The Wedding

One month later
“Anna, Oh my God! Kailangan na daw nating umalis kundi ay male-late na tayo!” Nagpa-panic na tawag sa kaniya ni Gab sa pintuan ng CR ng hotel na kinaroroonan niya.
“Sabihin mo wait lang Gab hindi pa tapos si Anna!” Nagpa-panic narin ang boses ni Natasia habang nakaalalay sa kaniya. Pinapaypayan siya nito gamit ang mga kamay at pinupunasan ang butil ng pawis sa kaniyang noo.
Napangiwi siya habang nagsusuka sa CR. It’s her wedding day pero hindi tulad ng ibang kakasalin na kalmado habang inaayusan ay heto siya at nagsusuka. Ang gusto ni Jake ay makasal agad sila kahit one month lang ang preparation. Ngunit napakahirap niyang maglihi, halos araw araw siyang nahihilo at nabawasan pa ang timbang niya dahil sa matinding pagsusuka. Halos ang binata at mga kaibigan ang nag-asikaso ng karamihan sa kailangan para sa wedding nila dahil masama palagi ang pakiramdam niya.
“Okay ka na? Okay ka lang ba?” tanong sa kaniya ni Natasia at pinunasan ang namuo na pawis sa noo niya sa kabila ng airconditioned room. Sa loob ng room ay ang mga staff at make up artist niya na nag-aalalang nakatingin sa kaniya.
“Anna! Sige ka ako ang magpapakasal kay papa Jake kapag hindi ka umayos diyan!” banta sa kaniya ni Gab. Natawa siya pero hindi parin maalis ang pagkahilo niya.
“Kaya mo na? Pupunta na tayo sa church,” tanong ulit sa kaniya ni Natasia. Mabuti nalang at napaka-supportive nito sa kaniya. Nang tumango siya ay dire-diretso silang lumabas dahil kailangan na nilang pumunta sa simbahan.
Tinulongan siya ng mga kaibigan na makasakay ng sasakyan. Kinakabahang tumingin siya kay Natasia.
“Don’t worry, napakagandang bride mo parin. Smile ka lang at malilimutan mo ang pagkahilo,”pagpapakalma nito sa kaniya.
Ang tiya Belen ang nakasabay niya sa sasakyan. Naluluha ito ng makita siya at pinagmasdan siya nitong mabuti.
“Anna, napakaganda mo ngayon nene. Siguradong kung nandidito ang mama mo ay tuwang-tuwa iyon,” emosyonal ito. Niyakap niya ito at nagpasalamat sa pagsama sa kaniya sa araw na iyon.
“Tiya huwag ka ng umiyak kasi naiiyak din ako,” sagot niya.
“Naku! Baka masira ang ayos mo,” pinunas nito ang luha at saka ngumiti sa kaniya.
“Salamat po Tiya at nandiyan ka palagi para sa akin.”
Nang makarating sa simbahan ay lalo siyang kinabahan. Tanaw niya buhat sa bintana ang ilang press na naroroon. Sinalubong siya ng mga staff, photographer at videographer. Ultimo pagbaba niya sa sasakyan ay makailang beses kinunan ng mga ito.
Nangangatog ang tuhod niya ng pumwesto na siya sa pintuan ng simbahan. Naririnig niya ang isang coordinator na may hawak na radio. “Start na po tayo!” Bumilang ito at unti-unting bumukas ang pintuan ng simbahan na kinatatayuan niya. Kasabay noon ang magandang tinig ng isang babae.
Higher than the sky above you
Clearer than blue
Brighter than the rays of sunshine..
Nagsimula siyang lumakad at nakita niya ang ilang mga kamag-anak at kaibigan na naroron. Inimbitahan din nila ang ilan sa mga dati niyang katrabaho at nakamasid sa kanila. Naroon ang boss Felix at sina Sherry na masayang nakangiti. Namataan niya ang mommy ni Jake na nagpupunas ng luha, katabi nito ang asawa na nakangiti habang pinapanuod ang paglakad niya. Ganoon din sina Gab at Natasia na bakas ang luha sa mga mata. Napakaswerte niya sa dalawang kaibigan na simula una ay hindi siya iniwan. Hindi niya alam kung dahil ba sa magandang boses ng babae pero nagsimula naring magtubig ang kaniyang mga mata. Aya sana niya umiyak pero nadadala siya ng samut-saring emosyon.
More than all the wonders you see
It's the most wonderful thing
Nakangiting pumalakpak si Sarah ng tingnan niya ito. “Congratulations!” nabasa niya sa mga labi na inimik nito. Naalala niya ang araw na una niya itong makita, ito ang dahilan kung bakit nakilala niya si Jake. Tila hulog ng langit sa kaniya ang dalaga. Naroon din si Stephen at si Dean na katabi ni Jake sa unahan. Natuon ang mga mata niya kay Jake na nagiintay sa kaniya.
One love
I love you so
Love is the beautiful one
Pinagmasdan niya ang guwapong mukha ng mapapangasawa. Hindi niya alam kung bakit minahal siya nito. Ito narin ang nagsabi na wala namang special sa kaniya. Madami narin silang pinagdaanan at minsan narin siyang nasaktan, pero hindi manlang nabawasan ang pagmamahal niya dito. Akala niya noon hindi niya maunawaan ang mga tao na pinipili paring mahalin ang taong nakasakit na sa kaniya. Pero ngayon niya napatunayan na may mga tao na deserve mabigyan ng second chance. Tulad nila. Tulad ni Jake. Pinatunayan din nito sa kaniya ng ilang beses kung gaano siya nito kamahal.
Nang makalapit siya dito at abutin siya nito ay bumulong ito. “You look so pretty babe. Please don’t cry.”
Ilang oras pa ay inanunsyo na ng pari na ganap na ang kanilang pagiging mag-asawa. Hinagkan siya nito sa mga labi sa harap ng mga tao na naging bahagi ng pagmamahalan nila.

Komento sa Aklat (359)

  • avatar
    PalomarJessa

    i love the story it reflect me for who i am ..

    03/08/2022

      0
  • avatar
    Sonia Azucena

    thanks writer ang Ganda Ng story

    09/09/2025

      0
  • avatar
    KaeShi

    i love it

    05/09/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata