Homepage/After You Walked Away/
Ending
Masayang pinagmasdan ni Anna ang batang lalaki na natutulog sa kama nila. Hindi maipagkakailang kamukha ito ng daddy niya. Those eyes and thin lips ay si Jake agad ang maiisip mo. Napangiti siya ng bahagyang kumibot ang labi ng bata habang natutulog. Nanaginip ka ba baby Daniel namin?
Magdadalawang taon na silang kasal ni Jake at masasabi niyang masaya siya. Wala silang hindi napagkasunduan. Maalaga ito at inuuna nito ang mga pangangailangan nila ng anak.
Narinig niya ang pagpasok ng sasakyan sa parking at agad siyang sumilip sa bintana. Galing ito sa business trip at tatlong araw na hindi niya ito nakita. Pagbaba ni Jake sa sasakyan ay tumingala agad ito sa bintana kung saan siya naroon. Alam na agad nito na naroon siya at nagiintay, napahiya naman siya ng mahuli siya nito. Ngumisi ito sa kaniya at pumasok na sa kabahayan.
“Missed me?” tanong nito ng pumasok sa kwarto nila.
“Shhh” saway niya dito at ininguso ang anak na natutulog.
Tiningnan naman nito ang anak tapos ay bumaling sa kaniya “Come on babe, mabuti at tulog pa” Bago pa siya makapagprotesta ay agad siya nitong hinagkan sa mga labi at naramdaman niya ang mga kamay nito sa loob ng damit niya. Nawala ang sasabihin niya dahil sa ginawa nito. Tinugon niya ang mga halik ng asawa, akmang itataas nito ang damit niya para alisin iyon ng marinig ang iyak ng anak nila. Kaagad siyang kumalas dito at lumapit sa anak. Napangiti siya ng marinig ang pagbuntong hininga ni Jake.
Nakayakap sa kaniya ang anak at pinapatahan ito “Shh, why baby? Anong napanaginipan mo?” Kahit pa kamukha ito ni Jake ay sa kanya naman ito habol. “Ayan na si daddy oh” at itinuro si Jake.
“Hello baby, matulog ka pa. Na-miss ni daddy si mommy eh.”
“Kakagising lang niyan patutulogin mo agad” tumatawang sagot niya.
Kinuha nito sa kaniya ang anak at hinagkan sa pisngi. Pinagmasdan niya ang mga ito. Thank you, Lord, for giving me this man.
“Why?” nagtatakang tanong sa kaniya ng asawa ng makita ang mga tingin niya.
“Wala lang, naisip ko lang na ang swerte ko. Gusto ko lang magpasalamat sa mga ginagawa mo para samin ni Daniel”
Pinisil nito ang ilong niya “No babe, ako ang dapat magpasalamat sayo. Thank you for giving me another chance to be with you. When you gave me that second chance, I promised myself that you will always be my priority. I will always consider your feelings at lalong higit kong pag-iisipan ang mga decision ko dahil ayoko nang magkamaling muli tulad noon” seryosong sagot nito at kinilig naman siya dito pero hindi siya nagpahalata.
Bigla ay naalala niya ang babaeng dahilan ng hiwalayan nila noon “Si Jane nga pala? Kumusta na siya?”
“She’s getting married” nakatawang sagot nito sa kaniya.
“Really?” nabigla siya sa balitang iyon. “Paano mo nalaman?” tanong niya dahil ang alam niya ay nasa ibang bansa na si Jane.
Napatingin naman sa kaniya si Jake “Whooaa don’t tell me nagseselos ka parin—“
“Hindi ah. Nagbago na ako, I trust you” nakatawang sagot niya.
Tumaas naman ang kilay nito na tila hindi naniniwala sa kaniya kaya lalo siyang natawa dito. Magsasalita sana siya ng makarinig sila ng mga katok sa pinto. Nagulat pa sila ng makita ang mommy at daddy ni Jake doon.
“Yes mom?” nagtatakang tanong ni Jake sa mga ito.
“Where is my apo?” sa kamay nito ay mga paper bag. Siguradong pinamilhan na naman nito ng mga gamit at laruan ang anak niya. “Hihiramin sana namin siya at ipapasyal” paalam nito sa kanila.
Tumingin sa kaniya si Jake at tumango naman siya “Bibihisan ko lang po” tumayo na siya at binihisan ang anak. Si Jake naman ay kinuha ang bag at inilagay narin doon ang mga gamit ng anak.
“Mom, dad isama nyo nalang si Ella para hindi kayo mahirapan” tukoy nito sa taga-alaga ni Daniel.
Ilang minuto pa at nag-kiss na sila sa anak ng isama na ito ng mga lolo at lola. Umakbay sa kaniya si Jake at ikinawit naman niya ang braso sa baywang nito. Pinagmasdan niya ang asawa inalala niya ng una niya itong nakilala. Ayaw nito sa kaniya at napakasungit pa, sino ba ang mag-aakala na ito pala ang mapapangasawa niya?
“Ano na namang iniisip mo?” tanong nito. Alam pala nitong nakatitig lang siya dito.
“Wala, iniisip ko kung pwede na ba nating ituloy iyong naputol kanina ng magising si baby?”
Nag-isip muna ito at ng maalala ang tinutukoy niya ay lumawak ang pagkakangiti nito. “Let’s go upstairs, gawa tayo ng little Anna.” Magkahawak kamay na pumasok sila sa loob ng bahay.
-----End------
Thank you all for reading.
-BlaireI-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (359)
Share
Tapusin
Mga rekomendasyon para sa iyo
i love the story it reflect me for who i am ..
03/08/2022
0thanks writer ang Ganda Ng story
09/09/2025
0i love it
05/09/2025
0Tingnan Lahat