Homepage/Love At first Sight (Book-1)/
Kabanata 27: Destiny
Destiny
Nagpatuloy ang paghahanda. Pabalik-balik sa hardin ang ilan sa kasambahay upang maglagay ng pagkain sa mahabang mesa na nasa gitna ng malawak na hardin. Nanatili naman ang pananahimik. Katabi ko si Tita Deth sa kaliwa, sa kanan naman ay si Isaac. Ang Mama naman niya ay kaharap ko katabi ang Auntie Elizabeth. Mahaba naman ang mesa pero sa amin lang ito pina-ukupa. Sa katabing mesa naman nakaupo sina Hilton kasama ang ilang pinsan at kamag-anak.
Humugot ng hangin si Tita. Nahihiya pa sa ginawang eksena.
"Pasensiya na, nabigla yata ang aking dalaga sa bilis ng pagtanggap niyo.." Ipinatong ni Tita ang kanyang mga kamay sa aking kandungan. Napaiwas ako ng tingin. Napagtanto ang ginawa. Nagpadala ako sa bugso ng damdamin. Siguro dahil ito sa pangungulila ng labis sa mga magulang. Ramdam ko ang paninitig ni Isaac.. he was silent too..
"It's no big deal Marideth.. I understand her.. Dahil lumaki rin ang aking anak na walang nakagisnang ama.. Lumaki siyang nasa pangalawang pamilya ang kanyang ama." Nag-angat ako ng tingin at sinalubong ang sa kanya. He was worried. Hindi siya dapat na-i-stress.. I smiled at him para maibsan ang kanyang pangamba..
"Namatay sa aksidente ang mga magulang ni Maria.." Mapait na ngumiti si Tita. Ramdam pa rin hanggang ngayon ang kanyang pangungulila. "She was my best friend.. dahil sa maagang pag-aasawa itinakwil siya ng kanyang ama. Noong naaksidente pilit nilang binabawi si Lily.. ngunit ipinaglaban ko siya.. nangako ako sa kaibigan na hinding-hindi siya ibibigay sa nagtakwil na mga magulang.." I could sense her anger to my grandparents..
"Hirap man sa pagpapalaki sa kanya naitaguyod ko naman siya." Suminghap si Tita bago nagpatuloy. "Limang taon ang nagdaan namatay ang lolo niya.." Ngayon sa akin na ang tingin. "Gusto ulit kuhanin ng lola niya dahil wala ng natira sa kanya.. pero ipinaglaban ko pa rin. Hinding-hindi ko bibiguin ang namayapang kaibigan.." Pumiyok si Tita.." Nasaksihan ko ang pagmamakaawa ni Amalia noong ipinagbubuntis pa lang si Maria.. naging manhid at matigas sila.. Dalawang taon ulit ang lumipas, nasawi din sa sakit ang matandang babae.." Bumuntong-hininga at... "This is a secret but I guess this is the right time to talk.." Tutok na tutok na ngayon kay Tita..
"May pamana silang iniwan para sayo.. kung tatanggapin mo ito.. iiwanan mo na ako.. iyon ang kondisyong nakasaad sa last will ng mag-asawa.. hanggang sa kamatayan parehong malupit pa rin..." She gritted her teeth. Kumirot ang puso ko sa galit na nakikita kay Tita.. Pinalaki niya ako ng maayos.. Inaring parang kanya.. and after hearing those words it really breaks my heart.. Masasaktan ko siya kapag tinanggap ko ang pamana.
"You had a lot of money, Hindi ka na maghihirap kung tatanggapin. Lalo na sa pag-aaral. Hindi mo na rin kailangang araw-arawin sa pagbisita ang library makakuha lang ng mataas na grado--"
"Tita." Saway ko na. "Hindi ko tatanggapin. Hindi kita ipagpapalit gaano man kalaki ang yaman nila.." Inilapit ko na ang katawan sa kanya. Inirapan ako kaya niyakap ko na, inaalo siya..
"You really have a good heart Lily.. Kaya ma-swerte ang pamangkin ko.." Ngumiti ako sa kay Auntie Elizabeth..
"Mahal na mahal ko po ang tita Deth ko.. siya na lang at si..." sumulyap ako kay Isaac, buong pagmamahal niya akong pinakatitigan. Malawak ang ngiting iginawad ko sa kanya. "...Isaac ang mayroon ako.." Tumawa si Auntie Elizabeth at ngumiti naman ang butihing ina. Para namang piniga ng husto ang puso sa ginawang pag-amin. Gusto na lang ding lumubog sa silyang kunauupuan. Then, I felt his arm snaked on my waist.. pilit na pinapalapit pa ng husto sa katawan niya. Tinagilid ko ang katawan upang salubungin ang mga titig niya. Titig na punong-puno ng pananabik at pagmamal..
"From now on.. I'll be your family.. no more hatred.. purong pagmamahal na lang ang parati kong ipapadama." Napapikit ako ng kusa ng haplusin niya ang aking pisngi, gamit ang mga daliri..
"I'll take care of you.." Muling minulat ang mga mata at sinalubong na rin ang mga titig niya.
"Mahal kita.." Sabi ko bago ako napayakap sa kanya.. I heard him chuckled. Ramdam ko din ang ngisi at pagpipigil ng kilig ni Tita Deth.. Ang magkapatid nagkatitigan, malaya kaming pinagmamaasdan.
Isang malamyos na tugtog ang pumailanlang..
What if I never knew?
What if I never found you?
I'd never had this feeling in my heart?
"Can I have this dance?" Nakangisi si Hilton bago ilahad ang kamay.. Dahan-dahan ko namang inilalayo ang katawan sa kay Isaac. Nangingiti na sa alok ni Hilton. Tumayo ako ni hindi na nakuhang magpaalam sa kanya. Sa gitna ng hardin kung saan naroon ang mga bisita, kumakain titig na titig sa paglalakad namin ni Hilton malapit na ito sa magandang fountain.
"Can I hold you?" Ngumiti ako at tumango. Ngayon hawak na ako sa baywang walang malisya dahil kaibigan na rin naman ang turing sa kanya.
How did this come to be?
I don't know how you found me, but from the moment I saw you deep inside my heart I knew..
Napalakas ang halakhak ko dahil naapakan ang paa ni Hilton. Nakitawa na rin ang ibang panauhing nakakita.
"The devil is frowning now.." Napasulyap ako sa gawi ni Isaac. Nang magkakatitigan, nginisihan ako. Nakaupo pa rin siya. Malamlam ang mga mata.. but I know he's happy..
"Hindi naman Hilton.." Nasa balikat na niya nakapatong ang mga kamay.
"Oh yeah?" Sinilip din niya.. pagkatapos ay tumawa. Kaya nakitawa na rin ako. "The bastard is in love.." Nagpatuloy ang hagikhik.
"E, sino iyong babae..?" Mas lalo pa siyang tumawa. "Sa kanya mo na lang itanong." Hindi ko na halos madama ang sinasabi ng kanta.. Hilton's too loud parati pang may baong biro.
"Can I have her now.." Si Nick naman ngayon. Lahat sila puro kulay gray ang suot na suit, si Isaac lang ang naiba.
Baby you're my destiny you and I were meant to be, with all my heart and soul I give my love to have and hold and as far as I can see you were always meant to be my destiny...
Natahimik na dahil si Nick na ang kasayaw hindi kami gaanong malapit tulad ni Hilton.. Ang kanta'y paulit-ulit na pinatutug-tog. Hindi pinapalitan.
"Iingatan ka niya.. just promise me .. promise me na maghihintay ka. Hihintayin mo siya.." The seriousness in his eyes brings shivers down my spine. Bago pa ako makasagot nahablot na ni Luke ang palapulsuhan at siya naman ngayon ang nasa harapan.
I wanted someone like you
Someone that I can hold on to
And give my love until the end of time...
"You know I don't know how to dance even in slow dance, but the asshole is too persistent.. kaya pasensiya na kung maapakan ko ang paa mo.."
Baby your my destiny you and I were meant to be with all my heart and soul I give my love to have and hold and as far as I can see you were always meant to be my destiny...
Nagsimula kaming magsayaw sa tahimik na paraan. Siya hawak ako sa baywang pero may pag-aalinlangan..
"Luke.. " Umpisa ko. "Mahal ko ang kaibigan mo.." Tumingala ako. He then sighed.. tunog problemado.
"And the asshole loves you too.. but you know.." Napakamot siya sa batok.. "Alex is attractive to you.. dapat liligawan ka pa nga kaso.."
"Hey.. ako naman lagpas ka na sa binigay na oras.." Ngumisi si Luke. At hinayaan na si Alex. He hold my waist medyo nagulat ng lumapat ang kamay roon. His hand is large, palm that is hot. Pero walang kuryenteng makapa.
"He's frowning but he's controlling it.." Ngumisi ulit. Pilit naman akong ngumiti.
"Hindi makakabuti sa kanya iyong pinag-iisip siya.."
"I know. Masuwerte siya kasi naunahan ako. Kung ako ba ang unang nakilala mo mamahalin mo rin ba ako? Tatanggapin din tulad ng pagtanggap mo? I mean, The chances are too low.. but look, You're still on his side.. sinaktan na'y nanatili pa rin sa tabi niya." Ang kamay niyang nasa baywang ay hinawakan. I looked at him in the eye..
But forever was just a word, just a word,
Something I'd only heard about
But now you always there for me
When you say forever I'll believe..
"Ikaw ang una kong nagustuhan.. pero.." Nag-aalinlangan dahil takot siyang masaktan..
"...Pero mas nauna mo siyang minahal?" Hindi na kami sumasayaw. Kapwa nakatayo na lang sa gitna ng malawak na hardin. Patuloy pa rin ang pagbuga ng tubig sa bilugang fountain.
"Mahal na mahal Alex.." Matapang at buo ang boses. He give his warm smile. Sumikip ang didbdib sa ginawang pagpapanggap.
"I understand.." He licked his lower lip. And smile again. He then nod. "I like you.. pero hanggang doon na lang siguro ako.." Kahit ang mga bisita'y nakakahalata sa seryosong pag-uusap. May tugtog pa rin pero balewala na ito sa akin. Sa sakit na rumirehistro sa kanyang mukha'y hindi ko na ito makuha.
"Are you happy?" Nakangiti siya. But his voice crack..
"Masaya Alex.. sobrang masaya.." Nakangiti na rin ngayon, nakatingala sa kanya.
"My turn.." Tuluyan pang ngumiti ng masilayan ko siya.
"Mahihintay mo naman siya hindi ba?" Si Alex. Tumango ako. Pero dumadagundong ng malakas ang puso dahil nasa tabi ko na siya.
Kanina, kahit paulit-ulit na naririnig ang kanta, hindi ko ito madama.. pero nang siya na ang kasayaw, ngayon ko lamang nadama ang ipinapahiwatag ng musika. We dance slowly. Both of his hand is on my waist.. ang mga braso ko naman ay nakapulupot sa kanyang leeg.. we are just staring at each other's eyes. Parehong tahimik habang dinadama ang sinasabi ng kanta.
"You're my destiny.." He said huskily. Napakagat ako sa ibabang labi.
"Am I your destiny?" Tanong niya sa aking pananahimik. Ang mga tao sa paligid ay napakatahimik din. Sa amin na lang nakatingin. Ang ilan ay nahinto na sa pagkain. As if, they are waiting for an explosive scene.
"Today.." Pinakawalan niya ako at kinausap na ang mga naroon. "..Is my revelations.. my mother, my friends, Tita Deth and the other relatives is our witness.. if time came.. that all the memory I have will erase.. please.. don't give up on me.." Bumalatay ang sakit sa akin. He's begging again at ayaw kong gawin niya 'to, dahil hindi ko naman talaga siya susukuan.
"Pilitin mo akong mahalin ulit kita.. Pilitin mo akong maalala kita.. dahil.. sayong-sayo lang ang puso ko at ikaw lang ang nag-ma-may-ari nito.."
Pinanlakihan ako ng mga mata ng bigla na lamang siya lumuhod sa aking paanan.
Nakangiti siya kalakip ang kumikislap na luha sa mga mata. He was holding a ring. Kumislap ang mga diyamanteng nakapaligid dito ng saglit na maitapat sa maliliit na ilaw mula sa hardin.
Inilibot ko ang paningin namataan ko si Tita Deth.. pinipilit na ngumiti pero ang totoo ay naluluha na rin. His Auntie Elizabeth still in shocked but not her mother. Naghihintay na lamang ito sa aking kasagutan. With the music still playing.. the cold wind, the beautiful fountain, even if, I'm still in shocked I tried hard not to scream..
"Will you be my destiny forever?" May bumabara na sa lalamunan at kung magsasalita pa'y hindi na mapipigilan ang pagbabadya ng mga luha..
"You know that I'm dying.. but.. will you still stay? It's your last chance. You can still choose someone.. still choose.. Alex.." Hirap siyang banggitin ang pangalan ng kaibigan. Gusto ko sanang kurutin pero hinayaan ko na lang at ayaw na itong palakihin nasa harapan kami ng buong pamilya palalampasin ko na lang.
"With all your heart and soul, I'll ask you.. Will you marry me?" Sasabog na yata ang puso ko sa bilis ng tibok nito.. Nag-po-propose siya?
"Will you marry me?" Ulit niya dahil napatulala na. Umiiyak na ako sa harapan niya hindi makasagot ng diretso dahil mag-uunahan sa pagtulo ang mga naipong luha.
Inilahad ko ang mga kamay sa harap niya. Umiiyak na. Ngumingisi siya pero hilam na rin sa luha ang mga mata.. Sinuot niya ang singsing sa daliri and in a swift move he hugged me real tight...I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (37)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
a lot of moral in this
25/04/2025
0I needed to get out of course and don't forget the best you too I hope it goes well with your breakfast and lunch babyyy ha no po ha ha wag na Miata na Miata na na end up in the future I'm going to try to go to the athroom AND YOU SO MUCHH NAA PUG PUPPIES FOR I MISS YOUUUU NAPOOOOO I WANT I WANT I WANT YOUR YOU DON'T LEAVE I WANT I WILL TRY KOhaab bebe mo Yung Bleu be mad na gagawin ko very happy birthday 5th by a lot baby ko btw papasok bf the best in 8 to the bathroom AND KUMAIN you so much fo
26/03/2025
0a obra é boa
17/03/2025
0Tingnan Lahat