Homepage/Love At first Sight (Book-1)/
Kabanata 19: Tayo
Tayo
Noong gabing inihatid ako ni Alex, iyon na yata ang pinakamalungkot na gabing naranasan ko. Kapwa kami tahimik. Higit lalo ako. Tulala at malayong-malayo ang iniisip.
Mahigit isang oras kong ninanamnam ang sakit, pakiramdam ko durog na durog ako. Nagpapasalamat ako kay Alex dahil hinayaan at ginalang niya ang aking pananahimik... Sa nakalipas na isang oras, tahimik lang din siya.. hinihintay kung kailan ako kikilos, kung kailan ako matatauhan...
Mabigat na buntong-hininga ang aking pinakawalan bago siya sinulyapan.
"I'm sorry..." Ito ang unang salitang pambungad niya.
Bakit siya humihingi ng patawad. Siya ba ang nanakit sa akin? Siya ba ang dahilan ng aking kalungkutan? Hindi dapat siya ang humihingi ng patawad kundi ang kanyang barumbadong kaibigan!
Nag-iwas ako ng tingin at tumungo. Pinaglalaruan ang mga daliri para mabawasan ang sakit sa puso.
I sighed deeply...
"P-please huwag mo na lang sasabihin sa kanya.." Buntong-hininga ulit para mabawasan ang paninikip ng dibdib.. "sobrang bilis din kasi ng pangyayari.. pero... kasi.. mapipigil ba natin ang nararamdaman natin? Mapipigilan ba natin ang tinitibok ng ating mga puso?"
"Just forget him..." Napasulyap ako sa paghigpit ng hawak niya sa steering wheel. Sa madilim na kalsada siya nakatanaw.. Hindi ko mawari at tila may dalang ngitngit ang bawat titig.
"Ang daling sabihin..." Hilaw akong tumawa. "Napakadaling sabihin dahil hindi naman ikaw ang nakasama, hindi ikaw ang pinaasa..." I looked away and held back the tears. Sobrang sakit na pinipigilan ko ang pagpatak ng mga 'to.
"Ang lahat ng mga ipinakita niya ay hindi totoo.. Lahat ay puro kasinungalingan..."
Mariin akong pumikit. Hindi totoo? Kung hindi totoo, bakit hanggang ngayon damang-dama ko pa rin ang mga yakap at kanyang mga halik.. Kung hindi totoo, bakit napakasaya niya na kasama ako? O, baka naman parte lang ito sa lahat ng mga pagpapanggap niya?
Pero siguro nga, lahat ng kanyang ipinakita ay puro kasinungalingan lang at ako ay naniwala naman, mabilis na naniwala, mabilis na nahulog....
"Pakibalik na lang 'to." Napatingin siya sa plastic bag na inilapag ko sa upuan. "Pakisabi, na kahit puro kasinungalingan lang pala ang lahat.. naging masaya ako... na kahit sa maikling panahon ay naiparamdam niya sa akin na mahalaga ako... na espesyal ako.. kahit ang lahat pala ng ito ay hindi totoo.."
Inilapag ko sa tabi ng inuupuan ang plastic bag na naglalaman ng mga pinamili namin ni Isaac. Hindi na ako lumingon ng lumabas ng kanyang sasakyan.
Sa kadiliman ng kalsada mas lalo lamang nabalot ng lungkot ang buong sistema. Hindi inaasahan ang taong nag-aabang sa madilim na parte ng kalsada. Sa pag-angat ng tingin nakasalubong ko ang nakabusangot na mukha ni tita. Nakapamaywang at may hinahanap sa aking likod. Napadako ang kanyang tingin sa sasakyang nasa aking likod.
"Nasaan si Tisoy?" Batid kong magtutuloy-tuloy ang pang-uusisa niya, upang matigil siya. Niyakap ko na at isinubsob ang mukha sa leeg niya....
Tatlong araw ang lumipas. Mga araw na pakiramdam kong parating hindi buo. Mga araw na palaging mag-isa dahil kahit presensiya nina Hilton ay hindi ko makita.
I sighed before entering the room. Bitbit sa kamay ang bagong kwadernong sinulatan. I edited my work. All were written heartily. Mula sa puso ang pagkakagawa, kahit mag-isang ginawa masaya pa rin dahil sa tuwing nabibigyan ito ng oras naaalala ko naman ang mga araw na kasama siya.
Nakangiti akong pumasok at diretso ang tingin sa lamesa. Sir Nick is setting peacefully on his wooden chair. May mga papel na binabasa. Naalala ko, isa siya sa mga taong natanong..
Nag-angat siya ng tingin ng makaramdam ng ibang presensiya. Iminuwestra niya ang upuan sa harapan. Noong tanungin ko siya kung naniniwala ba sa 'Love At First Sight..' Umiling kaagad at bahagyang tumawa. Walang maraming ekplenasyon subalit ang sabi'y ; "But I believe in love.. I saw my friends being in love and it sucks.." Umiling at ngumingisi pa.
"But.. have you been in love.. b-before?" Nakakahiya.
Bigla ko kasing naalala ang kuwento ni Hilton. Hindi kaya siya iyong tinutukoy ni Hilton? Natahimik pa tuloy lalo..
"Yes?" Ibinaba niya ang hawak na papel at nasa akin na nakatingin.
I cleared my throat. Marahang inilapag ang kulay abong kwaderno. I covered it with a gray color and with a plastic cover on it too, dahil iniisip si Isaac, ka- partner ko siya dito and to make it more presentable maayos ang pagkakalagay ng cover sa ipapasang kuwaderno. I keep my unedited work notes. Itatago ko ito dahil maraming natutunan sa mga taong bagong kakilala. Itatago katulad ng pagtatago ng totoong nararamdaman ng puso...
"N-natapos ko na ho, S-sir.." I bit my lower lip. "Ibig ko pong sabihin natapos na namin ni Isaac 'to.."
Tumango siya. Pero parang may gustong ipahiwatig ang kanyang mga mata.
"Just put it there.." Itinuro niya ang bakanteng espasyo katabi ang mga papel na ni-re-review. I did it. Afterwards I closed my eyes at matapang na nagtanong..
"Amm.. S-sir.. si Isaac po hindi po siya pumasok?"
He stared at me. Halatang may pag-aalinlangan sa mga mata.
"Pumasok naman na siya ngayon, but..-"
Naudlot ang sasabihin ng maestro ng may dalawang taong pumasok sa silid. The guy is towering over a petite wowan and they were both laughing. Kulang na lang maghalikan. Kumurap-kurap ako dahil baka namamalikmata lang sa nakita but after a consecutive blink naroon pa rin sila.
The wowan with her long straight brown hair, white sleeveless dress, and with her four inches cream stiletto is holding Isaac's arm tightly. Parang takot na maiwanan. Para akong natuka ng ahas sa nakita. After three days of waiting.. and missing him.. Ito ang bubungad sa akin.?
Pinangulilaan ko siya... Marami ang katanungan sa kanya... Wala akong karapatan pero gusto ko ng paliwanag mula sa kanya Tama pa ba ito? Baka naman nagmumukha na akong kaawa-awa kong ipagpipilitan ko pa...
Nag-iinit ang sulok ng mga mata habang nakatanaw sa kanila, but I stay cool and calm. Hindi alintana ang pait at pagbabara ng lalamunan. Ang mga luhang namumuo ay paulit-ulit ko na lang na benalewala at mas lalo pang tinatagan ang sarili sa harapan nila. Nakipagtitigan ako sa kanya.
He was standing proudly in front of me with another wowan beside him. He was wearing a black long sleeves, hapit sa katawan niya, paired with his denim jeans and his black boots.. his aura is a bit different from what I remembered days ago. Mas matapang siya ngayon at mas suplado. Ang kanyang mahabang buhok ay nakalugay sanhi upang mas lalong gum-wapo..
I blink again.. hoping that it can ease the pain and the tears that are ready to fell..
Ang sakit!
Nag-iwas ako ng tingin dahil pakiramdam ko hindi ko na kayang pagmasdan ang eksenang natatanaw ko.. my heart aches so much.. gusto nitong maglumpisay sa sakit!
Iyong huling araw na magkasama kami, iyon ang pinanghahawakan ko, iyon ang nagpapakatotoo na parang... parang gusto din niya ako... o baka naman ako lang ang nag-iisip at umaasa lang sa mga paniniwala ko na hindi naman pala totoo. Kasi kung mahalaga ako sa kanya at kung may may nararamdaman din siya, hindi niya magagawang saktan ako, at lalong hindi niya hahayaang madurog ako!
Humalakhak ang babae, nakita ko ng pisilin niya ang baywang nito.. The veins on his arms protruded at his sudden move.. Naglalandian sila sa harapan ko habang nagkakagutay-gutay naman ang puso ko!
"Amm.. naipasa ko na.." I licked my lower lip.
Pinapatatag ang tinig. The woman became attentive. Natigil sa tawa niya. Her gazed lowered from my head to my toe.. at balik ulit pataas.. makailang beses na inulit.. at ng makuntento.. mapang-ngutyang tumawa, pinaglalaruan pa ang mahabang buhok. Iniikot-ikot niya ito gamit ang mga daliri.
"Who's this? Your maid?" Tinaasan ako ng kilay bago bumaling kay Isaac.
Hindi ko na kaya 'to at parang sasabog na ako!
"She's Isaac's partner." Panimula ni Sir Nick.
I don't know what's with his voice.. hindi simpatya ang naririnig ko but his on my side.. I guess..
"Partner para saan?" Malanding tanong ng babaeng kasama.
Lumunok ako at narinig pa ang panibagong eksplekasyon ng maestro.
"Term paper project-" Si Sir Nick.
"She's just nothing.." His voice is lethal. Walang emosyon ang mga mata at parang hindi na ako nakikilala!
Halos maiyak na ako sa kanyang sinabi. Pakiramdam ko, literal na hinihiwa ang puso ko..
Am I nothing to him? Halos pumikit ako sa sobrang sakit ng marinig ko ang mga salitang ito!
Ganun lang ba 'yun? Ganoon lang kadali para sa kanya na balewalain ako? Pagkatapos niyang guluhin ang tahimik kong mundo? Pagkatapos niya akong paasahin?! At ang tanga ko dahil umasa din naman ako!
Hindi naman siguro masama kung kakamustahin ko siya kahit sa huling pagkakataon 'diba? Kahit pagtawanan pa niya dahil wala naman akong halaga sa kanya. Gusto kong malaman ang buong detalye sa nakalipas na tatlong araw kahit bilang kaibigan na lang?.. Kung okay ba siya? Kung normal lang ba iyong pananakit ng migraine niya? Kasi, nalilito ako, naghihintay ng magandang balita at umaasang dala lang ng mainit na panahon kung bakit panay ang atake ng migraine niya.
Suminghot ako at kunyari hindi apektado.
"N-naipasa ko na ang term paper project natin-"
"A tapos na pala.. good.." Tumango-tango siya. Mas nasasaktan sa pambabalewala niya. Turing ay hindi ka-kilala.
Sa harapan ko. Ipinatong niya ang kaliwang braso sa balikat ng mala-diwatang babaeng kasama. Malanding ngumisi ang babae. At ng makita ang reaksiyon kong tila nalugi.. umiling ito at...
"Baka naman kasi pinaasa mo.." She proudly say. "Pinaasa mo ba?"
"Para naman 'yun sa project ko.." Kinagat pa niya ang tenga noong babae.
Sa akin siya nakatingin habang ginagawa iyon sa babae. Agaran ang pag-iwas ko ng tingin dahil pakiramdam ko sinasakal na at hindi na halos makahinga!
Malakas na tumili iyong babae. Parang higad na hindi mapakali. Hindi na nahiya sa maestrong nasa harapan namin.
"Dapat lang no? Wala namang binatbat iyan sa ganda ko.." Ang babae na mismo ang yumayakap kay Isaac..
"Tapos na ba?" Diretsong saad niya.
Titig na titig at wala na ang dating emosyong nakapaloob sa mga mata..
Tumango ako.. sa pagtango para na ring gustong sumuko. Gusto nang tumulo ang mga namumuo at pinipigilang mga luha.. hindi na ako makahinga ng maayos sa pagpipigil ko, kaya ang ginawa kinagat na lang ang mga labi.
"Tapos naman na pala.. So ibig sabihin." Nagkibit siya ng balikat.
Pinakatitigan ang magandang babaeng kasama. At tama naman ito wala akong binatbat dito. Maybe I'm not as 'baduy' as before pero kung ikukumpara, lamang na lamang talaga ito.. Sa tindig pa lang at ayos talong-talo na ako. Even her beautiful face is hard to resist. Her petite body is extremely hot, idagdag pa ang mala-diwatang mukha.
"Ibig sabihin.. tapos na rin tayo.."
Kung may bomba man akong hawak.. mas nauna pang sumabog ang puso kaysa dito.
Maluha-luha na ng titigan ko siya. Pero nagtapang-tapangan pa rin ako.. Kasi, sa tingin ko 'iyon na lang ang meron ako.. natalo man ako, nasaktan, at naloko na-i-ahon ko pa rin ang gutay-gutay na puso..
"Wala namang natapos e, " Suminghap ako para pigilan ang luha, kahit na, gustong-gusto na nitong kumawala.
Parang hindi ko na yata kaya! Mapapakawalan ko na ito at wala akong choice kasi durog na durog na talaga ako..
"..At walang kailangan na tapusin.." I blink again. Kahit pagpikit masakit.
Sa namumuong luha pinakatitigan ko ang gwapo niyang mukha.. huli na ito.. huling sulyap ko para sayo...
Pinilit kong ngumiti, "..Dahil Isaac, walang tayo.. " Sa banayad na boses na sabi ko.
Tumalikod na kaagad ako. Apurado sa bawat hakbang, Takot na may makapansin sa nag-uunahang patak na mga luha...I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (37)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
a lot of moral in this
25/04/2025
0I needed to get out of course and don't forget the best you too I hope it goes well with your breakfast and lunch babyyy ha no po ha ha wag na Miata na Miata na na end up in the future I'm going to try to go to the athroom AND YOU SO MUCHH NAA PUG PUPPIES FOR I MISS YOUUUU NAPOOOOO I WANT I WANT I WANT YOUR YOU DON'T LEAVE I WANT I WILL TRY KOhaab bebe mo Yung Bleu be mad na gagawin ko very happy birthday 5th by a lot baby ko btw papasok bf the best in 8 to the bathroom AND KUMAIN you so much fo
26/03/2025
0a obra é boa
17/03/2025
0Tingnan Lahat