"What do you think you are doing, Sunny? Be professional! Bakit bigla bigla ka na lang mag de-desisyon? It's a fucking work!" Halos mabingi ako nang sigawan ako ni Ate Hally nang sinabi kong pupunta ako sa Ilocos kasama si Bright at kinancel ang photoshoot ko sa loob ng isang buwan. Nakita niya kasi akong nag-aayos ng mga gagamitin ko papuntang Ilocos kaya nagtanong siya kong saan ako pupunta. "Ate, Nag-usap na kami ni Wesley, he said yes, so what's the problem" Sagot ko sa kanya. "Nababaliw na ba siya? Friend ko ang isa sa team na kinuha niya for your photoshoot! Malaki ang binayad niya at ang ipatigil ito sa kalagitnaan-" Hinawakan niya ang noo niya. "You think hindi masasayang ang pera ni Wesley? Be professional, Sunny, hindi ka na bata, kaya wag kang umasta na parang bata! Matanda ka na kaya dapat isipin mo na ang kahalagahan ng trabaho! Hindi 'to laro, Sunny." sambit ni Ate Hally. Hindi ako makapagsalita. Hindi ako makasagot sa kanya dahil alam kong tama siya. Alam ko rin naman na malaki ang binayad ni Wesley. Lalo akong hindi makapagsalita nang sabihin ni Ate Hally na hindi na ako bata. Tama naman siya, hindi na ako bata, pero I have reason, ayoko siyang makita, ayoko siyang makasama! "Tawagan mo si Wesley at sabihin mong wag ng i-cancel ang photoshoot mo, mahiya ka nga sa tao. Mahiya ka nga sa Boss mo." Lumapit siya at isa isang kinuha ang ilang mga damit na nilagay ko sa traveling bag ko. Pinanood ko lang siya nang may naalala. "Pero, Ate, nagsabi na ako kay Bright, nakakahiya naman." Sambit ko pinigilan siyang ilagay ang damit sa closet ko. Tinignan niya ako ng masama kaya napanguso ako. "Nahihiya ka sa kaibigan mo, pero sa boss mo hindi? Sabihin mo nga ang totoo, aalis ka dahil kay Bright o dahil ayaw mong makita si Wesley?" Hindi ko siya sinagot, inagaw ko ang hawak niyang damit ko at lumapit sa bag ko para ibalik. Nakakainis! "Sunny!" Naiinis ng sambit ni Ate Hally. "Papagalitan ka rin naman ni Kuya! pumerma perma ka tapos ganyan ka? Kong hindi mo yan aayusin... para mo na ding sinabi na hindi ka pa naka move on." Seryoso ng sambit ni Ate Hally. Ayokong magsalita dahil baka maamin ko sa kanya na mahal ko pa rin si Wesley. Tumingin lang ako sa kanya ngunit nag iwas din dahil sa seryosong tingin niya. "You're still inlove with him. I know it! I fucking saw it on your face. Kahit nga noong sinasabi mong nakamove on ka na ay dudang duda parin ako dahil kitang kita ko parin sa mata at mukha mo na mahal mo siya." Hindi ko alam kong tama ang nakita ko, pero nakita ko ang tuwa sa mukha ni Ate Hally nang sabihin niya yun. "Ano naman ngayon? Wala din naman akong mapapala! Yes, I'm still inlove with him, pero ano naman? Wala namang pinagbago, hindi pa rin naman niya ako totoong mamahalin! Hindi pa rin naman magiging kami. Kaya nga gusto ko ulit umalis, kahit saglit lang! Kasi alam kong masasaktan lang din ako!" Nangilid na ang luha sa mga mata ko. Bakit ba palagi na lang ako nasasaktan dahil sa kanya? Bakit ba patuloy ko parin siyang minamahal? Nakakainis na! Eto na lang ba palagi ang role ko sa pag-ibig? Ang masaktan? Sinubukan ko namang kalimutan siya, umalis ako ng bansa, nakipagdate, binago ko ang sarili ko, pero bumabalik pa rin ako. Bumabalik pa rin ako sa lugar kong saan palagi akong nasasaktan. Bumabalik pa rin ako sa taong walang ginawa kundi saktan ako. Bumabalik parin ako para mahalin siya. Napa upo na ako sa kama at hindi na mai-angat ang ulo ko. Hindi ako makapaniwala na umiiyak nanaman ako dahil sa kanya. Akala ko pag balik ko dito, hindi na ako iiyak, pero umiiyak nanaman ako. 4 years, pero siya pa rin. Naupo si Ate Hally sa tabi ko hinawakan ang ulo ko para maisandal aa kanya. Mas lalo akong naiyak, parang na-ulit nanaman. "Shhh, I'm sorry, sumubra ako." Malumanay na sabi ni Ate Hally. "Tell me, Ate, anong gagawin ko? Kasi sa totoo lang, hindi ko alam ang gagawin ko." Umiiyak kong sambit. "Susundin mo ba ako kong sasabihin kong... mahalin mo lang siya? Sundin mo ang puso mo at muli kang mag hintay sa kanya. Yun ang gusto kong gawin mo, pero nasa sayo rin naman yun, but please, Sunny, wag mong iisipin nanaman na umalis, wag ka ng tumakbo ulit, gaya ng ginawa mo." Sambit niya na nagpa angat ng ulo ko. Pinunasan ko ang luha sa pisngi ko sa sinabi niya. Ang sabi niya noon pag masakit na, tama na, bakit bigla niyang sasabihin na maghintay ulit ako at mahalin lang siya. "Ate--" "It's just my advice, Sunny." Putol niya sa sinabi ko. Sa gabing yun hindi ako nakatulog, wala rin ako sa sariling tinawagan si Bright para humingi ng pasensiya at sabihin na hindi kami matutuloy. Anong ibig sabihin ni Ate Hally? Bakit ganon siya? Parang may mali. Saka may Fiance na si Wesley! Hindi ba yun alam ni ate Hally? Nagulat na lang ako nang biglang tumunog ang phone ko sa gitna ng pag-iisip ko. Hindi ko tinigan kong sino ang tumatawag at sinagot iyon, ang akala ko lang ay si Bright yun dahil siya yung huli kong tinawagan, baka may nakalimutang sabihin. "Yes, Bright? May nakalimutan kang sabihin?" Malambing kong tanong. Naghintay ako ng ilang sandali, pero buntong hininga lang ang narinig ko. "Bright, you ok?" Tanong ko ngunit para akong nanlamig nang ibang boses ang narinig ko. Nanlalaki ang mata kong bumangon at umupo sa kama sabay tingin ng screen ng phone. "This is Wesley, Sunny. Kong tatanungin mo din ako kong ok lang ako.... I'm not ok Sunny. Sising sisi ako." Hindi ko gaanong narinig ang huling sinabi niya dahil parang binulong na lang niya iyon. "A-ahm... I'm sorry, akala ko ikaw si Bright." Napakagat na ako sa labi ko nang mautal ako. "It's ok, I just want to inform you that I already cancel all you photoshoots this month. " sabi niya "Wesley, about that... about my photoshoots this month." sabi ko "Hmm. What is it?" Gusto kong ihagis ang phone ko! What's with his bedroom voice? Bakit ang hot niya magsalita! Umiling ako at nag focus sa sasabihin. "Ano... kasi pwede pa bang ipagpatuloy yung photoshoot ko this month?" Ngayon ko lang napagtanto na subra pala yung ginawa ko. Kong hindi pa ako pinagalitan ni Ate Hally, hindi pa mabubuksan ang isip ko. Narinig ko sa kabilang linya na gumalaw siya, mukhang bumangon or what, I don't know, I'm not sure. "Are you sure? Ano bang nangyare? Mas ok nga na ipagpatuloy na yung nasimulan." sambit niya Tumango ako kahit hindi niya nakikita. Hindi ko sinagot ang tanong niya, ano naman sasabihin ko? na hindi ko na itutuloy ang lakad namin ni Bright, no way! "Btw, where are you? Nasa Cebu ka na?" Tanong ko para hindi na siya ulit magtanong tungkol doon. "Yes, kanina pa ako dito. Kakatapos ko lang magtrabaho." Dahil sa sinabi niya ay narinig ko ang pagod sa boses niya. "Ibababa ko na, dapat kang magpahinga kong ganon." sambit ko ngunit bigla siyang umungol na para bang hindi nagustuhan ang sinabi ko. "I want to hear your voice, mas makakapagpahinga ako pag naririnig ko ang boses mo." Fuck! Napahawak ko sa mukha ko nang maramdamang uminit iyon. Napapikit ako dahil naramdaman ko ang mga paru paru sa tiyan ko. 'Wag kang pa fall! hulog na nga ako, mas ihuhulog mo pa ako. Saka you have a Fiance!' Gusto kong sabihin iyon pero hindi ko ginawa. Nawala agad yung kilig na naramdaman ko nang maalala ko yung babaeng nagpakilalang fiance niya. Ano ba talaga!? "Tumigil ka, Wesley Jace! Hindi mo ako maloloko!" Mahinang bulyaw ko. Napanguso ako nang tumawa siya ng mahina. "Bakit ganon, Miles." "Huh?" Tumiga ako at niyakap ang unan ko. "Kinikilig ako pag tinatawag mo ako sa buong pangalan ko. Nababakla ako." Isang tawa din pinakawalan ko dahil sa sinabi niya. Nababakla? What the hell! "What the hell, Wesley! Tumigil ka nga!" Natatawang sambit ko. "Why? I'm just telling the truth, Miles." Hot na sambit niya. Yes, hot! I find it hot because his bedroom voice. "Tinatawag mo na akong Miles." Nagulat ako sa sarili ko nang tanungin ko yun. "Why? Ayaw mo na? Mas gusto mo ba na ang lalakeng yun lang ang tumawag sayo non? Hindi ako papayag, Miles. Ang tagal kong gustong tawagin kita sa pangalan mong yun." "Bakit hindi mo ako tinatawag niyan noon? Nag hintay ako na tawagin mo ako sa pangalan yun, Wesley." Narinig ko ang buntong hininga niya. "I have reason, Sunny." Yun lang ang sinabi niya sa tanong kong yun. Hindi naman doon natapos ang usapan namin, napasarap ang usapan namin at hindi ako makapaniwala na dumating ang gabing yun. Hindi ko na nga rin namalayan na nakatulog na ako sa gitna ng pag uusap namin. Paggising ko ay isang mensahe na lang niya ang nakita ko. Wesley: 'Goodnight, Miles. I love you.'
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (174)
d******b@yahoo.com
Such a nice story.. Well done author😍😍
15/05/2022
0
Fhem De Castro
How could someone be willing to wait in the name of love? This story reminds me that love is not about how long you are willing to sacrifice to someone you love. but to give all you have even there is no certainty. Good job author. 🤗🤗🤗
15/05/2022
0
JazyChialy
You did great, author! I love the plot of the story, unlike sa mga ibang story na common yung plot ng love story (hmm, hoping may part 2 or special chapter HAHAHA). Goodluck sa future works mo author. Congrats!
Such a nice story.. Well done author😍😍
15/05/2022
0How could someone be willing to wait in the name of love? This story reminds me that love is not about how long you are willing to sacrifice to someone you love. but to give all you have even there is no certainty. Good job author. 🤗🤗🤗
15/05/2022
0You did great, author! I love the plot of the story, unlike sa mga ibang story na common yung plot ng love story (hmm, hoping may part 2 or special chapter HAHAHA). Goodluck sa future works mo author. Congrats!
08/02/2022
5Tingnan Lahat