Homepage/She's a Secret Mafia Queen ( Season 4 )/
CHAPTER 337
Daria's Point of View
Matapos kong makalabas sa Penthouse ay dere-deretso lang akong naglakad papalabas ng village na yun pero hindi ako dumaan sa main gate kundi sa isang mataas ako na pader dumaan.
Hindi na mahirap sakin ang umakyat baba sa mga ganitong lugar dahil sanay naman na ako. Mas mataas pa nga ang pader sa Emperyo kumpara dito eh.
At nang tuluyan na nga akong makalabas sa village ay lumayo na muna ako ng limang daang kilometro bago pumara ng taxi at bumalik sa apartment ko.
Sinabi ko sa taxi kung saan niya akong lugar dadalhin. Ang totoo nyan ay dadaan na muna ako sa condo building na sinabi ni mommy sakin kanina para kunin ang sasakyan na sinasabi niyang naka-parking doon.
....
After a few hours
Nakarating na rin ako ngayon sa condo building na sinabi ni mommy. Sa mismong basement 2 ako nagpababa sa taxi para hindi na ako dumaan pa sa main lobby dahil kukunin ko lang naman ang sasakyan dito.
Pinindot ko naman ang key button ng sasakyan para mahanap ko kung saan nakapark ang sasakyan na sinasabi ni mommy.
At nang makita ko na ang sasakyan ay agad akong sumakay doon.
.....
Pagkarating ko sa apartment ko ay agad kong inasikaso ang mga importante kong gamit para makalipat na sa condo unit.
Tinawagan ko na rin ang may ari ng apartment na nirerentahan ko na si Aling Mylene para sabihin sa kanya na lilipat na ako ng ibang bahay na tutuluyan, nagpasalamat rin ako sa kanya.
Matapos kong makuha ang mga gamit ko sa apartment ay dali dali na akong umalis dahil baka bumalik pa ang mga taong naghahanap sakin.
Sa totoo lang tuwing lumalabas ako ng bahay ay lagi akong naka-mask na naka jacket na black na para bang mangho-holdap ako ng tao sa paligid ko.
Sa kalagitnaan ng byahe ko ay bahagya kong napansin ang isang kotse na panay ang buntot sakin. Kaagad ko namang pinindot ang signal button para kumaliwa, at napansin ko sa rear mirror na kumaliwa rin ang sasakyan na yun, na tila ba sinusundan ang lane ko.
Hindi taga Emperyo ang sasakyan na 'yon kaya agad ko namang binilisan ang pagmamaneho. Kailangan kong mailigaw ang mga taong nasa loob ng sasakyan na sumusunod sakin.
Shit! nalintikan na..
Kung saan-saan ako nagpasikot-sikot at dumaraan para mailigaw ko lang sila hanggang sa nagkaroon ako ng pagkakataon para ihinto ang sasakyan na hindi nila mapapansin. Itinurn-off ko ang engine ng kotse at bahagyang napahiga sa inuupuan ko.
Matapos ang limang minuto ay saka lang ako bumangon at umayos ng upo. Dumaan na kasi ang sasakyan na sumusunod sakin kanina.
Sino ang mga taong 'yon? Bakit nila ako sinusundan?
Nagpalipas na muna ako ng kalahating oras sa lugar kung saan ako huminto. Kailangan kong mag-stay na muna para sa kasiguraduhan na hindi na sila susunod pa sakin.
Makalipas ang mahigit kalahating oras ay napagpasyahan ko ng umalis para magtungo na sa condo building kung saan ako lilipat at mag-istay.
......
Ipinarada ko naman ng maayos ang sasakyan sa parking lot dito sa basement 2 kung saan ko ito kinuha kanina. Napasulyap na muna ako sa wrist watch ko at alas dyes na pala ng gabi. Hindi ko namalayan ang oras dahil sa sobrang pag-iisip ng mga problema ko sa buhay.
Pumasok na ako sa elevator para umakyat sa floor ng condo unit na sinasabi ni mommy.
Sa wakas at nandito na rin ako sa loob ng condo unit. Ibinaba ko naman ng bahagya ang mga gamit ko sa sofa bago ko sinimulang ikutin ang buong condo unit na 'to.
Kumpleto ang mga gamit na nandito. Malinis at maaliwalas para sakin, nagtungo rin ako sa balkonahe na mayroon dito at sobrang nakakagaan ng pakiramdam na makita ang mga nagtataasang mga building sa paligid at mala-langgam na mga sasakyang umiilaw mula sa ibaba.
Hindi habangbuhay ay kailangan kong magtago sa mga taong humahanap sakin.
Hindi pa ito ang tamang oras para lumabas ako at magpakita sa mga taong naging dahilan kung bakit naging ganito ako, kung bakit para akong kriminal na nagtatago.
Nabalik ako sa ulirat ng biglang tumunog ang telepono kaya naman napagpasyahan kong pumasok na sa loob mula sa balkonahe para sagutin ang tawag.
"Hello, good evening. I'm Janine, one of the receptionist of this condominium. I would like to know if are you the owner of one of our unit because we see on the system that your unit is active after a long months?" Bungad na sabing tanong sakin ng receptionist daw.
"No, i'm her nephew. I just want to stay here for now." Sagot kong sabi sa kanya sa kabilang linya.
"Ah.. can you go here at the lobby for a minute ma'am? We just need some id's to sure that you're really the nephew of Mrs. Elisse Caitryn Angeles Park. Is it okay?"
"Yeah sure i'll go there, wait for a minute."
"Thank you ma'am, and have a nice evening."
Napabuntong hininga na lang ako ng malalim matapos kong ibaba ang naging tawag ng receptionist. Ayaw kong magpakita sa mga tao kaya kailangan kong gumawa ng paraan.
Kaagad kong kinuha ang cellphone ko sa bulsa at idinial ang number ni mommy para tawagan niya ang receptionist sa condo na 'to.
"Is there any problem Daria?" Bungad niyang tanong sakin. Mahina lang ang pagkakasabi ni mommy sa pangalan ko. Sigurado akong nandoon na siguro si daddy ngayon.
"I need your help mommy," sabi ko sa kanya. "Tumawag kasi yung receptionist ngayon-ngayon lang at sinabi niya sakin na sa tinagal-tagal ng panahon ay ngayon lang naging active ang unit na 'to. Nagtataka siya na baka pinasok na ang unit na 'to ng ibang tao. Hindi naman kasi ako dumaan sa lobby kanina, sa basement na ako dumeretso dahil naka-kotse ako."
"Ako ng bahala, sige na magpahinga ka na. At kung gusto mo man umorder ng pagkain mag-order ka lang ako ng bahala sa lahat ng bills mo dyan okay."
"Thank you mommy."
"You're always welcome sweety."
Ibinaba na ni mommy ang naging pag-uusap namin kaya naman nakahinga na ako ng maluwag.
Maya-maya pa'y tumunog na naman ang telepono kaya agad ko naman 'yong sinagot.
Sinabi lang sakin ng receptionist na okay na dahil tinawagan na sila ng mismong owner ng condo unit na 'to. Nagpasensya rin siya dahil ayon nga hindi ako nagkamali na pinagkamalan akong akyat bahay kaya pinabababa ako sa lobby kanina. Inihabilin niya rin sakin na pwede akong umorder ng kahit na anong gusto ko kaya nagpasalamat na lang ako at agad naman akong nag order dahil ramdam ko na rin ang gutom.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (173)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
May chapter pa po ba to? San po ang continues? Please 😔
29d
0Ang gandaa kaya please po pa update sa next chapter huhuhu
23/09
0pls pa update nmn Ang Ganda Ng story kaso bitin
15/08
0Tingnan Lahat