Homepage/She's a Secret Mafia Queen ( Season 4 )/
CHAPTER 336
Eliza's Point of View
Sa wakas at nakauwi na rin kami sa Penthouse. Pinaakyat ko na muna sa taas sina Darylle at Andriana para makapagpahinga silang dalawa. Sinabi ko rin sa kanilang dalawa na padadalhan ko na lang sila ng pagkain nilang dalawa para hindi na sila bumaba pa. Bawal pa kasing magkiki-kilos si Darylle dahil sa sugat na natamo niya nong isang gabi.
Naupo naman ako sa sofa at bahagyang sumandal para ipahinga ang isipan ko. Wala nga pala dito si Dharenz humiwalay siya ng way habang nasa byahe kami pauwi kanina dahil may importante daw siyang lalakarin tungkol sa business.
Sa tinagal tagal ng pagsasama namin ni Dharenz hindi ko na kailangan pang mag-isip o magselos kung lalabas man siyang mag-isa dahil sa ilang taon naming pagsasama nakita ko namang hindi niya na kailangan pa ng ibang babae dahil kitang kita ko na sapat na ako sa kanya kaya natutuwa naman ako, atsaka lagi kong sinasabi sa kanya na hindi na kami bumabata para gumawa pa siya ng kalokohan pa.
Sa pag-iisip ko ay biglang pumasok sa isipan ko ang tungkol sa nangyari kay Darylle.
She's definitely back.
Akalain mo yun sa tagal ng panahon ay nagkaroon ulit siya ng lakas ng loob para guluhin ang nananahimik kong buhay at pamilya. Sa pangalawang pagkakataon ay hindi ko na siya bubuhayin pa dahil kung ang Emperyo natakasan niya ibahin niya ako dahil hindi na siya bababalik pa ng buhay sa lugar na yun kundi ibabaon ko na siya mismo sa lupa.
'Bilangin niya na ang mga oras niyang nalalabi dito sa mundo dahil hindi ako magdadalawang isip na ilibing siya ng buhay.'
Magkikita rin tayo sa tamang oras....
Katrina...
Hindi ko lubos maisip na sa pagtakas niyang 'yon sa Emperyo ay ang pagpapalakas niya para gumanti sakin at sa pamilya ko. Siya naman ang may kasalanan kung bakit napunta siya sa lugar na 'yon. Ang mga paghihirap na naranasan niya sa Emperyo ay hindi ko kasalanan dahil unang-una ay siya mismo ang gumawa ng hakbang para mapunta siya sa lugar na 'yon.
Hindi ko lubos maisip na hahantong na naman ako sa ganitong sitwasyon. Hindi ko naman ginusto na maibalik ulit sakin ang posisyon bilang pinuno ng buong Mafia sa buong mundo.
Ang sakit lang isipin na isinilang ako sa ganitong posisyon at mukhang mamamatay rin ako sa ganitong posisyon.
Ngunit, kung hahantong man ako sa gano'ng sitwasyon ay gusto kong nasa maayos ng sitwasyon ang pamilya ko, yung wala ng iisipin pang problema.
Matapos kong magmuni-muni sa salas ay napagpasyahan ko ng umakyat sa taas para makapagpahinga. Sigurado akong mamaya pa darating yun si Dharenz dahil kapag tungkol sa personal business niya ang usapan ay inaayos niya ng maigi ang lahat para hindi na lumala pa ang problemang 'yon.
Pagpasok ko sa kwarto ay agad akong nagtungo sa banyo para mag-asikaso. Balak kong mag-halfbath para maging maaliwalas ang katawan ko. Ganito naman ako kapag galing sa labas lalo na't nanggaling ako sa hospital kaya kailangan na maging malinis sa katawan.
Matapos kong mag-halfbath ay bahagya akong natigilan ng mapansin kong bukas ang sliding door sa may veranda. Hindi naman kasi nakabukas 'yon nung pumasok ako dito.
Natigilan ako ng bahagya dahil sa paglingon ko sa kama ay nandoon si Daria na prenteng nakaupo sa paanan ng kama namin ni Dharenz.
"Daria?" Gulat kong mahinang tawag sa kanya. "What are you doing here?" Tanong ko.
"I need your help mommy." Sagot niya sakin.
"What help? What's the problem?" Naguguluhan kong muling tanong sa kanya.
"Someone's enter on my rental apartment, the intruders who enter on my apartment isn't from Emperial." Seryosong paliwanag niyang sagot sakin.
"What do you mean?" Nagtataka kong tanong na sabi sa kanya.
"Last night pagkagaling ko sa amusement park kung nasaan nandoon rin sina kuya't mga kaibigan ko, pagkauwi ko sa rental apartment ko at hindi pa man ako nakakaakyat sa floor kung saan ako nagrerenta ay nakita kong bukas ang ilaw. As far as I remember ay naka-turn off ang lahat ng ilaw nung umalis ako nung gabing yun dahil may mga taong naghihintay noon sakin sa labas kaya ako umalis sa lugar na yun ng pansamantala pero hindi ko aakalain na babalik sila. Isang oras akong naghintay sa di kalayuan ng apartment building ko hanggang sa makita kong umalis na sila. Sa fire exit ako dumaan para makapasok sa apartment ko at sa pagpasok ko ay sobrang gulo ng apartment ko as in disaster. Help me mommy, na kung pwede ay hanapan mo ko ng matitirhan na walang makakahanap at makakakita sakin yung hindi rin ako makikilala ng kahit na sinong tao." Mahabang paliwanag niyang sabi sakin.
"I'll help you with that okay, just have a rest first." Sabi ko sa kanya at sumenyas na magbibihis na muna ako sandali.
Matapos ng ilang minuto para magbihis ay lumabas na ako sa closet room ko. Nandoon pa rin si Daria habang kinakalikot ang cellphone niya.
Nagtungo naman agad ako sa lugar kung saan nandoon ang safety vault ko para kunin ang isang key card ng condo unit na binili ko noon. May sariling mga condo unit ang mga anak pero yung kay Daria ay hindi niya basta basta magagamit 'yon sa ngayon dahil mga problema pa siyang dapat na resolbahan.
"What is this mommy?" Tanong niya sakin matapos kong iabot sa kanya ang key card.
"One of my condo unit that I buy, don't worry dahil pangalan naman ng Tita Elisse mo ang owner ng condo unit na yan kaya siguradong safe ka sa lugar na yan. Sa basement 2 ay may kotseng naka-parking doon na pwede mong magamit, at ito ang susi." Paliwanag kong sabi sa kanya at iniabot na ang susi ng kotseng sinasabi ko.
"Thanks for this mommy, thank you for your help. I owe you a lot for this."
"Be safe always, Daria. Ikaw lang ang nag-iisang prinsesa ng buhay namin kaya ingatan mo ang sarili mo. Limang taon ka na naming hindi naaalagaan ng kuya't daddy mo. Alam kong kaya mo na pero hindi mo pa rin maiaalis sakin ang hindi mag-alala bilang mommy mo." Nag-aalala na tonong sabi ko sa kanya.
"Don't worry mommy because I'll always taking care of myself, hindi na ako yung dating Daria na may pagka-clumsy sa lahat ng bagay. Marami ng nagbago sakin sa nakalipas na limang taon." Paliwanag niyang sagot na sabi sakin.
"I knew that Daria.. pero hindi mo pa rin maiaalis sakin bilang nanay mo ang mag-alala dahil ikaw lang sa pamilya natin ang nag-iisang prinsesa namin ng kuya't daddy mo."
Napansin ko naman ang pag-ngiti niya ng patago sa mga salitang sinabi ko sa kanya.
"I have to go mommy, kailangan kong kunin ang iba pang mahahalagang gamit ko sa apartment para lumipat na sa condo unit na sinasabi mo."
Napatango-tango naman ako ng bahagya bilang sagot sa kanya. Sumenyas na lang ako sa kanya ng 'GO' para makaalis na siya pero sa secret door ko siya pinadaan na nakatago sa closet room ko kung saan ako sa kanya nakipagkita noon.
Matapos makaalis ni Daria ay siya namang paglingon ko sa pintuan dahil may biglang kumatok.
Tumayo naman ako mula sa pagkakaupo sa paanan ng kama para pagbuksan ang taong kumakatok.
"Hello wife." Bungad ni Dharenz sakin at humalik sa labi ko.
Pumasok na siya sa loob at agad na nag-asikaso ng sarili niya. Hindi ko na muna siya kinausap dahil halata sa boses niyang pagod siya.
Napapailing na lang rin ako sa kanya dahil mas dinaig niya ako sa sobrang pagka-workaholic.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (173)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
May chapter pa po ba to? San po ang continues? Please 😔
29d
0Ang gandaa kaya please po pa update sa next chapter huhuhu
23/09
0pls pa update nmn Ang Ganda Ng story kaso bitin
15/08
0Tingnan Lahat