Imbes na pansinin siya ay binalik ko ang tingin kay Ashton at tinuloy ang pakikipag-usap. Sorry? Ha! Maybe he noticed that I would ignore him, so he suddenly came over and sat down next to me. I looked at him irritably. "Pwede bang lumayo ka!?" Mukhang nagulat si Ashton sa biglaang paglakas ng boses ko kaya bigla nawala ang ngiti sa labi niya, napalitan ito ng pangingilid ng luha na para bang iiyak na. Nataranta tuloy ako at hindi alam ang gagawin. "Wahh, Baby... hindi ikaw yung sinigawan ko." Natataranta kong sambit. Mas lalo akong nataranta nang umiyak na ito. "M-mi m-mi" Sambit nito at mas linakasan ang pag iyak. Pati tuloy ako ay naiiyak na din! Hindi ko na alam yung gagawin ko! Ngayon lang ako nakahawak ng bata at umiiyak pa! tapos pamangkin ko pa! "Wesley, anong gagawin ko!? Baby Ashton, tama na please." Binalingan ko si Wesley nang hindi niya sinagot ang tanong ko. Nakita ko sa mukha niya ang hindi makapaniwalang tingin sa akin. Para ngang natatawa na siya. "Wesley!! Tawagin mo si Ashra!" Bulyaw ko at tumayo na para ihele si Ashton. Dinantay naman niya ang ulo sa balikat ko pero umiiyak pa rin siya. Tumayo siya at kinuha sa akin si Ashton. "Shhh, Ashton tama na, wag ka ng umiyak para hindi na rin umiyak si Tita Sunny mo." Natatawa niyang sambit. Sinamaan ko siya ng tingin. Umupo siya at kinandong si Ashton. Nagulat ako ng takpan niya ang mukha niya gamit ang isang palad at biglang nag make face kay Ashton. Hindi ko alam pero natawa rin ako kasabay ng tawa ni Ashton. Hindi na ito umiiyak at nakangiti na ulit. Unti-unti tuloy akong na upo sa tabi nila. Napakagat ako sa labi ko habang pinapanood siyang pinapatawa si Ashton. "Bakit biglang sila Kuya at Ashra na? Bakit hindi kayo?" Hindi ko namalayang tanong ko sa kanya. Napabaling ang tingin niya sa akin. Seryoso na rin ang tingin niya sa akin. "Gusto mo na bang malaman ang lahat?" Sabi niya. Unti unti akong umiling at nag iwas ng tingin. Pumikit ako at nagsalita. "Ayoko" Alam kong para na akong tanga dahil nagtanong ako, pero ayaw ko naman malaman yung sagot. Natatakot akong malaman. Natatakot akong malaman dahil baka mahalin ko nanaman siya ulit, gaya ng pagmamahal ko sa kanya noon. Takot na akong masaktan! Ang hirap umahon. May namumuo ng ediya sa isip ko sa nangyare noon na hindi naman talaga sila ni Ashra, pero ayaw kong maniwala. Ayoko ng bumalik sa dati. Ayaw ko ng ibalik yung dating ako. "Gusto ko ng ibaon lahat sa limot." Sambit ko at tumingin sa kanyang mga mata. Nakita ko ang sakit sa mga mata niya. Hindi ko alam kong may mali sa mata ko pero parang nangilid ang luha niya sa kanyang mga mata. "Pati rin ba ako? Gusto mo na rin ibaon sa limot?" Narinig ko ang pagkabasag sa boses niya. Lumipat ang tingin ko kay Ashton na ngayon ay naaantok na ata. Dahan dahan akong tumango ng hindi tumitingin sa kanya. "Ikaw ang pinaka una kong gustong ibaon sa limot, Wesley." Sambit kona hindi siya tinitignan. Sa gabing yun, hindi ako nakatulog. Bumabagabag sa isip ko ang nakita kong sakit at kaunting luha sa gilid ng mata niya. Unang beses kong nakita ang ganon sa mga mata niya. Is he really inlove with me? Bakit? Dahil hindi na ako bata? Hindi na ako bata sa mata niya? If he is really inlove with me, bakit ngayon lang? Bakit ngayong ilang taon na ang nakalipas at suko na ako sa pagmamahal ko sa kanya? **** Puyat na puyat ako. Isang oras lang ang tulog ko! Pero kahit na ganon ay masigla parin ang katawan ko, hindi ko alam kong bakit. Dapat ngayon ay para na akong lantang gulay dahil kulang sa tulog, pero nandito ako ngayon, kinakalikot ang magagandang damit na gagamitin ko papunta sa main hotel branch. "Ate, this red or this black?" Tanong ko sa kanya sa same design, but different color na backless. "Hindi ba subrang revealing naman yan? Kitang kita ang likod mo, Trabaho ang pupuntahan mo, Sunny." Sambit niya. umupo ako at tinignan ang hawak hawak kong damit. "I'm a model, Ate. Alangan namang mag corporate attire ako? No way!" Sambit ko. Sa US nga pag may nakikipag meeting ako, I used those kind of dress. "Yes, Sunny. Mag corporate attire ka! Wala ka na sa US para palaging mag suot ng mga revealing cloths!" Umirap na lang ako at kinuha ang color red. "I think, mas better 'to." Sambit ko na lang at tumayo para isuot iyon. Nakaligo na ako at talagang sa pagpipili ko lang ng damit ang nagpatagal sa akin. Nag apply din ako ng Blush on, powder and red lipstick. *** "Dito sa main hotel branch muna ang first shots mo." Sambit ni Wesley na ang mata ay sa pinepermahan niyang papel. Pagpasok ko kanina ay hindi man lang niya ako tinignan! "Saan next?" Tanong ko na nagbabakasakaling mabaling ang tingin niya sa akin, pero kahit sulyap ay hindi niya ginawa. "Wala pa, ang importante sa ngayon ay ang dito sa main branch." Sambit niya. Ang main branch ay dito mismo kong nasaan kami ngayon. Sa lahat ata ng hotel niya ay may opisina siya. Yung unang pinuntahan ko ay ang pangalawang pinakamalaking hotel nila dito sa bansa. Ang Pinakamalaki ay doon sa korea, ngunit dito sa pilipinas ang main branch. "You have your room here. Paglabas mo ay sasamahan ka ng manager. Gamitin mo yun pag ginabi ka dahil sa photo shoots o kaya pag gusto mong mag pahinga." Sambit pa niya. Napanguso na lang ako. Pagkatapos ng pag-uusap namin kahapon ay nagpaalam lang siya at umalis na. Teka nga! Ano bang pakealam ko kong hindi niya ako tignan? Ano naman kong hindi niya makita ang suot ko ngayon! Diba nga hindi ko na siya papapasukin sa buhay ko! Sunny, Umayos ka! "Do you have also room here?" Napakagat ako sa labi ko ng itanong ko yon. "I mean, Tinatanong ko lang." Mabilis na sambit ko. Ngayon ay nag-angat na siya ng tingin sa akin. "Bakit gusto mong malaman? Mas gusto mo bang sa mismong kwarto ko na lang ikaw matulog pag gagabihin ka sa photo shoot mo? Hindi ako tatanggi kong yun ang gusto mo." Napalunok ako. No way!!! That's that what I mean! "Ang kapal mo. Gusto ko lang itanong!" Bulyaw ko. Nakitaan ko ng ngiti ang labi niya. "Yeah, gusto mo lang itanong, pero bakit nga?" Sumandal na siya sa upuan at tumitig na sa akin. Bubulyawan ko na sana siya ulit nang may naisip. Ganito pala ang gusto niya, ha! Tumayo ako at lumapit sa kanya. Hinawi ko ang buhok ko pakaliwa at linagpasan ang mesa niya. Hinawakan ko ang tie niya para hilahin siya papalapit sa akin. Nakasandal na ako ngayon sa lamesa niya. "Gusto mong malaman kong bakit ko tinatanong?" Malambing kong sambit. Pansin na pansin ko ang gulat sa mga mata niya. Kinagat ko ang labi dahil don. Gulat siguro dahil hindi niya akalaing lalapit ako at sasakayan ang trip niya. "Lumayo ka hanggang kaya ko pang mag pigil, Sunny." Sumeryoso ang expression niya at tumingin sa labi ko. Hindi ko alam kong anong pumasok sa isip ko at dinampian ko ang labi niya ng halik, mabilis lang yon, pero nakita ko ang pagpikit niya na para bang nahihirapan ng magpigil. Mas hinila ko siya nang maamoy ko ang pabango niya. Yung pabango niya noon ay yun pa din. Nakaka adik amoyin. Humahalo ang pabango niya sa natural na amoy niya. Parang kinakain ko lang ang lahat ng sinasabi ko. Sabi ko ayaw ko na siyang pumasok sa buhay ko, pero ano 'to? Damn It. Hahalikan na sana niya ako nang biglang bumukas ang pinto. Sabay kaming bumaling doon. Nakita namin Si Ashra at Ashton na may kasamang babae. Nakita ko ang gulat sa mata ni Ashra. "Mama!" Sambit ni Wesley kaya hindi ko maiwasang manlamig. Tatayo sana si Wesley pero hindi niya nagawa dahil hawak hawak ko pa pala ang neck tie niya. Mama niya? Damn! "Baby, bitawan mo muna ako." Bulong ni Wesley na nagpa mula sa Pisngi ko! Dali dali kong binitawan ang neck tie niya at umayos ng tayo. Para akong naging maamong kuting sa harap ng mama niya. Nahihiya ako dahil sa nadatnan niya. Tinignan ko ang mukha niya at nakita kong hindi niya nagustuhan ang nakita. Inisip ko ang posisyon namin kanina nang pumasok ang mama niya. Hila hila ko siya sa tie na para bang pinilipit ko siya at malapit kami sa isa't isa. Nakakahiya! Paano kong iniisip niya inaakit ko ang anak niya? Pero, parang inaakit ko nga siya kanina. Bakit kasi hindi man lang kumatok!
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (174)
d******b@yahoo.com
Such a nice story.. Well done author😍😍
15/05/2022
0
Fhem De Castro
How could someone be willing to wait in the name of love? This story reminds me that love is not about how long you are willing to sacrifice to someone you love. but to give all you have even there is no certainty. Good job author. 🤗🤗🤗
15/05/2022
0
JazyChialy
You did great, author! I love the plot of the story, unlike sa mga ibang story na common yung plot ng love story (hmm, hoping may part 2 or special chapter HAHAHA). Goodluck sa future works mo author. Congrats!
Such a nice story.. Well done author😍😍
15/05/2022
0How could someone be willing to wait in the name of love? This story reminds me that love is not about how long you are willing to sacrifice to someone you love. but to give all you have even there is no certainty. Good job author. 🤗🤗🤗
15/05/2022
0You did great, author! I love the plot of the story, unlike sa mga ibang story na common yung plot ng love story (hmm, hoping may part 2 or special chapter HAHAHA). Goodluck sa future works mo author. Congrats!
08/02/2022
5Tingnan Lahat