Kabanata 30: Comatose

Comatose
Tulala ako habang nakaupo sa mahabang silya. Mag-iisang oras na, ngunit wala pa ring balita ang doktor na sumusuri kay Isaac. Nasa loob pa rin ito ng ICU. Pumikit ako nang mariin ng maalala ang kalagayan ni Isaac. Natakot ako kanina ng makitang tuluyang pumikit ang kanyang mga mata. Lahat kami nataranta. Hindi na alam kung anong uunahin at kung papaano ang gagawin. Panay iyak na lang ang tanging nagawa at sinasabayan ang hagulhol ng kanyang ina.
Pakiramdam ko wala akong magawa, walang kuwenta. Muling nag-init ang sulok ng aking mga mata ng maalala ang panunumbat ko sa kanya. Naging makasarili ba ako? Nasaktan niya ako oo, pero higit pa pala ang pagpapasakit niya sa kanyang sarili. Ipinagtabuyan niya ako upang magalit ako sa kanya, upang kamuhian ko siya, upang mas mapabilis ang paglimot ko sa kanya!
Tama nga siguro siya, masyado akong mahina. At tama siya dahil mahihirapan akong kalimutan siya kung sakali...
Lumakas ang hikbi ko. Mula sa pagkakatulala sa makintab na semento ay nag-angat ng paningin. Sumalubong sa akin ang kulay asul na kurtina na nakaharang sa bintana. Bintana, kung saan naroon sa loob ng silid si Isaac.
Tatayo na dapat ako ng makarinig ng mga nagmamadaling mga yabag. Humahangos na boses at mahihinang tinig. Dahil hilam sa luha ang mga mata. Hindi ko maaninag ang mga taong bagong dating.. Pero noong malungkot na ngumiti sa akin.. Halos mapunit uli ang puso ko at gustong humagulhol sa harapan nito.
Victoria is smiling at me... And with her presence, mas lalo akong naluha. Hindi na maawat ang mga luhang naglalandas ngayon sa aking pisngi. Nandito siya para ako ay samahan, hindi ba dapat ay maging masaya ako.. Bakit lumala pa ang pag-iyak ko?
"L-Lily..." Nabasag ang boses niya kahit ikaila pa niya.
She's just wearing a white shirt paired with her pink pajamas. Halatang bagong gising. Magulo ang pagkakatali ng buhok, but as always magandang-maganda pa rin siya.
"Alex called me.. And he informed me about Isaac's condition..." Nag-aatubili siyang lumapit. Titig na titig ako sa kanya pero parang natutulog pa rin ang buong diwa..
"I'm s-sorry..." Napakagat-labi siya. Namuo din ang Luha sa kanyang mga mata.
"T-Tori..." Nagbagsakan ang mga panibagong luha. "N-natatakot ako.. H-hindi ko kaya Tori... Hindi ko kayang mawala siya. Tatanggapin ko kung malilimot niya ako.. Pero iyong tuluyan siyang mawawala..." nanginig ang mga labi ko kasabay ng panlalambot ng mga tuhod.
Umiling si Tori.. Humahakbang mula sa aking kinauupuan.
"H-hindi siya mawawala, he's a jerk remember?" She fake a smile. "Malakas, at matapang siya..."
Ako naman ngayon ang umiling dahil naalala ang panginginig ng katawan niya. Humagulhol ako. Mabilis akong dinaluhan ni Tori. Mahigpit na yakap ang kanyang naging tugon.
Halos makatulugan ko ang pagyakap ni Tori. Mugtong-mugto ang mga mata at nakakaramdam na rin ng hapdi. Iminulat ko ang mga mata. Nabungaran ko sina Nick. Katulad ko ay nag-aabang din sa paglabas ng  doktor mula sa ICU. Matapang na sumama sa loob si Tita Emerald. Kanina pa namin hinihintay ang pagdating ni Tita Elizabeth. Ang dinig ko mabilisan ang pagkuha nito ng ticket. Sinisigurado na aalis sila ngayon ng bansa. Mahirap ito para sa akin, pero kung ito ang makakabuti para kay Isaac...
Bumukas ang pintuan ng ICU.. Taranta akong tumayo at inihahanda ang sarili sa ibabalita ng doktor. Tinanggal ng doktor ang surgical mask na nakaharang sa kanyang mukha. Bumuntung-hininga ito at nababanaag ko ang labis na pag-aalala sa kanya.
"Doc.."
Magsasalita sana ako, kaso naunahan ako ni Nick. Umiling ang doktor bago kaming lahat pinasadahan ng tingin.
"He's in a critical condition now. Kailangan na natin siyang madala sa U.S. bago pa man mahuli ang lahat.."
"K-kumusta ho siya?" Naglakas-loob na akong sumingit. Tori held my wrist. Marahan, at nang-aalo...
Bumuntung-hininga ang doktor. Malungkot ang mga mata ng sulyapan ako.
"Comatose siya..."
Tuluyang akong nanlumo. Mas lalo ring nanlambot ang mga tuhod.. Humigpit ang yakap ni Tori na mas lalong nagpahina sa pakiramdam ko..
"Where's my nephew?" Ang luhaang mukha ni Tita Elizabeth ang muli kong natanawan. May hawak siya sa kamay .. iilang piraso ng mga papel ito...
"Ma'am..." Nag-aalalang sabi ng doktor. "Comatose-"
"No!" Sumigaw si Tita. Mabilis itong dinaluhan ni Nick. "Aalis tayo ngayon. Dadalhin natin siya sa America.." She's in her hysterical state. Hindi ko kayang tagalan ang titig dahil mas lalo lamang pinanghihinaan...
"Aalis kami!" Luhaan na ang kanyang mukha at tila pa nawawala sa sarili. "Kung ako hindi ko makayanan? Paano naman ang kapatid ko? Ikamamatay niya 'to.."
Parang nadurog ng paulit-ulit ang puso ko sa mga salitang binitiwan ni Tita. Sa pagkakadurog, parang mamamatay na rin ako.
Nag-iwas ng tingin si Alexander nang makita ang aking pagluha. Si Hilton nanatiling tahimik, habang nakasandal ang ulo sa pader ng silid. Inaalo naman ni Luke si Tita Elizabeth.
"Sasama ako Tita.." Si Nick sa mababang boses.
Iyak ang naging tugon ni Tita.. Kumilos na ako bago pa man mahuli ang lahat. Sisilip lang ako saglit.. Sisilipin ko lang ang aking pinakamamahal...
Nagtataka si Tori ng bumitiw ako sa kanyang hawak. Tinanguan ko siya. They are all watching me. Kahit pa ang luhaang si Tita...
"S-saglit lang po Tita.. Kahit s-saglit lang po please..."
"I am so, sorry hija..." Muli siyang humagulhol sa aming harapan. Halos madurog ulit ako sa kanyang pagtangis...
"N-naiintindihan ko Tita.. Naiintindihan ko po ang lahat ng Ito. Matatanggap ko po na..." suminghap ako kasabay ng pagtulo ng mga luha. May nagbabara na sa lalamunan at nahihirapan ng magsalita. "..na hindi na niya ako makilala kaysa ang tuluyan siyang mawala..." Mas lalong lumakas ang iyak ni Tita...
Nagpasya na akong iwan siya roon at tinungo na ang silid kung nasaan si Isaac. Nagpalit ako ng damit at sinuot ang binigay ng nurse na naroon. Sa tabi ng hospital bed ay naroon si TIta Emerald. Tahimik at tulala. Nakaupo sa bakanteng silya. Hinayaan ko ang pananahimik niya.. Nasasaktan ako ngayon at sobrang nalulungkot.. Ngunit sa isang banda, higit ang sakit na nararamdaman ngayon ng isang inang labis na minamhal ang kanyang anak.
Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi. Naghahanap ng tapang sa sarili. Nasa harapan na ako ngayon ni Isaac. Maraming nakakabit na aparato sa kanyang katawan. Sobrang sakit na nasasaksihan ko ang kanyang paghihirap.. Sobrang sakit isipin na walang kasiguraduhan ang operasiyon niya...
Ngunit, mananatili akong magmamahal sa kanya. At kahit wala mang kasiguraduhan.. Maghihintay ako gaano man ito katagal...
Marahan akong naglakad.. Lumalapit sa kanya... Mahimbing siyang natutulog.. Iyon lang ang tangi kong iisipin... na, natutulog lamang siya at walang karamdamang iniinda...
Payapa siyang natutulog... Gusto kong haplusin ang kanyang pisngi sa huling pagkakataon.. Gusto ko siyang halikan... Pero sasapat ba ang lahat ng ito upang manumbalik ang kanyang kalakasan?
I closed my eyes feeling the heartbeats of my heart... Mananatiling siya ang aking mamahalin... Mananatili, hanggang sa handa na ulit siyang magmahal ulit...
"K-ung malilimot mo man ako... maiintindhan ko..." Pilit akong ngumiti.. Umaasang madidinig niya ang lahat ng sasabihin ko... "Mamahalin kita ng panghabang-buhay..."
Then, memories flash back together hanggang ang aking pinipigilan hikbi ay naging hagulhol...
Our first meeting is not as good as the lover's in a romantic movies... Hindi rin ito kasing tagal na tulad ng ibang magkarelasyon... Ilang buwan pa lang kaming magkakilala pero parang sobrang tagal na naming nagsasama...
Mas lumakas ang aking pagpalahaw... Hanggang sa may naramdaman akong humahaplos mula sa aking likod.. Ni hindi ko na namalayan ang aking pagyakap sa taong umaalo at tanging boses na lamang nito ang nakilala ko..
Lumunok ako at muling isinaisip ang lahat ng mga alaalang mayroon ako kasama siya...
"H-hanggang sa huling pagkikita... H-hihintayin kita.."
Humigpit ang yakap ni Tita Emerald at kapwa pa kami lumuha...
Humaplos ang sariwang hangin kasabay ng pagpatak ng ulan... Ngumiti ako sa kawalan. Ang katahimikan ng paligid ay nagbibigay ng kapayapaan sa aking isip...
Halos tumalon ako ng isinayaw ng hangin ang aking damit. Mabilis ko itong nahawakan at mahigpit na isinaayos ang laylayan. Hanggang tuhod ang sukat ng kasuotan. It's a baby pink dress na binili ni Tori para sa akin. Presko ito at malambot sa balat ang telang nakapaloob.
"Lily... ayaw ko pa sanang umalis tayo pero..." Tumingala siya at pinagmamasdan ang kulay abong kalangitan.
Dapit-hapon na at tila walang balak na tumila ang ulan. Hawak niya ang payong at tila ako isang prinsesang  pinagsisilbihan niya.
"Ayan Ma, narinig niyo naman, nagrerklamo na ho ang kaibigan ko.." Sumulyap ako kay Tori. Umismid siya. Tila baliw sa paningin niya. "Iniirapan na ho ako Papa.. Sa susunod na lang ho ulit.. Bibisita ho ulit kami sa linggo..."
Nakatunghay ako sa lapida ng mga magulang.. Nakasulat ang kani-kanilang mga pangalan. Maria Amelia Mendez at Lance Sean Mendez...
Malungkot akong bumuntung-hininga sa pagkaka-alaala sa kanilang dalawa.. Pitong taon ako noong naulila... But then, I have Tita Deth with me.. Naging mabuti siya at sapat na ang kanyang presensiya upang matugonan ang lahat ng mga pangangailangan sa buhay...
"Uuwi na po kami..." Tumunghay ako sa kalangitan. Sinasamyo ang preskong hangin kahit napakalamig ng temperatura...
"Let's go mahamog na.." Aniyang inaakay ako. "Umalis na tayo habang 'di pa gaanong maputik..."
Sumang-ayon na ako.. Sinuyod kong muli ng tingin ang lugar kung saan nakahimlay ang mga magulang.Napapalibutan ito ng kulay berdeng mga damo.. May nangangalaga rin dito... Payapa at presko ang hangin sa tuwing bibisita kami ni Tori...
"Dahan-dahan baka madulas ka.." Hawak ako sa kamay ni Tori.
Ilang hakbang pa lang ang nagagawa hinihingal na...
Pitong buwan na ang lumipas.. Pitong buwan na gumagawa ng paraan si Tori upang makibalita... Ngunit sa pitong buwan na iyon, parati siyang bigo... Wala kaming mapagtanungan... Hindi na namin sila makontak sa numerong ibinigay...
Napahawak ako sa may kalakhan ng tiyan ng maramdaman ang pagsipa ng sanggol na nasa aking sinapupunan..
Huminto ako sa paghakbang na labis na ipinagtaka ng kaibigan.
Ngumisi ako...
"What?" Maarteng saad ni Tori. Iritable na dahil ramdam ang maputik na daan...
"Sumipa si baby..." Nagagalak kong wika. Napalitan ng kaligayahan ang mukha ni Tori. Nabura ang irita at ngayon ay nakangiti na..
"Let me try..." Aniya. Nilapit ko ang maumbok kong tiyan sa kanya.. At ng muling sumipa, magkapanabay kaming humalakhak... Naluluha akong tumitig sa kamay ni Tori na nakalapat sa aking tiyan. Marahil, pamilyar na sa aking anghel, ang init ng balat ni Tori...
Hinahanap niya kaya ang kanyang ama?
Pinangungulilaan din ba niya?
Nag-iwas ako ng tingin at sa patak ng ulan na lang nakabaling ang pansin...
Book 2 ( Soon... )

Komento sa Aklat (37)

  • avatar
    robiatohsekki

    a lot of moral in this

    25/04/2025

      0
  • avatar
    Jhonjhon Castro

    I needed to get out of course and don't forget the best you too I hope it goes well with your breakfast and lunch babyyy ha no po ha ha wag na Miata na Miata na na end up in the future I'm going to try to go to the athroom AND YOU SO MUCHH NAA PUG PUPPIES FOR I MISS YOUUUU NAPOOOOO I WANT I WANT I WANT YOUR YOU DON'T LEAVE I WANT I WILL TRY KOhaab bebe mo Yung Bleu be mad na gagawin ko very happy birthday 5th by a lot baby ko btw papasok bf the best in 8 to the bathroom AND KUMAIN you so much fo

    26/03/2025

      0
  • avatar
    SouzaWellington

    a obra é boa

    17/03/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata