong sambit. Nakitaan ko ng takot ang mukha niya.
"S-siya po nagsabi na ako na po ang magsabi sayo, he's busy po kasi," sambit niya. Umirap na lang ako at tumango at sinabing makakaalis na siya.
He's busy? Kanino? Sa fiance niya! Fiance ba talaga yun! Kong fiance niya nga yun, bakit sinasabi niya na mahal niya ako! Ang labo mo, Wesley.
Sa VIP room kami sa restaurant mag lu-lunch. Pinuntahan ko kanina si Bright para sabihin na hindi matutuloy ang photoshoot dahil may lunch with investor na magaganap. Tumango lang siya at pinagpili niya ako kong anong susuotin niya. Dahil siya ang magiging manager ko, isasama ko siya, pake ko kong anong sasabihin ni Wesley!
Habang papasok sa VIP room ng restaurant ay napansin ko na hindi maayos ang neck tie ni Bright kaya pinahinto ko siya sa mismong harap ng pintuan.
"What is it?" Tanong niya.
Hindi ako nagsalita at lumapit sa kanya para ayusin ang neck tie niya. Napansin ko ang ngiti niya sa ginawa ko kaya inirapan ko siya.
"An--" Hindi natuloy ang sasabihin ko nang may tumikhim sa gilid namin.
Napaharap kaming dalawa doon at nakita namin ang isang matanda at sa gilid niya ay si Annie na katabi si Wesley na nakatitig lang sa kamay ko na nakahawak pa rin sa neck tie ni Bright. Mabilis ko yung binitawan at tuluyang humarap sa kanila.
"I'm sorry sa abala, but are you the international model? Sunny Enriquez? I'm sorry, I'm not into those model model kasi kaya hindi ko masiyadong kilala ang mga model." Tanong sa akin nong matanda, hindi naman ganon katanda, mukhang ka edad niya sila daddy.
"Yes, Sir, I'm Sunny." At nilahad ko ang kamay ko. Tinanggap niya iyon at binitawan din.
"Tara na sa loob?" Mabait nitong sambit. Tumango lang ako. Binuksan na ni Bright ang pinto at hinintay akong makapasok.
Wait. Napasulyap ako kay Annie na umupo sa tabi ng investor. Papa niya? Kong ganon anak siya ng investor ng hotel nila Wesley?
Nasa gitna yung investor at sa tabi niya ay si Annie, habang ang katabi naman ni Annie ay si Wesley na nakatingin na sa akin. Nakaupo ako sa harap ni Wesley habang si Bright ay nasa harapan ni Annie at katabi ng investor.
"Masaya ako at tinanggap mo ito. Ang anak ko sana ang magiging ambasadress, pero may movie pa siyang tinatapos. By the way, I'm Silvo De Sially, ito ang anak ko, Annie." Tumingin ako kay Annie na nakatingin na din sa akin. Plastic niya akong nginitian kaya plastic ko din siyang nginitian
"Nice to meet you, Mr. De Sially. By the way this is my temporary manager." Tukoy ko kay Bright.
"Bright Hufalar, Sir. I'm Sunny's manager and boyfriend." Sambit niya na nagpalunok sa akin at sumulyap kay Wesley na nakatingin pa rin sa akin.
Mukhang pinapanindigan ata talaga ni Bright ang pagpapanggap bilang boyfriend ko sa harap ni Wesley.
"I know it, kahit hindi niyo sabihin alam ko, subrang caring kanina ni Sunny, ayoko sana kayong istorbohin kaya lang kailangan." Sabay tawa nito.
Nagsidatingan na ang mga pagkain kaya natigil muna saglit ang usapan namin.
I'm busy getting my food nang maagaw ng atensyon ko ang paglalagay ni Annie ng pagkain sa plato ni Wesley.
Anong akala niya kay Wesley, Bata? Huh! Sinulyapan ko si Wesley na ngayon ay pangiti ngiti pa.
Sa inis ko ay itinaas ko ang paa ko at ginalaw ang hita ni Wesley. Halos mapatalon siya nang maramdamam ang paa ko sa ilalim ng lamesa. Napasulyap siya sa akin ngunit bumalik din ang tingin niya kay Annie nang may tanungin ito.
Mas hinaplos ko ang hita niya gamit ang paa ko. Mas itinaas ko din yun kaya napunta na sa akin ang atensyon niya. Inirapan ko siya at mas tinaas pa, wala na akong pake kong saan makarating.
"Hey, you ok?" Naibaba ko ang paa ko nang magsalita si Bright sa gilid ko.
"Ah, yes, I'm fine." Sabay ngiti ko at sumubo.
"Wait." sambit ni Bright kaya napatingin ako sa kanya.
"Huh?" Naguguluhan kong tanong. Kumuha siya ng tissue at inilapat ito sa labi ko.
"There's a sauce," Sabi niya.
Ako naman ang napa ayos ng upo nang ako naman ang makaramdam nang paa niya sa hita ko.
Tinignan ko siya at hindi na niya ginagalaw ang pagkain niya. Mas tinaas niya ang paa niya at napapaangat na din ang fitted dress ko. Hindi ako mapakali sa ginagawa niya! Bakit napunta sa akin!
Napatayo tuloy ako nang mas itaas niya pa. Lahat sila napatingin sa akin sa biglaang pagtayo ko kaya pinilit kong ngumiti.
"Powder room." Simpleng sambit ko at tumalikod na para pumunta sa pupuntahan. Pagpasok ko ay pinakawalan ko ang mabigat na paghinga at tinignan ang sarili sa salamin. Naiinitan ako! Ghad!
May pumasok pero hindi ko agad pinansin dahil kinuha ko ang lipstick sa bag ko. Hindi ko na sana papansinin ngunit ang nag aalab na tingin agad ang nasulyapan ko nang tumingin ulit ako sa salamin.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (174)
d******b@yahoo.com
Such a nice story.. Well done author😍😍
15/05/2022
0
Fhem De Castro
How could someone be willing to wait in the name of love? This story reminds me that love is not about how long you are willing to sacrifice to someone you love. but to give all you have even there is no certainty. Good job author. 🤗🤗🤗
15/05/2022
0
JazyChialy
You did great, author! I love the plot of the story, unlike sa mga ibang story na common yung plot ng love story (hmm, hoping may part 2 or special chapter HAHAHA). Goodluck sa future works mo author. Congrats!
Such a nice story.. Well done author😍😍
15/05/2022
0How could someone be willing to wait in the name of love? This story reminds me that love is not about how long you are willing to sacrifice to someone you love. but to give all you have even there is no certainty. Good job author. 🤗🤗🤗
15/05/2022
0You did great, author! I love the plot of the story, unlike sa mga ibang story na common yung plot ng love story (hmm, hoping may part 2 or special chapter HAHAHA). Goodluck sa future works mo author. Congrats!
08/02/2022
5Tingnan Lahat