He stared at me as his eyes were already burning with anger. Pinilit kong tinapangan ang expression ko, hindi ko pinakita na kinakabahan na ako. "About the contract na pinermahan ko, ang abogado ko na ang mag-aayos." Seryoso kong sambit at nagtungo sa closet ko para kumuha ng damit. Hindi ko pa nabubuksan ang closet nang mag salita siya. "You didn't read the contract?" Naging mahinahon na ang boses niya. Nang lingunin ko siya ay seryoso lang nakatingin sa akin. "What about it?" Nakakunot na tanong ko. Hindi ko na binasa ang contract dahil si Kuya Grayson naman ang nagbigay. Tiwala ako dahil siya naman ang nagbigay. Pati nga yung pangalan ng boss ay hindi ko na binasa, pinermahan ko na lang agad. Kaya laking gulat ko nang malaman kong siya ang boss! "Hindi mapuputol ang kontrata kahit magbayad ka pa ng milyon." "What!! Are you kidding me!!!" Bulyaw ko at lumapit sa kanya. Nawala na din sa isip ko na tuwalya lang ang nakatapis sa akin. Saka ko lang naalala nang hawakan niya ang tuwalya ko at itinaas, malapit na palang mahulog. Hindi ko maiwasang mamula pero sinawalang bahala ko yun. Subrang kitang kita na sa mata ko ang gulat dahil sa sinabi niya. "Ganyan ba ang ginagawa mo pag pumiperma ka? Dapat binabasa mo. Paano kong iba ang nakalagay don at marriage certificate na pala ang pinepermahan mo!?" Hindi ko siya pinansin at lumapit sa study table ko para tignan ang kopya ko ng kontrata. Nanlamig ako nang makitang tama siya. Sa baba ay nakita ko rin ang pangalan ni Wesley, pero ang surname niya ay Zux. Umiling ako habang hawak ang contrata. Kakasabi ko lang na hindi ko na siya papapasukin sa buhay ko, pero ano 'to? Sa tingin ko ay magiging boss ko siya sa ayaw at gusto ko? Ang nakalagay don ay hindi mapuputol ang contrata hanggang sa magka anak ako! Anong klaseng kontrata 'to!? Tinignan ko siya ng masama at nilukot ang papel na hawak. Binato ko yun sa kanya. "Plinano mo 'to! Nababaliw ka na ba!? You think pag nagtrabaho ako sayo, papapasukin nanaman kita sa buhay ko? No! Kakausapin ko si Kuya!" Bulyaw ko at tumayo. Alam kong may magagawa si Kuya Grayson. Hindi pwedeng ganito! Ayoko na siyang makita araw araw! Natatakot ako! Natatakot ako na makita ulit ang sarili kong mahulog sa kanya at magpakatanga ulit. Lalagpasan ko na sana siya nang hilahin niya ang braso ko pabalik sa harap niya. "What!" Iritang irita na ako! "Magpalit ka muna. Lalabas kang ganyan!?" Saka ko lang ulit naalala na naka twalya parin ako hanggang ngayon. Tinuro ko ang pinto! "Eh, kong lumabas ka sana muna, diba?" Masungit kong sambit. "Bakit pa? Nakita ko naman na yan?" Nang nakita niya na hindi na ako natutuwa ay bumuntong hininga siya at binitawan ang kamay ko. Dahan dahan siyang tumalikod at naglakad na papunta sa pintuan. Hindi ko mapigilang panoorin siya. Damn you, Wesley! **** "Kuya naman! Bakit hindi mo sinabi ang tungkol sa contract!" Bulyaw ko kay Kuya Grayson. Nasa opisina niya ako ngayon. Sa loob ng 4 years, subrang laki na ang agency ni Kuya na XZUS. Nalaman ko rin na hinawakan noon ni Kuya Grayson ang companya ni Lolo pero umalis din. Si Easton na din ang namamahala sa Companya nila. Hindi ko maiwasang magulat dahil.... Si Easton at Wesley ay may kanya kanya na ding companya. Para hindi na ako ma gulat ulit, tinanong ko si Ate Hally kong bakit biglang naging billionaryo si Wesley. Napag alaman kong, mayaman naman pala talaga ang pamilya ni Wesley. Ang mama lang nito ang hindi. Ayaw noong una ni Wesley ang companyang binibigay ng lolo niya, pero namatay daw ang lolo nito kaya wala siyang magagawa kundi patakbuhin ito. May isa pang companya si Wesley pero hindi kasing laki ng companya ng lolo niya. Simula nang patakbuhin ni Wesley ang companya nila ay mas lalo itong lumago, ang dating 20 branches ay naging 50 branches na, ayaw ko mang sabihin pero mahusay siyang humawak ng companya. "Matanda ka na, bakit hindi ka nagbabasa?" Sambit niya habang may pinepermahan. "Dahil binigay mo yun! Malay ko ba na may ganong contract! Dapat kasi sinabi mo! Ayaw kong magtrabaho sa kanya!" Binitawan niya ang hawak na ballpen at tumingin sa akin. "Dapat kasi binasa mo. Sunny, Akala ko ba naka move on ka na? Bakit parang hindi pa? You still love him? Sabihin mo ang totoo." Hindi ako agad nakapagsalita. Parang kailan lang ang bilis kong sumagot pag tinatanong nila ako ng ganon, ngayon bakit parang nahihirapan ako!? "Basta, ayokong magtrabaho sa kanya! Gumawa ka ng paraan, Kuya!" Sambit ko at na upo na sa lamesa. Hinawakan ko pa ang ulo ko habang nakatingin sa kanya. Nakita ko ang pag iling niya kaya nanlumo ako. "Pinermahan mo, Panindigan mo." Yun lang ang sinabi niya at hindi na muli nagsalita. Masama ng loob kong umalis sa opisina niya. Mukhang wala na akong magagawa! Damn it! Sana talaga hindi na lang ako umuwi dito sa pilipinas. **** "Ashton, Babyyy!" Dali dali akong lumapit kay Ashton na kandong kandong ni Ate Hally. Natuwa ako nang I-abot nito ang kamay sa akin. Buti na lang talaga at andito si Ashton! Nakakatanggal ng pagod ang ka cute-tan niya. "Bukas ang simula mo?" Tanong ni Ate Hally nang kunin ko sa kanya si Ashton. Umirap ako dahil sa tanong niya. Kahit ngayong araw lang ayaw kong maalala! kumukulo parin ang dugo ko pag naaalala na magiging boss ko siya. "Goodluck!" Tinignan ko ng masama si Ate Hally nang makita kong natatawa siya. Tumayo lang siya at nagpaalam na aakyat. Tumango lang ako at tinignan si Ashton. He's 2 years old and nakakalakad na, pero subrang oa nila kuya, ayaw daw na hayaang maglakad dahil baka masugatan. Paano matututo ng lubusan kong ayaw nilang hayaan! Napangiti ako nang hawakan at haplusin niya ang mukha ko. "Bakit, baby? Nagagandahan ka sa akin?" Nakangiti kong sambit. lalong lumapad ang ngiti sa labi ko nang ngumiti siya at ipakita ang kakalabas lang na ngipin. "Sabi ni Wesley ang pangit ko daw. Ipagtanggol mo ako ha, Suntukin mo si Wesley pag laki mo, dapat malakas." Nalilibang na ako sa pag kausap kay Ashton, ngumingiti lang 'to na para bang naiintindihan niya ang sinasabi ko. Napansin kong nalipat ang tingin ni Ashton sa likod ko, babaliwalain ko na sana ng may nagsalita. "You're beautiful, sorry na." Malambing na boses ang narinig ko. Napalunok pa ako bago binaling ang ulo sa taong nagsalita. Nakatayo na siya ngayon sa mismong likuran ko habang seryoso ang tingin sa akin.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (174)
d******b@yahoo.com
Such a nice story.. Well done author😍😍
15/05/2022
0
Fhem De Castro
How could someone be willing to wait in the name of love? This story reminds me that love is not about how long you are willing to sacrifice to someone you love. but to give all you have even there is no certainty. Good job author. 🤗🤗🤗
15/05/2022
0
JazyChialy
You did great, author! I love the plot of the story, unlike sa mga ibang story na common yung plot ng love story (hmm, hoping may part 2 or special chapter HAHAHA). Goodluck sa future works mo author. Congrats!
Such a nice story.. Well done author😍😍
15/05/2022
0How could someone be willing to wait in the name of love? This story reminds me that love is not about how long you are willing to sacrifice to someone you love. but to give all you have even there is no certainty. Good job author. 🤗🤗🤗
15/05/2022
0You did great, author! I love the plot of the story, unlike sa mga ibang story na common yung plot ng love story (hmm, hoping may part 2 or special chapter HAHAHA). Goodluck sa future works mo author. Congrats!
08/02/2022
5Tingnan Lahat