"Mama, what are you doing here?" Wesley approached his mom and kissed her on the cheek. Her mom was just looking at me. Ashra sat on the sofa while Ashton hugged her. He bit his lip and seemed to be signaling us to go out first. "Isa din ba ito sa mga babaeng inaakit ka, Wesley?" Napayuko ako. Tama ang nasa isip ko, yun nga ang inaakala niya. Isa ako sa mga babae? Kong ganon madaming nang-aakit sa kanya? Nakaramdam ako ng irita pag iniisip kong may humihila din sa neck tie niya habang nakapatong sa lamesa! Ayaw kong isipin pero hindi ko maiwasan, lalo na at nalaman kong may mga babaeng nang-aakit sa kanya! "Mama, It's not what you think." Sambut ni Wesley. "Kapatid siya ni Grayson, ang asawa ko, Tita." Sambit ni Ashra. Kilala din pala ni Ashra ang mama ni Wesley. "Hindi ibig sabihin na kapatid siya ni Grayson ay pagtatakpan mo na! Kitang kita ko na hinihila niya ang neck tie mo! Pinipilit ka ba niyang isiping siya?" Bulyaw niya kay Wesley at bumaling sa akin para bigyan nako ng masamang titig. "Tita, hindi naman sa gan--" pinutol niya ang sasabihin ko. "Wag na wag mo akong matawag tawag na Tita!" Napakagat ako sa labi ko nang sigawan niya ako. "Mama!" Si Wesley naman ngayon. "At ano yang suot mo!? Nasa opisina ka ng anak ko tapos ganyan ang suot mo? Bakit hindi ka nalang pumunta sa bar!?" Naiiyak na ako. Hindi ko na kaya ang pang-iinsulto niya pero wala akong magawa kundi yumuko lang, kasi totoo naman na parang inakit ko siya kanina. Napapikit na si Wesley at tumingin kay Ashra. "Ashra, Samahan mo muna si Sunny sa labas." Mahinahong sambit ni Wesley. Hindi ko na hinintay si Ashra, naglakad na ako papunta sa pinto. "E-excuse me po." Nauutal na sambit ko at lumabas na. Mabilis akong naglakad pamunta sa elevator. Pagkapasok ko ay sumunod si Ashra. Nanghihina akong sumandal. "You, ok?" Tanong niya sa akin. Unti unti akong umiling. Ang bigat ng dibdib ko. Bakit sa lahat pa na pwedeng pumasok ay ang mama pa niya! "Pagpasensiyahan mo na si Tita, conservative lang talaga siya. Kayo naman kasi! Bakit kasi hindi kayo pumasok sa kwarto para gumawa ng milagro!" Dahil sa sinabi niya ay sinamaan ko siya ng tingin. Natawa naman siya dahil don. "Sa tingin mo nakakatawa!?" Umiling siya. "Hindi. Hindi ka tumawa eh." Sabay irap niya sa akin "Tsk!" Pagkabukas ng elevator ay naghihintay ang manager. Gaya ng sabi ni Wesley kanina, magalang na sinabi ng manager na sasamahan niya ako sa room na para sa akin para makapagpahinga muna bago ang photoshoots mamaya. Ayaw ko sana at gusto ko pang mag isip-isip pero nasulyapan ko si Ashra na hirap ng buhatin si Ashton, nakatulog na kasi. Tumango ako sa manager. "Tara, Para maihiga mo na si Ashton." Sambit ko ng hindi tumitingin sa kanya. **** "Bakit ang unfair ni Wesley! Bakit niya pinagamit sayo ang pinakamahal nilang room!? Aba!" Sambit ni Ashra pagkapasok na pagkapasok namin sa room. Hindi ko pinansin ang huling sinabi niya, ang nakakuha ng pansin ko ay tinawag niyang Wesley si Wesley at hindi Jace. "Tinatawag mo siyang Wesley?" Nakataas na kilay na tanong ko. Binuksan ko ang isang pintuan at doon nakita ko malawak na kwarto. Parang apartment na nga 'to sa subrang laki. Niluwagan ko ang pagkakabukas sa pinto at tumabi para makapasok siya. Pinanood kong dahan dahan niyang pinahiga si Ashton. Pagkapahiga niya kay Ashton ay humarap siya sa akin. "Ikaw lang daw ang pwedeng tumawag sa kanya ng Jace, eh. Anong magagawa ko?" Sambit niya. Hindi ako makapagsalita. Naalala ko yung araw na gusto ko siyang tawagin sa pangalawang pangalan niya, yun ay noong debut ko. Habang inaalala yung debut ko ay hindi ko maiwasang maalala din yung biglang pagdating niya. Yung akala ko na hindi siya makakarating dahil pinuntahan niya si Ashra. Grabe yung saya ko na naramdamam ko non. Nakita ni Ashra ang pagkatigil ko kaya muli siyang nagsalita. "Ano ready ka na? Mag kukwento na ako." Sambit niya. Mabilis akong umiling at tumingin sa kanya. Hindi, Ayoko! "Wag. Ayokong marinig." Sambit ko. Bumuntong hininga siya. "Oo at nakita ko kong gaano ka nasaktan non, Sunny, pero sana... pakinggan mo din yung side niya. Kahit naman gusto mo ng magkwento ako ay hindi ko din gagawin, gusto kong kay Wesley manggaling ang totoo." Sambit niya. Seryoso na siya ngayon at walang bahid ng ngiti sa mga labi, hindi kagaya kanina na kaya pa niyang mag biro. Isang katok ang pumutol sa usapan naming dalawa. Hindi na ako nagsalita. Tinalikuran ko lang si Ashra para pagbuksan ang sinumang kumatok. "Ba--" Napaputol ang tanong ko nang makita ko si Wesley sa harap ko. "Are you ok?" Mahinahon niyang tanong. "I'm fine, Sir." Yun lang ang sinabi ko at sinarado ang pinto. Sir? saan nanggaling yun? Kumatok ulit siya kaya napapikit ako. "Sunny, open the door!" Rinig kong sabi niya. "Ano yan? Para kayong mga highschool!" Tinulak niya ako ng mahina para pagbuksan si Wesley. "May isang kwarto pa, ituloy niyo na lang yung na udlot kanina." Sambit niya kay Wesley. Nasa likod ako ng pintuan kaya hindi niya ako nakikita. "Where's Sunny?" Nginuso ako ni Ashra kaya pumasok si Wesley para tignan ako. Umalis na si Ashra para siguro tignan si Ashton. "What?" Masungit kong sambit at tinalikuran siya. "What's with the Sir?" Nakakunot na tanong niya sa akin. "Because you're my boss. " Sambit ko at nagpatuloy sa paglalakad. "Really, Sunny?" Hindi makapaniwalang tanong niya. "Bakit? dapat ba Kuya na lang ang itawag ko? Total yun naman talaga ang tawag ko sayo noon pa, diba Kuya Wesley." Kumuha ako ng tubig sa ref at nilagyan ang baso para uminim "What's your problem?" Mahinahong sambit niya. "Wala" Simpleng sambit ko. "Is this about my mother? I'm sorry about what she said. Nagulat lang siguro sa nakita." Hindi ko pinakitang apektado ako. Ano naman kong masama na ang tingin sa akin ng mama niya? Wala na akong pake! Kong sana noon ko nakilala ang mama niya baka araw araw ko pa siyang purihin at bisitahin para maging boto siya sa akin para kay Wesley. Baka nga nagpakadalagang pilipina na ako para magustuhan niya. Umirap lang ako at tumingin sa kanya. "No, Wesley. I'm calling you Sir para malaman natin kong hanggang saan lang dapat tayo. You're just my boss at hindi na pwedeng lumagpas doon. I am your employee at mas lalong hindi na pwedeng lumagpas." Seryosong sambit ko. "After you kiss me on my office? Yan ang sasabihin mo?" Hindi makapaniwalang sambit niya. Tunawa ako dahil sa sinabi niya. "Oh, please, Wesley. Nakuha mo na nga din ako, magugulat ka pa ba? Sinabi ko na din na wala lang ang nangyare sa atin noong nakaraang araw, tapos magugulat ka dahil sa simpleng halik ko sayo? Don't worry hindi na ako magpapahalik sayo at hahalik sayo. Last na yung kanina. Kaya from now on, know your place, you're just my boss. This is just a plain business!" Sambit ko.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (174)
d******b@yahoo.com
Such a nice story.. Well done author😍😍
15/05/2022
0
Fhem De Castro
How could someone be willing to wait in the name of love? This story reminds me that love is not about how long you are willing to sacrifice to someone you love. but to give all you have even there is no certainty. Good job author. 🤗🤗🤗
15/05/2022
0
JazyChialy
You did great, author! I love the plot of the story, unlike sa mga ibang story na common yung plot ng love story (hmm, hoping may part 2 or special chapter HAHAHA). Goodluck sa future works mo author. Congrats!
Such a nice story.. Well done author😍😍
15/05/2022
0How could someone be willing to wait in the name of love? This story reminds me that love is not about how long you are willing to sacrifice to someone you love. but to give all you have even there is no certainty. Good job author. 🤗🤗🤗
15/05/2022
0You did great, author! I love the plot of the story, unlike sa mga ibang story na common yung plot ng love story (hmm, hoping may part 2 or special chapter HAHAHA). Goodluck sa future works mo author. Congrats!
08/02/2022
5Tingnan Lahat