CHAPTER 332

Nakarating na pala ako sa apartment na tinitirhan ko sa ngayon. Hindi ko lubos maisip na hihingiin ko ang tulong ni mommy para makausap lang ang pinakamataas na Minister sa Emperyo na si Minister Raiko.
Ilang beses kong pinag-isipan ang tungkol sa bagay na yan dahil unang-una ay ayaw ko na muna talagang magpakita kay mommy especially sa kuya't daddy ko. Pero kailangan ko ng magpakita dahil hindi ko masisimulan ang plano ko kay Aisha hangga't walang approval nang mga nakakataas sakin.
Nagpahinga na muna ako sa sofa ng ilang minuto bago ako dumeretso patungong banyo para mag-asikaso ng sarili ko.
Sa daan pa lang kanina ay nag-order na ako online ng pagkain na kakainin ko ngayong gabi tinatamad kasi akong magluto ng hapunan ko kaya nag-order na lang ulit ako ng makakain.
Habang nasa banyo ay nag-iisip pa rin ako kung paano kong sisimulan ang plano ko para hantingin ang taong may malaking atraso sakin, na walang iba kun'di si Aisha. Kapag pumapasok talaga siya sa isipan ko ay napapayukom na lang ako ng palad, nanggigigil talaga ako sa babaeng 'yon.
Matapos kong mag-asikaso ng sarili ko at makapagbihis ay lumabas na ako sa kwarto para abangan sa salas yung order kong pagkain.
Pagkaupong-pagkaupo ko sa sofa ay bahagya namang tumunog ang doorbell kaya naman napairap na lang ako. 'Yan na siguro yung pagkain na order ko para sa hapunan ko.
Paglapit ko sa pintuan ay bahagya akong nakaramdam ng kaba. "Sino yan?" medyo malakas na boses kong tanong.
Shit!
Hindi kasi sumagot e, bahagya ko namang inilapit ang mukha ko sa pinto at sumilip sa door eye hole na mayro'n ang pintuan para makita kung sino ba ang taong nasa labas.
Natigilan naman ako ng wala akong nakitang tao sa labas. Shit, kinakabahan ako ng matindi baka kasi isa sa mga taga Emperyo ang taong nag-doorbell kanina e.
Hindi ko na muna binuksan ang pintuan hanggang sa may nag-doorbell na naman kaya agad ko 'yong sinilip sa door eye hole.
"Delivery po.." malakas na sabi nang delivery boy na nasa labas.
Kung ngayon lang dumating ang delivery boy, e sino ang taong unang nag-doorbell kanina? Shit, kinakabahan talaga ko ng matindi ngayon.
Naubo naman ako ng mahina para ibahin ang boses ko. "Pakibaba na lang dyan sa gilid ng pintuan, salamat." sagot kong sabi sa delivery boy na nasa labas.
"Nasa lapag na po, maraming salamat rin po." Sabi niya mula sa labas kaya naman sumilip ulit ako at nakita kong katatayo niya lang matapos niyang ilapag ang pagkain na idiniliver niya.
Napansin kong bahagya siyang sumulyap sa door eye hole kaya mabilis ko siyang tiningnan sa mata at nakita ko mula sa mata niya na may taong nakatayo sa gilid ng pinto kung saan niya inilapag ang pagkain na order ko.
Nalintikan na..
Dahan-dahan naman akong napaatras ng walang ingay at agad na nagtungo sa kwarto ko para magbihis. Isinuot ko agad ang jacket kong itim at sapatos, naka black pants naman na ako kaya 'yan na lang ang isinuot ko.
Mabuti na lang may bintana dito sa kwarto at may fire exit. Kinuha ko naman agad ang cellphone, wallet at ang mga mahahalagang dokumento ko at agad na inilagay 'yon sa backpack ko.
Papalipas na muna ako sa labas ng ilang oras bago bumalik dito. Narinig ko naman ang dalawang beses na pagdo-doorbell bago pa man ako sumampa sa bintana para makalabas.
Nagmamadali naman akong makababa mula sa apartment unit ko mula sa bintana. Shit, nasa seventh floor nga pala ako. Sanay naman na ako sa ganitong sitwasyon e, dahil napag-aralan ko naman ang lahat ng 'to sa Emperyo.
Matapos kong makababa ay dali-dali akong naglakad papaalis sa apartment building na 'yon, medyo kabisado ko naman na ang mga pasikot-sikot sa lugar na 'to. Sa may kabilang way ako dadaan, hindi doon sa may mismong daanan kung saan ako pumapasok at lumalabas. Bale sa kabilang kalye ako lalabas para makasigurado ako na walang makakakita sakin.
Sa wakas at medyo nakalayo na rin ako sa lugar na 'yon. Agad naman akong sumakay ng taxi at sinabi sa driver na dalhin ako sa malayong park mula dito.
...
Makalipas ang mag-iisang oras na byahe ay nakarating na rin ako sa isang park. Gabi na pero marami pa ring tao sa park na 'to may parang amusement park rin.
Kaagad naman akong nagbayad sa driver at bumaba na mula sa taxi. Nagpasalamat pa sakin ang driver dahil one thousand five hundred ang binigay ko sa kanya, malaki pa kasi ang sukli ko pero sabi ko na lang sa kanya na 'keep the change.'
Pagpasok ko sa loob ng park ay panay pagkain agad ang bumungad sakin kaya naman biglang kumalam ang tyan ko. Napatampal na lang ako sa noo dahil hindi pa nga pala ako kumakain hanggang ngayon kaya nagrereklamo na ang tyan ko sa gutom.
Naglakad-lakad naman ako para maghanap ng pagkain sa mga food kiosk na nandito. Ramdam na ramdam ko na talaga ang gutom at bahagya ng nagrereklamo ang tyan ko.
Iba't ibang mga pagkain ang nandito, mayro'n korean, japanese at filipino foods. Nasanay ako sa korean foods pero mas bet kong kainin ang filipino foods ngayon kaya 'yon ang bibilhin ko.
Matapos kong makabili ng kakainin ko ay naghanap naman ako ng pwesto kung saan ako pwedeng kumain, at ng makahanap na ako ay agad akong naupo sa isang pwesto na medyo walang ganong tao, pinatong ko agad sa lamesa ang pagkaing nabili ko at inumpisahan ko ng kainin.
Sa kalagitnaan ng pagkain ko ng hapunan ay bahagya akong nagpalinga-linga sa paligid ko. Naka cap naman akong black at nakapatong rin sa ulohan ko ang hood ng jacket ko kaya sigurado naman na walang makakakilala sakin hanggang sa...
Shit! Si Maxine ba 'yon?
Tinitigan ko ng maigi kung siya nga ba talaga at siya nga. Sino ang kasama niya? Ba't siya nandito? Anak naman ng pusang gala, oh!
Napansin ko naman na sina Keana at ang barkada pala ang kasama niya ngayon. Ba't dito pa nila ninais na magpunta?
Napapailing naman akong napayuko ng bahagya para hindi nila ako makita at makilala. Dali-dali ko namang tinapos ang pagkain ko para makaalis na mula sa pwesto ko at lumayo sa kanila.
Inangat ko naman ng bahagya ang ulo ko para sulyapan sila kung nandoon pa sila sa pwesto nila kung saan sila nakatayong nag-uusap. Pero sa pagsulyap ko ay ang pagsalubong ng tinginan namin ni Maxine kaya bahagya akong natigilan.
"Ate Keisha?" hindi ko man narinig ay nabasa ko naman mula sa bibig niya ang salitang sinabi niya.
Napaiwas agad ako ng tingin sa kanya at mabilis na tumayo. Lilingon pa lang ang iba kong kaibigan sa pwesto ko ay nagmamadali na akong umalis mula ro'n.
Napansin ko naman mula sa peripheral vision ko na agad na nagtungo si Maxine doon sa pwesto ko. Nagtago naman agad ako sa likod ng isang puno, madilim naman sa pwesto na 'to kaya sigurado akong hindi nila ako makikita dito.
"Max, ano ba 'yon?" Dinig kong biglang tanong na sabi ni Luther.
"Si ate Keisha nakita ko siya," sagot naman ni Maxine sa kanya.
"Matagal ng wala si Daria, Max. Kaya ano bang sinasabi mo?" Sabing tanong naman ni Keana.
"Sigurado ako sa nakita ko, hindi ako pwedeng magkamali." Depensa na sabi ni Maxine sa kanila.
"Alam mo gutom lang yan, tara na't kumain na muna tayo." Sabi naman ni Shawn.
"No. I know, what I saw guys. I'm sure na si ate Keisha ang nakita ko dito.. sa pwestong 'to." Seryosong sabi ni Maxine sa lahat.
"Imposible nga yang sinasabi mo, Max; kitang-kita naman natin na inilibing si Daria, diba?" Patanong na sabi naman ni Lucas.
"We're not sure about that guys, dahil nu'ng binurol at inilibing si ate Keisha ay hindi binuksan ang coffin niya." Sabing muli ni Maxine.
"Hindi ba't sinabi naman na sa'tin ni Tita E ang reason kung bakit hindi binuksan ang coffin niya?" Tanong na sabi naman ni Keana.
Hindi naman nakasagot si Maxine sa sinabi ni Keana sa kanya.
"I know what I saw, okay?" medyo galit na sabi ni Maxine sa kanila.
"You know what, namimiss mo lang si Daria, Max." Sabi ni Keana.
Umiling naman si Maxine. "No. I'm sure na siya talaga ang nakita ko, hindi ako pwede magkamali dahil magbago man ang itsura niya pero yung titig niyang 'yon kanina sakin ay hindi ako pwedeng magkamali."
Napansin ko namang nagkatinginan ang lahat sa sinabi ni Maxine. Lintik kasi e, ba't ko ba kasi siya tinitigan kanina e? Hays.
"Seryoso ba? Pero imposible e." Kunot-noong sabi ni Shawn sa kanya.
Minsan lang kasi magseryoso si Maxine dahil panay kalokohan lang ang alam niya. At kahit na minsan ay hindi siya nagkamali sa nakita niya.
Napansin ko naman na napalingon si Maxine sa lugar na pinagtataguan ko kaya mabilis naman akong nagtago.
"Guys," dinig kong boses ni Andriana kaya dahan-dahan akong sumilip ulit mula sa punong pinagtataguan ko.
Si kuya Darylle at Andriana nandito rin sila. Hays, ba't ba kasi dito ko naisipang magpunta e?
Nagbeso naman ang lahat ng babae, samantalang ang mga lalaki ko namang mga kaibigan ay tamang tanguan lang.
"Kuya DK, ate Keisha is here." Biglang sabi ni Maxine sa kapatid ko.
Napansin ko naman na natigilan si Kuya Darylle at bahagyang nangunot ang noo dahil sa sinabi sa kanya ni Maxine.
"What are you talking about?" Kunot-noong tanong ni Kuya Darylle sa kanya.
Bahagya namang natawa si Shawn. "Wala 'yon bro, kung anu-ano na lang kasi nakikita ni Max baka namimiss niya lang si Daria."
"Sinabing hindi nga ako nagkakamali sa nakita ko e, at sigurado ako do'n, okay?" Mataray na patanong na sabi ni Maxine sa kanya.
Hindi naman sumagot o nagsalita si Kuya Darylle sa sinabi ni Maxine. Pero bahagya kong napansin na patagong lumingon si Kuya Darylle sa lugar kung saan ako nagtatago.
Shit, ramdam niya ba ang presensya ko?
Hindi na ako nagdalawang isip pa na umalis mula sa pinagtataguan kong lugar dahil sigurado akong ramdam na ramdam na nang kapatid ko ang presensya ko, hindi bilang kapatid niya kun'di isang taong nakikinig at nagmamatyag sa kanila.

Komento sa Aklat (173)

  • avatar
    Johvey

    May chapter pa po ba to? San po ang continues? Please 😔

    29d

      0
  • avatar
    UmandamLency

    Ang gandaa kaya please po pa update sa next chapter huhuhu

    23/09

      0
  • avatar
    HernandezApril joy

    pls pa update nmn Ang Ganda Ng story kaso bitin

    15/08

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata