Continuation Jake POV: Matapos ang pakikipaghiwalay niya kay Anna noon ay nakiusap siya sa tito Dave na huwag ng mag-file ng case sa dalaga at sa company nila. He literally begged him. Pumayag naman ito at dahil doon ay hindi na niya nagawang umurong sa partnership sa mga ito. Alam niya disappointed sa kaniya ang dad niya. The company has suffered due to his personal problems. Nangako siya sa sariling babawi sa dad niya, kaya tinikis niya si Anna. Hindi niya sinagot ang mga messages nito kahit masakit din para sa kaniya iyon. Pero nagbago ang lahat ng umuwi siya galing sa training nila sa Japan. Akala niya ay kaya niyang panindigan ang decision, but he was so wrong. Hindi siya makapag-focus sa training. Ang dalaga ang palagi niyang naiisip, he even contemplates giving up his career and position in the company. Mamumuhay nalang siya ng simple kasama ang dalaga. Katulad ni Stephen. Pagkauwi ay dumiretso agad siya sa apartment ng dalaga para lang madatnan iyong walang gamit. Ayon sa may-ari ay umalis na daw si Anna kasama ang tiyahin nito ilang linggo na ang nakararaan. Kahit wala pang pahinga ay agad siyang bumiyahe patungo sa mga ito. Alam niyang masama ang loob sa kaniya ng Tiya Belen ni Anna ng harapin siya nito. Kahit anong pakiusap niya ay hindi niya nakaharap ang dalaga. Wala umano si Anna doon at nakiusap pa ito na pabayaan nalang niya ang pamangkin dahil noong una pa lang umano ay alam na nito na hindi sila bagay. He stayed there for days. Ilang beses siyang bumalik sa bahay ng mga ito at humingi ng tawad dito ngunit bigo siyang malaman kung saan nagpunta ang dalaga. Nagtanong din siya kina Gab at Natasia ngunit maging ang mga ito ay wala ding alam. Ni hindi alam ng dalawa na umalis na pala si Anna sa apartment. He began to realize the consequences of his action. Saan na kaya nagpunta si Anna? Saan pa niya ito pupuntahan? He is in denial. Bumalik din siya sa apartment pero iba na ang umuokupa ng dating unit ni Anna. Ilang araw na ang lumipas ngunit hindi niya ito makita o macontact manlang. Maging ang tito Henry niya ay gusto na niyang pagdudahan. Pagkauwi lang niya nalaman mula kay Sarah na tinanggal si Anna sa trabaho. He felt terrible about leaving her in such a terrible situation. Kaya pala umalis na ito. Even though he was the one who broke up with her, he still felt empty. Pakiramdam niya siya ang naiwan. And he knows deserves the pain. Days turned into months, and he was left wondering where she went. Paminsan-minsan ay sinusubukan niyang tawagan ang number ni Anna, umaasa na magri-ring iyon, ngunit hindi na talaga niya ito macontact. Ilang beses pa siyang palihim na bumalik sa Laguna, umaasa siyang uuwi doon ang dalaga ngunit natapos na ang taon pero walang Anna na umuwi sa mga ito. Sa mga panahon na iyon ay pinabayaan na niya ang project with Jane. Napatunayan niyang tama siya. Nagsimula na maging magulo ang project nila. Delay sa billing, materials, magulong sistema at higit sa lahat tila walang makuhang investor si Mr. Nicolas. Ang duda niya ay ginagamit nito sa ibang projects abroad ang budget na allocated dapat sa project. Dahil doon ay halos wala silang progress. Lalong lumala ang ugali ni Henry dahil doon. Totoo, pinagtawanan sila ng mga kasamahan na nasa construction industry dahil sa pagkakamaling iyon pero wala siyang magagawa. Si Henry ang hindi matanggap ang na nagkamali siya ng desisyon. Halos araw-araw itong nagwawala sa opisina. Tuloyan ng nagkalamat ang relasyon nila. Nagfocus nalang siya sa ibang projects para kahit papaano ay ma-sustain nila ang lugi sa project nila with Mr. Nicolas. Hinahayaan niya si Jane sa mga trabaho sa project nilang iyon at hindi naman nito magawang magreklamo. He never looked at Jane the same way again. Hindi na niya ito kinausap kung hindi tungkol sa project ang paguusapan nila. Ilang beses nitong sinubukang humingi ng tawad sa kaniya pero hindi na niya magawang ibalik sa dati ang pagkakaibigan. Hindi man niya sinasadya, naging madalang narin ang pagdalaw niya sa kaniyang mga magulang. Hindi niya maunawaan ang nararamdaman pagdating sa mga ito. Nahihiya siya sa dad niya, at the same time ay masama din ang loob niya. Pakiramdam niya ay nakukulangan siya sa suporta ng mga ito sa kaniya. Lalo na sa kanila ni Anna. He must be really insane, ng mabalitaan niyang lumipat ng bahay ang pamilya ng tiya Belen ni Anna ay binili niya ang lote sa tapat ng mga ito. Sigurado siyang isang araw ay matatagpuan niya si Anna doon. Nagpatayo siya doon ng bahay at paminsan-minsan ay tinutuloyan iyon ng malapit niyang kaibigan. Si Charlie. Isa din itong tulad niya na may stressful na trabaho at tuwing napapagod na ito ay doon sa bahay niya ito tumatakbo. Alam ni Charlie ang tungkol kay Anna kaya ibinabalita nito ang sitwasyon nina Tiya Belen sa tuwing tumutuloy ito doon. At nito nga lang ay sinabi nitong nakita nito ang dalaga kaya sinamantala nito ang pagkakataon para mag-usisa kung saan ito naglalagi. Nalaman ng ani Charlie na sa Cebu pala ito naghanap ng trabaho. Hindi niya maintindihan kung bakit sa Cebu pa nagpunta si Anna. Kaya pala kahit anong hanap niya sa Manila ay hindi niya ito makita. Nalaman niya na si Felix pala ang nagrecommend dito. Kung saan-saan pa siya nagtanong, ang dating boss lang pala ang may alam kung nasaan si Anna. Hinanap niya ang company na pinapasukan nito at tiningnan ang services na inio-offer ng mga ito. Nagdesisyon siyang kunin ang services ng mga ito kahit ang totoo ay hindi nila kailangan iyon dahil kaya naman iyon ng team ni Felix. Noong una ay hindi siya interesado sa project nila sa Cebu, ngunit ng malaman na nasa Cebu si Anna ay nagdahilan siya sa daddy niya na personal niyang pupuntahan ang project. Nagtataka man ang ama ay pumayag ito, ngunit paminsan-minsan ay kinakailangan niyang bumalik sa Manila dahil may mga naiwan siyang trabaho doon. Sa pagbabalik niya ngayon sa Cebu ay sisiguraduhin na niyang makakausap niya si Anna. Hihingi siya ng tawad dito, makikiusap siya kung kinakailangan. Alam niyang malayo na ang loob sa kaniya ng dalaga, at hindi na ito ang dating Anna na minahal siya. Pero handa siyang gawin ang lahat para lang mapatawad siya nito.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
i love the story it reflect me for who i am ..
03/08/2022
0thanks writer ang Ganda Ng story
09/09/2025
0i love it
05/09/2025
0Tingnan Lahat