Homepage/Love At first Sight (Book-1)/
Kabanata 24: Peace Offering
Peace Offering
Mahihinang mga yabag, bulungan at buntong-hininga ng mga taong nagbabantay. Gising na gising na ang diwa ko at hindi na rin nakakaramdam ng matinding pananakit ng ulo. Pinili kong ipikit pa rin ang mga mata upang mas mapanatag ang isip.
Bumukas at sumara ang pinto ng silid. Rinig ko ang pagsinghap ng kung sino, ramdam din ang pagtayo nito. Sunod ay ang paglapit sa kamang kinahihigaan ko.
Mabigat na buntong-hininga ang pinakawalan ng taong lumapit bago ito humarap sa mga taong nakatingin.
"Mas mataas na dosage na ng gamot ang neresita ko." And he sighed again. "Madam, it's hard to say but your nephew.." Nahinto sa paglapit si Tita Elizabeth sa doktor na kumakausap.
"We knew all about it." My beautiful aunt faked a smile. Matapang pa ring nakikipag-usap sa kabila ng sobrang pag-aalala. "Hinihintay ko pa ang kapatid ko para mapag-usapan ito..."
"We don't have much time. Kailangan na nating bilisan. Nasa kritikal na ang kondisiyon niya..."
"How about my life span?"
Natigilan silang lahat. Ang doktor na sumusuri ay mapagkumbabang tumango. Aunt Elizabeth looked away, ang mga kaibigan ko naman ay nag-si upuan na lamang sa bakanteng upuan. Pare-parehong nanahimik.
"Ilang araw na lang ang itatagal ko?" Umupo na ako sa hospital bed. "And I want an honest answer..."
Nahihirapan silang lahat? Puwes mas nahihirapan ako! Pinagtulakan ko ang babaeng minamahal ko! Dahil sa iyon ang mabilis na paraan upang kamuhian niya! Dahil sa tingin ko... napakahina niya at mahihirapan siyang kalimutan ako...
But then... bakit ngayon, nagsisisi ako... na dapat pala, pinili ko na lang ang makasama siya habang nabubuhay pa!
Nag-angat ako ng tingin sa doktor. Nakangiti siya ngunit mas lamang ang pag-alala sa kanyang mukha.
"If you agreed for the operation.. Magtatagal pa hijo.. and I assure you, it will be successful. Marami akong kakilala sa U.S. matutulungan ka nila." He tapped my shoulder.
Papayag ba ako? Paano kung pagkatapos ng operasyon ay magkatotoo ang mga hinuha nito? Na maaring makalimot na ako at hindi na muling maibalik ang lahat ng mga alaalang naipon sa utak ko?
And how about Lily?
Maliban sa mga kaibigan, kay Auntie Elizabeth, at kay Mama...
Mariin akong pumikit ng makita sa diwa ang malakas niyang tawa noong namasyal kami at nabasa ng malakas na ulan...
I am in love with her.. Sa sobrang takot ko na masasaktan ko lang siya inunahan ko na... ipinagtulakan ko para magalit siya... para kalimutan na lang ako at hindi iisiping mamatay na ako...
"At kapag naging successful ang operasyon, maaring mabura ang lahat ng mga alaala ko, right doc?"
Ngayon pa lang pinapahirapan na ako nito. Bakit parating may pagpipilian? Makakalimutan ko ang masasayang alaala kasama ang babaeng nagturo ng totoong pagmamahal? Was this okay? Paano kung hindi manumbalik ang dati? Paano kung tuluyan ko siyang makalimutan? Sapat ba ang pagmamahal para maibalik ko ang mga naipong alaala kasama siya?
"Maaari. But you don't have to worry, babalik din ang lahat ng mga mabuburang alaala.." binibigyan niya ako nang napakalaking pag-asa.. Tumitig siya kay Auntie.. "...matatagalan lang pero hijo, babalik din ang mga ito.."
"At kapag hindi ako nag-pa opera?" Mariin akong tumunghay sa doktor. "Ilang buwan na lang ang itatagal ko?"
"Michael please... don't say that..." Lumapit sa akin si Tita lumuluha na.
"Doc, magpakatotoo na tayo..."
"Magpapa-opera ka! Kahit ano gagawin ko magpa-opera ka lang anak..."
Katulad ni Mama umiiyak din siya sa usaping ganito. Ngunit, mas higit akong nasasaktan kapag si Mama ang nakikita kong luhaan.
"Hindi papayag ang Mama mo na hindi ka magpapa-opera." Titig na titig ako sa kanya. Lumuluha siya kahit na nasa harapan pa naman nila.
Muli kong sinulyapan ang doktor na sumusuri.. I am still waiting for his answer.
"Four to six months..."
Tumungo ako sa kaalamang ito. I clenched my jaw and stood up.
"Saan ka pupunta?" May pangamba at pag-aala sa boses ni Tita..
Sinuyod ko ng tingin ang mga nananahimik na kaibigan.
"Papakasalan ko siya at iyan ang kondisyon ko Tita..."
Umiling si Nick na tinawanan ni Hilton. "Paano naman si Alex?" Mapang-asar na pakikisali na Luke.. It's very unususal of him, dahil hindi naman parating sumasali sa biruan ng mga kaibigan ko. But for today, hindi ako nakikipagbiruan lang dahil tototohanin ko ang sinabi.
"Papasok tayo."
Nakitaan ko ng pagkalito sa mukha niya si Alex.
"Puwedeng bukas na? Ang sabi ko kasi kay Tori, inatake ka na naman ng migraine mo. Hindi ko sila masasamahan."
Hindi ko pinahalata ang pag-igting ng mga panga. I am jelous again.. "Saan ba dapat kayo pupunta?"
"Magla-lunch dapat kami kila Tori. Ipapakilala ni Tori si Lily sa Dad niya.."
I saw how Hilton smirked. Alam niya na kaagad ang mga plano ko.
"Paano mo papakasalan kung galit naman sayo?" Ngumingisi pa 'to. "Sa ginawa mo at sa sobrang hiya ko umiiwas na lang ako..." Magkasabay na sumulyap sina Nick at Luke kay Hilton.
But instead, sa kay Tita ako tumitig. Hindi siya sang-ayon sa plano ko pero, gagawin ko... Gagawin ko ang lahat makuha lang ang kanyang oo...
"Papakasalan ko siya Tita..." Matatag at matapang kong hayag.
Kahapon dapat ako ipapakilala ni Tori sa Daddy niya. Hindi lang kami natuloy dahil umatras si Alex.. nalaman ko mula kay Tori na inatake na naman daw ng migraine niya si Isaac. Kumurap ako at ibinaba ang librong binabasa. Kanina pa naman tapos ang klase pero nanatili kami sa library ni Tori. Ako lang ang mag-isa ngayon. Naghahanap pa ng mga librong kailangan para sa asignaturang sasagutan ang kaibigan.
Napadako ang paningin ko sa gilid ng pintuan. May isang mesang naroon. Bihirang pagkakataong may umuupo roon... Nagtaka ako at nagulat dahil nagkasalubong ang mga mata namin ni Isaac...
Halos tumayo ako at gusto ng umalis sa puwesto. Nahanap ng mga mata ang librong binabasa kanina. Kinuha ko ito at nagkunwaring binabasa ito. Malakas na tumatahip ang dibdib dahil hindi inaasahan ang pagtatagpo naming ito!
Anong ginagawa niya dito?
Hindi ako naniniwalang nag-aaral siya at nandito para magsaliksik ng mga katanungan para sa sasagutang asignatura! Hindi ako mapakali kaya napasilip. Gamit ang libro ay siyang ipanangkubli ko. Sa bahagyang pagsilip hindi ko inaasahan ang makikita...
Si Hilton na ang nasa upuan at nawala na ang kanyang kaibigan! Nahuli pa ako ni Hilton na sumusilip! Nakakahiya! Kaagad kong hinanap si Victoria pero hindi ko naman makita. Tumayo ako bitbit ang librong ginamit upang masilip uli si Isaac...
Mariin akong pumikit dahil papalakas ng papalakas ang kalabog ng aking dibdib! Wala naman siyang ginagawa ako lang ang nagpapaapekto at hindi ko na dapat na nararamdaman ito!
Dahil hindi ko maapuhap si Tori nagpasya ng lumabas para makaiwas. Nang nasa mismong puwesto na sa inuupuan ni Hilton labis na ang panlalambot ng tuhod dahil may pakiramdam akong nasa paligid lamang si Isaac!
Tatlong hakbang na lang...
"Iiwanan mo talaga ako?" Impit na sigaw ni Tori. Humihingal pa dala ng pagtitimpi.
Umiling ako at humakbang na. Sumunod naman siya. Pababa kami ng hagdan ng makita ko na naman ang taong hindi inaasahan na makikita ngayong araw! Sa sobrang kalabog ng dibdib napahawak ako kay Tori...
Ang malaking katawan niya ay nakasandal sa railing ng hagdan. He is wearing a white shirt, a ripped jeans and a converse shoes. And his hair.. his hair, is in a messy bun. Gusto kong mag-iwas ng tingin pero may humahatak sa akin na siya'y pakatitigan. Lumunok ako at pinipilit pa ring mag-iwas ng tingin...
I miss him so much...
Pero hindi pa ako handa..
May takot pa ring nagtatago sa aking puso...
"Hay naku..."Inismiran ako ni Tori. Pinaypayan niya ang sarili gamit ang mga kamay. "Apektadong-apektado ka pa rin a.." Bumusangot siya.
"Tori..." Sinasaway siya. Malapit na kami sa dulo ng hagdan kung saan naroon siya. Nakasandal ang kanyang katawan sa huling bahagi ng hagdan.
And as always.. he's still captured my heart. Siya pa rin ang hinahanap-hanap.. Siya pa rin ang pinangungulilaan sa kabila ng mga pananakit niya.
Habang pababa, ramdam ko bawat sulyap niya. Hindi ko makontrol ang pangangatog ng mga tuhod. Pinangungulilaan ko siya ng husto, pero ayaw ko ng bigyan ng pag-asa ang aking puso! Aasa uli ako? At pagkatapos ay iiwan lang din sa huli? Baka mahirapan na talaga akong kalimutan siya kung pagbibigyan ko pa ang sarili!
"Akala ko ba inatake ng migraine yan, bakit nandito naman? Hindi ba dapat ay nasa bahay siya..?"
Hindi na ako umimik. Nasa tapat na namin si Isaac... halos bumuwal pa ako sa taranta! Sa tangkad niya ay walang hindi makakapansin. This is him... he got the angst... and the power to control my emotions... Isang bagay na hindi ko kailanman kayang paglabanan!!
Nag-iwas ako ng tingin ng sumulyap siya sa akin. I saw hesitation in his eyes... Hindi lang ako sigirado... pero bakit naman mag-aalangan?
Nagulat pa ako lalo ng my sumipol sa aking likuran. Mas binilisan ko ang lakad hindi ko na namamalayang nahahatak ko na si Victoria...
"What?" Nangunot ang kanyang noo sa inasal ko. "Para kang hinahabol..." Sumulyap siya sa daang aming tinahak kanina.
Nasa parking lot na pala kami. Hindi ko namalayan sa sobrang pagmamadali.
"Uuwi na ba tayo? Akala ko ba hihintayin natin si Alex. Makikibalita ka sa nangyari doon sa-"
Mabilis kong tinakpan ang bibig ni Tori. Nakarinig kasi ako ng mga yabag. Baka sila Hilton ulit...
"Lily!" Halos sigawan niya ako ng tanggalin ko ang kamay na nakatakip sa kanyang bibig. "You acting weird.." Muli siyang umirap. Sanay na naman ako sa pagtataray niyang ito, ngayon lang hindi komportable dahil may iniiwasan ako...
"Tsaka na lang..." Wika kong hindi mapakali sa kinatatayuan.
"Anong tsaka na lang?" Ngayon tinataasan na ako ng kilay ni Tori. "Kahapon atat na atat kang malaman ang kalagayan, tapos ngayon, atat ka ring umalis? Ang weird mo talaga.."
Nginitian ko para hindi niya mahalatang may iniiwasan ako.
"Tara na." Marahan kong hinawakan ang palapulsuhan niya. Sa rahan nito hindi niya bibigyang kahulugan ang mga pinaplano.
Ngunit labis akong nagulat ng sa pag-ikot upang makasakay na sa sasakyan ni Tori tsaka naman ang pagsipot ni Hilton!
Ako lang ang nagulat at nanatili ang pagtataray ni Tori..
"Hey... not so fast..." Ngumingising saad ni Hilton.
"What do you want?" Maarteng sambit ni Tori.
"May nagpapabigay..." May ini-abot si Hilton. Kulay puting paper bag ito. Dahil napatulala sa bagay na ini-abot ni Hilton, si Tori na ang kumuha mula rito.
"Ano 'to? Peace offering?" Halos tumawa pa si Tori sa mga bagay na nasa loob ng paper bag. Hindi ito kasing mahal ng mga koloreteng binibili niya..
Mura, at simple ang mga bagay na itinuturo ko kay Isaac at walang pagdadalawang-isip niya itong binibili. Mura man ito, sobrang kaligayahan naman ang dulot nito.
"Para kay Lily iyan-"
Sa pagkakataong ito... hinatak ko ng boung lakas si Tori. Umungol siya sa pag-inda ng sakit..
Kahit hindi ko pa lubusang makita ang mga bagay na nasa loob ng paper bag may ideya na kaagad ako. Ito ang mga bagay na pinamili namin noong namasyal kami. Binili 'niya' ito para sa akin. Kunyari, tinatanong ako kung alin ang maganda.. Kapag nagugustuhan, binibili niya kaagad at nagyayabang pa...
Ayaw ko ng balikan ang malungkot na alaalang iyon. Kasi, iyon yung araw na akala ko magpapakatotoo na siya sa nararamdaman niya, subalit nagkamali ako.. dahil ang araw na inakala kong magiging ganap ang pag-iisa, ay siyang araw pala ng pagkawasak...I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (37)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
a lot of moral in this
25/04/2025
0I needed to get out of course and don't forget the best you too I hope it goes well with your breakfast and lunch babyyy ha no po ha ha wag na Miata na Miata na na end up in the future I'm going to try to go to the athroom AND YOU SO MUCHH NAA PUG PUPPIES FOR I MISS YOUUUU NAPOOOOO I WANT I WANT I WANT YOUR YOU DON'T LEAVE I WANT I WILL TRY KOhaab bebe mo Yung Bleu be mad na gagawin ko very happy birthday 5th by a lot baby ko btw papasok bf the best in 8 to the bathroom AND KUMAIN you so much fo
26/03/2025
0a obra é boa
17/03/2025
0Tingnan Lahat