CHAPTER 338

Kinabukasan nagising si Daria sa tunog ng doorbell. Bahagya naman siyang nag-unat ng katawan at dahan-dahang nagmulat ng mga mata.
Hindi naman tumitigil ang pagtunog ng doorbell kaya bahagya na siyang bumangon mula sa pagkakahiga.
Lumabas siya ng kwarto at naglakad patungo sa pintuan, pero bago pa man niya buksan ang pintuan ay sumilip na muna siya sa door hole kung saan makikita sa maliit na butas na 'yon kung sino ang taong nasa labas.
Si mommy? Teka, anong ginagawa niya dito? Sabi niya sa kanyang isipan.
Binuksan niya naman agad ang pintuan at bumungad sa harapan niya ang mga plastic na nasa lapag na dala ng kanyang ina.
Groceries? Sabi niya ulit sa isipan niya.
"Mommy?" Gulat niyang tawag na tanong sa nanay niya.
"Help me with this Daria." Medyo mataray na sabi sa kanya ng nanay niya kaya naman dali-dali niyang binuhat ang mga plastic na nasa lapag.
Kaagad niyang dinala sa salas ang mga plastic na ipinasok niya mula sa labas na dala ng kanyang ina.
"What are doing here mommy?" Bigla niyang tanong sa kanyang inang si Eliza.
"Assual, I just bringing you a groceries." Sagot naman ni Eliza sa kanya.
"Yeah I know that's a groceries, but why? I mean, why are you bringing me a groceries mom?"
"Alam kong hindi ka palalabas na tao ngayon kaya mas minabuti kong dalhan ka ng groceries mo para naman may stock kang pagkain dito."
"Mommy naman.."
"It's for your safety Daria, atsaka di naman ako magtatagal dito sadyang idinaan ko lang yang mga yan dito para hindi ka na mag-grocery pa ng mga pwede mong kainin dito. Kailangan mong magpahinga ng maayos, magpalakas ka para sa mga malalaking problemang darating sayo. Hindi pa nag uumpisa ang gyera na papasukin mo Daria, tandaan mo nasa labas ka na ng Emperyo lahat ng kapahamakan na pwede mong danasin ay mararanasan mo kaya lagi kang mag-iingat anak." Seryosong sabi niya kay Daria. Yung huling mga salita na sinabi ni Eliza sa kanyang anak ay makahulugan.
Nagtataka mang napatitig si Daria sa kanyang ina pero hindi niya napigilang hindi yumakap sa kanyang ina na si Eliza.
"Thank you for everything mommy, salamat at hindi mo ko sinukuan sa lahat ng bagay." Natural na ngiting sabi niya sa kanya ina.
"I will do everything for the safety of my family, i will risk my own life to protect our family to danger." Makahulugang salitang sabi ni Eliza kay Daria. "So, I better get going because I have an important meeting today."
"Okay mommy, again thanks for this."
"No worries sweety."
"Take care always mommy, and I love you."
"I will my sweety, you also take care of yourself and I love you so much."
Inihatid ni Daria ang kanyang ina na si Eliza sa pintuan para siguraduhin na makakaalis 'yon ng safe. Kaagad niya namang isinara ang pintuan matapos niyang makitang nakasakay na ang kanyan ina sa elevator.
Sinulyapan niya na muna ng bahagya ang mga groceries na nasa salas at bahagya na lamang napailing. Ngunit, hindi maitago sa kanyang mukha ang natural na ngiti dahil sa nakalipas na limang taon kahit na malayo siya sa kanyang ina ay hindi pa rin nawawala ang pag-aalala nito para sa kanya.
Bumalik ng muli si Daria sa kanyang kwarto para mag-asikaso ng sarili niya, 'yon bang morning rituals na ginagawa niya tuwing umaga.
.....
May mga dumating rin na computer at laptop sa condo unit na ikipinagtaka niya pero matapos niyang matanggap ang mga 'yon ay nakatanggap siya ng mensahe mula sa kanyang ina na si Eliza, na ang mga ipinadala sa kanyang mga gamit na 'yon ay magagamit niya para hantingin ang taong may gawa kung bakit nacomatose siya ng ilang taon.
Napapangisi na lamang siya matapos niyang maiset-up ang mga gamit na ipinadala sa kanya ng kanyang ina.
It's time for my vengeance..
Sabi niya sa kanyang isipan.
.....
Sa kabilang dako ay maagang nagising si Darylle dahil kailangan ng palitan ang gauze ng sugat niya.
"Kaya ko naman na Moo.." bahagyang sabi ni Darylle kay Andriana.
"Tsk, wag kang makulit okay, ako na.." mataray naman na sagot ni Andriana.
Walang nagawa si Darylle kundi sundin ang gustong gawin ng kanyang asawa para sa kanya.
Matapos malinisan ni Andriana ang sugat niya ay lumabas itong muli para naman asikasuhin ang almusal niya.
Dahan-dahan namang tumayo si Darylle para magtungo sa balcony upang lumanghap ng sariwang hangin.
Sa pagtanaw niya sa labas ay bahagya siyang nakaramdam na para bang may taong nakatingin at nagmamatyag sa kanya mula sa malayo kaya naman hindi siya nagpahalata sa taong 'yon na alam niya ng may nakatingin sa kanya.
Who are you?
Sabi niya sa kanyang isipan.
Napansin niyang nakasuot ang taong 'yon ng puros itim na para bang holdaper dahil sa naging pormahan nito.
Paanong nakapasok ang taong 'yon dito e exclusive village ang lugar na 'to?
Hindi mapalagay si Darylle mula sa kinatatayuan niya ngayon dahil kinakabahan siya na baka may masamang balak ang taong 'yon sa kanila. Iniisip niya na rin na sila lang mag-asawa ang nasa bahay pwera sa mga katulong at mga guard.
"Moo.." dinig niyang tawag ni Andriana kaya naman napasulyap siya loob.
"Yes moo, i'm here at the balcony." Sagot naman niya.
"Let's eat our breakfast." pag-aayang sabi ni Andriana sa kanya.
Sinulyapan niyang muli ng patago ang taong nagtatago na 'yon sa isang malaking puno pero wala na doon ang taong 'yon.
Hindi siya basta basta makakakilos sa exclusive village na 'to dahil may mga nagmamatyag na mga tao dito na mula pa sa Emperyo.
Nasabi niya na lamang sa kanyang isipan.
"Moo.." muling pagtawag sa kanya ni Andriana kaya naman napalingon na lang siya sa loob.
Napansin niya naman na naglakad patungo sa kanya si Andriana para alalayan siyang makapasok sa loob.
Sariwa pa kasi ang sugat niya kaya kailangan niya pa rin ng tulong kahit na wala na siyang iniindang sakit o kirot mula sa sugat niya.
"Ang tagal mo namang pumasok moo?" Sabing tanong ni Andriana sa kanya.
"Ang sarap kasi ng hangin sa balcony." Natural na ngiting sagot niyang sabi na lang kay Andriana.
Ayaw niyang sabihin kay Andriana ang naramdaman niya kanina mula sa labas dahil ayaw niyang mag-alala pa si Andriana sa kanya.
.....
Matapos maiset-up ni Daria ang kompyuter at laptop na binili sa kanya ng kanyang ina na si Eliza ay kinuha niya ang isang malaking libro na lagi niyang dala-dala.
Ang libro na 'yon ay hindi basta isang libro lang dahil ang nakapaloob sa librong 'yon ay mga bagay na pinag-aaralan para maging isang mahusay na hacker sa buong mundo.
Hindi maipagkakaila na si Daria ay isang anak nang Mafia dahil sa bawat pahina ng librong hawak niya ay nagagawa niya agad ang mga nakasulat doon.
Matapos niyang mabasa ang mga basic knowledge para maging isang hacker ay napagana niya na rin sa wakas ang tinatawag na God's Eye, na ginagamit rin ng kapatid niyang si Darylle at ng kanyang inang si Eliza.
"Now, I will trace you... Aisha." Ngising sabi ni Daria habang nakaharap sa kompyuter.
At sa isang iglap lang ay kaagad niyang nahanap ang taong naging dahilan kung bakit nagbago ang lahat sa kanya. Ang taong naging dahilan kung bakit naaksidente siya at nalayo sa pamilya niya ng napakatagal na panahon. Ang taong naging dahilan kung bakit dinanas niya ang masamang karanasan sa Emperyo na dapat ay hindi niya naranasan kundi dahil sa taong nakikita niya ngayon sa monitor ng kanyang kompyuter.
"Ikaw naman ang pahihirapan ko ngayon, lahat ng masasakit na dinanas ko sa nakalipas na limang taon ay ipaparanas ko sayo.. Aisha Coreen Hernandez." Tiim bagang na sabi niya habang nakakuyom ang kanang kamay niya.
Napasandal na lang si Daria sa upuan niya habang pinapanood si Aisha na masayang nakikipagtawanan sa mga kaibigan nito sa isang restaurant, kung saan nagsi-celebrate sila dahil kaarawan ng isa sa kaibigan nila.
'Hintayin mo ang paghihiganti na gagawin ko sayo, Aisha.'

Komento sa Aklat (173)

  • avatar
    Johvey

    May chapter pa po ba to? San po ang continues? Please 😔

    29d

      0
  • avatar
    UmandamLency

    Ang gandaa kaya please po pa update sa next chapter huhuhu

    23/09

      0
  • avatar
    HernandezApril joy

    pls pa update nmn Ang Ganda Ng story kaso bitin

    15/08

      0
  • Tingnan Lahat

Tapusin

Mga rekomendasyon para sa iyo