Homepage/Love At first Sight (Book-1)/
Kabanata 21: Hatred
Hatred
Nakapagpaalam na ako kay Tita na aalis ngayong gabi. Natuwa pa siya ng magpaalam ako sa kanya. Bibihirang pagkakataon na magpaalam ako sa kanya at gagala pa kasama ang mga bagong kaibigan. Hindi na kami matutuloy sa spa, ayon sa unang plano ni Tori. Napagkasunduan nila ni Alex na sa bar na kami tutungo. Hindi na ako nagprotesta. Gusto ko ng bagong lugar na makikita... mga panibagong taong makakasalamuha.
Naghihintay na sa sala sila Tori. Tapos na naman na akong magbihis. Napapatulala lang ako sa bagong mukhang nakikita. For tonight, I am wearing a pink blouse. Masyado itong hapit sa aking katawan. Nadidipena ang kurba ng manipis kong katawan lalo pa't hapit din sa katawan ang pantalong ipinares. I wear light make-up and a pink shade of lipstick. Hindi ako sanay pero sinusubukan kong gawin para sa unti-unting pagbabago. I ponytailed my hair and glanced once again on my reflection at the mirror. Wala kahit katiting na kalungkutan na mababanaag sa aking maamong mukha. Taliwas ito sa totoong damdamin.. Malungkot ako, malungkot na malungkot pero hindi ko sisirain ang gabing ito kasama sina Tori... makikipagsabayan ako at pipiliting maging masaya sa harapan nila kahit na... napupunit ang puso...
"Mag-iingat kayo..." Hinaplos ni Tita ang aking likod. Wala akong ibinabahagi sa kanya.. Pero alam kong ramdam niya ang nasa puso.
Hindi na niya ulit binanggit si Isaac. Hindi na rin ako kinukulit. Hindi na muling nag-usisa..
"Before twelve nandito na kami Tita." Magalang na tugon ni Alex. Bahagyang ngumiti si Tita bago sumulyap sa akin.
"Thanks for trusting us po..." Si Tori na yumakap pa kay Tita..
"Naku," totoong ngiti ang iginawad ni Tita. "...mabuti nga at ng makaranas naman ang anak ko sa ganitong pagkakataon. Unang beses niyang lumabas ngayong gabi..."
Nagbiruan pa sila bago kami pinakawalan. Sa loob ng sasakyan tahimik lamang. Pinagmamasdan ko sa labas ng bintana ang mga sasakyang hindi maubos-ubos sa kahabaan ng kalsada. Nasa likuran ako at nasa passenger's seat si Tori.. Tahimik lamang din si Alex na nagmamaneho.
"You okay?" Medyo nagulat ako ng magsalita si Tori. Nilingon din ako ni Alex.
Pilit akong ngumiti.. Pilit ko ring pinasisigla ang boses. "Oo naman. Iniisip ko lang kung anong hitsura ng pupuntahan natin.."
Tinaasan ako ng kilay ni Tori. "Like duh! Masanay ka na dahil parati na kitang dadalhin sa mga lugar na nakasanayan ko nang puntahan. At isa pa, okay naman kay Tita na isama kita, ikaw lang talaga ang umaayaw kahit pinapayagan naman..."
Alexander chuckled. "Magkaiba kayo Tori.."
"Yeah I know... we have a different personality but you know what Alex? kahit medyo boring ang life ni Lily.. Mas pipiliin ko pa rin siya kaysa sa mga old friends ko.."
"Really?" Alexander seems amused.
"They are all fake. Noong na suspend kami, ako ang sinisi nila. Ni hindi ko na makontak at panay pa ang iwas... Kung ayaw naman pala nilang ma- suspend, and if they are really a true friend dapat sinaway nila ako, dapat tumanggi sila sa plano ko... but then, sila pa nga ang may gustong sirain ang eyeglasses mo Lily... Lahat sila peke!"
Tumawa si Alex.. nakakahawa ang pagtawa niya dahil may kalakip itong pang-aasar kay Victoria.
"Why are you laughing?" Nakahalukipkip na tanong ni Tori.
"Hindi mo ba alam? Pinagpapantasyahan din ng mga kaibigan mo si Isaac?" Mas lalong lumapad ang ngisi ni Alex...
"Really? Well.. kung ako nga hindi pinapansin sila pa kaya? Nakakaawa naman sila. Alam naman natin kung anong tipo niya.."
Pahapyaw siyang tumitig sa akin. Muli akong nanahimik dahil hindi naunawaan ang gusto niyang ipahiwatig.
Nine-forty five kami dumating sa pupuntahan. Kapwa kami nakatunghay sa sasakyan ni Alex ng ipinaparada na niya ito sa parking. May bakante pa naman para sa mga darating pang customer maaga pa at ang sabi ni Tori dagsaan ang tao kapag friday.
Abot sa parking area ang tugtog mula sa loob ng bar. May mangilan-ngilang customer ang nasa labas. May naninigarilyo.. may kausap sa telepono, may magnobyong naglalambingan.. may umaalis bitbit ang bagong kakilala..
Nang mapadako ang aking tingin kay Tori tinaasan ako nito ng kilay at sinundan ng tingin ang mga taong tinitingnan ko kanina.
"Balak mong umatras?" Mataray niyang saad. "Nagbihis ako ng todo ngayong gabi tapos balak mo lang umuwi at umatras?" Umirap siya at nilapitan ako.
Totoo naman, pinasadahan ko siya ng tingin. Tori is wearing a black crop top paired with her maong mini-skirt. Ang suot na sapatos ay nagniningning sa kintab at napakataas. Kita ko ang impis niyang tiyan. Makinis at nangingibabaw ang kaputian. Her long-legged are exposed with her short skirt. Sobrang lamig, pero nadadala niya ng maayos ang kasuotan. May dala naman siyang balabal na siyang panlaban sa malamig na panahon.
Hindi ko inaasaahan, pero labis na katuwaan ang naramdaman ng haplusin niya ang likod ko. She was comforting me... Tila ba walang naganap sa pagitan naming dalawa dati. Galit na galit siya, kasi imbes na sa kanya mapunta ang atensiyon ng lalaking nagugustuhan ay sa akin pa ito lumapit, nangulit...
"Huwag mong ipapahalatang loser ka, okay?" Taas-noong wika niya. "Dapat ipakita mong balewala din siya sayo.. na hindi siya karapat-dapat para sayo.."
Tumango ako.. at ngumiti sa kanya.
"You are so beautiful Lily... Baduy at boring pero walang makakatalo sa ngiti mo. You have this kind of smile which can captured every man's heart.. Masyadong puro at inosente..."
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa magkahalong insulto at pamumuri ni Tori.. pero ito na yata ang totoong katauhan niya. She is straightforward, naiintindihan ko ang pinanggagalingan niya. Walang naidulot na mabuti ang mga dating kaibigan niya sa kanya... Hindi ko siya babaguhin, pero tuturuan ng tamang gawi at pag-uugali.
"Thanks Tori..." Nginitian ko siya. Ngiting totoong-totoo at tinatanggap na siya sa buhay kong ito..
"No, thanks to you.. from now on. You will be my bestfried. Deal?"
Masaya akong ngumiti at niyakap na siya..
"Tara..." Si Alex ng makalapit. His misteso featured high lightened with his black long-sleeves. Mas lalong nadidipena ng mapusyaw na ilaw na nangagaling sa malayong parte ng parking.
Magandang lalaki si Alex. Sa katunayan, siya ang una kong hinangaan.. but it was faded easily... Madali itong nabura at nahigitan ang nararamdaman, ng mas higit pang nakilala ang kanyang kaibigan...
"Ready?" Matapang na tanong ni Tori.
Lumunok ako at tumango ng diretso. Magkahawak kamay kaming naglakad habang naka-abrisyete siya kay ALex.
Normal lamang ang lahat ng ito para kay Tori. Nakasanayan na niya ito at kalaunan... masasanay na rin ako.
Maingay, mausok, siksikan.. iyan ang una kong nabungaran. Halos magsigawan ang mga nag-uusap dahilan sa lakas ng musikang nakasalang sa entablado. May nagsasayawan, may naghihiyawan habang umiindayog. Hindi ito ang mundong nakasanayan ko... Taliwas ito sa mga kagustuhan ko... pero susubukan ko.. sa umpisa lang naman mahirap ang lahat, hindi ba? Kapag nakasanayan na... hahanap-hanapin mo na...
Katulad ng pangungulila ko sa 'kanya'. Hindi ko inaasahan pero...
Mariin akong pumikit at itinatanggi sa isip ang pangungulila ng labis sa 'kanya'.
May kumaway sa amin. Pamilyar sa akin.. nilingon ako ni Tori. Nababanaag ko ang pag-aalala sa kanyang mukha. Subalit, nginitian ko.. ipinapahiwatig na maayos ako.. Na masasanay din ako...
"Nagpareserved na si Hilton.." Awtomatiko ang paglipat ko ng tingin kay Alex.
Siksikan kaya nasa unahan siya. Hindi na makahawak sa kanya si Tori pero nanatili ang hawak ko sa kaibigan.
"Kanina ka pa?" Si Alex ng hustong makalapit na kami sa lamesa. Hilton is seating patiently on a red couch. Halatang may inaasahang darating at sana kami lamang ang kanyang inaasahan dadating.
"About an hour?" Presko pa siyang ngumisi. Nag-iwas agad ako ng tingin ng tumitig siya sa akin.
"'Di nga?" Hindi makatiis na sabad ni Tori. Humalakhak si Hilton.
"You may sit down now ladies..." Iminuwestra pa niya ang bakanteng upuan.
Hindi ako mapakali. Hindi makakilos ng maayos. Paano kung naimbitahan din siya? Paano kung kasama pati ang girlfriend niya? Makakakilos pa ba ako ng maayos nito kung sakaling sa harapan ko pa mismo maglalandian ang mga 'to?
"He's not here..." Si Hilton. Titig na titig at tila may pagsisi ang mga mata.
Nakahinga ako ng maluwag. "Ayos lang naman..."
"Don't ruin your night okay? Let's celebrate!" Humiyaw si Tori na ikinatawa ni Alex. Pero nanatili ang aking pananahimik. Naaapektuhan ako sa presensiya ni Hilton. Kapag kasi nariyan siya may posibilidad na nasa paligid lamang din si... Isaac...
Bumuntong-hininga ako at tahimik na umupo katabi ni Tori. Nagtawag sila ng waiter handa ng omorder ng mga kakainin at iinumin. Pinasadahan ko ng tingin ang buong paligid. Lahat ng naririto ay nagkakasiyahan. Sumasakit ang mga mata ko sa mabilis na galaw ng mga ilaw. Papalit-palit ito ng kulay..
Nang dumako ang paningin sa gilid ng bar sumikdo ang kaagad ang puso ng namataan ang pamilyar na bulto. He's all alone. Hindi na ako magtataka dahil nandito si Hilton, pero bakit nasa mesa naman namin ang pinakamalapit na kaibigan niya, hindi ba dapat ay samahan siya?
Nagtataka akong sumulyap kay Hilton. And yes, I am right! Dahil inoobserbahan niya ang bawat galaw!
Bakit?
Anong dahilan?
I looked away instantly. Muling sinusuyod ng tingin ang kanyang kinapupuwestuhan. But as I looked that way again, wala na siya..
Ang bilis niyang mawala!
Dapat pagbibigyan ko ang sariling magsaya sa gabing ito!
Pero... magiging masaya ba talaga ako? Paano kung hindi naman? Kung magandang pagkakataon ang ibinibigay sa akin na makita siya, dapat ba sunggaban ko na? Paano kung huling pagkakataon na pala ito? Paano kung may ipinapahiwatig si Hilton? Paano kung gusto niyang makatulong...
Taranta akong tumayo at kamuntik pang makabangga. Kapwa nagtataka pa sina Alex at Tori sa naging aksiyon. But with Hilton. Nanatili siyang nakaupo at inaasahan ko na ito. May plano siya at sana gumana ito!
"You okay?" Bahagyang tumayo si Tori pero pinigil ko na kaagad.
"M-agpapahangin lang..." Kagat ang ibabang labi dahil windang!
"Not a good idea.. baka mapaano ka sa labas.."
Simpleng tumayo si Hilton. Tila wala itong pakialam at kunyari hindi din napansin ang kaibigan.
"Ako na ang bahala... I need to smoke. Tawagan mo na lang ako kapag dumating na ang inumin.."
"Dude..." Tila salungat pa si Alex.
"Shes's in good hand bro. At isa pa.. hindi pa siya gaanong sanay sa lugar.. hayaan niyo na muna.."
Bumuntong-hininga si Tori at walang nagawa kundi ang tumago...
Nagpatiuna si Hilton. Sinusundan ko ang daan kung saan hindi gaanong siksikan. He was guiding me at alam kong hindi niya ako pababayaan.
Malapit na kami sa pintuan ng bar ng may humarang...
"Look who's here..." Nilingon ng lalaki ang mga kasamahan.
Bumundol ang kaba dahil pamilyar sila! Ito ang mga kalalakihang nangggulo sa bilyaran! This isn't a good timing!
"Don't touch me!" Hahawakan niya dapat ako pero may naunang humawak sa akin bago pa man lumapat ang kamay niya sa palapulsuhan ko...
In an instance, my heart beats wildly.. The warmth of his touch is making me insane! Kaagad na nanlambot ang mga tuhod ko at halos manginig na ang buong katawan ko!
This is his effect on me, a simple touch can make me crazy!
"Pinagbigyan na kita dati..." Kitang-kita ko kung paano kumuyom ang kanyang kamao...
"Dude wala akong pinirmahan-" Mapang-alaskang saad..
A hard punched landed on his teasing face... Tumataas-baba ang dibdib ni Isaac.. Lalapitan ko sana para pigilan pero inawat ako ni Hilton.
Mabilis na rumesponde ang mga bouncer.. dagling naawat ang mga naunang nanggulo..
And then, he found my eyes... I am teary eyed.. hindi ko lang alam kung pansin niya ba dahil sa kadiliman ng lugar...
Time stop for unknown reason, but my heart continue beating...
He was staring at me menacingly...
Lumunok ako sa tapang ng kanyang anyo. He didn't looked away.. All I could see is hatred and...
Hinatak niya ako palabas ng bar... Hindi makapagprotesta dahil ito ang sandaling hinihingi para kausapin siya...I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (37)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
a lot of moral in this
25/04/2025
0I needed to get out of course and don't forget the best you too I hope it goes well with your breakfast and lunch babyyy ha no po ha ha wag na Miata na Miata na na end up in the future I'm going to try to go to the athroom AND YOU SO MUCHH NAA PUG PUPPIES FOR I MISS YOUUUU NAPOOOOO I WANT I WANT I WANT YOUR YOU DON'T LEAVE I WANT I WILL TRY KOhaab bebe mo Yung Bleu be mad na gagawin ko very happy birthday 5th by a lot baby ko btw papasok bf the best in 8 to the bathroom AND KUMAIN you so much fo
26/03/2025
0a obra é boa
17/03/2025
0Tingnan Lahat