Kabanata 40

"Bright" Mahinang tawag ko kay Bright na nakayakap pa rin sa akin. Dahan dahan siyang bumitaw ngunit ang kamay ay nasa bewang ko na.
"It's a really good idea that I followed Dino's advice earlier, will you sleep here?" Sambit niya. Sa likod niya ay kitang kita ko pa rin ang galit  na si Wesley. Magsasalita sana ako nang kinatok ni Wesley ang pinto na nakabukas.
Napalingon sa kanya si Bright. Alam ni Bright ang tungkol kay Wesley, pero hindi niya alam ang itsura niya. Napag uusapan namin, pero hanggang doon lang. Ang kamay ni Bright ay pinadausdus niya sa bewang ko. Napasunod tuloy ang tingin ni Wesley doon.
"Yes? Do you need something?" Tanong ni Bright kay Wesley. 
"Bitawan mo siya." Seryosong sambit ni Wesley. Ang isang kamay pa rin kasi ni Bright ay nakapermi pa rin doon at wala atang planong bitawan. Sanay na ako na ganito si Bright. Hanggang doon lang naman ang kaya niyang gawin kaya hinahayaan ko na, nakasanayan din yun sa US kaya walang malisya.
Nakita ko ang naguguluhang tingin ni Bright kay Wesley. Hindi siguro naintindihan kong anong ibig niyang sabihin.
"What are you talking about, bro?" Nakakunot na ang noo ni Bright.
"Don't call me bro, you're not my brother. Now, don't fucking touch her! Bitawan mo siya." Ramdam ko ang galit sa boses niya. Ramdam ko rin ang pagtitimpi dito.
Sa pagkakataong yun ay napasulyap na sa akin si Bright. Mukhang medyo naiintindihan na niya.
"She lets me holds her like this, why should I let her go? Who are you to tell me what to do?" Naging seryoso na rin ang boses ni Bright.
Pansin ko ang pag kuyom ng kamao ni Wesley kaya nagsalita na ako.
"Leave us, Wesley. Bakit hindi niya ako pwedeng hawakan? He's my boyfriend. Sa inyong dalawa siya ang may karapatang hawakan ako." Tuloy tuloy kong sambit.
Napansin ko na muling sumulyap sa akin si Bright. Nagulat siguro sa sinabi kong boyfriend ko siya. Hindi naman siya nagsalita at hinayaan akong paniwalain ang taong nasa harap namin.
Nanghina ako nang makita ko ang sakit sa mga mata niya. Nanghina ako nang makita kong dumaan ang panghihina sa mga mata niya, pero wala akong planong bawiin yun. Para hindi na niya ako lapitan, kailangan ko yun gawin. Para hindi ako bumigay sa kanya, kailangan ko yung gawin. Ayoko ng masaktan, siya naman ang dapat masaktan.
Tinanggal ko ang kamay ni Bright sa bewang ko at mas lumapit sa pinto, hindi para lapitan siya kundi para isara ang pinto.
"Su---" Hindi ko na narinig ang sasabihin niya nang mabilis ko iyong sinara. Napapikit ako habang nakaharap pa rin sa pintuan.
"You, ok?" Napakagat ako sa labi ko at hinanda ang ngiti bago humarap sa kanya. 
"Of course. Btw, madami namang room sa bahay, pwede ka namang doon na lang " Sambit ko at linagpasan siya.
"No, thanks. Alam mo namang ayaw sa akin ng lolo mo." Nagkibit balikat ako. Ayaw nga ni lolo kay Bright. Sabi niya hindi daw siya nababagay sa akin kasi hindi malaki ang kompanya nila. Hindi nga malaki, oo, pero hindi ko gusto yung sinabi ni lolo noon kaya nasagot sagot ko siya.
Nakakahiya kasi dahil harap harapan niyang sinabi noon yun kay Bright. Pag ba mahirap hindi na pwede sa mayaman? Ilang taon na ang nakalipas nang pumunta si lolo sa tinitirhan ko sa US, oo gusto kong magustuhan niya ako at maramdaman na may lolo ako, pero nagsawa na rin ako.
Kong nagkataon ay ang taong mahal ko ang sinabihan niya ng ganon, baka magalit pa ako sa kanya. Ayaw kong manghimasok siya sa buhay ko. Kahit hindi na siya maging lolo sa akin. That's fucking nonsense! Wag niya akong itulad kay Mommy at Daddy! I'm not fucking like them!
 Dapat lahat ng gusto niya susundin ko, kapalit non ay mararamdaman ko ang pagiging lolo niya sa akin. 
"By the way, Is he Wesley?" Nag-iwas ako ng tingin sa kanya dahil sa tanong niya. Sinubukan kong ibahin ang usapan, pero mukhang hindi ko yun magagawa.
"Yes, siya ang may ari nitong hotel." Sambit ko.
Nakita ko ang gulat sa kanyang mukha. 
"I thought he was just an employee? That's what Dino told me." Nakakunot na noo niyang tanong.
"Yun din ang akala ko. Pagbalik ko dito, siya na pala ang boss ko. Mas subra pa ang gulat ko kaysa sayo." Tumango tango siya na para bang may napagtanto. Napagtanto mo na ba na plinano ni Dino 'to? Yung lalakeng yun talaga!
"I didn't know that I'm already your boyfriend." Umirap ako sa sinabi niya.
"Nagbibiro lang ako. Alam natin na hindi talaga kita boyfriend." 
"Ouch. Truth hurts." Sabay hawak pa niya ng dibdub niya. Natawa tuloy ako. "Then I will pretend to be your boyfriend. I won't let that man get close to you, I just can't believe the way he speaks, it's like theirs something between you two. I think he is inlove with you. Are you sure he made you out on his life and said he loved someone else? I could see in his eyes that he was hurting while looking at us earlier.
Hindi ako sumagot, inalala ko lang kong paano siya tumingin kanina. Tama yun, Sunny. Hindi ka dapat makonsensiya.
***
Hindi gaya kahapon, ibang iba na ang suot ko. Hindi ko alam kong bakit nagsuot ako ngayon ng pang opisinang damit. Sabi ko sa sarili ko kahapon, wala akong pake kong hindi ako magustuhan ng mama niya, pero ano 'to?
Nagdadamit ako ng alam kong papasa sa taste ng mama niya. Hindi ako sigurado kong pupunta ulit ang mama niya, pero may nagtulak sa akin na magsuot nito.
Nagulat nga kanina si Ate Hally nang sabihin kong bigyan niya ako ng damit na hindi pa niya nagagamit. Mas nagulat siya nang sabihin kong yung mga pang opisinang damit dapat. 
"Anong na kain mo? Wala kang sakit?" Napa iwas ako nang hawakan niya sana ang leeg ko para damhin kong may sakit ako.
"I'm not, Ate! Ano ba!" Tinignan ko siya ng masama at kinuha na ang bag ko para bumaba.
Walang gaanong tao dito sa mansion. Si Kuya Gryson at sila Ashra ay hindi naman talaga dito nakatira, namalagi lang sila ng dalawang gabi dito noong kararating ko dito sa pilipinas. Kuya have a big house, hindi lang naman yun ang bahay niya, may mga properties pa siya sa iba't ibang parte ng bansa.
Pinuntahan ko ang kotse ko sa garahe ngunit hindi ko nadatan don. 
"Where the hell is my car." Sambit ko sa sarili ko at bumalik sa loob ng mansion. Pag pasok ko palang ay nakita ko na si Manong, yung driver namin noon pa. 
"Manong, Where's my car? Wala sa garahe!" Sambit ko.
"Hala, Ma'am. Hindi ba nasabi ni Sir Racey? Nasira niya ang side mirror kaya pinaayos niya. Kagabi kasi ay lasing siyang dumating, hindi niya na pansin ang side mirror ng kotse mo." Sambit niya kaya napahawak ako sa noo. Damn you, Racey!
"Pahingi ng susi para sa red na kotse, manong." Sambit ko ngunit umiling siya. 
"Sorry, ma'am. Sinabi ni Sir Racey na wag ipagamit ang pulang kotse. Maghintay ka na lang daw aa labas at may inutusan siyang maghatid sayo." 
"Ghad!" Bulyaw ko at tinalikuran siya. Ano bang problema ng lalakeng yun! 
Mabilis akong naglakad papalabas ng gate. Ilang minuto akong naghintay at di nagtagal ay dumating ang isang kulay back na kotse. Tumigil iyon sa harap ko kaya dali dali akong pumasok sa harap, ayoko sa likod, mas komportable akong maupo sa harap.
"Faster. I need to do something pa." Sambit ko nang hindi tinitignan ang taong nasa tabi ko. Isusuot ko na sana ang seatbelt ko nang maamoy ko ang familliar na amoy. Halos bumilis ang tibok ng puso ko nang maamoy iyon. 
Hindi nagkakamali ako!
Dahan dahan kong nilingon ang driver. Halos patayin ko na si Racey sa isipan ko! What the hell!
"Anong gagawin mo? Mag be-breakfast with your boyfriend?" May hinanakit na sambit niya habang ang tingin ay nasa harapan lang.

Komento sa Aklat (174)

  • avatar
    d******b@yahoo.com

    Such a nice story.. Well done author😍😍

    15/05/2022

      0
  • avatar
    Fhem De Castro

    How could someone be willing to wait in the name of love? This story reminds me that love is not about how long you are willing to sacrifice to someone you love. but to give all you have even there is no certainty. Good job author. 🤗🤗🤗

    15/05/2022

      0
  • avatar
    JazyChialy

    You did great, author! I love the plot of the story, unlike sa mga ibang story na common yung plot ng love story (hmm, hoping may part 2 or special chapter HAHAHA). Goodluck sa future works mo author. Congrats!

    08/02/2022

      5
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata