Homepage/Love At first Sight (Book-1)/
Kabanata 26: Mama
Mama
Today, is not an ordinary day. Ipapakilala ako ni Isaac sa kanyang pamilya kasama si Tita. Medyo kinakabahan pero may kalakip na kaligayahan.
I'm wearing a white simple dress. The dress is not too short, umabot ang tabas nito sa aking tuhod. Tama lang ang pagkakalapat ng malambot na tela sa aking katawan. Tenernuhan ko ito ng kulay kremang sapatos. Ang basang buhok ay hinayaang nakalugay. Naglagay din ng kaunting palamuti sa katawan. I choose a pink shade on my lips, and put some blush-on too on my cheek. Feeling nervous.. but still overwhelming..
Bumuntong-hininga sa harap ng salaming nakasabit sa dingding. Nang makuntento sa hitsura tumigil na at hinarap ang naghihintay na tiya.
"Ready ka na?" Napakurap-kurap ako dahil namamangha sa nakita. She's still attractive, kahit may edad na maganda pa rin sa kanyang pustora. Ang maamong mukha ay nadepina sa bahagyang pagkakaadorno ng mukha. She's also wearing a dress. Ang kulay lang ang naiba. It's a maroon dress, tumingkad lalo ang kaputian ng kanyang balat. I smiled. Ngayon lang siya ulit nakitang nag-ayos ng husto. Magkapanabay kaming tumingin sa labas ng bahay ng may kumatok.
"Tara na?" Si Tita. Nababanaag ko ang kaba sa kanyang boses. Pati na rin ang ekspresiyon ng kanyang hitsura
Hindi ko maikurap ang mga mata sa kanya. "Ang ganda niyo po.."
Ngumiti siya.. "Mas maganda ka na. Tumatanda na ako e.. Wala ng magkakagusto.." Sabi niyang tumatawa.
"Mayroon pa yan tita.." Kukurutin dapat ako pero nakaiwas agad.
Kapwa kami tahimik ni Tita sa backseat. Ang driver ang sumundo sa amin. Nasabi na ito sa akin ni Isaac. Ang tanawin sa labas ng bintana ang pinagkakaabalahan upang may mapaglibangan. Maaga pa, kaya buhay na buhay pa rin ang kalakhan ng siyudad. Marami pa rin ang tao sa kalsada. Even street children are everywhere. Ang mga sasakyan ay nagkalat pa rin sa edsa. Ang matatayog na buildings ay may mga ilaw pa rin. Ang kadiliman ng langit ay nalalatagan ng nagniningning na mga bituin. Lumiko ang sasakyan. Nakipag-usap ang driver sa sekyuriting nagbabantay. Saglit na nag-usap bago sumaludo sa driver. Tinitigan muna kami bago tuluyang pinakawalan.
Nakakamangha dahil puro malalaking bahay ang nakikita. Pare-pareho ang desinyo nagkaiba lang, sa lawak at laki ang mga ito. Ang istraktura ay pulido. Matataas ang bakal na tarangkahan. Tila ipinagdadamot pa ang kagandahan ng bakuran.
The car stopped. Natigil na rin yata ang tibok ng puso.
"Nandito na po tayo Ma'am." Nilingon kami ng naka-unipormeng driver. Ngumiti bago umibis ng sasakyan. Marahang binuksan ang pintuan para sa amin ni Tita.
Sa nerbiyos, napakapit ako ng mahigpit kay Tita. Napatingin siya sa kamay na nakakapit sa kanyang damit. Umiling siya at pinipigilan ang kanyang tawa.
"Parang temang, relax ka lang. Tingin mo hahayaan kitang insultuhin doon? At saka nandoon si pogi.. hindi ka pababayaan noon." Sapat na ang mga salita ni Tita upang kumalma. I sighed heavily.
Maraming sasakyan ang nakaparada sa tapat ng bahay na pinagparadahan ng driver. Kahit lito dahil hindi pa kami dumiretso sa loob ng malaking bahay na nasa harap tumahimik na lang at patuloy na namamangha sa napakalaking bahay. Isa ito sa pinakamalaki at pinakamalawak. It's like a mansion.
"Ang daming paandar ni pogi. Hindi pa tayo pinadiretso." Simpleng siko ni Tita. Sang-ayon ako sa sinabi niya. Pinindot ng driver ang doorbell. Tumititig sa akin ang may edad ng ginoo. I smile at him. Bumukas ang kulay tsokolateng bakal na tarangkahan. Naningkit ang mga mata ng makita doon si Hilton, nasa gitna at may hawak na bulaklak sa kamay. A red rose is on his hand. Isang tangkay ng bulaklak ang hawak. Wearing a gray suit. Complementing his angst. Seryoso at hindi makikitaan ng ngiti.
Nagsimula akong maglakad nakasunod kay Tita, halata ang pagiging modelo noon. She walks gracefully.. like a professional model, binabalandra kahit ang kasuotan ay simple. Nilagpasan na niya si Hilton. Kahit malayo pa sa parte ng hardin natatanaw ko na ang mga nagkikislapang ilaw. The place were sorrounded by different colors of lights. Biglang naging steady ang mga ito at mas lalo pang napuri. Nabibigyan niyon ng buhay ang katahimikan ng paligid. Bukod doon, nakakahalina ring tingnan ang permanenteng mga ilaw hindi kasi ito nakakasilaw. Ang mga lamesa at upuan ay may dekorasyon din. The colors were white and pink. Ang dekorasyon sa upuan ay kulay puti, sa gitna ay kalakip ang kulay pink na tela naman. Ang bawat mesa ay kulay puti.. bawat madaanang mesa ay may nakalatag na mga bulaklak, mga kulay pulang rosas. Ang nilalakaran ngayon ay may kulay pulang tela. Malawak ang kanilang hardin, sa gitna nito ay may fountain. Ang pabilog na fountain ay may ilaw na nakapalibot, ang kulay ay berde.. napasunod ako ng tingin sa tubig na ibinubuga. Nawaglit sa isipan ang selebrasyon na dadaluhan ngayon.
I heard someone's clearing his throat. Napalingon at napabitiw ng titig sa nagagandahang fountain.
"Good evening ma'am.." Gustong umirap pero napigilan. Iniabot sa akin ang hawak na bulaklak. I accepted it. Pero hindi pa rin namamansin.
"You're still mad huh? Your man planned it.. sinunod ko lang.." Hindi pa rin siya pinapansin. Pilit na tinitikis. Sa kanya kasi mas napalapit.. Nagkamot siya sa batok.
"Okay.. okay.. I'm sorry.." Bumuga pa ng hangin.
"Ano bang meron? Kuntodo porma ka pa.." He smirked.
"It's a surprise.. mamaya mapagalitan pa ako.. diretso na." Iminuwestra niya ang diretsong daan. Mahabang tela pa ang nakalatag.
Inamoy ko ang hawak na bulaklak it's still fresh.. mabango din, bago nagpatuloy sa paglalakad. Sa kinatatayuan, natanaw ko naman ang paglitaw ni Luke, his mysterious gazed didn't leave mine.. he's holding a red rose too.. I sighed.. sumulpot na rin sa kanyang tabi si Alex.. his gray suit fit his gentleness.. may hawak din na pulang rosas. Pinatakan niya ako ng isang halik sa kaliwang pisngi. Hindi napaghandaan kaya pumikit na lang.
"You look lovely tonight.. the asshole is so lucky.." Ngumingisi ang misteryosong si Luke.
"Dude give the flower now or you might catch another punch.." Napakurap dahil hindi mapaniwalaan ang halakhak ng misteryosong si Luke.
"Yeah.. whatever.." He handed it to me with a smile.. "You'll be happy.. and thanks for loving him.." May ininguso siya sa aking likod.. Dahan-dahan akong lumingon.. My heart skipped a beat.. Seeing him with a tux.. pigil ko ang hininga ng pakatitigan siya. His long hair is dancing again with the cold wind. It gently blown by it. Time froze when our eyes met.. he was so damn attractive and ...manly with his tux. Napalunok ako ng bumaba ang paningin. Nahihiya pa rin talaga sa kanya kahit alam kong sa akin na naman siya.
'Boyfriend ko ba talaga ang gwapong mamang 'to?'
Muli akong nag-angat ng tingin sa kanya.. medyo nahihiya pa dahil sa matinding kaba. His eyes were smiling, and glowing.. Nadedepina pa ang matangos na ilong sa liwanag na ikinakalat ng maliliit na ilaw sa hardin. His cleft chin are attracting.. may nakaguhit na ngisi sa manipis na mga labi. His jaw is clenching but not in an arrogant way.. Napatingala ako dahil sa tangkad niya.
Sumulpot na lang bigla si Nick. May hawak din na bulaklak.. but it's a bouquet of flower, and a red rose too..
Ini-abot din sa akin ito..
"Congratulations in advance.."
Lumunok bago ito inabot. Matagal pa ang graduation.. pero para saan ba talaga ito.?
"Let's go inside.." Si Isaac. Hawak na ako ngayon sa baywang.
"Anong meron?" Hindi pa rin maihakbang ang mga paa.
"It's a surprise."
Kahit si Tita hindi ko na rin makita.. napilitan na akong sumama.. malapit na sana sa pintuan ng makita ang Auntie Elizabeth niya. Nahihiwagaan dahil nag-iba ang kanyang aura.. she had the same face.. magandang-maganda pa rin kahit na may edad na but.. there's something has changed.. Her facial expressions, naglaho ang istriktong mukha. Though she's still lovely.. parang.. parang.. ang bait na niya at magiliw pa.. she then glanced my way.. nginitian siya at kusa ng lumapit sa kanya hindi alam kung bakit niyakap pa siya. Her eye color change too.. pero benalewala na lamang ito, she's an ophthalmologist.. baka naisipang magsuot ng contact lenses.. and there's no big deal.. bakit naman ako?
"Good evening po Ma'am Elizabeth.." Nakangiti pa ako bago kumalas sa yakap.
Titig na titig sa akin sina Hilton. Pa-isa-isang naglabasan ang ibang panauhin. Lito kong nasundan ang iling ni Alex at ang ngisi ni Luke. Nick was just quiet, nagmamasid lang. Si Hilton hindi maka-sipol sa alanganing dahilan. Even the other guests remained quiet.. Nag-aabang sa susunod na magaganap.
"Kumusta po? Iyong binigay niyo po.. komportable po ako.. suot ko pa po ngayon.." Pagbibigay abiso. Hindi kumukurap si Auntie Elizabeth.. titig na titig lang ito sa akin.
'Nakalimutan na yata ako..?'
"I'm sorry I'm late.." Nalingunan ko ang humihingal na boses..
Doon naman napakawalan ni Hilton ang pinipigilang sipol. Napakurap ako. Sumikdo pa ng husto ang puso. Kawangis na kawangis ito ni Auntie Elizabeth.. Kakambal ba niya? But hey.. I think this is the real Aunt Elizabeth.. the aristocratic face.. but the thoughtfulness is there.. hindi katulad kanina noong babaeng niyakap, blangko ang ekspresiyon habang niyayakap ko..
'Oh my God!' Sino ba iyong nayakap ko..?
Namumutla na yata ako sa kaba..
"Lily.." Ngumiti siya at lumapit para ako'y mayakap. Hindi ko maibalik ang mahigpit na yakap dahil lito na. "I'm sorry for being late hija.. pero nandito na naman ako hindi ba?" Napapikit na lang ako sa hiya.
"Did Isaac introduce you to my twin sister?"
Oh my God.. Maling tao nga ang nayakap.. Kaya pala kulay abo ang kulay ng mga mata nito. Siya iyong babae sa painting sa clinic ni Auntie Elizabeth! Magkapatid sila at kakambal pa!
"Ma'am.."
"Halika." Magiliw na sabi. Hawak ako sa kamay.. kinakabahan pero hindi makatanggi. Hinanap ng mga mata si Isaac. Both of his hands is on his pocket. Nangingiti kaming sinusundan ng tingin ng kanyang tiyahin. Ang ibang panauhin ay may kanya-kanya ng usapan. Sina Hilton naman patuloy pa ring naka-abang..
"Emerald, this lovely girl here is Lily.. she's Isaac's girl." Tahimik at masusi akong pinakakatitigan ng magandang ginang.
Naaaliw at namamangha naman kakatingin dahil para akong nakatingin sa salamin. They were an identical twin.. magkamukhang-magkamukha, sa ugali lang nagkaiba.
"Malabo na ang paningin kaya dinala ni Isaac sa clinic.. You know your boy, he doesn't bring his girl para ipakilala sa atin.. Si Lily lang ang ipinakilala.." Tuwang-tuwa pa si Auntie Elizabeth, samantalang sobrang tahimik pa rin ng kakambal niya.
"Lily this is your mother-in-law, Meet my sister.. This is Emerald Santillan.. Isaac's Mom.."
Mama? At Mama pa talaga niya ang napagkamalan kong yakapin!
Sa nag-iinit na pisngi, naglakas-loob pa ring humarap sa Mama niya.
"Pasensiya na po.. akala ko po kasi si Ma'am Elizabeth kayo.."Yumuko ako sa hiya. Umiiling-naman si Auntie Elizabeth sa tabi. Bumuntong-hininga ang ina ni Isaac.. she was staring at me like I'm a puzzle.. hindi kumikibo pero nakatitig..
"Sorry po talaga.."
"Thank you.." May namumuong luha na sa kanyang mga mata. Lumunok ako dahil alam ko na saan patutungo ito. Ayaw kong pinag-uusapan ang tungkol sa kondisyon niya. Ayaw ko kasing panghinaan ng loob niya si Isaac.. But this is his Mom in front of me talking. Mahirap tanggihan at balewalain ang paksa.
"...for convincing my son.. we lose our hope.. nagiging away pa dahil umaayaw siya." Kumikirot ang puso pero nilalabanan. Nasa paligid lamang siya at ayaw ko siyang may pinangangambahan.
"Ma'am.."
"Mama. From now on call me Mama.. You're my daughter now. Mahal ka ng anak ko kaya, hihigitan ko pa ang pagmamahal niya." Masaya ako pero bakit parang may kulang pa? Dahil ba ito sa kalagayan niya..? O dahil matagal ring pinangarap na magkaroon ng sariling ina? Hindi ko na napigilan ang sariling luha.. mahal ko si Tita Marideth, she was my Mama's best friend. Pero ang alukin ka ng pinakamamahal na ina ng lalaking minamahal ay higit pa sa pagpapala. My dreams are finally coming true..
"M-mama..." Nahigit ang paghinga. Kasabay ng pangungulila sa sariling ina.. Hilam na rin sa luha ang mga mata.
"I like it hija.." Ngumiti siya pero hindi maikubli ang luha.
"Tita Deth.." Ng makita ko katabi na si Auntie Elizabeth. Nakangiti siya pero pinipigilan na rin ang mga luha.
"May Mama na ulit ako," Napaiyak na at hindi na napigilan ang pagsungaw ng iba. Nag-iwas ng tingin si Tita. Bago tumalikod pasimple pa munang pinunasan ang mukha na puno ng luha.
"Come here." Si Mama Emerald na ang lumapit. Yumayakap.. She hugged me tight.. pilit na ring dinadama ang presensiya ng namayapang ina...
"Mama..." Nakangiting pilit kahit umaagos na ang mga luha... I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (37)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
a lot of moral in this
25/04/2025
0I needed to get out of course and don't forget the best you too I hope it goes well with your breakfast and lunch babyyy ha no po ha ha wag na Miata na Miata na na end up in the future I'm going to try to go to the athroom AND YOU SO MUCHH NAA PUG PUPPIES FOR I MISS YOUUUU NAPOOOOO I WANT I WANT I WANT YOUR YOU DON'T LEAVE I WANT I WILL TRY KOhaab bebe mo Yung Bleu be mad na gagawin ko very happy birthday 5th by a lot baby ko btw papasok bf the best in 8 to the bathroom AND KUMAIN you so much fo
26/03/2025
0a obra é boa
17/03/2025
0Tingnan Lahat