Nagdrawing ako ng maliit na bilog sa dibdib niya habang nakahiga ako sa braso niya. Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko. Kasama ko siya. Kasama ko ang taong mahal ko. Hindi ako makapaniwala
"Is this really true?" Inangat ko ang ulo ko para matignan siya nang magsalita siya. Akala ko ako lang ang hindi makapaniwala, siya din pala. "Hindi ko rin alam." Mahinang sambit ko. "Masaya ako noong unang nangyare sa atin ang ganito, pero mas masaya pala pag yakap kita pagkatapos nating gawin. Tinanong ko pa nga ang sarili ko non, hindi ba ako magaling? Hindi mo ba nagustuhan? Kasi umalis ka na lang bigla, hindi mo man lang hinintay na magpakuha ako ng panty mo." Hindi ko alam kong maiinis ako, maawa o matatawa sa sinabi niya. Maawa ba ako kasi iniwan ko na lang siya noong araw na yun. Maiinis kasi pinaalala niya yung panty ko at matatawa kasi bigdeal sa kanya yung pag alis ko ng walang panty. "Yung panty ko! Limited edition yun! Ang mahal kaya non!" Kunwari ay inis kong sambit. "Panty o ako?" Halos mabilaukan ako kahit walang kinakain nang tanungin niya yun. What the hell! Nababaliw na ba siya. "Tumigil ka nga!" Natatawa kong sambit. "Why? I just want to know. Sabi mo kasi mahal, kaya sino mas mahal mo sa amin? Yung panty o ako." Bumangon ako at naupo, mabilis kong hinampas sa kanya ang unan habang natatawa. "Para kang baliw. Sabi ko mahal yung presyo." Hinila niya ulit ako at niyakap. "Alam ko, baka lang madulas ka at sabihing mas mahal mo 'ko." Natatawa ding sambit niya. "I love you." Dugtong pa niya. Magsasalita sana ako nang biglang may nag doorbell. "I think It's time." Sambit niya habang nakayapak pa rin sa akin. "Huh? Anong sinasabi mo." Naguguluhang tanong at tiningala ulit siya. "It's time para mag shooting ng commercial para sa hotel. Mukhang mag aayos na sila." Naguguluhan pa rin akong nakatingin sa kanya. "Mag-aayos saan?" "Dito sa VVIP Hotel room, mag-ayos ka na." Halos malaglag ang panga ko nang marinig iyon. What the hell! Don't tell me, no way! "Dito tayo mag sho-shoot?" Tumango siya at tumayo kaya mabilis ko siyang binato ng unan. "Bakit ngayon mo lang sinabi! Nakakainis naman!" Mabilis kong hinila ang kumot at bumaba sa kama, buti na lang at nagsuot na siya kanina ng boxer kaya kahit hinila ko ang kumot ay ayos lang. "Hindi ka nagtanong, sabi kasi sayo halik lang eh." Tinignan ko siya ng masama. "So, kasalanan ko pa? Haist! Paano yan? Sila na ba yung nag doorbell? Teka, yung damit ko sa sala, tapos---" Suminghot singhot ako para amuyin ang buong kwarto. Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Wesley nang makita akong inaamoy amoy ang paligid. "Omg! Wesley, amoy milagro! Baka maamoy nila." Nag papanic na sabi ko. Natatawa siyang lumapit sa akin at tinulak ang ulo ko gamit ang hintuturo niya. Nakapagpalit na siya ngayon. Ang bilis naman niya magpalit! "Relax, yung sa kabilang kwarto ang gagamitin, kaya nga dito kita dinala, mas maganda ang view sa kabila, kita ang kabuoan ng hotel sa labas. Magbihis o maligo ka na lang at ako na ang kukuha ng damit mo, you have spare cloths? Kong wala magpapabili ako," sambit niya. Napanguso ako at umiling. "Maghuhugas lang ako ng katawan ko, nandiyan na rin naman sila," sambit ko. Tumango at tatalikod na sana ako pero hindi ko tinuloy. "Ikaw?" Tanong ko. "Mamaya na ako, hindi naman siguro nila maaamoy." Natatawang sambit niya kaya inirapan ko ulit siya. "Papapasokin ko na sila." Tumango na lang ako at pinanood siyang lumabas sa kwarto. Mabilis din naman siyang bumalik para ibigay ang damit ko na naiwan kanina sa sala. *** Nakaupo lang ako sa may sofa habang busy ang lahat sa pag aayos. Hindi ko maiwasang panuorin Ng ginagawa nila, para naman kasing may shooting para sa mga pelikula, kompletong kompleto, eh, for commercial at advertisement lang naman ang gagawin namin. Napasulyap ako kay Bright nang maupo siya sa tabi ko. "That kind of dress is perfect for you,, you look like a matured woman. I'm not saying that you're not matured, don't get me wrong." Dipensa niya agad sa sarili. Napasulyap ako sa suot ko, tulad ito sa mga suot ng mg nagbabantay sa lobby, like receptionist, ngunit Gray yun at hindi Itim. Hindi ko nga rin maiwasang purihin ang sarili ko. Pag naka dress kasi ako ay para akong palaging nang aakit, yun ang sabi nila, but now, ibang iba. Para akong business woman, seryoso sa buhay at walang kalokohan ang nasa isip. "Tapos na ba?" Napasulyap ako kay Wesley na papasok sa kwarto. Pumunta kasi siya kanina sa opisina niya, hindi ko alam kong anong ginawa niya. "Yes, sir. Nakaset-up na po lahat. Pwede na po nating simulan, Miss Enriquez." Tawag sa akin ng organizer. Tumayo ako at lumapit sa kanila. "Kabesado mo na po ba ang line mo?" Magalang na tanong niya sa akin. "Yes" Simpleng sambit ko.
First clip ay nakatayo ako sa malapit sa sliding door, unti unti akong maglalakad at tatanawin ang magandang tanawin, saka ako haharap at sasabihin ang linya ko. Pagkasambit ko ng linya ko ay inilipat nila ang camera kay Wesley na naka sandal sa pader. Sinabi niya ang linya niya at naglakad papalapit sa akin. Sabay kaming humarap sa camera at sabay ding nagsalita. Yun lang, yung lang pero subra ang ginawa nilang effort, iba talaga pag malaking hotel. Next ay sa restaurantant. Wala kaming linya doon at parang mauupo lang kaming magkaharap na para bang nag-uusap at inilibot na ng camera man ang camera sa paligit at sa mga taong nandoon. Nang sa pool na ay nanlaki ang mata ko nang mabasa ang gagawin namin. What the hell! Dapat bang ganito? Una ay lalangoy kaming dalawa, sunod ay hahawakan niya ang bewang ko at magkukulitan. Ano 'to? Hindi nila sinabing mag aartista na pala kami! "What's this?" Tanong ko kay Wesley. Kumunot ang noo niya. Lumapit siya at bumulong. "Kaya nga ako ang gumagawa nito. Gusto nilang mag hire ng iba para gawin ang commercial na 'to, pero ayoko, ang swerte naman nila kong papayagan ko sila," sambit niya at tumalikod na. Kaya naman pala! Nagtaka nga ako at bakit kasama ang CEO ng hotel sa shooting na 'to. Nagkibit balikat na lang ako at nag-palit ng swimsuit. It's a red swimsuit. Nakita ko ang titig ni Wesley sa akin nang video-han nila akong naglalakad pababa sa pool. After that sunod nilang vinideohan si Wesley na nag dive. Sinimulan ko na ding lumangoy. Nang nasa gitna ay umahon ako, akala ko ay nandoon na din kasi si Wesley, pero wala. Kumunot ang noo ko at nilibot ang tingin ko. Magtatanong sana ako kong nasaan siya kahit nakaharap ang camera sa akin, pero natigilan ako nang maramdaman kong may yumakap sa akin galing sa likod. "I'm here, baby," bulong niya na alam kong kaming dalawa lang ang nakarinig. Narinig ko ang singhab ng mga tao nang yakapin ako si Wesley sa likod, nagulat siguro sila dahil parang ang dali lang niyang hawakan ako. Humarap ako sa kanya. Ang kanyang kamay ay nakahawak pa rin sa bewang ko. Nakaharap pa rin ang camera sa amin at sa bandang 'to, dapat magkukulitan kami, pero iba ata ang gusto ni Wesley. "Your boyfriend is watching," Tukoy niya siguro kay Bright. Hindi ko pa pala nasabi na walang naman kaming relasyon ni Bright. "Gusto kitang halikan ngayon din, pero alam kong ayaw mo yun, lalo na at nakatitig ang boyfriend mo." Kahit di niya sabihin ay ramdam ko ang hinanakit niya "He's not my boyfriend." Mahinang sambit ko ngunit mukhang hindi niya narinig dahil may sumigaw ng 'tapos na at makakauwi na ang lahat.'
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (174)
d******b@yahoo.com
Such a nice story.. Well done author😍😍
15/05/2022
0
Fhem De Castro
How could someone be willing to wait in the name of love? This story reminds me that love is not about how long you are willing to sacrifice to someone you love. but to give all you have even there is no certainty. Good job author. 🤗🤗🤗
15/05/2022
0
JazyChialy
You did great, author! I love the plot of the story, unlike sa mga ibang story na common yung plot ng love story (hmm, hoping may part 2 or special chapter HAHAHA). Goodluck sa future works mo author. Congrats!
Such a nice story.. Well done author😍😍
15/05/2022
0How could someone be willing to wait in the name of love? This story reminds me that love is not about how long you are willing to sacrifice to someone you love. but to give all you have even there is no certainty. Good job author. 🤗🤗🤗
15/05/2022
0You did great, author! I love the plot of the story, unlike sa mga ibang story na common yung plot ng love story (hmm, hoping may part 2 or special chapter HAHAHA). Goodluck sa future works mo author. Congrats!
08/02/2022
5Tingnan Lahat