Homepage/After You Walked Away/
Uninvited guest
Pinagmamasdan ni Anna si Jake na nakapikit sa tabi niya, kasalukuyang bumabyahe sila papunta sa Manila para sa engagement party ni Natasia at Stephen. Hindi siya makapaniwala na kasama na niya ulit ito. Buong akala niya ay tatanda na siyang dalaga.
“Anong iniisip mo at kanina ka pa pangiti-ngiti diyan?” tanong ni Jake sa kaniya kahit nakapikit ito. Nakikita pala siya nito. Hindi siya sumagot at sumiksik lang siya lalo sa tabi nito.
Gabi ng idaos ang party para kina Stephen at Natasia, umuwi ang mga magulang ni Natasia mula sa ibang bansa para umattend samantalang ang mommy Em lang ni Stephen ang naroon. As usual ay wala si Henry. Sabay sila ni Jake dumating sa venue, naroon na ang parents nito na agad nilang nilapitan at binati. Naroon din sina Gab at pamilya nila Sarah at Dean. Simple lang ang party at ilang malalapit na kaibigan at kamag-anak lang ang naroroon.
Ilang sandali pa at nagsimula na ang program. Nagpalakpakan sila ng tawagin sina Stephen at Natasia para pormal na i-announce ang engagement ng dalawa. Masaya siya para sa kaibigan, mabuti nalang at naka-suporta sa mga ito ang mommy ni Stephen. Nasa kalagitnaan sila ng party ng biglang dumating ang pamilyar na lalaki at dire-diretso ito sa gitna kung saan naroon sina Stephen at Natasia. Sa likod nito ay ang mga unipormadong staff. Maging ang emcee ay hindi malaman kung paano ito babatiin. Bigla siyang kinabahan ng mapagtantong ang daddy ni Stephen iyon. Henry Cristobal! Napatingin siya kay Jake at agad na hinawakan naman nito ang kamay niya.
Hiningi ni Henry ang mic sa emcee na halata ang kaba.
“I’m sorry, I was not informed that there is a party going on here. Nakapagtataka dahil halos buong pamilya ko ay naririto. Mga pamilya na walang utang na loob. At higit sa lahat, mga anak na suwail,” sarcastic ito at inilibot ang paningin sa table nila. Base sa anyo at paraan ng pagsasalita ay nakakainom ito. Magsasalita pa sana ito ng marinig nila ang malakas na boses ng mommy nila Sarah.
“Henry!” lumapit ito sa lalaki. “What are you doing? Please, stop it!”
“How dare you! Isa kang taksil. Mga taksil kayong lahat!” sigaw ni Henry sa asawa at tumingin din kay Sarah at Stephen. “Mga walang utang na loob! Akala nyo ba ay hindi ko malalaman na sinusuway ninyo ako!”
“Henry please,” pakiusap parin ng mommy ni Stephen.
“You!” baling nito kay Stephen. “Hindi ka magpapakasal! Isang kahihiyan ang babaeng ‘yan!” Malakas na sigaw nito. “At ikaw! Ang lakas ng loob mong suwayin ako! Makakatikim ka sakin!” sigaw nito sa asawa.
Umiiyak na noon si Natasia at agad itong dinaluhan ng mommy nito. Hindi malaman ni Stephen kung paano ito aaluin. Tumayo si Tristan at nilapitan ang kapatid.
“Henry ano ba ang nangyayari sayo? Bakit hindi mo sila hayaan--”
“Wag mo akong panghihimasukan dahil pamilya ko ito!” galit na sagot nito. “Come on! Umuwi ka na!” baling nito sa asawa. “At itigil niyo na ang walang kwentang party na ito dahil walang kasalang magaganap!” sabi pa nito sa mga bisita.
“No!” mariing wika ng mommy ni Stephen. “Hindi ako sasama sa iyo Henry. For many years ay wala akong ginawa kundi ang sundin ka! Tiniis ko lahat dahil minahal kita. I guess it’s about time na piliin ko naman ang mga anak ko. Matutuloy ang kasal and we do not need your approval!” Napanganga lahat sa narinig. “Get out of here!” sigaw ng mommy ni Stephen.
“Pinapaalis mo ako? How dare you! Siguraduhin mo lang na kaya mo mabuhay ng wala ang suporta ko!”
“Of course! Mula ngayon ay hindi na ako uuwi sa bahay natin. Now get out and do not ruin our party!”
“You will regret this, I promise you..” lumibot pa ang tingin nito sa kanilang lahat. “You will regret this!” banta nito bago umalis ng hall na iyon.
Umahon ang kaba niya sa bantang iyon ni Henry Cristobal.
Simula ng insidente sa engagement party nila Stephen at Natasia ay madalang umano magpakita si Henry sa trabaho at pinag-iisipan ng palitan ito sa position. Nabalitaan din ni Anna mula kay Jake na tuloyan na itong hiniwalayan ng tita Em. Dinadamdam iyon ni Sarah at Stephen ngunit alam ng mga ito na hindi malabong maghiwalay ang mga magulang. Makailang beses din sinubukan ng kapatid na si Tristan na kausapin si Henry ngunit nagmamatigas ito. Malimit binibisita ni Sarah ang ama sa pag-asang magbabago pa ang isip nito. Sa halip ay napapansin umano ng dalaga ang kakaibang ikinikilos ng ama. Ayon dito ay lalo itong lumala at nag-aalala sila dito.
“Natatakot ako sa tito Henry mo, ewan ko ba,” sinabi ni Anna kay Jake habang kausap ito sa cellphone. Nasa opisina siya noon at kasalukuyang lunch break nila. She heard Jake’s heavy sigh. Alam niyang nag-aalala din ito ngunit hindi lang sa kaniya ipinapahalata.
“Wala siyang pinakikinggan. Kahit kay dad ay hindi siya nakikinig. We want him to undergo psychiatric evaluation pero lalo lang siyang nagagalit sa tuwing susubukan siyang kausapin,” malungkot na wika nito.
“Paano iyong wedding nila Natasia and Stephen?”
“Sabi ni tita Em ay tuloy parin iyon kahit nagkakagulo sila ni tito Henry”
Akala niya noong una ay magiging okay na ang kasal ng kaibigan, iyon pala ay magiging magulo ito. Hindi niya akalaing magkakaganoon si Henry Cristobal. Noon lang din niya nalaman na lalo itong naging malupit ng mga nagdaang taon. Madami sa staff nito ang piniling mag-resign nalang dahil sa ugali nito.
“Pumunta kayo ako diyan bukas?” paalam sa kaniya ni Jake.
“Hindi ka ba busy?” nag-aalala siya sa palagiang pagbyahe nito sa kaniya. Halos linggo linggo yata itong pumupunta sa kaniya.
“I’ll check my schedule,” sagot nito at maya-maya pa ay nagpaalam na ito dahil may meeting na kailangan puntahan.
Kinabukasan nga ay nagtext ang binata at sinabing darating ito ng hapon. Sa opisina na niya ito inintay at pagkatapos ay nag-dinner sila.
“Baka napapabayaan mo na ang trabaho mo?” tanong niya dito.
“Hindi naman ako pupunta dito kung alam kong hindi kaya ng schedule ko,” walang anuman na sagot nito habang kumakain sila. Hindi na siya nagkomento pa dahil alam naman niyang responsible talaga ito.
Nasa sofa siya noon habang naglalaro ng games sa cellphone at si Jake naman ay abala sa trabaho, “Ano kaya kung maghanap nalang ako ng trabaho sa Manila?” tanong niya. Narinig niyang saglit na tumigil ang mga kamay nito sa pag-type sa keyboard.
“Are you sure?”.
“Kung may mahahanap ako,” sagot niya.
“Bakit hindi nalang sa amin—“
“Ayoko!” Putol niya agad sa sasabihin nito.
“Okay, I’ll help you find a job then,” walang anuman na sagot nito. Napangiti siya at ang plano niya ay magpapasa na siya ng resume online.
Dumating ang araw ng kasal nina Stephen at Natasia. Katulad ng engagement ay pinili ng dalawa na maging simple lang iyon at ilang close friends and relatives lang ang invited. Humahangang tiningnan niya ang kaibigan ng matapos itong ayusan ng make up artist.
“Ayy ilan kaya ang mga lalaking luluha ngayon dahil mamaya lang ay married ka na!” tili ni Gab.
Naihampas ni Natasia dito ang bouquet na hawak “Walang iiyak sakin dahil matagal na naman nilang alam na may boyfriend ako. Ano ako flirt?!” natatawa ito sa kaibigan.
“Ayy beshy masisira ang flowers. Ibigay mo nalang kaya yan sakin para ako na ang kasunod na kakasalin” sagot na naman ni Gab dito.
Natatawa siya habang pinakikinggan ang usapan ng mga ito. Kasama ulit siya sa abay kaya nandoon siya sa room ni Natasia. Ngunit si Gab ay nagsumiksik din sa room na iyon. Matapos ang picture taking ay nagtungo na sila sa simbahan. Habang magkasabay na bumabyahe sila ni Jake ay hindi niya mapigilang alalahanin ang wedding ni Sarah, noong hindi pa sila ng binata lubos na magkakilala at napakasungit nito sa kaniya.
“Whats with that smile?”
“Naalala ko lang noong wedding ni Sarah. Ang sungit mo noon sa akin.”
Tiningnan siya nito at ngumiti din. “Yeah, palagi kang nakatingin sa akin noon.”
“What? Hindi ba baliktad?” naasar na sagot niya at malakas itong tumawa.
Natapos ang wedding ceremony at nagpictorial pa sa simbahan saka sila pumunta sa reception. Tumatawa sila sa program noon ng sadyain nina Stephen na kay Gab ibigay ang garter at sa pinsan ni Natasia ang bouquet. Kaya naman si Gab ang naglalagay ng garter sa legs ng babae at mas malakas pa ang tili ni Gab kaysa sa babae.
“Higher! Higher!” sigaw nila.
“Tama na! Nakakadiri kaya!” kunwari ay sigaw ni Gab at nakatikim ito ng sapok sa pinsan ni Natasia. Malakas silang nagtawanan dahil doon.
Matapos iyon ay pumailanlang ang sweet music at inanyayahan ang mga bagong kasal sa isang sayaw. Nasa sentro sina Stephen at Natasia ng mapansin niya ang dalawang lalaking dumating at pumwesto malapit sa mga ito. They are wearing a formal dress ngunit parang kinabahan siya pagkakita sa mga ito. Kitang-kita niya ng bigla ay nagbunot ang mga ito ng baril at napasigaw siya sa takot. Napansin siguro ni Stephen ang lalaki at maagap nitong iniharang ang katawan kay Natasia para protektahan ang babae. Narinig niya ang putok ng baril at nanlaki ang mata niya ng bumulagta si Stephen sa sahig. I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (359)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
i love the story it reflect me for who i am ..
03/08/2022
0thanks writer ang Ganda Ng story
09/09/2025
0i love it
05/09/2025
0Tingnan Lahat