Kabanata 39

I tried to stand up and walk away from him, but he just fixed me where I was.
"Basa ako, Wesley." Sambit ko at sinubukan ulit na tumayo pero hindi niya pa rin ako pinakawalan. "Wesley, mababasa ang sofa!" Bulyaw ko sa kanya.
Bigla niya akong mas inilapit sa kanya at siniksik ang mukha sa leeg ko. Nakaramdam ako ng milyo-milyong boltahe sa katawan ko nang halikan niya ako doon. Ang kamay niya ay nasa magkabilang bewang ko at hinahaplos ito.
"Wag ka munang gumalaw, pakalmahin mo muna ang alaga ko." Bulong nito habang dinadampian pa rin ng halik ang leeg ko.
"Parang hindi maman kumakalma eh" Mahinang sambit ko. Narinig ko ang tawa niya dahil sa sinabi ko. Ramdam na ramdam ko siya sa gitna ko. Habang tumatagal ay parang lumalaki ang naka umbok dito. Parang kusa nang lalabas sa slacks na suot niya.
"Ramdam ko nga, parang mas lalong nagagalit." Sambit niya. Napakagat ako sa labi ko sa ibang nararamdaman ko. "Fuck! Madami pa akong gagawin, pero nandito ako." Muling bulong niya.
Bilang isang CEO ng mga naglalakihang hotel, alam kong subrang busy niya. Si Racey nga na namamahala na ng companya ni lolo ay hindi na makauwi dahil sa trabaho.
Parehong ayaw ni Kuya Grayson at Kuya Kenzo ang companya ni lolo, kaya kahit labag sa gusto ni Racey, siya ang namahala nito. At the age of 24 siya na ang namamahala. 
Sa aming magpipinsan, si Racey ang pinakamasunurin. Lahat ng gusto ni lolo ay sinusunod niya.
Sinubukan ko ulit tumayo at sa pagkakataong yun ay binitawan na niya ako. Nang nakatayo ako ay namula ako ng subra, dahil tanaw na tanaw ko ang umbok sa harapan niya. 
Napaiwas tuloy ako at tumalikod.
"Maliligo lang ako." Mabilis na sambit ko at tumalikod na. Bago makapasok ng tuluyan sa shower room ay nagsalita siya.
"Balik na ako sa office. Tawagan mo ako if you need something." Mabilis ko lang na sinara ang pinto. Pagkapasok ay napasandal ako. Unang araw ko pa lang sa trabaho ay madami ng nangyare! Hindi ako mapakali pag iniisip ko ang mga susunod pang araw.
Natatakot ako na baka sa susunod pang mga araw ay bumigay nanaman ako at baka makita ko nanaman ulit ang sarili kong minamahal siya. Hindi ako takot magmahal, ang kinakatakot ko ay ang mahalin siya.
 Mahalin ang nagparamdam sa akin na ang tanga ko. Mahalin ulit ang taong pinagtabuyan ako. Mahalin ulit ang taong sinaktan ako. Ayoko na pero sa mga nangyayare, baka sa huli ako nanaman yung talo. Ako nanaman yung maghahabol at masasaktan. 
Ayaw ko na, ayaw kong dumating nanaman ang puntong kailangan kong ilayo ang sarili ko dito at sa mga taong importante sa akin para makalimutan siya.
Lumapit ako sa salamin at tinignan ang sarili. Dapat galit ako sa kanya! Sinaktan niya ako, kaya dapat galit ako sa kanya! Ngayong sinasabi niyang mahal niya ako, dapat gamitin ko 'tong pagkakataon na saktan siya. 
Gusto kong maramdaman niya yung sakit na pinaramdam niya sa akin sa tuwing tinataboy niya ako palayo at ipinamumukhang hindi niya ako magugustuhan kasi may mahal siyang iba. Gusto kong maramdaman niya yung sakit na naramdaman ko noong panahong hinihintay ko siya na mahalin din ako.
Tinanggal ko ang robang suot ko at ang swimsuit. Binuksan ko ang shower at hinayaang maglakbay ito mula sa ulo ko habang sa baba  Hindi lahat ng tinaboy, bumabalik. Hinding hindi ako babalik sa dating ako.
Nang matapos akong mag shower ay tinignan ko ang cellphone ko na nasa bag ko. Mula pa pala kanina ay hindi ko pa na check yun. Wala naman akong hinihintay na tawag o text pero baka may biglaan lang. 
Kumunot ang noo ko nang pagbukas ko ay bumungad ang 50 missed call galing sa unknown number. Sino naman 'to. Paano niya nakuha ang number ko?
I da-dial ko na sana pero biglang tumunog iyon at tumatawag na ang dapat ay tatawagan ko. Sinagot ko iyon at dahan dahang nilagay sa tenga ko.
"Who's this? Where did you get my number?" Sunod sunod na tanong ko.
"It's me, I'm here in the philippines!" Napatakip ako sa bibig ko dahil sa gulat.
"Omg!" Boses yun ni Bright, hindi ako pwedeng magkamali. Narinig ko ang tawa niya dahil sa sigaw ko.
"Where are you? I've been calling you, but I think you're busy." Sambit niya.
Alam ko na uuwi siya dito sa pilipinas pero hindi ko inexpect na ngayon na! Akala ko ay matatagalan, pero mukhang nagkamali ako. Philippine number na ang gamit niyang pantawag sa akin kaya walang duda, he's here in the philippines.
"I'm sorry, I have a photoshoot. By the way, where did you get my number?"  Tanong ko at niloudspeaker yun para makapag apply ng lotion. Tanging tuwalya pa lang kasi ang suot ko at nasa mas malaking kwarto ako dito sa VIP room ng hotel ni Wesley.
Subrang laki nga 'to para sa akin. Dalawa pa ang kwarto. Hindi naman ako matutulog dito, siguro pag ginabi lang. Uuwi rin ako mamaya, siguro pagkatapos kong magpalit.
"It's ok. I got your cellphone number from your Ate Hally. I came from your house, but you weren't there, so I checked in at the hotel first." Tumango ako kahit niya nakikita.
"Sana ma enjoy mo ang pinas." Sambit ko.
"Will you let me wants you to be with me while enjoying here in the philippines?" Sambit niya. Dali dali naman akong sumagot. Hindi ko naman magagawang tumanggi!
"Of course, Bright. Kailan ba? para maayos ko ang schedule ko kong sakali. Ilang araw? Buong pilipinas?" Sunod sunod kong tanong. Mabait sa akin si Bright sa US kaya gusto kong makabawi, kahit sa ganoong paraan lang. 
"Let see. I will be here for a long period of time." Sambit niya.
"Ok, just inform me kong kailan."
"Thank you, Miles. By the way, Where are you?" Tanong niya. 
"I'm in the hotel. ZUX 5 star hotel in ." Sambit ko.
Narinig ko ang singhab niya sa sinabi ko.
"I'm also here! A friend recommend me this hotel. I would have checked in there at the ZUX hotel closer to your mansion, but they are fully booked, so my friend said that there is a ZUX hotel here. I went because the feedback on this hotel was good."  A friend? May isang tao agad ang pumasok sa isip ko.
"Ang tinutukoy mo bang kaibigan ay si Dino?" Nakakunot na noong tanong ko.
"Hmmm...yeah. He said I shouldn't tell you that he recommended it, but you know it already, that's why there's no reason not to tell you that." Sambit niya.
Dino!! Alam mong andito si Wesley! Naalala kong nakita na pala ni Wesley si Bright noon. Yun yung gabi na hinalikan ako ni Bright. Eh ano naman kong magkita sila? edi mas ok diba! para isipin niyang may boyfriend ako. Tama!
"Anong room mo? Pupuntahan kita. " Sambit niya.
"Room 500, how about you?"
"489. Papunta na ako." Sambit niya kaya binaba niya muna ang tawag.
Binilisan ko naman ang kilos ko at nagpalit na. Nang matapos ako ay saka ko naman narinig ang doorbell.
Pagkabukas na pagkabukas ko palang ay niyakap na agad ako ni Bright. Napatawa tuloy ako, para namang ilang taong hindi nagkita, wala pa ngang isang buwan.
Dahil nakabukas pa ang pinto habang nakayakap sa akin si Bright ay halos manlamig ako nang biglang sumulpot sa labas si Wesley.
Gaya ko ay natigilan din siya habang nakatingin sa amin ni Bright na magkayakap.
"I miss you, Miles." Rinig kong sambit ni Bright habang nakayap sa akin. 
Ako naman ay tuluyan ng walang masabi at nakatitig na lang sa malamig na tingin ni Wesley. Pansin ko rin ang pag igting ng panga niya.

Komento sa Aklat (174)

  • avatar
    d******b@yahoo.com

    Such a nice story.. Well done author😍😍

    15/05/2022

      0
  • avatar
    Fhem De Castro

    How could someone be willing to wait in the name of love? This story reminds me that love is not about how long you are willing to sacrifice to someone you love. but to give all you have even there is no certainty. Good job author. 🤗🤗🤗

    15/05/2022

      0
  • avatar
    JazyChialy

    You did great, author! I love the plot of the story, unlike sa mga ibang story na common yung plot ng love story (hmm, hoping may part 2 or special chapter HAHAHA). Goodluck sa future works mo author. Congrats!

    08/02/2022

      5
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata