Homepage/After You Walked Away/
Greed
Nagsimulang magkagulo ang mga bisita, may nagsigawan at nagtakbuhan. Para naman siyang napako sa pwesto ng marinig ang malakas na sigaw ni Natasia at mommy Em ni Stephen. Isa pang putok ng baril ang narinig niya at titingnan sana niya ang nangyayari ng hilahin siya ni Jake patago sa mesa nila. Nakita din niya doon si Sarah na nanginginig yakap yakap ang anak nito.
“Dito ka lang at wag kang titingin,” bilin nito sa kaniya at saka tumakbo papunta sa pwesto nila Stephen. Nabalot siya ng kaba sa pag-alis ng lalaki.
“Jake!” susunod sana siya sa binata pero pinigil siya ni Dean sa braso.
“Anna, it’s not safe. Makinig ka kay Jake!” Mahigpit ang hawak sa kaniya ni Dean at wala siyang nagawa kundi makinig dito. Hawak din nito si Sarah at ang anak na noon ay hilam na ng luha ang mga mata.
Namataan niya ang ilang security personnel na dumating at nakatago sa iba’t-ibang pwesto sa lugar. Isa pang putok ng baril ang narinig niya at narinig niya ang ang mommy ni Jake na sumigaw.
“Jake! No! Jake!” naririnig niya ang boses na Margarette na papalayo ng papalayo sa kanila.
Tila tinatambol ang dibdib niya sa narinig, Anong nangyari kay Jake? Hindi siya nakapagpigil at sinilip niya ang mga nangyayari. Nagulantang siya ng makita ang binata na nakikipagbuno sa lalaking may hawak na baril. Nagpumiglas siya sa hawak ni Dean at tumakbo siya malapit kay Jake at sa lalaki.
“Anna! Sh*t!” sigaw ni Dean pero hindi niya ito pinansin.
Namataan niya sina Stephen at ang mommy nito na nakabulagta sa sahig habang si Natasia ay pilit kinuha ng daddy nito para itakas.
Nagpambuno si Jake at ang lalaki, pinipilit ni Jake agawin ang baril dito. Nagawa nitong ilayo iyon ngunit nagpilit din ang lalaking damputin iyon. Nagawa si Jake daganan ng lalaki ngunit nasipa nito ang baril papalayo. Nilakasan ni Anna ang loob, tinakbo niya ang pwesto ng baril at pinulot iyon. Nakita niya ng manlaki ang mga mata ni Jake ng makita siya.
“Anna get out of here!” sigaw nito sa kaniya.
Gusto niyang magsisi sa ginawa ng makitang susunggaban siya ng isa pang lalaki na sa tingin niya ay kasama ng naunang nagpaputok ng baril. Inilang hakbang lang nito ang distansya sa pagitan nila. Tumalikod siya para tumakbo ngunit nadapa siya dahil sa nangangatog na tuhod at naka-heels pa siya. Inaasahan na niya ang lalaki na aagawin sa kaniya ang baril ngunit imbes ay mga putok ng baril ulit ang narinig niya. Nanginig ang katawan niya sa takot habang nakadapa at itinakip niya sa tainga ang mga kamay sa takot. Nawala ang mga putok ng baril at pinakiramdaman niya kung natamaan ba siya ngunit wala siyang naramdaman na sugat sa katawan. Lilingon sana siya para tingnan kung anong nangyari pero mabilis siyang niyakap ni Jake at tinakpan nito ang mata niya. Naramdaman din niya ang pagkuha nito ng baril sa kamay niya. Isang boses ng lalaki ang narinig niya “Sir are you allright?”
Inakay na siya ni Jake papalayo sa lugar at nakasalubong niya ang nagtatakkbuhan na mga security personnel. Mabilis ang mga kilos ng mga ito at nakita niya ng isinakay ng mga ito sina Stephen at ang mommy nito sa ambulansya. Maging ang mga lalaking bumaril sa mga ito ay dinala din sa hospital.
Sumama siya hospital kung saan isinugod si Stephen at ang mommy nito. Si Natasia ay nawalan ng malay sa mga nangyari at naka-confine din doon. Binabantayan ito ng mommy at daddy sa isang room at naroon din si Gab. Nadatnan nila si Sarah na nagiintay sa labas ng operating room. Maputla ito at kumalat na ang make up nito dahil sa kaiiyak. Katabi nito si Dean na bakas din ang pag-aalala sa mukha. May mga pulis sa di kalayuan na nakabantay sa kanila. Nang dumating sila ay puno ng reporters sa labas ng hospital at pinipigilan lang ang mga iyon ng mga security na makapasok.
Ang tito Tristan at si Jake ay abala noon sa pakikipag-usap sa mga pulis. Naupo siya sa tabi ni Sarah at pinisil ang kamay nito. Tumingin ito sa kaniya at gusto niyang mahabag sa itsura nito. Yumakap ito sa kaniya at humagulhol ng iyak, wala siyang magawa kundi ang yakapin lang ito. Tumulo narin ang mga luha niya. Diyos ko, iligtas Mo po sila Stephen at tita Em. Ilang oras na silang naghihintay sa labas ng operating room noon pero hindi parin lumalabas ang mga doctor.
Maya-maya ay narinig niyang nagkakagulo ang mga doctor sa loob. Rumehistro ang magtinding pag-aalala sa mukha ni Sarah at nagpilit itong sumilip sa maliit na bintana ng operating room. Biglang tila nawalan ito ng lakas sa nakita at napaupo sa sahig. Agad itong niyakap ni Dean para itayo ngunit patuloy lang sa pag-iyak si Sarah sa sahig. Hindi niya alam ang sasabihin o gagawin para aluin ito.
Lumabas ang isang Doctor at tumingin sa kanila. Hindi magawang magtanong ng dalaga dito kaya ito na mismo ang naunang magsalita, “I’m sorry Ma’am, ginawa namin lahat ng makakaya namin pero hindi na namin naisalba si Mrs. Cristobal. We are very sorry” hatid na balita nito. Lalong lumakas ang iyak ni Sarah, yakap yakap ito ni Dean habang nakaupo ito sa sahig. Maging siya ay naiyak narin sa nasaksihan. Namataan niya ang pagdating ni Jake kasama ang daddy nito.
“What happened?” nag-aalalang tanong nito. Tumingin ito kay Dean na umiling lang.
Naunawaan agad ng mga ito ang ngyari, nanghina din ang daddy ni Jake at napaupo ito sa isa sa mga upuan doon. Nakita niya ang pag-agos ng luha sa mga mata nito.
Bumukas ulit ang pinto ng operating room at muli siyang kinabahan. Nakatingin lang sila sa doctor na lumabas at walang may nais magsalita. Lord please! Please! Parang hindi na nila kakayanin kung isa pang malungkot na balita ang ihahatid nito. Natasia naisip niya ang kaibigan na nasa room din ng hospital na iyon. Hindi pa man nagsasalita ang doctor ay naiyak na siya ng maalala ang kaibigan.
“Mr. Cristobal is under observation, for now stable naman ang lagay niya” paalam nito sa kanila. Kahit papaano ay nakahinga siya ng maluwag.
“Sir,” napalingon sila sa dumating na mga pulis at tinawag ang daddy ni Jake. Agad namang lumapit ang lalaki sa mga ito. Mahina ang boses habang nag-uusap ang mga ito at hindi niya alam ang sinabi ng mga ito kay Tristan ngunit ng lumingon ito sa dako nila ay nakita niya ang ilang butil ng luha na tumakas sa mga mata nito. Tumango ito sa kausap at humakbang patungo sa kanila.
“Sarah, hija,” tawag nito kay Sarah. Hindi na nito napigilan ang emosyon at tumulo ang mga luha ng muling magsalita, bahagya pang pumiyok ang boses nito. “Your father is..dead.”I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (359)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
i love the story it reflect me for who i am ..
03/08/2022
0thanks writer ang Ganda Ng story
09/09/2025
0i love it
05/09/2025
0Tingnan Lahat