See him again

Mabibigat ang mga paa ni Anna habang naglalakad patungo sa conference room. Halos magmukha na siyang multo sa ginagawa niyang pagtatabon ng mukha. Pagkapasok niya sa room ay nakita niyang inukopa ni Jake ang gitnang upuan sa pinakadulong bahagi. Confident na nakaupo ito sa pinakasentro ng mahabang mesa habang ang mga staff ay nasa tabi nito at may mga binuklat na dokumento. Kabang-kaba siya ng mga oras na iyon. Hindi niya inaasahan na makikita niya si Jake sa Cebu pa mismo.
Pagdating sa conference room ay pinili niya ang pinakadulong upuan malayo sa puwesto ng binata at tumabi siya kay Albert na ka-opisina niya. Mabuti nalang at medyo malaki ang katawan ni Albert at nagpakatago-tago at nagsumiksik siya dito.
Looking at Jake halos wala itong ipinagbago. Napakaguwapo parin nito. Naiinis siya dahil tulad ng dati ay napakabilis na naman ng tibok ng puso niya. Hindi niya alam kung dahil sa takot o pagkabigla. Napansin niya ang paghanga ng mga katrabahong babae dito. Napapailing-iling nalang siya, tulad parin ng dati ay umaagaw parin ito ng atensyon mula sa mga kababaihan.
Ilan na kaya ang naging babae nito matapos silang maghiwalay? Ipinilig niya ang ulo. Dapat ay wala na siyang pakialam sa buhay nito. Lampas isang taon narin naman ang nakakalipas.
Nagsimula ang meetin nila at ipinaliwanag ni Jake ang malaking project ng mga ito sa lugar nila at imbes na dalahin ang team ng mga ito mula sa Manila ay napagdesisyonan umano ng mga ito na mag-hire nalang. Isa ang mga services nila ang gusto ng mga ito. Nagtataka siya dahil dati naman ay ginagawa iyon ng team nila nina sir Felix. May nabago yata sa scope ng trabaho ng dati niyang boss.
“Let me discuss the services we are offering Mr. Cristobal,” simula ng boss Monching niya. Nagsimula na ito sa discussion habang si Jake naman ay tila matamang nakikinig dito. Tahimik lang siya na nagdadasal na sana ay matapos na ang meeting na iyon.
“It’s settled then. Kayo na ang kukunin naming consultant,” pahayag nito matapos ang boss niyang magpaliwanag. Tila nabigla ang boss Monching niya sa mabilis na desisyon ng binata. Ikinatuwa iyon ng mga kasamahan niya maliban sa kaniya. Nanlumo siya sapagkat ayaw na sana niya ng ano mang bagay na magpapaalala sa kaniya kay Jake.
“Inaasahan ko na magaling ang team niyo,” narinig niyang paalala ni Jake na tumingin sa kanilang lahat. Mabilis siyang umiwas ng tingin dito.
“Ah yes Mr. Cristobal. Actually one of my staff here, Anna, was recommended by your employee Mr. Felix Hernandez, dati siyang empleyado niyo,” hindi inaasahan ni Anna na hihilahin ng boss ang inuupuan niya palapit sa table para lubos siyang makita ni Jake. She was caught off-guard.
Nanlalaki ang mata niya sa boss Monching niya. Napatingin siya kay jake ngunit wala itong reaction pagkakita sa kaniya. Ni hindi manlang ito nagulat. Ang mga staff nito, lalo na ang secretary nito ang nabakasan niya ng pagkagulat ng makilala siya. Agad siyang napatungo, hindi niya alam pero nasaktan siya ng tila hindi manlang siya nito nakilala. Alam niya ng mga oras na iyon ay wala ng kakulay kulay ang mukha niya sa takot at berbiyos. At ayaw niya ang pakiramdam na iyon.
“Really? Paanong napadpad ka dito Miss Cruz?” tanong sa kaniya ni Jake.
Binalingan naman siya ng boss Monching niya na nakangiti sa kaniya, ini-encourage siya nitong magsalita. Lahat ng mga kasamahan sa conference room na iyon ay nagiintay ng paliwanag niya ngunit umurong yata ang kaniyang dila at sa halip ay mariin siyang umiling. Alam niyang nagtaka ang boss at mga kasamahan niya dahil hindi siya usual na ganoon sa mga meetings nila.
“Pasensiya na Mr. Cristobal, mahiyain kasi talaga itong si Anna at saka medyo masama ang pakiramdam nito kanina pa,” salo nalang sa kaniya ng boss niya. Napangiti naman si Jake dito at hindi niya maiwasang mapairap.
Ang galing magpanggap! Bulong ng isip niya.
Habang nagpatuloy sa pag-uusap ang mga ito ay panay ang sulyap niya sa orasan na nakasabit sa loob ng conference room na iyon dahil kating-kati na siyang umalis. Hindi na niya kayang tagalan pang makasama ang binata sa iisang room. Samut-saring emosyon ang bumabalik sa kaniya making her uncomfortable. Ano kaya kung magresign nalang ako? Pero nanghihinayang siya sa trabaho. Isang kontrata lang naman iyon. Isa lang! Hindi naman niya siguro palagiang makikita si Jake. Isa pa ay siguradong hindi din nito gugustuhin na magkita sila. Hindi maganda ang kanilang nakaraan.
Sa nakalipas na isang taon ay pinilit niyang kalimutan ito gayundin ang lahat ng nararamdaman niya para sa binata. Kung kailan unti-unti na siyang nakakalimot ay saka naman niya ito nakitang muli. Kung siya ang papipiliin ay ayaw na niya itong makita pa. Dalangin niya na sana ay hindi na ito bumalik muli sa opisina nila. Mabuti nalang at tila nagpapanggap din itong hindi siya nito nakikilala. Mukhang mapapanatili naman niya ang trabaho.
Binibilang niya ang bawat segundong lumilipas sa meeting na iyon. Ilang minuto nalang at tatapat na sa alas singko ang oras. Kung pwede lang na hinalahin nalang niya iyon para makauwi na siya. Nakatitig siya sa wall clock ng di sinasadyang mapasulyap siya kay Jake. Nagulat pa siya ng makitang nakatingin din ito sa kaniya. Hindi niya alam ang magiging reaction dito kung kaya tumungo nalang siya at mabilis na kinalap ang mga gamit sa table.
Pagkasabing-pagkasabi ng boss niya na dismiss na ang meeting na iyon ay mabilis siyang tumayo at dire-diretso agad siyang lumabas ng room. Ni hindi na siya lumingon sa mga kasamahan.
“May lakad ka?” maang na tanong sa kaniya ni Albert na nakita ang pagmamadali niya.
“Wala naman. Kailangan ko lang makauwi agad,” pagkakaila niya.
“Hatid na kita?” alok nito.
“Naku huwag na,” tanggi agad niya dito. Matagal na siyang pinopormahan nito ngunit hindi niya ito pinagbibigyan na manligaw. Sarado na ang puso niya sabi niya sa sarili.
Mabilis niyang dinampot ang mga personal na gamit sa table niya at isinilid iyon sa bag. Sa sulok ng mata niya ay nakita niya ang paglabas ni Jake at mga kasamahan nito. Ramdam niya ang mga mata ng mga kasamahan nito na nakamasid sa kaniya pero hindi niya ang mga ito pinansin.
Pagkalabas sa building kung saan naroon ang opisina nila ay agad siyang pumara ng masasakyan. Nang makarating sa bahay na inuupahan ay saka lang siya tila nakahinga ng maluwag. Ang sama naman ng simula ng taon ko bulong niya sa sarili. Agad siyang nagbihis at mabilis ang mga galaw na naghanda ng hapunan niya. Sanay na siya sa ganoong routine. Matapos iyon nanuod muna siya ng tv pero ang isip niya ay ginugulo ng mga pangyayari ng araw na iyon. Walang wala sa isip niya na makikita niya si Jake ngayon.

Komento sa Aklat (359)

  • avatar
    PalomarJessa

    i love the story it reflect me for who i am ..

    03/08/2022

      0
  • avatar
    Sonia Azucena

    thanks writer ang Ganda Ng story

    09/09/2025

      0
  • avatar
    KaeShi

    i love it

    05/09/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata